Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

“Santi, dito ka na lang. Huwag ka munang magpakita kay Papa.Baka mainit pa ang ulo niya at ayokong mag-away kayo.” Nang pumarada sila sa tapat ng bahay ni Don Fabro ay bababa na sana si Santi para samahan si Syl sa loob. Gusto niyang harapin ang ama nito pero iba pala ang nais ng huli.


“Wow! Concerned sa akin ang misis ko.” Nakangisi si Santi na parang nanalo sa lotto.


“Huwag kang kiligin diyan. Ayaw ko lang talaga ng gulo. O, sige na.” Ang totoo, si Syl ang nakaramdam ng kaunting kilig nang tawagin siyang misis.Pero pinigilan niya ito, kahit gustuhin niyang tanggapin ang mga nangyari na at pangatawanan ang mga ginawa niya, mabigat pa rin ang kalooban niya. When she was about to get off the car, humirit na naman si Santi.


“Wala ba akong goodbye kiss?”


“Nakakailan ka na? Simula kanina pagkaligo at habang nagbibihis, pati sa pagsakay ng kotse! Ang dalas mo naman humirit ng goodbye kiss. Baka mamaya lang, andito ka na naman ulit, ah.” Napairap pa si Syl sa kausap. Walang kasawa-sawa si Santi sa kakahalik sa kanya. Sabagay, sinusulit nila ang mga nakaw na sandali. Pakiramdam ni Syl, she’s having an illicit affair at ang niloloko niya ay ang sarili niya.


“Gano’n talaga.Na-miss kita, eh. Sinusulit ko lang ang honeymoon stage natin.Sabagay, kahit anong stage pa at uugod-ugod na tayo, ganito pa rin ako. Sige pipilitin kong hindi bumalik mamayang gabi.Baka mamayang madaling araw na lang.”


“Ewan ko sa’yo. Ang dami mong sinabi.” Kahit ayaw niya ay napangiti naman dito si Sylvana. One thing that she could admire from Santi is his determination and conviction.Mga katangian na mayroon din siya at kailangan niyang muling ipakita. She was momentarily lost in her thoughts when he called her.


“Syl?”


“O?”


“I love you.”


“I know. Sige na. Bye, Santi.”


“Syl?”


“O?”


“I’ll miss you.” Pinigilang mapangiti ni Sylvana bago siya nagsalita.


“Santi?”


“O?” He looked expectantly at her. Asaness naman ang mokong.


“Ang baduy mo.” He looked deflated.


“Santi?”


“O?” Umasa na naman siyang matino ang sasabinin ng misis kuno niya.


“Buksan mo na ang lock ng pinto. Bababa na ‘ko.” He sighed and unlocked the door. Lalabas pa sana siya para alalayan si Syl pero hinila ng babae ang braso niya.


“Santi?”


“Syl?”


“Salamat. Mag-iingat ka. Huwag ka na ulit magyoyosi.Alam mong masama ‘yon.” The smile she gave him was bittersweet.Parang may ibig sabihin.


“Sabi ko naman sa’yo nag-quit na’ko. Ninerbiyos lang ako sa pagkikita natin nitong mga nakaraang araw kaya nahuli mo akong naninigarilyo.”


“It’s good that you quit. You should always take care of yourself especially your health. Promise me?”


“Yes, of course. I’ll do anything for you.Syl? Bakit pakiramdam ko nagpapaalam ka na?” He felt nervous all of a sudden.Mula sa masaya nilang pagkukulitan ni Sylvana, naging seryoso ang usapan.


“I’m just saying thank you and take care... not goodbye.” She smiled but the look in her eyes said something different.


“I know. But I feel like this is goodbye.” She just sighed and caressed his cheeks.


“Don’t mind me. I’ll go ahead. Thanks for bringing me home.” Totoo ngang hindi nagpaalam si Sylvana pero sa oras na iyon pakiramdam ni Santino hindi na sila magkikita muli ng asawa niya.



