Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

Pakiramdam ni Sylvana ay may mabigat na nakadagan sa kaniya. May naaamoy rin siyang mabango na pamilyar pero hindi niya mawari kung ano. Didilat na sana siya nang biglang sumakit ang ulo niya.Hangover? May hangover siya dahil saan? She tried to sit up pero sumakit muli ang ulo niya.Nakakapagtaka pa na may parang pumipigil sa kaniya para bumangon. She forced her eyes open at bumungad sa kaniya ang isang bangungot. With enough force na kaya ng sumisikdo niyang ulo, she slapped the man that was pinning her on the bed. Sapul ito sa ulo. Hindi pa nasiyahan si Sylvana, piningot niya pa ang tenga ng walang hiyang lalaking nakahiga sa dibdib niya.Kung marami lang siyang lakas, gugulpihin pa niya ito hanggang hindi na makagulapay. 


“Aray! Ang aga-aga nanakit ka!” Nakuha pang mag-inat ni Santino at umayos ng higa sa tabi ni Silvana kahit na nanlilisik na ang mata ng huli. 


“Ang kapal mo naman para ikaw pa ang magreklamo hayup ka! Anong ginawa mo sa’kin?! Bakit ako nandito?!” Marami pa sana siyang sasabihin kaso ay sumakit na naman ang ulo niya.Napapikit siya at napahiga muli sa kama. Kinapa niya ang katawan niya kung may suot ba siyang damit. Nakahinga siya ng maluwag nang marealize na suot pa rin niya ang damit niya noong gabi. 


“Masakit ang ulo mo? Kundangan kasi ginawa mong juice ang cocktails kagabi eh ang daming vodka na nilalagay doon. Naka-anim ka pa! Ano uhaw na uhaw?” Dahil magkatabi lang sila, madali lang magawa ni Silvana na itulak ang lalaki at nahulog ito sa kama.


“Grabe ka! Nakikihiga ka na nga lang nang-huhulog ka pa!” 


“Huwag ka nga maingay ang sakit ng ulo ko!”May narinig pang kalabog si Sylvana bago muling nagreklamo si Santino. Kasabay ng paghawi niya ng lampshade. 


“Masakit na nga yung pagbagsak ko, dinagdagan mo pa! Buti hindi nabasag.” 


“Ang ingay mo kasi!” Tumagilid ang dalaga at nagtakip ng unan sa ulo.Hinila niya rin ang kumot dahil bigla siyang gininaw. 


“Wait here. Kukuha ko ng kontra hangover.” 


“Dapat kanina mo pa ginawa. Ang ingay mo!” 


“Wow! Thank you ah. Ikaw na nga itong tinutulungan...” Lumingon si Sylvana at tinapunan siya ng masamang tingin.Nagtaas na lang ng kamay ang binata at lumabas ng kwarto.Hahaba lang naman ang usapan kung sasagot pa siya. 


Pagbaba ni Santino sa kusina, nandoon ang buong pamilya niya.Napakamot siya ng ulo nang tanungin siya ng Mama niya kung anong kailangan niya. 


“Santi hijo? Buti naman bumaba ka na, tanghali na.Anong maipaglilingkod namin sa’yo?”


Nakangisi sa kaniya si Dom kaya sinipa niya ito nang madaanan niya.Natawa lang ang kapatid at kunwari ay umubo. 


“Ma, gamot po sa hangover at tubig. Baka pwede magpaluto ng chicken soup?” Nagtataka siya dahil nakangiti ang mama niya.Bakit parang ang saya nila?


“Hindi ka naman mukhang lasing.” Sabi pa ni Darius na natatawa lang. Mukhang pinagkakaisahan na naman siya ng mga kapatid. 


“Anak, sino ang kasama mo sa kwarto? Narinig namin kanina may kumalabog.” 


“Ha? Ah...Kasi Ma...ano po...” 


“Alam ko namang isang tao lang ang pinapayagan mong pumasok sa kwarto mo at mukhang hindi naman siya ‘yon.So, sino nga ang kasama mo?” His father was riling him up.Mukhang alam na nila. Kumuha ng tubig si Santi mula sa ref at nagsalin sa baso.Bigla siyang nauhaw dahil sa mga tanong nila na hindi niya alam kung paano sasagutin. 


