Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?


May hindi man pagkakaunawaan sina Santino at Don Fabro, hindi pa rin niya ginusto ang mga sunod na pangyayari.


“Papa, nandito na po ako. Pasensiya na kayo hindi kaagad ako nakapunta. Magpagaling na kayo, Pa. Please?Nahihirapan at nasasaktan po ako na makita kayong ganito. Sana pala, hindi na lang ako umalis. Kung nandito ako nabantayan ko po sana kayo at hindi kayo lumala ng ganyan. Papa, please po bumangon na kayo. Mahal na mahal ko po kayo. Please, Papa...” Sylvana promised Santi to take it slow dahil makakasama sa kanya ang ma-stress. But seeing her father in his condition na puro tubo ang katawan at wala pa ring malay, she couldn’t stop herself from sobbing out loud. Her husband was immediately beside her to comfort her.


“May good news po kami ni Santi. Magkakaapo na kayo. This time, hindi ko na siya pababayaan.I’ll take care of the baby unlike...”


“Syl... we talked about this. Shhh...” Sa lakas ng paghagulgol ni Sylvana ay dumoble ang pag-aalala ni Santino.


“Sorry, I can’t help it. Please po, gumising na kayo. Please, Papa.” Her tear filled eyes pleading for a miracle made his heart constrict in pain. Gumalaw ang mga daliri ni Don Fabro. Napansin ito ni Santino kaya’t pinindot kaagad niya ang button para tumawag ng doktor. Ngunit ang inaakala nilang magandang senyales ay isa palang masamang bangungot.


“Papa... Pa! Please...” Nag-flatline ang pasyente. Kinailangan buhatin ni Santi si Sylvana para makadaan ang mga doktor at nurse na rumesponde sa tawag nila.


They tried to revive the patient by the use of defribillation pero hindi na nila naisalba pa ang matanda.


“Time of death...” Iyon ang huling narinig ni Sylvana bago siya mawalan ng malay.Agad naman siyang tiningnan ng mga doktor at inilipat sa sarili nitong silid.


“She’s under a lot of stress at mukhang this will trigger another depression. We would have given her medicine kaso ay buntis siya...” Gustong humiyaw ni Santi na “Obvious ba?” pero nagtimpi na lang siya. He patiently and politely waited for the doctor to finish speaking. Nang matapos na ang check up ni Syl ay tumabi siya dito at hinimas ang buhok. Kung puwede lang sana niyang akuin lahat ng sakit, gagawin niya.


Pinabalik niya si Dominika at Darius sa ospital para tumulong mag-ayos ng funeral service para kay Don Fabro.



***


“Santi, kumusta si Sylvana?” Sa lalim ng buntung hininga niya ay alam na kaagad ni Dominika ang sagot.


“Heto, naghanda ako ng meryenda.Pilitin mo siyang kumain.Makakasama sa kanila ng baby ninyo kung magpapatuloy siyang ganyan.”


“I’m doing my best. Nagpumilit siyang umuwi sa Rancho Ramirez ngayon. Pangako niya, pagkaayos niya ng mga gamit ni Don Fabro, at after ng reading ng last will ay susubukan niyang mabuhay ulit ng kagaya ng dati. I’m worried, ‘Ma. Hindi ko alam kung paano ang gagawin para mapasaya ko siya.”


“Let her grieve but don’t let her feel alone. Huwag mo siyang iiwanan. She needs to feel the love.Masyado siyang maraming pinagdaanan sa buhay at iyon lang ang kailangan niya ngayon, pagmamahal mo, natin.We will always be here to love and support you both. Ang pamilya natin ang magiging support group ni Van.” He nodded his agreement and hugged his mother.


“O, punasan mo na ang luha mo at bumalik ka na sa itaas. Dalhin mo ang orange juice at sandwich sa asawa mo. Sabihin mo magtatampo ako kapag hindi niya kinain at ininom ‘yan.” Iyon lang naman ang nakapagpilit kay Sylvana na kumain at matulog.Alam ni Santi na mali na gamitan ng emotional blackmail ang asawa pero hindi siya sumusunod kung hindi siya sasabihan na sasama ang loob nila kung hindi niya aalagaan ang sarili. Kasabay ng pagpanaw at pagkalibing kay Don Fabro ang pagiging malulungkutin niyang muli.


Pagpasok ni Santi ng kuwarto ay nakabihis na si Sylvana at nag-aayos ng higaan.


“Mahal, kumain ka raw muna sabi ni Mama. Aalis na tayo pagkakain mo.” Umiling siya at tumalikod.He hugged her from behind and kissed the tips of her ear and showering butterfly kisses on her neck down to her shoulder blades. She hummed in response. Sa mga ganitong intimate moments lang may positibong reaction ang asawa. It’s her way to release her tension kaya’t madalas itong gawin ni Santi. He turned her around and kissed her lips. The reaction was instant, she wound her arms on his neck and responded to his kisses habang unti-unting nalagas ang mga saplot nila sa katawan. Laging ipinagpapasalamat ni Santi na may isang bagay pa rin silang pinagsasaluhan ng asawa niya kahit habang tumatagal ay nagiging distant si Sylvana.They shared and consumed their passion, and when they reached the peaks of their lovemaking, like always, he would see his wife, iyong tunay na Sylvana. Nakangiti and looking at him with love and adoration.


“I love you, Syl.”


“I love you, too.”


And then, her mask devoid of emotion will return. Santi sighed and hugged his wife.


