Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

Sa El Rancho DLG na pagmamay-ari ng mga Arguello, naghihintay ang tatlong kapatid ni Santino sa pagbabalik niya. May practice sila at kanina pa nila hinihintay ang nakatatandang kapatid. Isang taon lang ang agwat nila sa isa’t-isa, kaya’t lumaki sila na parang magkakabarkada lang. 


“Kanina ka pa namin hinihintay. Saan ka ba galing?” Si Luis, ang bunso nilang kapatid.


“Kinausap ko si Sylvana.Kinukumbinsi kong ibenta ang lupa nila.” Sinipat ni Santi ang braso niya na napaso ng sigarilyo.Kung bakit naman kasi napanganga pa siya sa suot ng dalagang kinatagpo niya, nahagip tuloy siya ng upos ng sigarilyo. 


“Bro, bakit ba ayaw mong tantanan ang lupa ng mga Ramirez? Sabi naman ni Papa, ayos lang kahit hindi natin makuha ‘yon.” Bungad ni Dominic na kapatid ni Santi nang bumalik ito ng bahay matapos makipag-usap kay Sylvana.


“Dom, alam mo naman ang sagot, bakit mo pa tinatanong?”Nagtawanan silang tatlo sa sagot ni Darius, ang pangatlo sa apat na magkakapatid. 


“Tigilan niyo nga ako. Mamaya, ako muna ang kakanta.Si Luis muna sa drums.” Nagkatinginan na naman ang tatlo.Napakamot pa ng ulo si Luis dahil lagi niyang inaalok ang kapatid niya na kumanta at siya sa drums ng banda nila, hindi ito pumapayag. Ngayon, kakaiba yata ang ikinikilos ni Santi. 


“Kuya? May sakit ka ba? Bakit bigla-bigla yata.” Si Luis lang ang tumatawag sa kaniya na Kuya dahil siguro apat na taon ang agwat ng edad nila. 


“Basta.Tapos ito ang kakantahin natin.” Nagtawanan ang tatlo niyang kapatid nang mabasa ang mga titulo ng kanta na isinulat niya sa papel. 


“Potek tol! Bakit ito? Ayos ka lang ba? Mukhang may sakit ‘tong utol natin.” 


Tiningnan lang ng masama ni Santi si Darius bago ito lumapit para kunin ang gitara niya.Napaisip siya kung nakakatawa nga ba ang mga kanta na inilatag niya.Puro rock naman ang mga ito.Far Away ng Nickelback, How To Save a Life at Over My Head ng The Fray. Siguro nakakatawa ang pang-apat, Dying Inside To Hold You. Pero may magandang dahilan naman si Santi kung bakit iyon ang mga gusto niyang kanta. It’s all part of his plan. 


Walang nakakaalam na silang apat na magkakapatid ang banda na tumutugtog sa business venture ni Dominic na bar, ang Dodge Bar tuwing Biyernes ng gabi.They all wore masks to hide their identity.Bukod sa libangan lang naman talaga nilang apat ang pagbabanda at parang bonding na rin nila, ayaw rin nila ng spotlight.


“Basta minsan lang ako mag-request kaya gawin niyo na. Alam niyo naman ‘yan. Kungyari pa kayo.” Napailing na lang ang tatlo bago sila nagsimulang mag-ensayo. 


***

Nang gabing iyon, alas otso impunto ang pagsalang nilang apat bilang banda. Kinausap muna ni Santi ang waiter na dating kaklase niya noong hischool bago magsimula ang fist set nila. 


“Ruel, kapag dumating si Sylvana Ramirez, pakibigay ito. Pakisabi pinapabigay ko.” Inabutan pa niya ng pampadulas na 500 si Ruel para siguradong gagawin nito ang utos niya. 


“Sige tol. Salamat.”


Nasa entablado na sila nang dumating si Sylvana at nanuyo ang lalamunan ni Santi sa suot nito.Mukhang sinunod ng dalaga ang bilin niya.She was wearing a black tube blouse na may pagka-hanging.Siguradong kapag naglaban na sila ng darts ay aangat ang damit nito pagtira niya.Pares pa ng isang skinny jeans na itim rin at flat sandals. She looked ready to party.Sumenyas siya sa mga kapatid at nagsimula na silang tumugtog. Nakita niyang naupo si Sylvana sa isa sa mga silya sa harap nila at iniabot ni Ruel ang sulat na pinabigay niya. 


Syl, Enjoy the night. The songs are for you. I’ll be with you shortly.

PS. I’ll win this game, like I always do. - Santi


Nilamukos ni Sylvana ang papel at umorder ng cocktails. Doon na nagsimulang magbago ang expression ng mukha niya nang marining niya ang kanta na Far Away.


This time, this place misused, mistakes
Too long, too late, who was I to make you wait?
Just one chance, just one breath
Just in case there's just one left
'Cause you know you know, you know

That I love you I have loved you all along and I miss you
Been far away for far too long
I keep dreaming you'll be with me and you'll never go
Stop breathing if I don't see you anymore

On my knees, I'll ask last chance for one last dance
'Cause with you, I'd withstand
All of hell to hold your hand
I'd give it all I'd give for us
Give anything, but I won't give up
'Cause you know you know, you know

That I love you I have loved you all along and I miss you
Been far away for far too long
I keep dreaming you'll be with me and you'll never go
Stop breathing…


Sa pangalawang kanta na How to Save a Life ay nakakatatlong cocktails na siya. 


