Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

Tatlong linggo nang nagpapabalik-balik si Santino sa Rancho Ramirez ay wala pa rin siyang makuhang impormasyon kung nasaan ang asawa niya.


Si Aling Tasing na mismo ang kumatok sa silid ng matanda.


“Don Fabro, Senyor, nasa labas na naman po si Santi.Hindi raw po siya aalis dito hangga’t hindi kayo nakakausap.”


“Hayaan mo siyang amagin doon.Kahit tubuan pa siya ng ugat at magkabunga, hindi niya mahahanap ang anak ko.”


“Hindi niyo po ba alam kung nasaan si Van?”


“Tasing, kahit alam ko, sa tingin mo ba ay sasabihin ko sa lalaking iyon?”


“Hanggang ngayon po ba ay hindi pa rin kayo boto kay Santino para kay Van?” Sandaling nanahimik ang Don bago ito muling sumagot.Pakiwari ng kasambahay niya ay may naalala itong pangyayari na nakapagpadilim ng mukha nito.


“Hindi siya karapat-dapat para sa anak ko. Kung noon ay hindi ko siya pinahintulutan, matapos ang ginawa niya kay Sylvana, sa palagay mo ba ay papayag pa ako na magkalapit silang muli?”Nakatikom ang mga kamao ni Don Fabro at namula ang mukha nito sa galit. Pero hindi pa rin tumigil si Aling Tasing. Minsan lang siya kausapin ng amo niya at gusto niyang lubusin ang pagkakataon.


“Pero sabi ni Santino, ikinasal na sila ni Van at isa pa, mayaman na siya ngayon.Ang balita ko, napamanahan siya ng dati niyang amo sa Saudi ng shares sa isang malaking oil company.Ito ang gatasan ng pamilya Arguello bukod pa sa malago na nilang Rancho. Hindi ba mas magandang magkatuluyan sila ng anak ninyo para maisalba ang... ay kabayo!”Napasigaw si Aling Tasing nang hagisan siya ng baston ni Don Fabro. Napatayo pa ito mula sa tumba-tumbang inuupuan at nanginginig sa galit.


“Tumigil ka! Lumabas ka na kung wala kang ibang sasabihin!”


“Senyor, pasensiya na po.Lalabas na po ako... pero ano pong sasabihin ko kay Santino?”


“Aliiiiiis!!! Labaaas!!!”Umalingawngaw ang malakas na sigaw ng matanda sa apat na sulok ng silid niya habang kumaripas naman ng labas ang kasambahay.


Nang mapag-isa na siya, gamit ang nanginginig pa rin na mga kamay ay inabot niya ang gamot niyang pangpakalma na nakapatong sa katabi niyang lamesita. Laging may nakahandang isang pitsel at baso ng tubig doon para kung kailangan nito uminom ng gamot.Makalipas ang ilang minuto, naramdaman din niya ang epekto ng gamot.


Tumayo siya at naglakad papunta sa may bintana. Walang gamit na tungkod o wheelchair. Sa totoo lang ay kahit na 78 years old na si Don Fabro, malakas pa rin siya. Batid sa mga kilos na matitigas pa ang kanyang mga tuhod. Taliwas ito sa paniniwala ni Sylvana na habang tumatagal ay nanghihina na ang ama niya, base sa imahe na gustong ipakita ni Don Fabro.


“Santino, naku umalis ka na... nagagalit ang Senyor. Baka mabaril ka pa rito kung hindi ka aalis.”Kita ang takot sa mga mata ni Aling Tasing habang ipinagtutulakan si Santino pababa ng tarangkahan ng malaking bahay.


“Hindi ako natatakot sa baril niya. Kailangan ko pong mahanap si Sylvana. Pakiusap, baka po may alam kayo?”


“Naku, hijo, wala akong alam. O siya, bahala ka kung ayaw mong umalis. Ikaw rin, kapag nabaril ka ni Don Fabro, mas lalo mong hindi makikita si Van.” Madalas ipanakot kay Santino ang shot gun ng matanda. Noong minsan na nagkairingan sila bago siya umalis papunta ng Saudi ay muntikan na siyang tamaan nito. Pinadaplis lang daw ng Don ang bala kaya’t imbis na binti ni Santi ay ang gulong lang ng kotse nito ang tinamaan.


“Sige, babalik na lang ho ako sa ibang araw.” Nilingon pa ni Santino ang bintana ni Sylvana bago ito tuluyang sumakay sa kotse niya.Umaasa pa rin siya na nagtatago lang sa bahay ang babaeng hinahanap niya.


Nang makaalis ang binata ay saka lamang nakahinga ng maluwag si Aling Tasing. Napakapit pa ito sa kaliwang dibdib niya para pakalmahin ang sarili. May mga bagay talagang kahit sa pagtagal ng panahon ay hindi magbabago at isa na rito ang maasim na pakikitungo ni Don Fabro sa lahat ng lalaki na nauugnay sa anak nito.



***


Gaya ng nakasanayan, sa mga palo ng stick sa drums nailalabas ni Santino ang frustraion niya sa buhay. Dominic patiently watched his brother beat each part of the 5-piece drum set mercilessly. Hindi na magtataka si Dom kung dumating ang araw na magpapalit na naman sila ng drum set dahil sa lakas ng mga palo rito ni Santino. When he finally finished, pawisan siya at hinihingal. Masyadong intense ang ginawa niya. Santi stood up and walked to get something to drink from their minibar. Isang scotch na ibinuhos sa niyelohang baso. Scotch on the rocks.


