Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

Gaya nang madalas niyang ginagawa tuwing nagpupunta si Sylvana sa bahay ampunan, sinusundan niya ito at inaabangan niyang umuwi. Dahil malayo ang lugar, he wanted to make sure na ligtas na nakauwi si Syl bago siya bumalik ng Rancho. That night, sa bilis ng pagpapatakbo ni Sylvana ay hindi na nakahabol si Santino. When he reached Rancho Ramirez, wala pa ang motor ng dalaga. He got worried at kung anu-ano nang naiisip niya na nangyari kay Sylvana. He took out his cellphone and dialled a number.Naka-anim na ring bago sumagot ang kapatid niya.


“Dom, nasa bar ka pa ba?”


[“Oo. Bakit?”]


“Check mo nga kung nandiyan ang motor ni Syl.”


[“Bakit naman mapupunta rito?”]


“Baka lang. Wala pa siya rito sa bahay nila, eh.” Tumawa muna nang malakas ang kausap bago siya sinagot.


[“Ang adik mo rin, Tol!Sabi mo, may lakad ka kaya hindi ka sumama sa gig. Andiyan ka lang pala kina Van. Para kang stalker!”]


“Bilisan mo na, tingnan mo na!” He was already inside his car nang sumagot muli si Dom.


[“Oo, heto na ‘ko sa labas. Ayan, sakto ka! She just pulled up in front of the bar. Teka, gusto mong kausapin? Van!”]


“Tado ka, Dom kapag hindi totoo ‘yan gigilitan kita!”


[“Eh kung ikaw kaya ang gilitan ko?”] Kahit pagalit ang boses ni Sylvana ay para pa rin itong malambing sa pandinig ni Santino. Adik na nga yata talaga siya.


“Syl...”


[“Tigilan mo na ang kakasunod sa’kin!”] Halos mabingi si Santino sa lakas ng sigaw ng dalaga sa kabilang linya. Pagkatapos noon ay naputol na ang tawag. Muling idinial ni Santi ang numero ng kapatid.


[“Tol?”]


“Huwag mong papaalisin diyan si Syl. Papunta na ‘ko.”


[“E, paano kapag magpumilit na umalis? Alam mo namang allergic sa’yo ‘to.”]


“Basta, pigilan mo!”


Habang papunta sa bar, pina-practice na ni Santino ang sasabihin niya kay Sylvana.Para sa kanya, sapat na ang limang taon para magsimulang muli silang dalawa.Hindi man naging maganda ang simula nila, but their journey together after their first kiss is worth tons of gold.


“May crush ka kay Van?” Napatayo pa sa inuupuang sofa si Dom at nabitiwan pa ang remote control ng TV.Pinulot ni Santi ang remote at ipinatong sa center table.


“Huwag ka ngang maingay! Sinabi ko sa kanya kanina. Ilakad mo naman ako. Bestfriend ka naman ni Syl.”Desperado na si Santino na mapalapit nang husto sa babaeng nagugustuhan niya.After their kiss, nasiguro niyang hindi na siya papayag na makuha pa ng iba si Sylvana.


“Anong ilakad? Nababaliw ka na ba? Oo nga bestfriend ko!Bukod doon, kababata natin siya, lahat tayo lumaking kasama siya.Ka-close pa siya ni Mama, parang anak na ang turing sa kanya rito sa bahay tapos gusto mong syotain? Nakakapanginig ka ng laman, tol!”Nagpalakad-lakad pa si Dom sa salas.Nakalimutan na ang basketball game na pinapanood nila sa TV.Expected na ni Santino ang reaksiyon ni Dominic.Kung magkakasira sila ni Sylvana, apektado ang lahat ng taong nakapaligid sa kanila.


“Sinabi ko bang sosyotain ko? Sabi ko nga crush!”Hindi na sinabi ni Santi ang nangyari sa kanila ni Syl sa loob ng classroom at ang kakaibang kissing arrangement nila.Siguradong magagalit ang kapatid niya at mag-iisip nang masama. Hindi naman pangsyota o short time si Sylvana, pangmatagalan.


“Gago ka ba, Santino? Crush? Ano ka, elementary? Ang crush sa’yo, iba ang meaning!” Napangiti na lang si Santi.Wala na nga namang gumagamit ng crush sa high school. Hindi man sila naging magkaklase ni Sylvana, same level lang silang tatlo dahil accelerated si Sylvana at Dominic, hindi sila nag-kinder 2. Pagpasok nila ay Grade 1 na kaagad.


“Dom... Tol, nabuking na ‘ko kanina kaya inamin ko na. Wala na ring atrasan ‘to.Isa pa, hindi na gumagana ang pagpapapansin ko sa kanya.Masyado na yata siya nasanay na nag-aaway kami.Baka maunahan pa ‘ko ng iba kapag hindi ko pa nilapitan ngayon si Sylvana.”Iyon naman talaga ang ikinapapag-alala ni Santino.Narinig niya sa gym locker ang dalawang kaklase ni Sylvana, gusto raw siyang ligawan.Hindi na nakapagpigil si Santino at kinorner na ang crush niya.


“Crush lang ba talaga? Parang hindi naman.”Naupo na muli si Dom at minatyagang mabuti ang kapatid.


“Ewan ko.Basta iba ang pakiramdam ko kapag nakikita ko siya. Parang gumagaan ang lahat. Inspired ako sa lahat ng bagay.”


“Inspired? Kaya ba gusto mo lagi kang panalo? Ang competitive niyong dalawa, eh.Kapag kayo ang nagkatuluyan, baka ultimo pagpapalit ng diaper ng anak ninyo, gagawan niyo pa ng contest!” natatawang bati pa niya.