“O siya, tama na nga, Pa.Mukhang naiihi na sa interrogation itong anak mo.O, heto ang gamot, tubig at soup. Naihanda ko na kanina pa.Kapag maayos na si Sylvana, pababain mo kaagad dito para makapagkwentuhan naman kami.” Naibuga ni Santi ang tubig nang marinig ang sinabi ng mama niya.Nagtawanan naman ang mga kapatid niya pati ang Papa nila. 


“Alam niyo naman pala pinahirapan niyo pa ‘ko. Nagulpi na nga ako sa taas, pinagtripan niyo pa ako dito sa baba.” 


“Mabuti nga hindi ka tinadtad ng itak. Ang tapang kaya noon.Bakit kasi dito mo inuwi? Ang lapit lang ng kanila.” Kung kaya lang pumatay ng tingin, napabulagta na ni Santi ang kapatid niyang si Luis. 


“Joke lang Kuya. Umakyat ka na. Para mabigay mo na ‘yan.” 


“Salamat Ma. Akyat na po ako.” 


“Galingan mo anak ah.” Pang-aasar pa ng Papa niya na tinapik pa siya sa balikat bago iabot sa kaniya ang tray na may laman ng soup, gamot at tubig. 


Napailing na lang si Santi at saka bumalik na sa silid niya. When he reached his room, natutulog na naman ang bisita niya.Marahan siyang lumapit at inilapag sa bedside table malapit sa dalaga ang dala niyang tray.He slouched at the floor and stared at her.Kung sana kahit gising, ganito kapeaceful ang samahan nila, mas okay sana. Pero sabi nga, you can’t have everything that you desire, at isa si Sylvana sa hindi niya makuha. 


“Stop staring at me kung hindi tutusukin ko yang mga mata mo.” Napangiti si Santi.Kahit naman lagi siyang sinisigawan at minumura ng babaeng kaharap niya, naaaliw pa rin siya dito.Minsan nga sinasadya niya pang mang-asar para lang pansinin siya. Kung hindi, it would appear na hindi siya nageexist sa mundo na ginagalawan ng dalaga. 


“Your highness, nandito na po ang gamot ninyo, tubig at may bonus ka pang chicken soup na niluto ni Mama.” Biglang bangon si Silvana na lalong nagpasakit ng ulo niya. 


“Awww....” 


“Ayan. Inom kasi ng inom.”


“Bakit kasi di mo ko pinigilan nakita mo na nga nanood ka lang!” 


“Para namang makikinig ka sakin kung pipigilan kita?! Para ka na namang bata. Ako na naman sinisisi mo sa lahat.”


“Asan na ba ang gamot? Peste ka kasi dapat hindi mo ako pinapunta sa Bar na ‘yon. Lagi mo na lang akong ginagago. Tarantado ka talaga!”


“Nababaliw na yata ako pero I find it sexy whenever you curse at me.” Inabutan niya ng gamot at tubig ang babaeng nanlilisik na naman ang mga matang nakatitig sa kaniya. Luminga linga pa ito na parang naghahanap ng ihahampas kay Santino. 


“Peste ka! Nakakainis!” Lalo pang nakadagdag sa inis ni Sylvana nang subuan siya ng soup matapos niyang uminom ng gamot. 


“Kumain ka na. Sabi ni Mama pag okay ka na daw bumaba ka na para makapagkwentuhan kayo. Baka namiss ka.” Noon lang umamo ang mukha ng dalaga. 


“Bakit nila alam na nandito ako? Sinabi mo?” Kinuha ni Syl ang kutsara at siya na mismo ang nagsubo ng soup sa sarili niya. Bumalik naman si Santi sa tabi niya at nahiga. Aktong matutulog ulit. 


“Nope.Pagbaba ko, alam na nila.Baka sinabi nila Dom.”


“Bakit kasi dito mo pa ko dinala pwede naman sa bahay.”


“Magigising Papa mo, baka barilin pa ko pag nakitang lasing ka.Alam mo namang galit pa sa’kin ‘yon.” 


“Wow ah.Bakit tayo ba close na?”