Where did I go wrong?
I lost a friend
Somewhere along in the bitterness
And I would have stayed up with you all night
Had I known how to save a life

Let him know that you know best
Cause after all, you do know best
Try to slip past his defense
Without granting innocence

Sa pangatlong kanta, Over my Head nakatulala na si Sylvana at nakatitig sa anim na baso nang cocktails na nainom niya habang nakikinig sa boses ng taong kinamumuhian niya.Hindi siya pwedeng magkamali. Kilala niya ang tinig na ‘yon.


Everyone knows I'm in
Over my head
Over my head
With eight seconds left in overtime
She's on your mind
She's on your mind

Let's rearrange
I wish you were a stranger I could disengage
Just say that we agree and then never change
Soften a bit until we all just get along


Sa ikaapat na kanta, Sylvana wanted to scream dahil sa frustration.Kung bakit kailangan of all nights, ngayon pa ginawa ni Santi iyon.Kung kailan may pustahan sila saka pa niya pinili na guluhin ang isip niya.Siya naman itong si gaga na nagpadala sa lahat. 


And i was dying inside to hold you
I couldn't believe what i felt for you
Dying inside i was dying inside
But i couldn't bring myself to touch you

You said hello then u asked my name
I didn't know if i should go all the way
Inside i felt my life have really changed
I knew that it would never be the same

Standing there i didn't know what to say
First time looked away when i whispered your name

One hello changed my life
I didn't believe in love at first sight
But you've shown me what is life
And I now i know my love

Hindi na tinapos ni Sylvana ang kanta.Naglagay siya ng ilang paper bills sa lamesa at saka tumayo.Wala na rin namang saysay kahit makipaglaban pa siya kay Santi ngayon. Siguradong matatalo na siya dahil sa dami ng nainom niya at sa mga nararamdaman niya. 


She’s already wearing her leather jacket and preparing to don her new helmet when strong arms grabbed her from behind. Kahit nakainom, malakas pa rin si Sylvana.Siniko niya at hinambalos ng helmet ang attacker niya kaso ay nakailag ito.


“Wait! Ako ‘to!” Mas lalo pa niyang gusto hampasin ng helmet ang lalaki kung hindi lang siya nanghihinayang dahil bagong bili niya ang hawak niya. 


“Gago ka! Tinakot mo ‘ko! Akala ko kung sino!”


“Wala namang gagawa ng masama sa’yo dito.Takot lang nila...” He looked at her pleadingly para hindi na siya bigwasan. 


“Takot kanino? Sakin? Santino, panalo ka na. I’m not in the mood to play darts with you anymore.Kahit kailan hindi ka marunong lumaban ng patas. You made me come here not to win a game but to be played with as one of your games. Hindi mo ako laruan Santi.”


“Gusto ko lang mapakinggan mo...”


“Ayoko! I came her for one purpose, at ang manalo sa Darts at mabawi ang mga pesteng baka na ayaw mong ibalik! Pero kung iba ang gusto mong laro, hindi ako available.Maghanap ka ng iba.” 


“I saw how you reacted to the songs. Why are you doing this? Why do you keep on pushing me away?”


“Seryoso ka sa tanong mo? Why don’t you ask yourself the same question.”Bahagyang napaurong na si Sylvana at napakapit sa ulo niya. Umeepekto na ang ilang baso ng cocktails na nainom niya.


“You’re drunk. Hindi ka pwede magmaneho.Iuuwi na kita.” He tried to grab her arm pero nagpumiglas ito at tumawa ng malakas. 


“Ikaw? Iuuwi ako? Nakakatawa...hindi ako...papayag...na sumama...sa’yo!” Nakakapit pa siya sa tiyan niya habang tumatawa. 


“Syl...let’s go. Ipapauwi ko na lang sa inyo ang motor mo.” 


“No...” 


“Sorry pero wala kang choice.” Binitbit ni Santi si Sylvana sa balikat at dinala sa kotse niya.Tawa lang ng tawa ang dalaga.Lasing na nga talaga. Inilapag ni Santi ang dalaga sa passenger side at sinuotan ng seatbelt.Noong una ay nakikipaghilahan pa ito pero kalaunan ay tumigil na rin. 


“Bro, pakiuwi ang motor ni Sylvana.Nasa may tapat lang ng poste. Nakalagay na ang susi doon kaya pakikuha muna baka manakaw.Nalasing eh iuuwi ko muna. Sa isang kotse na kayo sumakay.”


[“Saan mo naman iuuwi? Sa bahay natin o sa kanila?”] Nagtawanan pa ang nasa kabilang linya. Mukhang nakaspeaker phone pa siya at nasa dressing room ang mga kausap niya.


“Bahala na.” Pagkaputol ng tawag ay napalingon siya sa babaeng tahimik na.Mukhang nakatulog na ito.He stared at her doll like face.Sa maamo niyang mukha na mas nagmukha pang anghel dahil hindi ito nagsasalita.He smiled nang maalala kung gaano katalim ang dila ng babaeng nasa tabi niya. He knew what to do at sana lang ay mabuhay pa siya kinabukasan dahil sa gagawin niyang ito. 



  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018