Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

“Hoy! Sino ka? Anong ginagawa mo?” Hinila ni Santi ang kamay ng lalaki at itinulak ito sa sahig at napasandal sa pintuan. Humagis ang unan at tumama sa defibrillator ng pasyente. Nakabukas pa noon ang pinto kaya’t nang bumangon ang lalaki ay nakatakbo ito palabas ng silid. Hindi na siya nagawang habulin ni Santi dahil inuna niyang bigyan ng senyales and mga nurse gamit ang intercom.


“May nakapasok dito at pinagtangkaan ang pasyente! Call security! Pigilan ninyo ang lalaking nakamaskara! The patient also needs medical assistance, please come immediately.” Hindi man naituloy ng intruder ang gagawin niya, nagalaw ang heart rate monitor dahil sa pagbagsak dito ng unan. Habang pinagmamasdan ni Santino ang matandang nakaratay sa higaan, hindi niya mapigilan ang sarili. Lumapit siya rito at bumulong. Kung hindi man siya narinig, uulitin na lamang niya kapag gising na ang matanda.


“Don Fabro. Kailangan mong mabuhay. Marami pa tayong pag-uusapan. Ikaw lang ang sagot sa mga tanong ko tungkol sa pamilya ko. Sabi nila ang masasamang damo, matagal mamatay. Patunayan mo.”


Kumabog ang dibdib si Santi nang biglang bumukas ang mata ni Don Fabro, ngunit sumara rin itong muli. Malamang ay reflex lang ito. Maya-maya pa ay dumating na ang ilang nurse at doktor para tingnan ang extent ng damages.


“Are you the son-in-law?” Tumango lang si Santino then moved aside to give the medical personnel enough space for them to check the patient.


“Nagalaw ng bahagya ang breathing tube niya pero maayos naman ang vitals.”


“Ano po bang nangyari sa pasyente?” Nakakunot noong tanong ni Santino nang humarap na sa kanya ang doktor.


“He did not respond to emergency treatments kaya’t kinailangan naming gawin ang coronary bypass surgery. Hindi po ba ipinaliwanag sa inyo bago ang operasyon?”


“Hindi po. Walang lumapit sa akin tungkol dito.” Biglang kinabahan si Santi.


“Nakapagtataka dahil may pumirma ng waiver at consent form. Kapamilya daw siya ng pasyente.”


“Imposible po iyon dahil wala ring malay ang asawa ko noong nasa ER sila.” Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Santi. Sino naman ang pumirma ng waiver? Sila ni Sylvana lang ang maituturing na pamilya ni Don Fabro.


“Papatingnan ko kung sino ang pumirma at kung kanino nila ipinaliwanag ang procedure.”


“Ano na po ang mangyayari sa kanya? Successful po ba ang operasyon?”


“He is still under observation. General anaesthesia ang ginamit kaya’t hindi pa siya magkakamalay. He needs to stay here in the ICU until we are sure that his condition is already stable.”


“Sige po, Doc, salamat.” The doctor nodded and went out of the room.Nang maiwan na sila muli ni Don Fabro sa silid, lumapit si Santino at pinagmasdan ang matanda.


“Ang dami kong tanong na ikaw lang ang makakasagot. Dapat masaya ako ngayon dahil nabawi ko na si Sylvana mula sa’yo pero hindi ko maiwasan mag-alala kung ano na namang gagawin mo para ilayo siya sa ’kin. Don Fabro, kapag nalaman ko ang totoo at ikaw ang may kinalaman sa pagkawala ng mga anak ko at pagkabura ng alaala ng asawa ko, hindi kita mapapatawad.”


Tumalikod na si Santino pagkabigkas ng mga salitang iyon, hindi na niya napansin ang paggalaw ng mga daliri at pagbilis ng pagtaas baba ng EKG o electrocardiogram readouts ng matandang nakaratay sa higaan.



***



“Dar, anong nangyari bakit namumutla at umiiyak si Syl?” Pagkapasok pa lang ni Santi sa private room ng asawa ay nag-alala agad ito.She’s silently crying at nasa tabi si Darius na mukhang hindi alam kung anong gagawin.


“Binangungot... nagising na nagsisisgaw. Ayaw naman sabihin kung anong napanaginipan niya.”


“Syl? Why?” Paglapit ni Santi ay ni hindi siya tiningnan ng asawa. Para itong nakatulala na may sariling mundo.Patuloy ang pagtulo ng mga luha sa kanyang mata.


“Sylvana? You’re scaring me.Please tell me what’s wrong.” Santi caressed her cheeks and she flinched but did not even spared him a glance.


“Tol, mukhang in shock siya. Tatawag ako ng doktor.” Lumabas agad ng silid si Darius habang si Santi naman ay hinila sa isang yakap ang asawa.


“Maayos ka pa kanina bago ako umalis. Anong nangyari? Syl... mahal ko, please talk to me.”


Ni hindi gumalaw si Sylvana, kahit ang pagkurap ng mga mata niya ay madalang at parang wala siyang naririnig o nakikita.


“Excuse me po, Mr. Arguello.” Pagpasok ni Doktora Salazar ay agad nitong tiningnan si Sylvana.Una ay ang pulso, ang temperatura at ang mga mata. Maging ang sugat nito sa ulo at tiningnan pati ang tiyan nito.


“Doc? Ano pong nangyari sa asawa ko?”


