Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

Abala man si Sylvana sa mga responsibilidad niya sa buhay, hindi siya nakakalimot na tumulong sa kapwa.Isang beses sa isang buwan dumadalaw siya sa isang bahay ampunan na malapit sa Cavanah Valley.Isa’t kalahating oras mula sa kanila ang lugar na iyon.Magaan ang pakiramdam niya tuwing pupunta siya sa St. Clotilde Orphanage.Bukod sa kulay asul at puting kulay ng lumang bahay, kaayayarin ang tanawin sa lugar na iyon na maraming nagagandahang bulaklak, mga rosas, santan, sampaguita at lila na nakahilera paikot ng gusali. Naging malapit na rin siya sa mga madre doon. Marahil dahil isa rin siyang ampon na hindi alam kung saan ang pinagmulan. Highschool pa lang siya ay panata na niya na magpunta doon para mag-volunteer. 


Nang lumabas ang mga video nila ni Santino, dalawang buwan na namalagi si Sylvana sa bahay ampunan na bahagi ng cleansing at reflection niya sa sarili. Hindi siya hinusgahan ng mga madre kahit na halos isuka siya ng buong bayan nila. Kinupkop siya ng mga sisters at tinulungan siyang makabangon mula sa kinasasadlakan niyang putik.Napaisip nga siya noon na magmadre na lamang, ang kaso ay hindi niya maiwan ang kaniyang kinikilalang ama.


Pagkapasok pa lang ng motorsiklo niya sa itim na iron gate ng bahay ampunan, sinalubong na kaagad siya ng batang si Dennis.Ilang taon na ang nakakaraan nang matagpuan siya ni Sylvana malapit sa isang basurahan sa parke sa may bayan. Dinala niya ang sanggol sa St. Cleotilde para maalagaan ito ng husto at mapalaki ng maayos. 


“Ate Van!Good morning! Mabuti po at napadalaw kayo.Namimiss na namin kayo eh.Si Zarina, palagi kayong tinatanong.” Bibo ang bata kahit sa murang edad at napapangiti na lang si Sylvana tuwing magkausap sila ni Dennis.Yumakap pa ito sa kaniya bago kinuha ang dala niyang maliit na supot.Alam na ni Dennis na ang lamang candies at tsokolate ng lagayang iyon ay para sa kanila ng mga kasamahan niya. 


“Pasensiya na Dennis, naging busy kasi si Ate Van.Hayaan mo, hanggang gabi tayo maglalaro para naman masulit ang punta ko ngayon.”


“Sige po.Kayo rin po ba ang magpapatulog sa amin?” Nakasilip ang bata sa supot habang naglalakad.Mukhang namimili na ito ng candy niya bago pa ibigay sa mga kasamahang bata. 


“Sige ba.Story telling session mamayang hapon at bago matulog.” Ngumiti ito sa kaniya na parang napakagandang balita ang narinig.


“Yehey! Salamat naman.May maririnig na kaming ibang kwento!Paulit-ulit na lang po ang kwento ni Sister Anne.Kabisado na nga po namin.”Ngumuso pa ito na lalong nagpa-cute sa bata. 


“Nasaan pala si Zarina at ang iba pa? Bakit ikaw lang ang nasa labas?”


“Nasa library po sila.” Parang kinilabutan pa si Dennis nang mabanggit ang library.Natawa na lang si Sylvana dahil dito. 


“Library?”


“Opo. May mga bagong Braille books na idinonate last week dito.Tinuturan nila si Zarina magbasa gamit ang Braille.”


“Wow!Sige puntahan natin sila.Kanino naman galing ang mga Braille?”


“Kay Kuya Santi po Ate Van!”Natigilan si Van, maging si Dennis. Kapwa sila napahinto sa paglalakad at nagkatinginan.Napakapit naman sa bibig ang bata. Hindi alam ni Van na nagpupunta pa din doon si Santino. 


