Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

Matatapos na ang kontrata ni Sylvana sa Singapore nang makatanggap siya ng masamang balita mula sa kanyang ama. Nasa Singapore Botanic Garden siya noon na madalas niyang pasyalan tuwing Sabado na wala siyang pasok. Sa dami ng parke na napuntahan niya roon ay ito ang kanyang paborito. Marami kasing mga iba’t-ibang klase ng puno at halaman dito na naiisip niyang itanim sa isang parte ng kanilang lupa. Ang lupa na malapit na palang mawala sa kanila.


[“Anak, pasensiya ka na. Hindi ko na mapakiusapan pa ang bangko. Binibigyan na lamang niya tayo ng isang buwan para makahanap ng malilipatan kung hindi natin mababayaran ang utang nang buo. Hindi raw sapat ang hulog natin at may buyer na raw sila mula sa kabilang bayan at interesado na itong makuha sa isang buwan. May kaunti akong naitabi mula sa mga padala mo...”]


“Pa, sabi ko po ibayad ninyong lahat ang ipinapadala ko... pero sino raw ho ang buyer nila? Ang mga Arguello ba? Nagkasundo na kami ni Santi na hindi na nila papakialaman ang lupa.”She sat down on a bench at inayos ang sintas ng kanyang sapatos. Parang nakikiayon ito na kumakalas na rin sa kaayusan, parang ang buhay niyang kinagisnan, unti-unti nang humuhulagpos mula sa mahigpit nitong pagkakatali.


[“Iba raw anak. Sana pala ibinenta na natin sa kanila ang lupa bago pa makuha ng bangko. Baka may kinita pa tayo.”]Alam ni Sylvana na labag sa kalooban ng ama niya ang mga sinasabi nito.Mataas ang pride ni Don Fabro at hindi nito gustong humingi ng tulong sa iba lalo na sa itinuturing niyang sumira sa buhay ni Sylvana.


“Sige po, uuwi na rin naman ako sa isang linggo. Aayusin ko po ito. Huwag na kayong mag-alala.”


[“Salamat, hija. Pasensiya na sa lahat ng problemang idinulot ko sa atin, lalo na sa iyo. Alam ko kung gaano kasakit sa ‘yo na mawala ang rancho.”]


“Ayos lang po iyon, Pa. Ako na po ang bahala.” Napatingin si Sylvana sa wallpaper ng cellphone niya. Kung ilang beses niyang pinigilan ang sarili niya sa loob ng tatlong buwan na tawagan ang mukha na naka-display rito, hindi na niya mabilang.


[“Mag-iingat ka riyan, Van.”]


“Opo, Pa? Si Santino po ba hindi pa rin pumupunta?”


[“Ha? Ah... hindi. Ang balita ko nag-abroad daw. Huling punta niya lang noong kinabukasan na umalis ka. Hindi na siya bumalik ulit.”]Napabuntong-hininga si Sylvana.Kahit nasaktan niya si Santino noong umalis siya, umasa pa rin siya na hahanapin siya nito. Siguro nga ay sukdulan ang ginawa niyang pag-iwan dito. It was too late when she realized she want him back in her life for good. He gave up.


“Sige po, salamat. Mag-ingat rin po kayo. Sa isang linggo lang po nandiyan na ako.” Nang maputol ang tawag ay muling tumakbo si Sylvana. Sa bawat pagyabag ng mga paa niya sa sementadong walkway ng parke, kaulayaw ang mga butil ng pawis niya, iniisip niya ang isang tao na unti-unti na niyang napatawad at nais nang makasama. When she reached a garden gazebo, she stopped and sat down to rest for a while. Muli niyang kinuha ang cellphone niya at tinitigan ang larawan dito.


“Santi... nasaan ka? Kung kailan babalik na ako at saka ka pa wala? Bakit gano’n? Tuwing kailangan kita, umaalis ka.”Naalala ni Sylvana noong kasagsagan ng eskandalo nila ni Santino.Umalis ito nang walang paalam.