“She’s in shock. The bump on her head might have triggered something from her past. Nasabi ng kapatid ninyo na nanaginip daw si Sylvana bago ito matulala. Sa labas po tayo mag-usap.” Inihiga nila si Sylvana at kinumutan.She’s still staring at the wall like it was a fascinating sight.


“Mr. Arguello, I reviewed all records pertaining to your wife and I am afraid marami po tayong hindi nai-consider. After giving birth, she experienced post partum depression. She attended two therapies here in this hospital pero matapos noon ay hindi na siya bumalik. Malamang ay may kinalaman dito ang pagkatulala niya ngayon.”


“Doktora, may posibilidad po bang makalimutan niya ang mga anak namin? Ang sabi niya kanina sa akin, may nagsabi raw sa kanya na hindi na siya magkakaanak at iisa na lang ang ovary niya. Naguguluhan na po ako.”


“Selective amnesia is possible. Sa ovary naman, kailangan natin siyang ma-ultrasound para malaman pero based on her records, intact ang dalawang ovaries niya at walang ganoong operasyon na naganap. Kakaiba ang mode of delivery ng kambal ninyo noon, ang unang twin ay normal delivery habang ang pangalawa ay via ceasarian section kaya’t doble ang sakit na ininda ni Sylvana pagkapanganak. Marahil ang pagiging premature rin ng mga bata at pagpapabalik-balik niya rito sa ospital ay nakadagdag sa stress niya na nagresulta sa depression.”


“Ang shock niya po ngayon? Paano po ‘yon?” Hindi maipaliwanag ni Santi ang takot na nararamdaman niya para kay Sylvana.


“Maaring temporary lang ito. We’ll do some tests again to check for concussions that might be affecting her state of mind. Sa ngayon, suporta ang kailangan niya at pag-aalaga. Hindi siya puwedeng malungkot o ma-stress dahil makakasama sa kanila ng bata.”


“Salamat po.”


“I’ll be back this evening to check again on the patient.” Santi nodded and went back inside the hospital room. Pagbalik niya, nakapikit na si Sylvana at naka fetal position. Lumapit si Darius at bumulong sa kapatid at sumenyas palabas. Lumabas sila muli ng silid para makapag-usap nang hindi maririnig ni Sylvana.


“Tol, kung hindi selective amnesia, may isa pa akong teorya. Sorry to eavesdrop, narinig ko ang usapan ninyo ng doktor. Kung hindi maalala ni Van na nanganak siya noon at may depression siya, puwedeng parte ng therapy ay ang hypnotism. I don’t know if it’s being practiced here pero nabasa ko sa ilang magazine na may ganoong treatment for people at ilan sa mga kondisyong ginagamitan nito ay para ma-retrieve ang memory na nawala o makalimutan ang ilang memorya.” Naisip ni Santino na posible nga ang ganito. Nothing is impossible nowadays.


“Pero sino ang gagawa nito? At bakit siya papayag na makalimutan niyang may anak kami? Nasaan ang mga bata? Sabi ng doktor ay buhay raw ang mga ito.” They both sighed in frustration. May mga tanong na hindi nila masagot at nakakapagpabagabag na tunay.


“Bakit hindi mo tanungin ang mga kasama ni Sylvana sa bahay? Siguradongmay alam sila. Sa ngayon, wala kang mahihita kay Don Fabro at hindi rin puwede kay Van dahil makakasama sa kanya na malamang ang mga bagay na ito.” Tumango si Santi. Nagpalakad lakad siya sa tapat ng silid tanda ng pagiging balisa niya.


“Pero hindi ko siya puwedeng iwanan dito.”


“Sige, kami ni Dom na lang ang bahala. Hintayin mo na lang si Luis papunta na raw sila ni Mama. Kailangan nating pagtulungan ang paghanap sa mga pamangkin ko.”


“Salamat, Tol. Kung kailangan mong bayaran ang mga tao para sa impormasyon, bayaran mo na. I need answers. Pakiramdam ko, unti-unti nang naaalala ni Sylvana ang lahat. Sandali... tatawagan ko si Dom at Luis para isang kuwento na lang.” Gamit ang cellphone ay nag-conference call silang magkakapatid. Isinalaysay ni Santi ang narinig niya sa parking lot at ang nangyari sa silid ni Don Fabro.


[“May mga kalaban tayong kailangang iwasan. Hihintayin kita rito sa rancho, Darius. We have to tread carefully dahil kaduda-duda ang kilos at mga sinabi ni Toro. Baka naman siya rin ang tao sa silid ni Don Fabro? Nakuha mo ba ang cctv footage?”


“Hindi pa, Dom. Dar, itanong mo na rin mamaya kung nahuli ba nila ang lalaki kanina.” Tumango lang si Darius.


[“Kuya, tungkol sa mga bata, you have to know when they were born, puwede nating hanapin sa mga bahay ampunan ang mga bata. Kung may kumuha man sa kanila, na pakiramdam ko ganoon ang nangyari, posibleng doon sila dadalhin. Wala naman tayong nabalitaan sa ilang taon natin dito na may nakapulot ng bata. Si Don Fabro lang naman iyon. Ask the dates, Kuya at ako na mismo ang pupunta ng mga ampunan.”]


Dahil abala silang lahat sa pag-uusap, bulungan man ito ay narinig pa rin ng babaeng nakasilip ang lahat ng pinag-usapan. She felt weakened by everything that she heard.Ang mga bagay na pinili niyang kinalimutan ay muling bumalik sa kanya.










  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018