Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

Napabalikwas nang bangon sa higaan si Sylvana nang marinig ang bato na tumama sa bintana niya.Kung minamalas nga naman.Napairap muna siya bago tumayo. Kilala naman niya kung sino ang mapangahas na gumagambala sa pagtulog niya.Pinagisipan pa niya kung bubuksan niya ang bintana.Nakita niya ang tauhan ng rancho na nagroronda at siguradong maamoy nila ang sira-ulong lalaking ito kapag hindi niya pinapasok. May walong beses na niyang naipahabol sa mga Dobberman si Santino at laging hindi maganda ang kinalabasan.


“Syl! May sasabihin lang ako...Dali na...’yung mga aso!” Pabulong pero dahil sa katahimikan ng paligid, rinig ito ni Sylvana. 


“Tumawag ka na lang sa cellphone! Umalis ka na!”


“Importante promise.”


“Wala akong pakialam! Umalis ka na.”


“Syl naman...”


“Santino, kapag hindi ka umalis ngayon dito, ako mismo ang babaril sa’yo.” Nagmula sa ibaba ang boses.Nagising pala si Don Fabro.Dali-daling umalis ang binata at saka lang natahimik si Sylvana. Maya-maya pa ay kumatok ang matanda sa kwarto niya. 


“Anak, ayos ka lang?” Tumango lang siya. 


“Sorry po naistorbo pa kayo.”


“Mabuti naman at hindi ka nagpapauto sa Santino na ‘yon. Huwag mong kakalimutan kung anong ginawa niya.Iniwan ka niya Van. Nagpakasarap siya sa ibang bansa habang ikaw, naghihirap dito. I could have sent you anywhere you want pero ayaw mo...”


“Hindi ko naman po kayo kayang iwan mag-isa dito, Papa. Isa pa, wala naman akong kasalanan.Edited ang video na ‘yon.Siguro nga mali ang ginawa namin pero wala naman kaming tinapakang ibang tao.Sila ang nanapak sa pagkatao ko. They treated me like trash kahit na hindi naman nila alam ang buong kwento.” Halos magsugat ang mga kamay ni Sylvana dahil sa pagtikom ng kaniyang mga kamao tumusok ang kuko niya sa palad niya. 


“Mabuti kang anak. Pero kung kailangan mo umalis para maging masaya.Sabihin mo lang.May mga nurse naman na pwedeng mag-alaga sa ‘kin. Malay mo, isa pala sa kanila ang forever ko.” Natawa na lang si Sylvana. 


“Pa naman.Matanda ka na para maghanap ng forever.Ako na lang po ang forever daughter nyo. Tulog na kayo.” Yumakap si Syl sa ama at saka ito inihatid sa kwarto.


“Goodnight hija. Mahal na mahal kita.”


“Goodnight Papa. Mahal ko rin po kayo.” 


Pagbalik ni Sylvana ng kwarto ay muntikan na siyang himatayin sa gulat.Ang lalaking pinaalis nila ilang minuto lang ay nakahiga na at prenteng prente sa kama niya. 


“Gago ka talaga! Ang kapal ng mukha mo.Umalis ka na nga!”


“Shhh... huwag ka naman maingay.Ang hirap pumuslit papasok dito tapos bubukuhin mo lang ako...Gusto lang kita makausap. Magpapaalam lang ako.” 


“O paalam! Alis na!” 


“Syl naman...” Napahilamos ng mukha si Sylvana sa sobrant inis. Naiirita siya tuwing tinatawag siyang Syl.Si Santi lang ang gumagamit noon dahil Van naman talaga ang palayaw niya. 


“I’ll give you 2 minutes.”


“Ang bilis naman...”


“1 minute and 30 seconds.”


“Grabe ang bilis!”


“Bwisit ka talaga! Kung nagsasalita ka na ba eh di tapos na!” Napatingin si Santi sa suot ni Sylvana at napalunok ito. Manyakis talaga!


“Ah...eh...ano kasi...magpapaalam lang ako.Aalis ako mga dalawang buwan din tayong hindi magkikita.”


“Eh ano naman ngayon? You were gone for three years na hindi ka nagpaalam tapos ngayon feeling close ka magpapaalam ka pa?” Naghalukipkip siya ng braso para takpan ang dibdib niya.Wala siyang suot na bra sa ilalim ng oversized t-shirt niya. 


“Pinuntahan kita bago ako umalis non. Bakit ba ayaw mo maniwala? Ayaw mo raw akong makausap.Nagpadala pa ako ng mga sulat, hindi ka naman sumagot.”


“Stop spewing lies dahil wala naman nang mangyayari sa mga sinasabi mo.I don’t care and I won’t care.Kaya sige na, please lang Santino, get off my bed, get out of my room and stay the hell out of my life!”He stood up and walked towards her.Sa mga mata niya kita ang determinasyon ng mga salitang binitiwan niya.


“Pagbalik ko, Sylvana, I’ll claim what’s mine.At kapag nangyari ‘yon.Hindi na importante kung sinong talo o panalo...”Sa isip ni Santi ay idinugtong niya ang hindi niya mabanggit.Mapasaakin ka lang muli.