“Pa, si Santi po ba hindi pumunta rito? Sabi ni Aling Tasing hinahanap niya raw ako sa bayan kanina.” Kahit galit siya noon ay may parte pa rin sa kanya na gustong makausap ang taong pinag-alayan niya ng puso at katawan. May mga araw na hinahanap niya si Santino habang nagkukulong siya sa apat na sulok ng kanyang kuwarto.


“Hindi. Walang nagpupunta rito kahit na sino. Kalimutan mo na siya, Sylvana. Wala siyang pakialam sa’yo.Iiwan ka rin niya.Aalis siya gaya ng bali-balita rito.”


“Aalis? Kung aalis siya, siguradong magpapaalam iyon... Pa? Baka naman po hindi niyo lang sinasabi sa akin?” Alam ni Sylvana na dinoble ng ama niya ang nagpapatrolya sa rancho nang kumalat ang video nila ni Santi.Dinagdagan rin ang mga guard dogs na nagkalat sa bakuran para siguruhing hindi makakalapit sa kanya si Santino.Ang motor ni Sylvana ay kinumpiska na rin.Hatid sundo na lang siya sa eskwelahan at wala siyang ibang napupuntahan nang hindi kasama si Don Fabro.Walang tsansa si Santino na makalapit kay Sylvana kung walang pahintulot ng ama niya. Maging si Dominic na matalik niyang kaibigan, hindi na rin siya malapitan.


“Nakita mo na ang impluwensiya sa ‘yo ng lalaking ‘yon! Pinag-iisipan mo na ako ng masama!” She was surprised by the venom in her father’s voice.Mas lalong tumindi ang pagkaayaw nito kay Santino dahil sa nangyari. Magkaibigan ang pamilya Arguello at Ramirez. Gayunpaman, pagdating kay Sylvana ay hindi boto si Don Fabro kay Santino.


“Pa, pasensiya na po... Umaasa lang ako siguro na baka sakali ay isasama niya akong lumayo rito...” Gustong maniwala ni Sylvana sa paliwanag ni Santi noon sa kanya nang mag-usap sila pero habang tumatagal na hindi sila nagkikita at hindi siya binabalikan ng lalaki ay nababawasan ang pag-asa niya at napapalitan ng mas matinding poot at galit ang minsang nagmamahal niyang puso.


“At ano? Iiwan mo ako? Kung gusto mong lumayo, ako mismo ang gagawa ng paraan. Bukas na bukas rin ay ipapadala kita sa ibang bansa kung iyan ang gusto mo!”


Gusto man ni Sylvana noon na lumayo, kinabukasan lang ay nagkasakit si Don Fabro. Inatake ito sa puso at na-mild stroke. Doon niya napagtanto na kailangan niyang tiisin ang pangungutya ng mga tao para maalagaan niya ang kanyang ama. Pinili ni Sylvana na maging mabuting anak kaysa ang matakasan ang mapanirang mga dila at mapangmatang mga tingin ng kanayon nila.


Kasabay ng pagkakasakit ni Don Fabro ay ang pagkalugi ng kanilang rancho. Nagkaroon ng epidemya ang mga alaga nilang kabayo at mga baka. Halos lahat ng hayop nila noon ay nagsingamatay. Kinailangan rin nila ng malaking pera para sa pagpapagamot sa matanda na nagkaroong ng bara ang puso at ang therapy nito para maging maayos muli ang paggalaw at pagsasalita na bahagyang naapektuhan ng stroke. Doon nagsimulang mabaon sa utang ang mga Ramirez. Kung hindi sa tulong sa pamilya nila Aling Tasing, hindi makakayanan ni Sylvana ang lahat. Kasabay ng sunud-sunod na problema nila ay ang pagkawala ni Santino. Mas naramdaman niya noon na mag-isa lang siya. Bukod dito ay naalala ni Sylvana na naospital rin siya. Pero hindi niya maalala ang dahilan. Isa ito sa mga katanungan na pilit niyang iniisip pero kahit anong gawin niya, hindi niya maintindihan.


Ngayon, sa pagbabalik ni Sylvana ay pinaghahandaan niya ang pagharap sa kanyang nakaraan kasabay ng pagtanggap niya sa taong gusto niyang makasama sa kinabukasan.





























  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018