Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

To say that Sylvana was seething with anger when she went home was an understatement. Hindi nabawasan ng pagpapatakbo nang mabilis sa motorsiklo ang sidhi ng inis niya sa lalaking kausap niya sa may bayan. 


“Anak, bakit parang hindi ka makahinga? Namumula ka pa? At ano ‘yang helmet mo? Basag basag na. Huwag mong sabihin na nakipagbasag-ulo ka na naman? Kababae mong tao, ilang beses ko nang sinabi sa’yo huwag ka na makikipag-away.” 


Kahit naman mainitin ang ulo ni Sylvana ay magalang siya lagi sa amain niya. She tried to calm herself by breathing in and out bago siya nagsalita. She looked at the ceiling and at their old chandelier, willing herself to calm down. 


“Papa naman...Hindi po ako nakipag-away. More on, nakipag-diskusyon lang. Nabitawan ko po ang helmet. Tumalsik kaya nabasag.” Malapit naman sa katotohanan ang sinabi niya.Sana lang ay kumagad ang tatay niya dito. 


“Napakataas siguro ng binagsakan anak at ganyang nagkadurog ang salamin.Abay, bakit sinuot mo pa? Para rin namang wala ka nang suot diyan?” 


“Pa, kumain na ho ba kayo? Iyong gamot ninyo po ba nainom niyo na?”Sinubukan na lang niyang ibaling sa iba ang usapan.Tumungo siya sa ref at kumuha ng pitsel ng tubig at isinalin ito sa baso.Isang tungga lang dahil nauhaw siya sa mga kaganapan kanina. 


“Ayos na anak. Sylvana, hija maupo ka nga dito.Bakit ba parang lagi ka na lang galit simula nang bumalik ka mula sa competition mo noong isang buwan?” 


“Hindi naman po. Pagod lang.Isa pa wala naman hong kakaibang nangyari doon para ikagalit ko.” She tend to stray away from that topic.Ayaw niyang maalala ang nangyari sa Dart Competition na dinaluhan niya isang buwan na ang nakakalipas.


“Pwede mo akong kausapin sa kahit anong bagay tandaan mo ‘yan.” 


“Papa, ang drama mo po.Sige na magpahinga ka na. Hatid kita sa kwarto mo?”Umiling lang ang ama at saka pinindot ang button ng wheelchair niya.Nakakalakad naman si Don Fabro pero dahil mahina na ito at madaling mapagod dala ng katandaan, gusto ni Sylvana na nakawheelchair na lang siya kaysa mag-tungkod.Malaki at malawak ang bahay nila at ang rancho.Sa katigasan ng ulo ng ama niya, madalas itong nanghihina sa pagod dahil sa pag-iikot. 


“Ikaw naman. Ang lapit lang ng kwarto ko.Kaya ko na. Ikaw ang kumain na at magpahinga.Mukhang hindi ka pa nagtatanghalian.” Tumango lang si Sylvana. Hindi pa nga siya nananghalian dahil inabot na siya ng hapon sa kulungan, pero hindi niya pwedeng sabihin sa ama niya iyon. 


“Opo. Kakain lang muna ako bago silipin ang ginagawa ng mga tauhan natin. Pahinga na po kayo.” May gusto pa sanang itanong si Don Fabro pero hindi na nito itinuloy.Nakahinga na ng maluwag si Sylvana nang umalis na ang ama niya.


She took out leftover food from the fridge at ininit ito sa microwave.Kahit nasa probinsiya sila, mga moderno naman ang mga gamit nila.Katas ito ng paghihirap niya at pagsali at pagkapanalo sa mga prestihiyosong competition ng dart at equestrian sports na makakapagdagdag sa kinikita nilang mag-ama.Simula pagkabata niya ay kinahiligan na niya ito bukod sa pagpapatakbo ng rancho kaya’t nang maging mahusay siya, sumali siya sa mga competition hanggang sa lumaon ay nananalo na rin naman siya.Hindi nga lang niya masungkit ang Championship dahil sa matindi niyang kalaban, kalaban na hindi marunong lumaban ng patas. 


“Paumahin po Ma’am Van, may nakaliban po kasing mga baka papunta sa kabilang rancho.Ayaw ho ibalik ng may-ari hangga’t hindi kayo nakakausap.” 


“Huwag nyo pong sabihin sa akin na sa El Rancho DLG napunta ang mga baka?!” Natakot yata ang katiwala nila na si Mang Tanto dahil sa pagsinghal ni Sylvana. Napaurong pa ito bago muling nagsalita. 


“Pasensiya na ho.Nasira kasi ang bakod sa parteng iyon kaya’t doon napunta ang mga...” 


“Fine. Sige na ho.Pasensiya na rin at nakapag-taas ako ng boses.Marami lang ho akong iniisip. Ako na po ang pupunta.Ilan ho bang baka ang nakaalpas?”


“Mga treinta po ang magkakasama kanina sa may parteng iyon.Salamat po Ma’am.”


“Sige ho.” Nang makaalis na ang matanda na namumuno rin sa mga tauhan nila sa Rancho Ramirez, tumungo si Sylvana sa silid niya para maligo muna at magpalit ng damit.Gusto niyang malamigan muna ang kanyang ulo at maglinis muna ng katawan.Baka sa paraang iyon makuha na niyang maging mahinahon sa pagharap niya sa may-ari ng kalapit na rancho. 


