Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

“Sylvana! Bakit kasama mo ‘yan?!” 


“Magandang umaga po Don Fabro. Ahm, hinahatid ko lang po si Syl...ah...kasi po...ano...may...” Gustong matawa ni Sylvana sa pagkatameme ng mayabang na lalaking kasama niya.Alam niyang sa Papa lang niya tumitiklop ito. Kahit noon pa, takot na si Santi kay Don Fabro. 


“Tanghali na hindi na umaga.Mabuti naman at naisipan mo pang isoli ang anak ko!” Nakayuko lang ito habang pinagsasabihan.Naawa naman si Sylvana kahit papaano ay may kasalanan rin naman siya. 


“Pa, huwag na po kayo magalit. Tinulungan lang ako ni Santi.Naparami po kasi ang inom ko kagabi. Sa bahay nila ako natulog para hindi na kayo maabala kagabi. Medyo late na po kasi ‘yon.” Mas nakakatawa ang reaksiyon ng tatay niya na nagulat. Napakapit pa ito ng mahigpit sa wheelchair at akmang tatayo.Nilapitan niya ito para hindi na mag-abala pa.


“Bati na kayo?”


“Hindi po!” Pag-iling ni Sylvana.


“Opo!” Tumango naman si Santino. 


Magkasalungat ang sagot ng dalawa. 


“Ano ba talaga? Hindi o oo?” Nakakunot noong tanong ng matandang kaharap nila. 


“Hindi nga po.Ilusyonado lang ‘tong Santino na ‘to.”Nakahinga ng maluwag si Don Fabro habang ang binata naman ay napakamot ng batok.


“Aalis na po ako.” Magalang pa rin siya kahit na kulang na lang ay ipalapa siya sa mababangis na aso. 


“Mabuti naman.”Napangiti si Sylvana sa inasal ng ama.Tinanguan lang niya si Santi nang magpaalam na ito. 


Pagkaalis ni Santino, hinarap ni Don Fabro ang anak.


“Van, akala ko ba hindi ka na ulit pupunta doon? Bakit nakitulog ka pa? Sabi mo galit ka sa kaniya pero bakit parang maayos na kayo?”


“Hindi na mawawala ang galit ko sa taong ‘yon.Sa pakikitulog naman po, hindi ko naman sinasadya Pa, naparami ang inom ko.Nagkataon na nadoon sila ng mga kapatid niya.He helped me. Buti na lang siya ang nakakita sa akin. Baka kung iba...”


“O siya, sige na.Kahit naman kumukulo ang dugo ko doon sa batang ‘yon alam ko naman na hanggang ngayon...” Umiling na si Sylvana.Ayaw na niyang marinig ang kasunod. Napapagod na siya mag-isip ng mga bagay na matagal na niyang napagdesisyunan. 


“Pa...tama na po. Papasok na po ako.Sumunod na rin kayo. Magpapahinga lang po ako sa kwarto.” 


“Sige.” 


Mabigat ang mga paang tinungo ni Sylvana ang silid niya.She felt exhausted, physically and emotionally.Hanggang kailan ba niya kakayanin na makita at makausap ang taong sumira ng buhay niya? Ang taong nagpahirap sa kaniya ng ilang taon.Ang lalaking nangiwan sa kaniya sa panahong kailangang kailangan niya ng kadamay.He took the easy way out.He left her to be humiliated.Hanggang sa dumating na lang ang araw na nasanay na lang siya na kinukutya.Hanggang sa nagsawa na rin ang mga tao at nakalimutan na kung anong kahihiyan ang nangyari sa kaniya. 


Hindi niya kailanman mapapatawad si Santino.Dahil bukod sa tiwala ay kinuha niya rin ang respeto niya sa sarili. She closed her eyes and tried to forget the songs that keeps on playing on her mind.


“Bwisit ka talaga!” Tumayo siya at kinuha ang darts na ginagamit niya tuwing gusto niyang maglabas ng sama ng loob.She took a picture of the man she hated the most at inilagay ito sa dartboard.Apat na bagong litrato ang hawak niya dahil gusto niyang nakikita ang mukha nito bago niya patamaan ng darts.In a way, nagiging practice niya ang paglalabas ng galit sa taong ‘yon. 


Isang tama sa outer bull at inner bull at isa sa triple ring.Perfect shots.


She remembered last month nang magkita sila sa Darts Competition.Nanalo si Sylvana sa laban niya sa Female Division Finals habang si Santi naman sa Male Division.Gustuhin man nilang maglaban, hindi mixed sports ang competition na ‘yon. Sa mga pub games lang sila madalas nagkakalaban.She was dying to beat him last night at Dodge Bar to prove na mas magaling siya.Mas magaling na siya ngayon sa lahat ng bagay kumpara sa matagal na niyang kinakalaban. 


Pero ang hindi niya makalimutan sa tournament na ‘yon ay ang mga narinig niya bago siya bumalik sa kwarto niya sa hotel bago magsimula ang awarding ceremony. 


“Galing ako sa kwarto ni Arguello. Ang galing pala talaga sa kama non.Kaya naman pala sikat na sikat.” Nanlamig si Sylvana sa narinig niya.Kung mamalasin nga naman, nakasabay pa niya sa banyo ang mga groupie ni Santi.Mga malalanding babae na walang pagpapahalaga sa sarili.


“Balita ko, nandito rin daw yung kasama niya sa scandal.”


“Baka ‘yung nanalo sa Women’s Div.Parang kamukha eh.Iba lang ang kulay ng buhok at parang pumayat pero kamukha.”


“Small world naman pala kung ganon.Ilang taon na rin ‘yon pero naalala ko pa.Nakakahiya kasi talaga.Sobrang nakakahiya na nakakatawa.Ang tigas rin ng mukha noong babae no? Hindi talaga siya lumayo matapos lahat nang nangyari.”


“Yeah.Samantalang ‘yong lalaki, ilang taon ding nawala. Kung magkarelasyon sila noon, siguradong hindi na ‘yon magkakabalikan ngayon.” Gusto maiyak ni Sylvana pero wala na siyang maiiyak pa.Ubos na ubos na ang luha niya kung patungkol doon. Tikom ang kamao, lalabas na sana siya para hamunin ng away ang dalawang tsismosa nang tumunog ang cellphone niya.Ang caller, ang taong pinag-uusapan ng dalawang hitad sa labas ng cubicle niya.


“Ano?”


“Nasaan ka? Awarding na.”


“Pakialam mo kung nasaan ako?!”


“I just want to congratulate you Syl. Ang galing mo pa din.”


“Hindi ko kailangan ng congratulatory speech mo peste ka!”


Gigil na pinatay niya ang cellphone bago tuluyang lumabas ng banyo.Mabuti na lang at wala na doon ang dalawang babaeng naguusap.


Lumapit siya sa full length mirror sa silid niya.She looked at herself.Malaki man ang ipinagbago ng itsura niya, hindi pa rin niya mababago ang nakaraan.Siya pa din ang babae sa video na ‘yon na pilit niyang kinakalimutan.Siya pa din ang pinagtatawanan ng lahat at habang buhay niya itong dadalhin.Dahil kay Santino, nasira ang pangalan niya.At kahit ilang tropeo at panalo pa ang makamtan ni Sylvana. Hinding hindi na niya mababago ang nangyari na.Talunan pa din siya kung si Santi ang kalaban, dahil hindi ito marunong lumaban ng patas. 


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018