Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

"Talaga po? Papunta na po kami." Naluluha ang mata na tumayo si Syl mula sa couch.

"Santi... nakita raw nila sina Zarina at Dennis sa plaza na natutulog. Nang tanungin kung sino ang magulang nila, pangalan at numero ko ang ibinigay. Puntahan na natin sila." Hila-hila ang kamay ng mister ay nagmamadaling lumabas ng library si Sylvana. Dumaan muna sila sa kwarto para kunin ang susi ng kotse at magpalit ng damit dahil naka-boxers lang si Santi at naka-polo shirt lang si Syl.

"Paano nalaman ng tumawag ang number mo?"

"Kay Dennis. Kabisado niya ang number ko dahil madalas kong sinasabi sa kanya na tawagan ako kapag kailangan nila ng tulong."

Bakas ang kaligayahan sa mga mata ni Sylvana habang nakahinga naman ng maluwag si Santino. Agad nilang pinuntahan ang address na sinabi ng nakausap ni Sylvana sa telepono. Halos paliparin niya ang sasakyan para makarating agad sa paroroonan. Habang nasa daan ay tinawagan ni Santi si Dom para pasunurin sa address.

"Tol, pumunta ka sa address na ite-text ni Syl. Sabihan mo rin si Attorney Vicente na nakita ko na ang mga bata. Sabihin mo, dadalhin mo sa kanya mamaya ang kailangan para mapabilis ang proseso ng DNA testing. Huwag ka na munang magtanong, ipapaliwanag ko na lang pagdating mo. Sige, salamat."

Pagdating sa isang malaki at bungalow type na bahay ay pumarada kaagad si Santi sa harapan. May ilang sasakyan na nakaparada sa loob at nagkatinginan silang dalawa ni Sylvana dahil sa pagtataka. Nandoon ang motor ni Syl na ibinenta nito tatlong buwan na ang nakalipas.

Pagbukas ng pintuan ay bumungad ang taong hindi nila inaasahan. Ang mismong taong gusto rin nilang makausap, ang taong naging susi para masira ang buhay nilang dalawa.

"Toro?" Ngumiti ito at pinaraan sila. Sumunod sila sa malawak na salas ng bahay. Elegante at moderno ang mga gamit sa loob, sa isang malambot na puting couch sila iminuwestrang umupo ni Toro.

"Kumusta? Hindi yata kayo natutuwang makita ako? Nasa loob ng guest room ang mga bata. Natutulog sila. Maupo muna kayo at magpapahanda ako ng maiinom." Naupo ito sa solong silya at dumekuwatro. Pinagdaop ang mga palad at matiim na tiningnan si Sylvana. Biglang kinabahan si Santino. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may mali sa inaasal ni Toro. May dalawang lalaking malalaki ang katawan na nakasuot ng asul na uniporme, parang pang bodyguard. May ibinulong ang isa kay Toro at tumango naman ito. Paglabas muli ng dalawang lalaki, may pumasok na isang babaeng may apron at naglapag ng dalawang juice at dalawang hiwa ng chocolate cake. Santi took Syl's hand and gripped it tightly. Gustong warningan ni Santi ang asawa na huwag kumain o uminom ng nakahain. Hindi maganda ang kutob niya sa mga iyon. Hindi niya alam kung bakit parang napapraning siya bigla. Napatingin si Toro sa kamay ng dalawang kaharap.

"Don't worry, walang lason 'yan. Bakit ko lalasunin ang sarili kong kapatid, ang kakambal ko at ang bago kong bayaw?" Kung umiinom si Syl ng mga sandaling iyon ay baka naibuga niya ang juice.

"Anong sinasabi mo? Paano?" Tumayo si Toro at naglakad pasilip ng bintana. Syl looked at Santi asking for help pero tanging pag-akbay lang at init ng katawan ang maibigay ng asawa.

"Nagulat rin ako. I just found out... last week. Magsimula tayo sa umpisa." Pakiramdam ni Santi at Syl ay para silang nasuntok sa sikmura sa tindi ng rebelasyon ni Toro. Lalo na sa mga sunod nilang nalaman.

