Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?


“What do you mean you can’t find her?” Nagpalakad-lakad si Sylvana habang kapit ang likuran at sapo ang malaking tiyan. Kabuwanan na niya kaya’t mabigat na mabigat na ang pakiramdam at palaging masakit ang kanyang likuran.

[“Naglayas yata si Dani. Kagabi, parang malungkot siya tapos tinatanong ko kung anong problema niya hindi naman sumagot. Sabi niya pagod lang daw siya sa school.]

“Toro, pahanap mo na sa mga tauhan mo. Baka kung saan magpunta ‘yon.” Ilang buwan matapos lumabas ni Daniela ng ospital ay kay Terrence ito tumira. Naalala pa ni Sylvana ang una nilang pag-uusap na puno ng luha at pighati. Nagkaintindihan sila at nagkaunawaan. Kapwa galit si Terrence at Daniela kay Don Fabro kaya’t mas nagkasundo ang dalawa at dahil hindi palaging nakakabiyahe si Sylvana ay madalang lang silang magkausap. Puro sa cellphone at video calls lang sila nagkukuwentuhan na magkakapatid.

[“Hinahanap na nila. May nasabi siya sa’kin the other night. Gusto niya raw magsimula muli. Hindi ko maintindihan pero parang may kinalaman ito. She wanted to start anew na malayo sa lugar na ‘to. Tinanong nga niya ‘ko kung magkano raw ba magrenta ng bahay. Sabi ko naman hindi ko naman siya sinisingil at parte siya ng pamilya.”]

“Baka naglayas nga. May pera ba siya? Hanapin mo na. Baka kailangan ng tulong.”

[“Huwag ka nang mag-panic. Ako nang bahala. Kabuwanan mo pa naman tapos nagpa-panic ka.”] Napasigaw si Sylvana at napakapit sa balustre ng hagdanan kung nasaan siya. Agad namang nagpuntahan ang mga kasambahay sa Rancho kung saan sila namamalagi. Nabitiwan ang telepono kaya’t naputol na ang tawag.

“Van? Nag-rupture na ang panubigan mo!” Nagulat si Dominika sa pag-agos ng tubig mula kay Sylvana. Humahangos naman paakyat si Santino na nanggaling sa kusina.

“Sa ospital na tayo. Ma, kayo po muna ang bahala sa kambal. Si Luis na po ang kasama ko. Iniikot na niya ang sasakyan.” Tumango si Dominika at inihatid sila hanggang sa makababa ng hagdanan at makalabas ng bahay. Marahang binuhat si Sylvana ng asawa at dinala sa kotse. Si Luis ang nasa manibela para mabilis magpatakbo at makarating sila kaagad.

“Kapit lang, Ate Van.” Napangiti si Sylvana kahit humihilab na ang tiyan.

“Kakapit talaga kami dahil papaliparin mo na naman ‘tong sasakyan.” Bulong ni Santino na mas nanlalamig pa ang kamay kaysa kay Sylvana. Tama nga na si Luis ang nagmaneho dahil ilang minuto lang ay nakarating na sila sa ospital.

Sa Cavanah Valley Hospital ay nakahanda na ang operating room kung saan gagawin ang ceasarian operation para maipanganak ang bago nilang sanggol. Kung noong unang nanganak si Sylvana ay wala siyang katuwang kung hindi ang kanyang ama, ngayon naman ay ang asawa na niya ang kanyang kasama. She was panting and controlling her breathing kagaya ng napag-aralan niya sa La Maze sessions nila ni Santino. Kahit masakit at humihilab ang tiyan, she felt happy dahil finally ay makikita na nila ang kanilang bagong supling. Hanggang sa loob ng operating room ay kasama ni Sylvana ang asawang namumutla sa takot. Kampante siya na kahit na nanginginig ang asawa ay hindi siya nito iiwan at pababayaan. Hanggang sa umepekto ang pampatulog na itinurok sa kanya ay hawak pa rin ni Santi ang kanyang kamay.

Pagkadilat ng mga mata ni Sylvana ay nasa private room na siya.

“Syl,” Paglingon niya sa bandang kaliwa ay nakaramdam ng kakaibang kaligayahan si Sylvana. Kalong ni Santino ang maliit na bungkos na anghel. Nakabalot ito ng asul na blanket at ang ngiti sa mga labi at naluluhang mata ng asawa ay testamento ng lubos nilang kaligayahan.

