Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?


Nagitla si Santino sa mga bisig na yumakap sa kanya mula sa likuran. Kilala niya ang amoy ng buhok at pakiramdam ng yakap ng mga brasong iyon. Agad niyang iniikot ang swivel chair para pangkuhin sa kandungan niya ang asawa.


“Mahal ko, bakit bumangon ka na kaagad?” He kissed her bago muling dumantay si Sylvana sa dibdbib ng mister.


“I woke up and you’re not there beside me. Nakuha mo na ang mga tapes?” She sounded much better na ikinatuwa ni Santi. Sana ay magtuloy-tuloy na ang pagbuti ng asawa. Nakakatulong na lahat ng bagay ay napag-uusapan na nila. She’s more open to him now, nagsasabi na siya ng mga nararamdaman at mga takot na alam niyang si Santi ang unang-unang makakaunawa.


“Opo. Nailipat ko na sa kahon. Nakuha ko rin ang mga sulat ko sa’yo noong nasa Saudi pa ako. Mahal ko, bakit ka may dalang lubid? Sasakalin mo ba ako ng mainit mong pagmamahal? O igagapos mo ako para pagsamantalahan?”She looked at him and at the box before she rolled her eyes at him. Napangiti si Santi sa reaksiyon ng asawa. Kinuha niya ang lubid at ipinatong sa lamesa.


“Tangek! Igagapos at sasakalin pa kita? Eh, patay na patay ka nga sa’kin.Baka ikaw pa nga mag-volunteer. Kailangan ko pa bang mamilit?” He laughed heartily at her response.


“Bakit nga? Akala ko pa naman, mala-BDSM na ang trip mo. Try natin minsan? Kaso mas guwapo ako kay Christian Grey, at mas hot at sexy ka naman kaysa kay Anastasia Steele.” She pinched his nose na ikinapula naman nito.


“Ang dami mong alam! Tumigil ka nga! Kaya ako may dalang lubid, itatali ko sana ang mga kahon para maipatapon na natin, eh naisip kong hanapin ka muna... Sulat? Sumulat ka pala talaga? Itinago na naman ni Papa?” Tumango lang si Santi at sabay silang dalawang napabuntong-hininga.


“It doesn’t matter. Ang importante, magkasama na tayo ngayon. May sulat din sa akin ang Papa mo. Gusto mong basahin?” Alam ni Santino na hindi na siya dapat pang maglihim sa asawa. Mas makakabuti kung lahat ng bagay at pag-uusapan at pagsasaluhan nila. Iniabot ni Santi ang nalamukos na sulat kay Sylvana. Hinigpitan niya ang yakap dito habang binabasa nito ang liham. Nang matapos ay may mga luha na sa mata nito.


“Hindi kaya si Zarina ang anak natin? Sila ni Dennis?” He smiled at her. Iyon din kaagad ang naisip niya.


“Posible dahil sa mga kuwento at sa timeline ay akma silang dalawa. May hawig din sila kahit na fraternal, at kapwa tayo malapit sa kanilang dalawa. Pero, Syl, may problema... nawawala ang mga bata.”


“Ipinapahanap ko na sila. Huwag ka nang umiyak. May awa ang Diyos, hindi Niya tayo pababayaan.”


“Bakit kung kailan malapit na natin silang makasama, saka pa nangyayari ang lahat ng ito?”


“Hindi ko rin alam, mahal ko. Syl, kailangan nating hanapin ang pamilya ng nanay mo. Ang mag-asawang nagpakilalang magulang nina Zarina at Dennis ay Domingo ang apelyido.”


“Sila kaya ang pamilya ko? Pero bakit nila aampunin ang mga bata?”


“Hindi ko rin alam. Kaya kailangan natin silang makausap.” Muling humilig si Sylvana sa matipunong dibdib ng asawa. Santi was stroking her hair, wanting to comfort them both with the relaxing gesture.


“We have to talk to Toro. Baka may alam pa siya.” Sylvana sighed and leaned closer. She positioned her face on the crook of his neck, inhaling his scent.