“Ay! Nasabi ko...hala lagot ako...Sabi nga pala ni Kuya Santi, secret lang...pero hindi ko nga po alam bakit kailangan secret pa at sa iyo lang bawal sabihin...pero lahat naman kami dito alam na sa kaniya galing ang mga ‘yon...” Balisa ang paslit na nagpalakad lakad sa hallway bago muling kinausap si Sylvana.


“Ate Van? Magkagalit po ba kayo ni Kuya? Kasi magkakilala daw kayo sabi niya, pero hindi ko naman po kayo nakikita magkasama.” 


“Huwag mo nang isipin ‘yon. Hindi na importante. Tara na.”Iniwasan na lang niya sagutin para hindi na humaba ang usapan. Siguradong maraming follow-up questions kapag sinimulan niyang sagutin. 


Ilang liko pa sa mahabang pasilyo ay narating rin nila ang library.Sandaling natigilan si Sylvana nang makita ang magandang bata na pinagkaitan na nga ng magulang, hindi pa pinalad na makakita.Napakalapit ng loob niya kay Zarina dahil bukod sa magalang at mabait ito, bakas ang matinding kalungkutan sa bata.Lagi niyang ipinapakuwento kay Sylvana ang mga tanawin sa paligid maging ang mga kulay at hugis. 


Sa bahay ampunan na iyon niya napapagtanto na napakaswerte niya na nabigyan siya ng magandang buhay at mapag-alaga at mapagmahal na ama.Kaya ganoon na lamang ang pagnanais niya na matulungan ang mga bata doon sa paraang kaya niya. 


“Zarina...nandito na ‘ko. May sorpresa ako sa’yo.”Yumakap kaagad si Sylvana sa bata nang lingunin siya nito.Magkasing-edad si Dennis at si Zarina, kung titingnan ay magkahawig rin sila.Parehas silang may maputing kutis at mamula-mulang pisngi.Kung tutuusin, mukha silang may lahing Kastila.Matatangos na ilong at mapusyaw na kulay ng buhok. Kaya nakakapagtakang ipapamigay lang at iiwanan ang magagandang lahing kagaya nila. Magkasabay silang dumating sa bahay ampunan.Si Dennis, napulot sa may parke noong tatlong buwang gulang pa lamang, samantalang si Zarina naman ay iniwan sa mismong tarangkahan ng bahay ampunan. 


Kapag naiisip niya ang mga walang kwentang magulang nila na nang-iwan sa kanila, hindi niya mapigilan ang sariling magalit.Galit na nararapat para sa mga taong walang pakialam sa buhay ng iba.Nagpakasarap sa paggawa ng bata ngunit hindi makuhang pangatawanan ang obligasyon ng isang magulang. 


“Ate Van...tingnan mo po...may libro ako...may nagbigay po...si...ah...” Napangiti si Van nang makitang nagdalawang-isip si Zarina banggitin ang pangalan ni Santi.


“Hindi na importante kung sino ang nagbigay, ang mahalaga ay makapag-aral ka magbasa gamit iyan.Marunong ka na ba?” Nakatingin rin ang ibang bata sa kanila.Iminostra ni Van ang supot na hawak ni Dennis para pagsaluhan nilang lahat.Mabilis pa sa alas-kwatro ay nagsialisan ang mga bata at hinabol si Dennis. 


“Hindi pa nga po eh.Pero tuturan daw po ako ni Sister Carmen.Nandito po siya kanina pero nagpunta na po ng kusina para maghanda ng almusal.Ate Van, bulag din ang kapatid niya kagaya ko kaya marunong daw siya magbasa nito.” Bakas ang kaligayahan sa mukha ng magandang bata.


Nagkwentuhan pa sila habang wala pa ang ibang niyang kasama.Ipinagdala rin sila ng pandesal at matekilya ni Van na pagsasaluhan nila sa agahan. 


“Ate Van, pwede pa po ba akong makakita? Gusto ko po sana mabasa ang mga libro na may litrato at kulay.” 


