Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

Sa kuwarto ni Sylvana sa Rancho Ramirez sila nagpalipas ng gabi. Buong magdamag na binantayan ni Santi ang asawa na patuloy ang pagluha dahil sa mga nalaman. Nang makatulog si Syl mga alas-singko ng madaling araw ay agad nitong pinuntahan ang safe ng matanda na nasa loob ng library ng bahay. Sinabi sa kanya ang code kaya’t nabuksan niya ito kaagad. Sa loob nito ay nakuha ni Santi ang ilang tapes na matagal niyang hinanap. Naalala niyang nagbayad siya ng malaking halaga para makuha ang original copies noon pero iba ang nakuha niya. He not only recorded their first and last night together but also their make out and petting sessions. Kaya natakot si Santi noon na kumalat pa ang ilang videos. He had two weeks worth of recordings on his hands. Kasama ang mga ito ng video camera bag na kasabay na ninakaw mula sa kuwarto niya. Sa loob ng safe ay nandoon rin ang photo album nila ni Sylvana. Masinop siya sa mga bagay na may kinalaman sa asawa kaya’t pinagsama-sama niya sa isang album ang mga litrato nila simula pagkabata hanggang sa maging malapit sila sa isa’t-isa. Matagal rin niyang hinanap iyon at hindi niya inaasahan na kay Don Fabro pala niya makukuha.


May isang kahon pa sa loob ng safe. Nang buksan ito ni Santi, tumambad sa kanya ang mga sulat na ipinadala niya kay Sylvana noong nasa Saudi pa siya. Tikom ang kamao at nanumbalik ang galit, hindi napigilan ni Santing ibato ang isang tape sa loob papunta sa litrato ng matanda na nakabitin sa dingding ng library.


“Masyado kayong pakialamero.Ilang taon kaming naghirap dahil sa kasakiman mo. Sakim ka sa pagmamahal. Hindi mo pinahalagahan ang sarili mong anak. Kung nasaan ka man, sana matahimik ka kahit na hindi karapatdapat sa mga katulad mo.”


Alam niyang hindi na makasasagot pa ang namayapa na pero kailangan niyang ilabas ang galit na nararamdaman niya.Kaya pala kahit anong gawin niya noon ay hindi siya magawang kausapin ni Sylvana.Dahil pala ito kay Don Fabro.


He took out all the contents of the safe and placed them in one box. Doon sa dulo ng safe ay may isang sulat na nakapangalan sa kanya. Hindi sana niya babasahin dahil sa hindi naman nito mababago ang kahit anong bagay na nangyari na, but curiousity won over. Naupo siya sa silya at binuksan ang liham.


Santino,


Marahil nagtataka ka sa pagliham kong ito sa ‘yo. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumusulat gayong hindi mo naman ito mababasa. Gusto ko lang mailabas ang mga saloobin ko kung bakit ko nagawa ang mga bagay na nagpahirap sa inyo ng aking anak.


Makasarili ako pagdating sa anak ko. Noong lumalaki siya sa piling ng pamilya mo, natakot akong baka dumating ang araw na mas maging masaya na siya sa inyo. Nang magkamabutihan kayo, laging nakangiti ang anak ko at mas naging inspirado siya sa lahat ng bagay. Nagselos ako dahil kailanman, alam kong hindi ko maibibigay sa kanya ang ganoong klase ng kaligayahan.Pakiramdam ko noon ay pabigat ako kay Sylvana dahil sa katandaan ko. May mga araw na hindi niya ako napapansin dahil abala siya sa inyo. Nagsimula akong magpanggap na may kung anu-anong sakit para alagaan niya at magkaroon siya ng oras sa akin. Alam kong masama ang tingin mo sa akin dahil sa mga nagawa ko, pero hindi ko masisi ang sarili ko. Lumaki akong mag-isa, ulila at walang pamilya. Nagsikap ako para umunlad ang buhay, at ang lahat ng naipundar ko ay para sa nag-iisa kong anak na unti-unting nawawala sa akin. Paano na lang ako kung mawawala siya?


Isinulat ko ang liham na ito ngayong araw na natuklasan kong nawawala ang mga apo ko.Hindi ko ginustong mapalayo sila. Pinalabas ko mang patay na sila, ginawa ko lang iyon para mapabuti si Sylvana.Sobrang paghihirap na ang dinanas niya. Alam kong may pagkakamali ako roon pero ano pa bang magagawa ko kung hindi ang ipagpatuloy na lang ang lahat ng kasinungalingan ko.