Dahil sa sobrang init, pagkatapos niyang maligo ay nagpalit siya ng leggings mula sa suot niyang pantalon at isang halter neck sleeveless blouse naman sa pang-itaas.Cowboy boots naman ang sa paa. Kailangan niya ito sa pangangabayo.Hindi niya kinalimutang maglagay ng sunblock dahil mabilis matusta ang kaniyang balat sa init ng araw.Pagharap niya sa salamin, ay napangiti siya sa nakita.Now, she’s dressed for battle. 


Sa 100 acre land nila na napapalibutan rin ng mas malalaki pang lupa, hindi madali na panatilihin ang kaayusan nito lalo pa at mga elemento ng kalikasan ang kalaban nila. Tagtuyot, tag-ulan at minsan ay mga sakit na hindi naman maiiwasan. 


“Mang Tanto, salamat.” Bati ni Sylvana nang iabot sa kaniya ang white stallion niyang si Belo.Hinimas muna niya ang kabayo bago siya sumakay sa saddle nito.


“Belo...pupunta na naman tayo sa favorite place in the world ko.Note my sarcasm.” Bulong ni Sylvana habang marahan niyang pinag-canter si Belo. 


Ilang minuto pa ay pinag-trot naman niya ang kabayo kaya’t ilang minuto pa ay nasa may bungad na sila ng lupain ng mga Arguello. Napangisi si Sylvana nang makita niya doon si Santino.Nakasandal sa sirang bakod at naninigarilyo.Nang makita siya nitong paparating, nalaglag ang sigarilyo niya mula sa bibig at nahulog sa braso niya.


“Gusto mo raw akong makausap? Pwede namang ang mga tauhan ko na lang, bakit ako pa? Hindi ba at magkausap lang tayo kanina?” Bungad ng dalaga pagkababa niya ng lupa.He looked at her from head to toe and she couldn’t help but smirk at his reaction. 

“Ganiyan talaga ang suot mo? Gusto mo bang ma-sunburn? Siguradong pinagpiyestahan ka na naman ng mga tauhan mo dahil sa damit mo!” 


“Wala kang pakialam kung anong suot ko.Fiesta? Mukhang ikaw nga ang nagpipiyesta ng kakatingin sa katawan ko.Pwede ba, tigilan mo na ‘ko.Now, where are the cattles?” He was seething with anger.Kung anong ikinagagalit niya, wala nang pakialam si Sylvana.Ang gusto lang niya ay makuha ang mga baka. 


“I’ll bring them back. No, I’ll let you herd them back if you’ll have dinner with me.” 


“Sa’yo na lang ang mga baka.Bibili na lang ako ng bago.” 


Napahilamos ng mukha ang lalaki bago muling nagsalita. 


“Ganiyan ba kalaki ang galit mo sa’kin para kahit dinner lang ay tanggihan mo?” 


“Sigurado ka bang tinatanong mo ako niyan? Ano na naman bang kalokohan ‘to Santino? Feeling close ka ganon?” 


“Syl...”


“Damn it Santi! Huwag mong kalimutan kung sino ang kausap mo!Hindi tayo magkaibigan at hindi ko rin gustong simulan ngayon makipagfriends sa’yo! Kung wala ka nang ibang sasabihin, aalis na’ko.Wala ka talagang kwentang kausap kahit kailan.”


“Sylvana...please. Just one dinner.” Napailing si Sylvana.Wala talagang hiya ang lalaking iyon.Pati siya ay gusto pang isahan. 


“Ang tapang mo kanina makipag-away sakin, ipinakulong mo pa ko! Tapos ngayon nagmamakaawa ka? Dapat nasasanay ka na na laging NO ang sagot ko sa lahat ng bagay na may kinalaman sa’yo.Kung hindi mo ibabalik ang mga letseng baka na ‘yan, bahala ka!Pero huwag mo na akong pababalikin pa dito.Hindi ako katulad ng mga babae dito na nagkakandarapa sa’yo!”


“Sige, iba na lang.Alam ko namang kailangan mo ang mga cattle na ‘yon. Ibabalik ko sa’yo kapag natalo mo ako sa Darts.” 


Kung may dala si Sylvana na darts nang mga oras na iyon, malamang ay sugat sugat na ang mukha ng kaharap niya.


“Peste ka talaga! Ang dami mong satsat! Darts pa talaga? Ako pa talaga?” Tumango lang ang kausap niya at ngumiti na parang nang-aasar. 


“Yes. Winner takes the loser home. I mean...”


“Ang manalo, pwedeng hilingin kahit ano? Kung ako ang manalo, aside from you returning the damn cattles, I’ll be able to get whatever I ask from you?” 


He smiled and nodded.Iritable si Sylvana tuwing makikita siyang nakangiti.


“Yes. Sigurado naman ako na ako ang mananalo.” Natawa ng malakas si Sylvana. 


“Let’s see Mr. Arguello.” 


“Tonight at 8 pm. Sa Dodge Bar. I’ll see you there...”


Sumakay na ng kabayo si Sylvana at akmang aalis nang magsalita ulit ang binata. 


“Wear something nice...baka sakaling manalo ka.” 


Napairap na lang siya bago niya pinatakbo ng mabilis si Belo. Kung hindi pa siya aalis ay baka naipasipa niya sa kabayo niya ang preskong lalaking iyon. 


Ngayon, may paglalabanan na naman silang dalawa.Sino naman kaya ang magwawagi?




  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018