“Kung may espesyalista lang sana rito ng mata pwede natin ipasuri.Sige, don’t worry ha, hahanap tayo ng pwede tumulong sa’yo.”


“Sige po.Salamat.”


Pagbalik ng mga bata sa mahabang lamesa ay nagsimula na ang story-telling session nila.Mahigit isang oras din iyon kasama ng ibang laro na ginagawa nila tuwing dadalaw si Van.It gives Sylvana genuine happiness and sense of tranquility whenever she interacts with the children.Pakiramdam rin niya ay nagkakaroon ng silbi ang existence niya sa mundo kapag napapasaya niya ang mga bata. Ilan sa mga batang iyon ay nasubaybayan niya ang paglaki. Marami ring nagpupunta doon para mag-ampon kaya’t ang pinakamatanda lang nila doon ay hindi umaabot ng edad sampung taon. 


Lumipas ang mga oras na hindi namalayan ni Sylvana.Pagkatapos niya patulugin ang mga paslit, nag-usap sila ni Sister Anne na siyang nangangasiwa ng bahay ampunan.


“Van, may nagpunta dito at gusto ampunin si Zarina, kaya lang nang malaman nila na bulag ang bata...medyo napalakas ang paghindi nila at narinig ng bata, kaya’t ngayon nagtatanong na naman siya kung kailan siya muli makakakita.”


“Ipinagtanong ko na noon ang kondisyon niya, may posibilidad pa raw ma-correct dahil hindi naman total blindness since may naaninag naman siya ng kaunti. Alam niyo naman po na gusto ko sanang ampunin sila ni Dennis pero hindi ako financially capable.Pinagiipunan ko pa po Sister.”


“Hangga’t kaya kong huwag ibigay silang dalawa sa iba, gagawin ko habang nag-iipon ka pa.Pero may isa pang gustong umampon sa kanila at mukhang desidido siya...”


“Sino ho?”


“Hindi ko dapat pwede sabihin pero dahil alam ko ang history ninyo...Si Santino.” Napatayo si Sylvana at nagkuyom ng palad sa sobrang gulat. 


“Bakit ba pati ang mga taong malapit sa’kin gusto pa niyang kunin? Lahat ba aagawin na lang niya?!” Nang mahimasmasan ay naupo siyang muli. 


“Sorry po Sister...alam niyo naman na pagdating sa taong iyon ay kumukulo ang dugo ko.” 


“Van...mukhang desidido siyang mapalapit sa’yo kaya niya ginagawa ang mga ito.Alam niyang nagpupunta ka pa din dito at ang dalawang batang iyon ang pinakamalapit sa puso mo.Kung kabisado ka pa din ni Santino, siguradong alam niya na gusto mong ampunin ang mga bata.”Tumango na lang si Sylvana para hindi na humaba pa ang usapan. Kilala sila ni Sister Anne dahil magkasama sila noong unang beses na dumalaw ang klase nila Sylvana sa ampunan parte ng isang outreach program.Pagkatapos noon, dalawa silang nagvovolunteer kada buwan hanggang sa nangyari ang eskandalo.


“Sister...salamat po.Medyo gumagabi na rin, nakamotor lang ako papunta dito. Balitaan niyo po ako kung sakaling may iba na gustong mag-ampon sa kanila.


“Sige hija. Salamat din sa patuloy na pagmamahal mo sa mga bata rito.Malaking tulong sa kanila ang mga kagaya mong may mabuting puso.” 


“Wala pong anuman.” Inihatid siya ng madre hanggang sa makasakay siya ng big bike niya.


Hindi mapigilan ni Sylvana ang galit niya nang malaman na nakikialam na naman si Santino sa mga bagay na gusto niyang gawin. Pinaharurot niya ang motor pauwi ng Rancho.On her top speed, she raced home.She wanted to race with her past, which is now starting to catch up on her. Kung sana ay kasingbilis ng motorsiklo niya ang pagkalimot at pagtalikod sa nakaraan, hindi na sana siya masasaktan. 




  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018