Nang paupo na siya muli sa bar stool ay nakita niya ang isang kaha ng sigarilyo at naalala ang pangako niya kay Sylvana. He moved away and swirled the glass he’s holding para lumamig ang alak niya.


“Dom, wala ka bang balita? Hindi ba kumontak sa ‘yo si Syl?” Halos araw-araw itong tinatanong ni Santino.He was browsing through his phone and Dominic has a ready answer. He pressed the play button on his phone’s voice recorder at iyon ang sumagot.


“Santi, ilang beses ko na nang sinabi sa ‘yo na wala ngang sinabi si Van tungkol sa pag-alis niya.Kayo ang huling magkasama kaya’t kung wala kang alam, mas lalo naman kami.She needs space, give her some.Baka sakaling pagbalik niya maging maayos din ang lahat.” End of playback.


“Seryoso ka talaga na ‘yan lagi ang ipaparinig mo sa mga tanong ko lokasyon ni Syl? Hindi mo man lang ba ako papayuhan?” Umiling lang si Dom at muling tinipa ang cellphone niya para sa isa pang recorded message.


Oo naman! Seryoso ang sagot ko at pinaghandaan ko talaga. Ang tagal kong nagtitiis ng mga litanya mo at required akong laging magpayo kahit hindi mo naman pinapakinggan, kaya’t heto, I prepared several for you...” He paused the message and looked at Santino with a serious expression on his face.


“Ang taong ayaw magpahanap, kahit anong gawin mo hindi mo makikita. She wanted space and time away from you. Give it to her.Sabi nga nila when you love someone set her free, if she comes back to you, ikulong mo na siya at huwag nang pakawalan pang muli. I don’t know what happened with you on the last two days that you were together pero kung totoong mahal niyo ang isa’t-isa, kahit ano pa man ‘yan, you’ll get over it and everything will turn out for the best.Kung naniniwala kang kayo talaga ang nakatakdang magkatuluyan, kahit gaano katagal na panahon o kahit saang lugar, magkakatagpo pa rin kayong muli.Tiwala lang sa tadhana ninyo, Bro.” 


Matapos i-play ni Dom ang recording ay tinungga ni Santi ang scotch na iniinom niya at ibinalik ang baso sa mini bar. Gumuhit ang matapang na alak sa lalamunan niya diretsong pinainit ang sikmura niya.He felt weak and worthless kaya’t napasandal siya sa gilid ng music studio nila. Pakiramdam niya, wala siyang nagawang tama para sa kanila ni Sylvana. Everything he did turned out to be a flop pagdating sa babaeng mahal niya.


“Tiwala? Nagtiwala nga akong mababawi ko na siya pero anong nangyari? She left me. Hindi na ako ulit magtitiwala sa tadhana. Ganito pala ang pakiramdam nang maiwan. Baka kaya ganoon ang galit niya sa ’kin at hindi niya pa rin ako magawang mahalin ulit dahil iniwan ko siya.” Napasalampak siya sa sahig at sinapo ang ulo sa mga kamay. Dom stood up from the stool he’s sitting on and crouched beside his brother.


“Bakit kasi hindi mo sinabi sa kanya na isasama mo siya dapat pero pinagbantaan ka ni...”Umiling si Santi at pinutol ang sasabihin ni Dom.


“She doesn’t have to know that. Ayokong masira ang tingin niya sa ibang tao. Tama na iyong ako lang ang may kasalanan ng pagkakalayo namin.”


“Pero ikaw ang naiipit.Bakit kasi kailangan mong isikreto kay Van ang mga bagay na dapat sana sinasabi mo na para mapadali ang pagbabalikan ninyo?”


“Dahil ayoko nang dagdagan pa ang makasasakit kay Syl. Tama nang sa akin lang siya galit. They’re only protecting her pero sa ginawa nilang pagharang sa ’kin, mukhang napasama pa. She felt alone and desolate noong mga panahon na wala ako. Sana, isinama ko na lang siya. Ang daming sana. Kaya nga hindi ko matatanggap ang payo mo na hayaan siya at hintaying bumalik.Paano kung hindi na siya bumalik pa? Anong gagawin ko? Hindi ko kaya na tuluyan siyang mawala sa ’kin Dom. Lahat ng paghihirap ko at mga naipundar ko para sa kanya.” Ayaw mang umiyak ni Santino pero hindi niya mapigilang mapaluha tuwing naiisip na hindi niya alam kung ligtas ba o nasa maayos na kalagayan si Sylvana. Noong nasa Saudi siya, panatag siya dahil alam niyana nasa Cavanah Valley lang si Syl at kahit nasa malayo siya nababantayan pa rin ito ng mga kapatid niya at siya mismo ang naniguro na mawawala rin ang tsismis at eskandalong siya rin ang hindi sinasadyang lumikha. Sylvana did not know the things that Santi did to keep her away from the gossipmongers at hindi na niya ito kailangan pang malaman. Dahil isa lang ang gusto ni Santi na ipaalam kay Sylvana at iyon ay ang katotohanan na hindi kailanman magbabago ang pagmamahal niya.
























  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018