“Pagod na ko sa away natin. Hindi pa ba natin pwedeng ayusin ‘to? Ilang taon na tayong ganito.” 


“Hindi mo na ako mauuto ulit Santino.Stop trying to manipulate me again kung ayaw mong mas tumindi pa ang galit ko sa’yo.” 


“I’m trying. I really am.Hindi ko lang kaya.”


“Pwes, kayanin mo dahil hindi na ako maniniwala sa’yo. Okay na’ko.Salamat sa tulong.” Kahit hindi pa naman talaga siya maayos, bumangon na si Sylvana.Lalo lang sasakit ang ulo niyakung magpapatuloy lang sila ng pag-uusap. 


“Hahatid na kita.”


“Huwag na. Kaya kong maglakad simula dito hanggang samin. Nakalimutan mo na ba na nagawa ko na ‘yon dati?” 


“Aaaaargh!” Napahiyaw sa ilalim ng unan si Santi dahil sa frustration.Pagbangon niya, wala na si Sylvana. Dali-dali siyang bumaba at nakitang niyakap ng mama niya ang babaeng nagpapasakit ng ulo niya. 


“Tita Dominika, aalis na po ako. Salamat sa soup at sa gamot.Pasensiya na po kayo.” 


“Stay for a while Van, ilang taon na rin tayong hindi nakakapagkwentuhan. Namimiss na kita.” Yumakap si Sylvana sa mama ng lalaking kinamumuhian niya.


“Next time po.Salamat po ulit.” Ayaw pa sana bitiwan ng mama ni Santi ang dalaga. 


“Ma, ihahatid ko lang si Syl.” Tumango lang ang ito at binitiwan na ang bisita. 


Magkasunod silang lumabas ng pintuan ng malaking bahay.Ilang kilometro rin ang lalakarin kung magpupumilit si Sylvana at naisip niyang lalo lang siyang mahihirapan.She swallowed her pride and allowed the insufferable man beside her to bring her home. Pagdating sa kotse na binasagan niya ng windshield, natawa siya dahil may plastic cover ito at duct tape sa gilid. 


“Natawa ka pa, ikaw may gawa niyan.” Pinasibad na niya kaagad ang kotse nang makasakay na silang dalawa.


“Ang panget ng pagkakagawa mo ah. Hanggang ngayon ang shunga mo pa rin sa art.” 


“Art ba yan? Maglalagay ng plastic cover at duct tape sa auto? Art?” Lalo pang umalingawngaw ang halakhak ni Sylvana dahil sa pagkapikon ni Santino. 


“Dalin mo na sa talyer. Sasabihin ko kay Roldan, bigyan ka ng discount, tutal ako naman ang hindi sinasadyang nakabasag niyan.”

Hindi alam ng binata kung saan siya mas maiinis, na hindi iaamin ni Syl na siya ang sumadyang bumasag ng salamin ng auto niya o ang manghingi siya ng discount sa Roldan na ‘yon.


“Huwag na.Ako na bahala. Lakas mo mang-asar eh.”


“O, nagmamagandang loob na nga ako, ako pa masama. Bahala ka.”


“Ang daming hihingan ng discount doon pa sa Roldan na ‘yon!” 


“Baliw ka ba?! Wala namang ibang talyer dito! Alangan sa bakery ako manghingi ng discount!”


“Baliw nga ako...baliw sa...”


“Salamat ah. Truce muna tayo ngayong araw lang. Game ka pa ba sa pustahan natin? Walang echos at walang dugasan?” 


“Ibabalik ko na lang ang cattles. No need to fight over something that wasn’t mine in the first place. Sa mga baka lang ‘yon applicable Sylvana. Tandaan mo.” 


Hindi na lang sumagot ang dalaga. Ayaw na niyang makipagtalo.Nakaquota na sila ng bangayan at hindi na rin kaya ng powers niya na makipagaway sa ngayon.Siguro kapag nakapagrecharge na siya. 


When they reached her house, nakaabang na si Don Fabro sa may pintuan. 


“Yari ka...” Namutla na si Santino habang natatawa naman si Sylvana. 


“Yari talaga ko...” Nag-sign of the cross pa ang binata bago bumaba ng sasakyan para harapin ang tatay ni Sylvana. 




  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018