***


Nang mismong gabing iyon, Sylvana left Cavanah Valley. She took the offer she received a month ago to be a guide and teacher of Equestrian sports at a club in Singapore, The Asia’s Equestrian.Walang ibang nakakaalam nito kundi si Don Fabro lang.


Nabigla rin ang ama niya nang magpaalam siya at sinubukan siyang pigilan, but she made up her mind. She need time to get away from everything. Maybe it’s time for her to start a new life.


“Papa, sorry for the short notice po. I’ll be leaving tonight.Mang Tanto and Aling Tasing as well as Toro will take care of you.Walang puwedeng makaalam ng pupuntahan ko, Pa.Sana po, huwag ninyong sasabihin kahit kanino.”


“Bakit kailangan mo pang umalis? Kung gusto mo nang bumalik kay Santino, hindi na ako magagalit, anak.Huwag ka lang lumayo.” Mahal na mahal siya ng ama niya para isantabi ang galit nito kay Santino para lumigaya siya. Pero alam ni Sylvana na hindi iyon ang magpapaligaya sa kanya.She’s missing a part of herself and she can’t even remember what that was. Habang iniisip niya ito ay mas lalo siyang naguguluhan. Nakakaapekto rin sa kanya ang presensiya ni Santino, at ngayong ikinasal na sila, mas lalo pang titindi ang determinasyon ng lalaking iyon na makuha muli si Sylvana.


When she let herself be free and feel again with the man she gave her body and soul to, akala niya mabubuo niya ang sarili niya pero habang papalayo siya sa bahay na iyon, na pinangyarihan ng lahat, Sylvana realized that everything was just a make believe fantasy.She still felt empty.


“Pa, I have to go search for myself.Hindi ko pa rin mahanap ang nawawala sa ‘kin.Siguro po kung iba lang ang sitwasyon hindi ko po kailangan umalis.I have to leave and hide para na rin sa ikatatahimik namin.Makakatulong rin po ang kikitain ko sa abroad para maibangon natin ang rancho.”


“Gaano ka katagal mawawala, anak?”


“Three months lang naman po ang initial contract na in-offer sa akin.Papalitan ko lang kasi ang puwesto ni Genie, iyong nakilala ko sa Riding Tournament one year ago.Kung magugustuhan nila ang performance ko, possible na ma-renew pa at ma-extend.” Tumango lang si Don Fabro.Hindi man sapat ang tatlong buwan na paglayo, she will grab that chance.


“Mag-ingat ka roon, anak. Lagi kang tatawag.” Tumango lang si Sylvana at saka tuluyang nagpaalam. Bago siya lumabas ng bahay ay tinawag pa siya ni Don Fabro at muling niyakap.


“Sana Sylvana, kapag dumating ang panahon na magtagumpay kang mahanap nga ang sarili mo, huwag ka sanang mawala sa ‘kin. I love you as a real daughter. Huwag mo sanang kakalimutan ‘yon, anak.”


“Opo, Papa.Huwag na tayong mag-drama. Malaki ang utang na loob ko sa inyo dahil pinalaki at kinupkop niyo ako kahit hindi niyo ako kaanu-ano.”He looked at her sadly. Parang may gusto siyang sabihin ngunit hindi niya magawa.


“Kahit ano ay gagawin ko para sa’yo, Sylvana. O siya, baka gabihin ka masyado.Sigurado ka bang hindi ka na magpapahatid papuntang airport?”


“Opo.Walang dapat makaalam kung saan ako pupunta. Ako na po ang bahala sa motor ko. May buyer naman na ito sa Maynila. Medyo hindi lang ako makapag-let go kaya hindi ko pa naihahatid. Now, matutuloy na ang deal namin.” She smiled to hide the pain of leaving her father, of leaving everything behind in search of herself and a better life.


“Ingat ka, anak.”


Sylvana knew that Santino would make her pay once he finds out that she left him. Pero siguro, panahon na rin para maramdaman ni Santi ang pait at sakit na naranasan niya nang siya naman ang mang-iwan. Masakit umasa lalo na kung ang pag-asang ito ang nagbibigkis ng puso at kaluluwa mo.

















  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018