“It’s a boy?” She whispered when they approached her. Marahang inilapag ni Santi ang kanilang supling sa mga bisig ng asawa. She was in awe. Napaawang ang mga labi sa pagkakita ng baby na ilang buwan niyang dinala sa sinapupunan.

“Nanalo ka na naman. You wished for a boy, now you have another one. Lalaganap na naman ang lahi ng mga Arguello.” She told him with a smile on her face.

“Kahit naman girl or boy, I’m still the happiest man because our baby is healthy and my gorgeous wife is safe. Thank you so much for giving me something so precious as this little one.” His voice was hoarse and she felt the love emanating from him with the way he was looking at her and their baby.

“Thank you for not giving up on me and on our love for each other. O, may basketball team ka na. Half court nga lang. 3 on 3 kayo ni Dennis. May pangalan na ba ang baby natin? Ikaw ang magpapangalan kapag boy, ‘di ba?” He kissed her lips kaya’t hindi na siya nakapagsalita pa. He was very careful not to lean too close upang hindi maipit ang baby.

“Wow. Kisses ba ang name ng baby natin? Pang-girl ‘yon, eh.” She joked and he laughed.

“Drake Arguello.” Sylvana smiled upon hearing the name.

“Nasabi mo ba ‘yan kay Mama? Baka—.” He sighed and nodded his head.

“Nagpaalam na ‘ko. Ayaw niya noong una pero nang kausapin siya ni Papa, pumayag na rin. Alam kong masakit pa rin para sa kanyang maalala na namatay ang isa naming kapatid nang ipanganak niya pero sabi niya baka raw simula na para mag-move on na siya. It’s been years. Matanda na rin si Dom. Walang nakakaalam na may kakambal dapat siya kung hindi tayo lang na pamilya. I think this is something that we have to do para mas maghilom ang sugat ni Mama. Makakabuti rin na makakasama natin si Mama mag-alaga kay Drake.” He looked at their baby at inabot ang maliit na kamay nito. Automatic namang kumapit ang baby sa daliri ni Santi. Pride welled in her heart upon seeing him and the baby bond kahit na kakapanganak pa lamang.

“You’re really good with babies and kids. Mukhang mapapayag mo ‘kong gumawa pa ng isa pang muse o star player. I love you so much.” Those words were enough to earn her another toe curling kiss from her husband. Hindi man ito sumagot ay ipinaramdam naman sa halik ang lubos na pagmamahal. Hindi pa sana sila maghihiwalay kung hindi nila narinig ang pag-ubo mula sa likuran.


“Kuya, Ate Van, si Toro nasa labas. Pinasilip muna ko rito baka raw kasi may milagro. E may milagro nga. Patingin ng pamangkin kong manang-mana sa Tito Pogi.” Napailing na lang si Van sa bayaw. Kung lahat sila ay Tito Pogi ang itatawag sa Arguello brothers ay malilito ang mga anak niya sa tunay na pangalan ng mga tiyuhin. Humalik muli sa noo ni Syl si Santi bago lumayo para bigyan ng espasyo ang bunsong kapatid na gustong sumilay sa pamangkin. Tinungo naman ni Santi ang pintuan para papasukin ang kakambal ng misis.


“Tol, tara na sa loob.” Hindi pa nakakabalik si Santi sa loob ay tinapik siya ni Toro sa balikat. “Bakit?”


“Si Daniela nahanap ko na. Kaso ayaw na niyang bumalik. Pinuntahan ko siya kanina at kinausap. She wanted time and space away from all of us. Hindi naman daw niya kami itinatakwil at nagpapasalamat pa nga siya na inaalagaan namin siya. Nahihiya lang siya sa mga nagawa niyang kasalanan.”


“Sabi nga nila, time heals even the deepest of wounds. Baka oras lang talaga ang kailangan niya. Let’s give her time to heal and if going to a place where she can start fresh will help her, then so be it. Ako na ang bahala kay Syl. She’ll understand.” Alam ni Santino na maiintindihan ng asawa ang ginawa ni Daniela dahil maging siya rin noon ay lumayo para tuluyang maghilom at makabangon.


“Salamat, Tol. Now, show me my guwapong pamangkin. Balita ko lalaki raw, ah. Naka-jackpot ka na naman, Arguello.” Santino had to smirk at that. Totoo namang naka-jackpot siya. Simula pa lang kay Sylvana at sa masaya nilang pamilya ay panalong panalo na siya. Ilang beses na higit pa sa pagmamahal at pag-aalagang itinaya niya ang nakubra niya.





***

Author's Note: Thanks for reading"The Rugged Herdshire" here in NoInk.ph.


 




  • (7 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018