“Nasalubong ko si Aling Tasing kanina sa kusina, naghahanda na ng almusal. Sabi niya, hindi na raw umuuwi rito si Toro simula nang maospital kami ni Papa. Nahanap na raw nito ang tunay na pamilya. Mukhang may kaya raw kaya’t binigyan sila ni Toro ng malaking pera para puhunan at makapagsimulang muli. Nagpaalam rin sila ni Mang Tanto na bumalik na ng Baguio gayong wala naman na si Papa. Doon naman sila nakatira noon at nagkakilala lang raw sila ni Papa noong minsang pumunta ito ng Baguio. Siguro dinalaw niya ang pinangyarihan ng aksidente ng ina at ng kapatid ko.”


“Sabagay, malaking tulong rin ang nagawa nila sa rancho. Kung aalis na sila, puwede na nating ipagsama ang rancho natin para hindi ka mahirapang magpalakad nito. Nandito naman kaming lahat para tulungan ka at isa pa, hindi ako papayag na rito ka pa tumira. May maganda tayong bahay na ipinatayo ko para sa mahal kong reyna. Nararapat lang na naroon ka kasama ng mga anak natin.” Sylvana smiled at the thought. Gusto niya ang ideya na iyon. She envisioneda happy family with her husband.


“Sana, makita na natin ang kambal. Para may kapatid na kaagad ang bunso natin.” Muntikan nang mahulog si Sylvana nang iangat siya ni Santi to straddle his waist. She was both surprised and excited at the action. May nabuhay rin na parte ng asawa na nakapagpangiti kay Sylvana. He placed his hands in between them and her breath caught up on her throat.


“Correction, hindi pa bunso ang baby na ito.” Hinimas pa ni Santi ang tiyan ng asawa. Napangiti si Syl at tinitigan ang mister. Hindi siya magsasawang titigan ang mala-adonis na mukha ni Santino.


“At bakit hindi pa bunso?”


“Gagawa pa ako ng basketball team, at banda. May muse pa. Kapag tinotal mo lahat iyon, mga nasa... katorse.” Sylvana slapped his arm playfully at hindi napigilan tumawa.


“Ginawa mo akong paanakan!” He kissed her lips when he saw her smile.


“Masaya kapag marami.Kung puro kambal naman ang babies natin, kaunting pagbubuntis lang ‘yon. Pumayag ka na...” She moaned as he kissed her neck and nibbled her ears.


“Ginagamitan mo na naman ako ng powers mo.” She wiggled and she heard him groan.


“Siyempre, doon ako sa may advantage. I love you.. Papayag na ang asawa ko...”


“Konting kumbinsi pa...” He kissed lower and dipped his tongue at the valley of her breast while his hands fisted on her mounds.


“Sayang ang lahi natin... at ang talents natin kung hindi ipapamana sa iba. Isa pa, I can’t get enough of you.”


Ilang sandali pa ay wala na silang saplot at nakalapat na ang likuran ni Sylvana sa couch ng silid habang pinapatunayan ni Santi ang sinabi.His kisses were gentle as he feasted onhis wife. They consumed their love and passion until rays of sunlight hit the windows. Sylvana woke up to the sound of her chellphone. Dinala niya ito sa library at ipinatong sa lamesa. Santi stood up and reached for the phone. Napangiti at napalunok si Syl nang nakitang nakahubad pa rin ang asawa at mukhang bagong gising rin. He smirked when he saw her checking him out.


“Sino naman kaya ang tumatawag sa misis ko nang ganito kaaga?” Napatingin si Syl sa relo at alas-otso pa lang ng umaga. She took the phone and answered the call. Ngunit naputol ito. She dialed the number, habang hinihintay ang pagsagot ng nasa kabilang linya siya ay pinanood ni Syl ang pagbibihis ng mister, kahit na boxers lang naman ito. He looked at her and smiled, she’s wearing his polo shirt na hinubad nito bago sila natulog noong gabi sa silid ni Sylvana.


“Hello? Sino po sila?”Isa itong tawag na hindi niya inaasahan. Naluha si Sylvana at napatingin kay Santino. Nanginginig ang mga kamay na nakapakapit sa bibig habang pinapakinggan ang nasa kabilang linya.


Kinabahan si Santino dahil sa biglaang pagluha ng asawa. Agad itong lumapit at tumabi sa kanya, buong kabang hinihintay ang pagsiwalat ng dahilan ng tawag.










  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018