“Kumain ka na. Magtatampo raw si Mama kapag hindi ka kumain. We’ll leave when you’re done. Maliligo lang ako. You can join me if you want...” He winked at her but she didn’t even smile.She just nodded her head.


“Nod your head yes to join me sa pagligo?” She looked at him and raised her eyebrow.


“Sabi ko nga, kakain ka na at maliligo na ako. I love you. I won’t take long.”He kissed her again before running to their bathroom. Sa Rancho DLG sila nanirahan pagkalabas ng ospital para hindi maiiwang mag-isa si Sylvana kung kailangan ni Santino na lumabas para sa ilan nilang negosyo.Pero kahit isang beses ay hindi pa siya nawala sa tabi ng asawa. Madalas ay inuutusan lang niya ang mga kapatid na gawin ang ibang trabaho niya.He worked on his phone and laptop and with the help of his family.


Paglabas ni Santi ng banyo ay nagbihis siya kaagad. Si Syl naman ay nakasilip sa bintana at pinagmamasdan ang kabayo na nakatali sa may kuwadra na kita mula sa silid nila.


“Hey... why? Do you miss riding?” Tumango lang ito sa kanya at humilig ng yumakap siya muli mula sa likuran.


“I miss everything.”


“Pero aminin mo, ako ang pinakanami-miss mo...” She looked at him and smiled bitterly.

“Si Papa... Ang mga anak natin... Pati si Belo... Sina Dennis at Zarina. I miss myself...” She started to cry and this made his heart weep with her.


“Babalik rin sa dati ang lahat. Please just hang on. I love you. Labanan natin ang lungkot. I’m here to fight with you.”


“Yes, thank you. I love you Santi. I’m sorry nagiging pabigat ako sa inyong lahat.”


“No, of course not.Hindi ka pabigat. Well, kung nakapatong ka sa ’kin medyo mabigat nga.” She lightly pinched his arm. May mga brief instances na bumabalik ang dating Sylvana and he cherished those times like he would a gold mine.


“I love you, Syl. Come on? Nakahanda na ba ang mga gamit?” Tumango ito and he took overnight bag on top of the bed. Sa Rancho Ramirez sila matutulog. He wanted to take that opportunity para makausap si Toro at ang mga magulang nito.


Minamanmanan pa rin sila ng mga Arguello pero wala pang makuhang ebidensiya bukod sa madalas na pagkawala ni Toro sa rancho. Hindi rin alam ng mga magulang nito kung saan ito nagpupunta. Ayon sa intel na nakalap nina Dominic, hindi tunay na anak ng mag-asawang Aling Tasing at Mang Tanto si Toro. Ampon din ito kagaya ni Sylvana.


Pagbaba nila mula sa kuwarto ay nag-aabang si Dominika.


“Ang tagal ninyong bumaba. Anyway, eto may pabaon akong hapunan. Baka ma-miss ni Van ang luto ko.” Yumakap naman si Van sa biyenan at pinilit ngumiti.


“Salamat po, Mama.”


“Ma, alis po muna kami. Pakisabi kay Darius, iyong bilin ko huwag kalimutan.” Tumango ang ginang at yumakap muli sa kanila ni Sylvana.


Isinakay ni Santi ang asawa sa isang bagong kotse. Sa tabi nito ay naka-park ang lumang sasakyan niya na basag pa rin ang windshield at may plastic cover at masking tape.


“Santi, bakit hindi mo pa ipinapaayos ang salamin ng kotse mong isa?” Hindi napigilan ni Syl magtanong.


“May sentimental value kasi ‘yon. Gawa ‘yon ng babaeng mahal ko. At ang araw na nabasag ang salamin ng auto ko ang pinakamahaba at pinaka-intense na pag-uusap namin sa ilang taon naming pagkakahiwalay.” Alam naman ni Syl na siya ang tinutukoy ng mister. She couldn’t help but roll her eyes.


“Kahit na nag-away lang tayo? Hindi mo pa pala sinabi sa ’kin kung bakit mo ako hinayaang makulong?”


“Nagpapapansin ako sa’yo, eh. Gusto ko rin na hindi ako mawala sa isip mo. Effective, hindi ba?” Napailing na lang si Sylvana at lumingon para hindi makita ni Santi ang ngiti niya sa labi.


“Kinikilig ka ba asawa mo? Uuuuyyy... kinikilig ang wife ko.” He laughed out loud nang batuhin siya ni Syl ng tissue holder sa loob ng kotse.


Pagdating sa rancho ay agad nagtungo si Syl sa kuwarto ng ama-amahan. Gusto niyang linisin ang silid ng ama bago dumating ang abogado na babasa ng huling habilin ng matanda.


“Are you sure you’re okay?” Tumango lang ito at sinimulan na nila ang paglilinis ng cabinet. Inilipat nila lahat ng mga damit sa isang malaking kahon, habang ang mga sapatos naman at iba pang gamit ay sa isa pang kahon. When they pulled one of the drawers ay naka-lock ito.


“It’s locked. Help me find the key.”


Agad naman sumunod si Santi. Sa desk ng matanda siya unang naghalungkat.Ilang minuto na ay wala pa rin siyang nakikita.


“I found it. Typical na Ramirez, nagtatago ng susi sa ilalim ng unan.” Napangiti si Santi dahil ang susi ng diary ni Syl ay sa ilalim rin ng unan nakatago.


Santi took out the key from her hand and opened the drawer. Pagbukas niya ay hindi niya inaasahan ang makikita sa loob. It made them both gasp in surprise. Ni sa panaginip hindi nila inisip na ang bagay na iyon at na kay Don Fabro pala.























  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018