“Seryoso ako.”


“Seryoso ka? Sigurado ka? Alam mong ako ang unang makakalaban mo kapag sinaktan mo si Van. Siguraduhin mo ‘yan, Santi.”Nanunukat ang tingin na ibinigay kay Santino ng kapatid.


“Sigurado. Paano? Tutulungan mo na ba ako?”


“Hindi pa rin. Bahala ka sa buhay mo.Ayokong makialam sa inyo. Basta siguruhin mong hindi mo sasaktan si Sylvana.” Inilipat pa ni Dominic ang channel ng TV sa music channel. Kailangan niyang magpakalma dahil sa inamin ng kapatid niya.


“Oo naman.Puwede bang magpatulong.Kailangan ko ng listahan ng mga ayaw at gusto niya. Sige na, kahit ‘yon na lang.”


“Ang lakas din ng tama mo, ah. Hindi halata kapag nasa school. Para kayong laging World War 3 ng bangayan.Sige, ililista ko.Pero ‘yon lang ang tulong ko sa’yo.After that, you’re on your own. Tingnan ko lang kung uubra ka kay Sylvana.


“Sa pogi kong ‘to?” Ngumisi pa siya at binatukan naman siya ni Dom.Ginantihan siya ni Santi at nauwi sa wrestling match ang kulitan nila. Sa ganitong puwesto sila naabutan ng babaeng pinag-uusapan.


“Nakakaistorbo yata ako.Nasaan si Tita Dominika?”Agad namang tumayo nang maayos si Santi pagkarinig ng boses ni Sylvana. Napalunok pa ito nang makita ang suot na maiksing shorts at hapit na t-shirt.


“Oy, Van! Si Mama, nasa taas. Teka, tatawagin ko.” Binatukan pang muli ni Dom si Santi bago umakyat para sunduin ang Mama nila.Diretso naman sa sala si Sylvana at naupo sa nakahiwalay na sofa.Kinuha nito ang remote at inilipat ang channel sa Anime. Nakatingin sa kanya si Santi.Mamaya pa, naupo na rin sa katapat na sofa.


“Syl... kumusta?”


“Ayos lang.” Hindi siya nito tinapunan ng tingin.Tutok pa rin ang mga mata sa TV.


“Okay ka lang?”


“Yep.”


“Gutom ka ba? Gusto mong magmeryenda?” Hindi mapakali si Santino.Pakiramdam niya’y gusto niyang lapitan at tabihan si Sylvana pero ayaw naman siyang pansinin nito.


“Nope.”


“Anong gusto mo?”


“Peace and quiet... na mukhang hindi mo kayang ibigay.” Napairap pa ito kaya’t natawa na si Santi.


Binago niya ang style niya para siguradong pagtuunan na siya nito ng pansin.


“Grabe ka.Bakit ang sungit mo? Kanina naman sa school habang yakap kita, hindi ka ganyan.” Mabilis ang kilos ni Sylvana.Binato siya nito ng throw pillow mula sa sofa. Nasalo ito ni Santi at lalo pa siyang natawa nang akmang ibabato nito sa kanya ang remote.


“Huwag ka ngang maingay! Hindi ba sabi mo, walang magbabago? Kaya stop being nice.Hindi bagay at hindi ako sanay!” gigil na pabulong na saway ni Syl kay Santi.


“Nandito ka naman sa bahay at wala namang ibang tao.I prefer to be nice when we’re alone. Masanay ka na dahil hindi lang ako magiging nice, pakikiligin pa kita.I’ll get you something to drink. Huwag kang aalis diyan, ha.”


“Huwag na!Hindi ako nauuhaw.”Napairap man si Syl ay napansin ni Santi na nagpipigil ito ng ngiti.He decided to push his luck.


“Syl...”


“Ano?”


“Turuan mo naman ako mamaya sa Math, pagkatapos n’yong magkuwentuhan ni Mama.”


“Pag-iisipan ko.”


“May reward naman.. .alam mo na. Pumayag ka na.” Lalapit na sana si Santi nang bumalik si Dom.


“Van, akyat ka na lang daw sa kuwarto sabi ni Mama. May inaayos siya sa cabinet, eh.”


“Okay.”


“Talaga? Sige, mamaya ah. Hintayin kita.”Umalis siya kaagad kaya hindi na niya nakita ang pagtataka sa mukha ni Dom at ang pagkainis ng dalaga. Alam naman ni Santi na para kay Dom ang sagot na “Okay” ni Sylvana kaya inunahan na niya ng alis bago pa siya kontrahin.


She came to his room that day, hindi lang para sa Math lessons kung hindi para rin sa reward na kasama nito.That was the first of many days nilang magkasama ni Sylvana.


Mas dumalas ang pagdalaw ni Syl sa El Rancho DLG nang magsimula silang maging malapit ni Santi.True to his word, nagpakilig nga siya nang husto.Bukod sa araw-araw na pagharana niya kay Sylvana gamit ang gitara at maganda niyang boses, lagi rin siyang may ibinibigay na bulaklak o tsokolate rito. Saksi ang pamilya niya, bahay nila at apat na sulok ng kuwarto niya kung paano niya pahalagahan at alagaan si Sylvana. He took good care of her whenever they’re together. Sa school at sa labas, tuloy pa rin ang bangayan nila dahil malakas mang-asar si Santino. Pero kapag sila na lang at naging malambing na, napapatulala na lang sa kanya si Syl.


Pagdating ni Santino sa Dodge Bar, nawala na lahat ng prinaktis niyang sasabihin dahil ang bumungad sa kanya ay isang lasing na Sylvana na kayakap ang kapatid niya.











  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018