"Nagkasagutan kami ng ama mo noong gabing inatake siya sa puso. Sinisisi niya ako sa paglayo mo at sa lahat ng kamalasan na nangyari sa buhay ninyong dalawa kahit wala naman ako talagang kinalaman. Kagagawan niyang lahat iyon. Nakarma siya dahil sa lahat ng kasamaan niya. Nabanggit niya na tunay ka niyang anak. Lalo siyang nagalit nang sabihin kong ipagtatapat ko na ang totoo. I wanted to tell you the truth, na siya ang may pakana ng lahat ng nangyari sa 'yo. Oo, ako ang kumuha ng video camera, pero siya ang nag-utos noon. Sinabihan niya akong manmanan kayong dalawa at gumawa ng ikakasira ninyo. Pinapunta ka niya Sylvana sa bahay nina Santi ng gabing iyon dahil nasabi ko kay Don Fabro na may video camera kayong ginagamit tuwing magkasama kayo. Paano ko nakita? Napansin ko iyon isang beses nang ipanakaw ni Don Fabro ang photo album ninyong dalawa. Noong una, akala ko’y nababaliw na siya, pero sabi niya mayroon lang siyang binabalak. I was his puppet. Dahil malaki ang utang na loob ko sa kanya sa pagpapaaral sa 'kin at pagpapatira sa amin nang libre ng mga kinilala kong magulang." Nakatingin siya sa malayo habang isinasalaysay ang nangyari. Santi pulled his wife closer, wanting to give her strength and comfort.

"Toro... pero sabi ni Papa, ikaw raw ang may ideya noon."

"Ako nga ang nag-leak ng video, pero alam niyang gagawin ko 'yon. Sabi niya, ako na raw ang bahala. He lied to you. Kahit sa kamatayan, sinungaling siya. Selfish siyang tao, Van." Nakatikom ang kamao ni Toro at nang humarap muli sa kanila ay nanlilisik ang mga mata sa galit.

"He made me suffer for ruining your life. Pinutol niya ang pagtulong sa akin. Naging trabahador na lang ako hindi kagaya noong una na itinuring niya na rin akong kapamilya. Ginamit niya lang ako at itinapon ng basta. Ako na sumunod lang sa mga utos niya. Nang gabing bugbugin kita, Santi naibuhos ko sa 'yo ang galit ko. Sana ay mapatawad mo ako. I was frustrated and I felt guilty for hurting Sylvana. Pero wala akong magawa. Wala kayong ginawa o ipinakitang masama sa akin pero napahamak kayo at nagdusa." Mula sa galit ay napalitan ng pighati ang mukha ni Toro.

"Toro..." Gusto sanang lapitan ni Syl ang kapatid ngunit pinigilan siya ng asawa. Kailangan muna nilang marinig ang kabuuan ng istorya.

"Ginamit ko ang maliit na kita ko sa Rancho para mag-invest sa stocks at pinalad ako. Lumaki ang kita ko at nakatapos ako ng pag-aaral na hindi nalalaman ng ama mo. Nakapagpundar ako at ginawa kong motivation ang pang-aapi sa akin ni Don Fabro. Van, kahit kaya ko na noon na umalis sa rancho at isama ang kinilala kong mga magulang, we stayed para siguruhing maayos ang kalagayan mo. I felt compelled to look after you. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko, iyon ang tama. When you gave birth and suffered from depression, kinailangan ulit ako ni Don Fabro. Sorry, hindi ko siya kayang tawaging Papa. He asked for my help to kidnap your twins. I had no choice, kailangan ko pa ring malaman kung saan sila dadalhin at magagawa ko lang iyon kung ako mismo ang kikilos. Naihanap ko sila ng magulang. Pero nang marinig kong ilalayo nila ang mga bata, natakot ako. Kinuha ko sila at itinago. Ang isa ay iniwan ko sa bahay ampunan na madalas mong puntahan noon at ang isa ay sinadya kong matagpuan mo sa parke. May karamdaman ang babaeng anak ninyo kaya't gusto ko sanang sa iyo siya mapunta. Akala ko noon ay kukupkupin mo ang bata. Pero dahil na rin sa ama mo, kaya dinala mo ito sa ampunan." Napansin ni Santi na tuwing mababanggit ni Toro si Don Fabro ay tumitikom ang kamao nito.

"Kung gayon... si Zarina at Dennis?" Tumango si Toro. Naupo siyang muli sa silya at humarap sa kanilang mag-asawa. Nakatingin siya kay Sylvana.

"Hindi ko ito sinabi sa iyo o kahit kanino dahil sa sitwasyon mo. Wala kang maalala. At lagi pa kayong nag-aaway ni Santino. Nagbantay lang ako at naghintay ng tamang pagkakaton."

"Toro, narinig kita noon sa parking lot.. Sorry, mahal ko, hindi ko na nasabi sa'yo. Nawala na rin sa isip ko dahil sa mga nangyari..." banggit ni Santi bago ito muling bumaling kay Toro.

"May kausap ka noon, sabi mo mawawalan ng bisa kapag nalaman niya, at malalagot kayo kay Boss. Sinong Boss?" Santi looked closely at his reaction. Kumukuha ng senyales na nagsisinungaling ito. Hindi siya makapaniwala sa sagot nito.







  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018