Ipinaalaga ko ang kambal sa mag-asawang binayaran ko ng malaking halaga, ang perang ibinayad mo noon sa akin para sa mga video tape ang ginamit ko Santino. Pero traydor ang mag-asawa. Tinangay nila ang mga bata. Nag-aalala ako dahil may kakaibang sakit ang apo kong babae, may deperensiya ang mga mata niya na nais ko sanang ipagamot kapag nakaluwag-luwag na. Hindi ka man maniwala, napamahal na sila sa akin. Noon ay araw-araw ko silang pinupuntahan, ngunit naging abala ako kay Sylvana kaya’t hindi ko na sila nabantayan.Natakasan nila ako. Ipapahanap ko sila at babawiin ko ang mga bata.


Ang pambubugbog na dinanas mo noong araw na lumabas ang eskandalo ay kagagawan ko rin. Binaboy mo ang pagkatao ng anak ko. Hindi ko man sinadya ang pamamaraan na ipakalat ang video na iyon, wala na akong nagawa. Kaya siniguro ko na lang na hindi mo mapupuntahan at madadamayan si Sylvana sa pinakamasakit na araw ng buhay niya dahil kung nagkataon, wala ring saysay ang kaguluhan at malaking kahihiyan bunga ng paghihiwalay ninyo. Si Toro ang kumuha ng video recorder mula sa kuwarto mo. Siya rin ang inutusan ko para saktan ka.


Siguradong sagad sa buto ang galit mo sa akin dahil sa mga nagawa ko at hindi na ako hihingi ng kapatawaran dahil alam ko namang hindi mo ito makakayang ibigay.


Kung sakaling mawala ako sa mundo at magkabalikan kayo ng anak ko, doon lang ako mapapanatag dahil alam ko na mahal na mahal mo siya. Iyon ang pangunahing dahilan kung bakit ayaw ko sa’yo. Sakim ako at gahaman sa pagmamahal niya, oo, dahil ang tanging kayamanan ko lang ay si Sylvana. Kaya’t kung darating ang panahon na pipiliin niyang makasama kang muli, alagaan mo siya nang higit pa sa buhay mo, bagay na hindi ko nagawang ipagkaloob sa anak ko.



Fabro



Nilamukos ni Santino ang papel at itinapon sa kahon. He took his phone from his pocket at hindi alintana na madaling araw pa lamang. Tinawagan niya ang abugadong naglalakad ng adoption nila Zarina at Dennis. Sa ika-apat na ring ay sumagot ang abogado.


“Attorney Vicente, pasensiya na po at maaga masyado ang tawag ko. May nalaman lang akong maaring makatulong sa atin.”


[“Wala pong problema, gising na ako at nag-jajogging. Ano po ang natuklasan ninyo?”]


“Si Zarina at Dennis. Malakas ang kutob kong kambal sila.Naipagawa na ba ang DNA Testing? Kung maaari, magpagawa kayo ng isang lihim.Ipapares natin sa DNA namin ng asawa ko.Nararamdaman kong sila ang nawawala naming anak.”


[“May masama po akong balita, nawawala ang dalawang bata. Kagabi lamang nang tumawag ako sa ampunan ay sinabing naglayas daw ang dalawa dahil ayaw sumama sa nagpakilalang mga magulang nila. Ngayong umaga dapat sila susunduin ng mag-asawang kumukuha sa kanila.”]


“Five years old lang ang mga bata! Paano sila mapupuslitan ng mga limang taong gulang?”Napatayo si Santino at nagpalakad-lakad sa library. Hindi siya makapaniwala sa mga naririnig. Saan niya hahanapin ang dalawang bata?


[“Ayon sa madre, sumakay daw yata sa van na nag-deliver ng mga donasyon galing sa Maynila.”]


“Shit! Maynila? Kagabi pa umalis? Bakit hindi ninyo itinawag kaagad sa akin?”


[“Out of coverage area po kayo kagabi.Ipinahanap ko na sila sa mga tauhan natin. Nakuha ko ang plate number at iyon ang hinahanap nila ngayon. Babalitaan ko po kayo kapag may update na.”]


“Sige, Attorney. Kapag nahanap natin sila, isagawa kaagad ang sinabi ko.Kailangan nating mapatunayan ang pagkatao ng dalawang bata. Ano nga po palang pangalan ng mag-asawang nagpakilalang magulang nila?”


[“Kristine at Jonathan Domingo. May-ari sila ng chain of hotels sa Baguio at Cebu.”]


“Salamat Attorney. Balitaan ninyo na lang ho ako kaagad.”


Nang maputol ang tawag ay naupo muli at sumandal si Santino sa swivel chair. Si Toro, kailangan niyang makausap. Pero kailangan muna niyang mahanap ang dalawang bata.Domingo? Kamag-anak kaya ito ng ina ni Sylvana o kapangalan lang?


Hawak ang kanyang sentido dahil sa biglang pagsakit nito bunga ng mga kaganapan, hindi niya napansin ang taong pumasok sa silid at marahang nagpunta sa may likuran niya dala ang isang lubid.





  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018