“Ang dami mong satsat.Umalis ka na tapos na ang two minutes mo.” Use the front door.Tulog na si Papa. Gumilid si Sylvana para bigyan ng daan si Santino.Iniwasan niyang tingnan ito.


“Syl...miss na miss na kita.” Bulong nito bago tuluyang lumabas ng silid. 


Kapos ang hininga na nahiga siya sa kama.Inihagis niya sa sahig ang unan na ginamit ng lalaking mayabang dahil ayaw niyang maamoy ang pabango nito.Pigang piga man ang mga luha niya at hindi na niya makuhang umiyak, pero hindi niya mapigilang maisip ang nangyari ilang taon na ang nakalipas. 


Gamit ang motorsiklo niya, tinungo ni Sylvana ang El Rancho DLG para makaharap ang taong sumira ng buhay niya.Kalat na kalat na sa buong comunidad nila at sa buong Cavanah Valley ang nangyari sa kanila ni Santino.She’s being treated as a slut and cheater.Akala ng mga tao ay ipinagbili niya ang panalo nila para lang sa isang gabi kay Santino.Kaya’t hindi na ipinatuloy ang championship game.


Pagdating ng bahay ay diretso siya sa kwarto kung saan nagsimula lahat ng kalbaryo niya.Doon nakahiga at puro pasa at bugbog ang lalaking kinamumuhian niya.


“Gago ka! Bakit mo ginawa ‘yon?!” Hindi na niya napigilang umiyak lalo na nang tangkain ni Santi na lapitan siya at kausapin.


“Syl...hindi ko alam na may nagnakaw ng videocam ko. Para sa akin lang dapat ‘yon. Hindi ko intensiyon na makita ng iba. Maniwala ka please...Hindi ko gagawin sa’yo yon.Sa atin...” Napaatras si Sylvana at napasandal sa pintuan.Sapo ang kaniyang ulo, napasalampak siya sa sahig.Hindi siya makapaniwala sa narinig. Gusto niyang itanggi ni Santi na may kinalaman siya sa video recorder pero totoo pala na sa kaniya ‘yon.


“Why do you have to record that? Gagawin mong porn ang nangyari sa’tin? O gagamitin mong pang-blackmail sa’kin in the future? Tangna Santi! I trusted you! Buong pagkatao ko ipinagkatiwala ko sa’yo.Pati katawan at kaluluwa ko! Tapos ano? Babuyin mo lang pala? You didn’t even have the balls to be there with me habang kinakausap ako ng Committee at ng Papa ko! Wala ka habang ako napapagbintangan na cheater at slut! Nasan ka? Nandito!”


“May iba pang video Syl.Putol ang inupload nila.They threatened me na ilalagay nila nang buo pati ang iba pang kuha natin sa kwartong ito kung lalabas ako.”


“At nakuha mo pang magimbento ng conspiracy theory! What difference would it make huh? Wala. Dahil kahit ilang video pa ang lumabas at mabura.I’m already ruined and you...made...that...happen.” Tumayo na si Sylvana ngunit nabitiwan niya ang susi ng motor niya.Mabilis na kinuha ni Santi ‘yon at ibinulsa.


“Hindi ka aalis dito.Hindi mo ‘ko iiwan. I love you. Mahal kita at nasasaktan ako na makita kang nagkakaganyan dahil sa kagagawan ko.I’m sorry.I’m really sorry.” He hugged her pero hindi siya nagpatinag. Hindi siya gumalaw. Nanghihina siya sa sobrang galit at hinagpis.


“Mahal? Hindi ka marunong magmahal!Baka libog lang ‘yan at hindi pagmamahal.Dahil kung mahal mo ‘ko, hindi ka gagawa ng kahit anong bagay na ikapapahamak ko. Santino, bitiwan mo ko.”


“Syl, please maniwala ka.I love you. I’m sorry.”


“Sayang lang Santi kasi sasagot pa naman sana ako ng I love you too kung iba lang ang sitwasyon.Pero ngayon, sagad sa buto ang pagkamuhi ko sa’yo.I hate you so much it hurts just knowing that you exist! Let go of me. Last call.” Lalo pa hinigpitan ni Santi ang yakap.Sa posisyon nila, may advantage si Sylvana at ginamit niya ito. Tinuhod niya ang gitna ni Santi.Malamang mabaog na siya dahil sa sobrang lakas ng impact. Namilipit ito sa sakit at napahiga sa sahig.


“Syl...”


“It’s Sylvana for you. Don’t ever talk to me like you know me.”


Paglabas ni Sylvana ng kwarto ay saka niya naalala ang susi ng motorsiklo niya.Hindi na niya binalikan.Nilakad niya ang ilang kilometrong daan pauwi sa kanila.She needed the time alone at ginamit niya ang pagkakataon na ‘yon para mag-isip. She decided to accept the consequences of her action.Hindi man siya makapaglarong muli ng Polocrosse, pwede pa sa ibang sports.That will be her goal.Tapusin ang kurso niyang Accountancy sa kolehiyo at maging magaling sa lahat ng bagay na pag-aaralan niya maging ang pagrarancho. That day, a new Sylvana was born. Iyong hindi nagpapaapak kahit kanino.Palaban at hinding hindi na muli magpapauto kahit kanino.


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018