Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

Naalimpungatan si Santi dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone. Dapat talaga in-off niya ito para walang istorbo.


“Dom?”


[“Tol, hinahanap na ni Don Fabro si Van. Ipinadala niya rito sa rancho si Toro para bigyan ka ng mensahe. Kapag hindi mo raw ibinalik ngayong umaga si Van ipapupulis ka niya. Malaking gulo na naman ‘to, Santi.Kinidnap mo ba? Dalawang araw na kayong magkasama. Napaka-unusal na papayag si Van na manatili sa bahay mo.”]


“Kidnap ka riyan! OA niyo, ah.Alas-otso pa lang ng umaga, so technically isang araw simula noong isang gabi pa lang kami magkasama. Isa pa, hindi nila ako puwedeng ipapulis. May legal na dahilan na ako para hindi ko isoli si Syl. Sabihin mo na lang diyan kay Toro, paggising ng asawa ko, itatanong ko kung gusto niya pa bang umuwi.”


[“Sige... Ano? Asawa!!! Anong asawa?”] Nilayo ni Santi ang cellphone mula sa tainga niya dahil sa lakas ng boses ni Dom sa kabilang linya.


“Mamaya na lang tayo mag-usap inaantok pa ‘ko. Istorbo kayo sa honeymoon namin.”


Pagkababa ng tawag ay nilingon ni Santi si Syl. He can’t describe the feeling of happiness and contentment upon seeing the one he loves sleeping beside him. It gives him deep feeling of pleasure to wake up beside the woman who occupied his dreams for years. Ngayon, abot kamay na niya. Paano nga ba nangyari ang lahat?


Nang lumabas si Santi at Sylvana mula sa bar ni Dom, dinala at inihiga muna ni Santi si Syl sa kotse niya. Nakatitig lang ito sa dalaga at malalim na pinag-iisipan ang susunod niyang gagawin. Isa sa mga nabuo niyang plano ay ang itanan si Sylvana at magpanggap na may nangyari sa kanila para mapilitan itong makipagbalikan sa kanya. Pangalawang plano ay ang i-seduce si Syl at buntisin agad para masigurong magkakaanak sila at dahilan na naman para maging sila muli.


Hindi niya inaasahan na sa mismong mga bibig pa ng mahal niya manggagaling ang solusyon sa problema ni Santi.


“Santi... Santi...” Naalimpungatan na ito. Malamang ay nahihimasmasan na dahil pinilit niyang uminom ng tubig si Sylvana bago sila lumabas ng bar.Nagsuka rin ito nang buhatin ni Santi papunta ng parking lot.Puro suka ang damit ni Syl kaya’t labag man sa kalooban ni Santi na hubaran si Sylvana, kinailangan niyang gawin. Mabuti at hindi nadamay ang underwear niya at pantalon. He removed her shirt covered with vomit and covered her body with his jacket. Ang mga suka naman na tumalsik sa damit ni Santi ay pinunasan lang niya ng tissue.


“Santi...”


Hindi maipaliwanag ni Santi kung anong klaseng kilig ang nararamdaman niya tuwing binabanggit ni Sylvana ang pangalan niya.Posible kaya na sa subconcious ng dalaga ay siya pa rin ang lagi nitong naiisip?


“Syl?”He saw her eyelids open and she looked at him as if she recognizes him. He saw her eyes flicker na parang nasasaktan na makita siya.Tumagos ito sa puso niya.


“Santi... madaya ka. Iniwan mo ‘ko. Sabi mo... hindi mo ‘ko iiwan. Ppero... you left me. You left me kung... kailan kailangan kita.” Her voice may be slurred and soft as a feather but the impact of her words on him was like a large mallet’s blow to his heart.


“Syl, I had to leave that time. Gusto ko mang magpaliwanag, ayaw mo makinig. You chased me away. I tried, maniwala ka.”Umiling si Sylvana. Nagtataka si Santi kung lasing pa ba ito o hindi na.Their conversation was long overdue at hindi niya inasahan na sa ganitong sitwasyon pa nila ito magagawa.


“Siguro.. .kung hindi ka... umalis... okay pa tayo... may pa... milya... pero wala... wa-la...”


“We can still be okay now.We can make our own family now.Kung papayag ka, papakasalan kita ngayon na mismo.”She closed her eyes at sa ilalim ng sinag ng buwan, doon na napansin ni Santi ang mga luha sa mata ni Syl.


“Puro ka salita. Hindi naman totoo... Pagod na ‘kong umasa... sa’yo...”


“Don’t say that. Pangarap kong makasama ka habangbuhay, Syl. Seryoso ako, I want to marry you.”She turned to her right, hugging the jacket closer to her chest.Ayaw niyang makita ni Santi ang mga luhang pumapatak na parang malakas na buhos ng ulan.


“This is not real... Hindi ikaw si Santi... Imagination lang kita... panaginip.”


“To prove that I’m real, please marry me. Ano ba ‘tong ginagawa ko, nagpo-propose ako sa lasing? .Syl?” Santi touched her bare shoulder and she shivered.Inayos niya ang jacket para hindi lamigin ang dalaga. That was when she looked at him with pain and hatred evident in her eyes.


“Sinunga... ling... I... hate you... Sinira mo... lahat ng pangarap ko.” Sylvana tried to open the door pero naka-lock ito from the driver’s side.


“Hindi mo na ako matatakasan. Hindi na kita isosoli hangga’t hindi mo ako tinatanggap ulit. Syl, babawi ako Magpakasal na tayo... Say yes?”


“Psssh... I don’t believe... you... Even if I do... you’re not real.. Panaginip lang ‘to.”She closed her eyes and pulled her legs up.Naka-recline ang upuan and she’s in a fetal position.



“Syl?” He caressed her face ngunit walang reaction. Nakatulog itong muli. Naisip na ni Santino by then kung anong dapat niyang gawin. Sana lang ay magtagumpay siya.


“Ninong? Sorry po sa abala.Importante lang po talaga.Naalala niyo po ang pinag-usapan natin noong isang buwan? Pumapayag na po ang girlfriend ko. Medyo lasing nga lang po. Kailangan na po talaga ngayon, Ninong.Naku... maraming salamat po. Aayusin po namin kaagad ang mga papeles sa Lunes. Basta maikasal lang kami ngayon.Sige po.. .salamat Ninong! Ay pasuyo po, baka puwedeng makihiram si Syl ng t-shirt, kahit ano po. Salamat.”Pagkababa ng tawag niya sa Ninong niyang Mayor ng lugar na iyon at matalik na kaibigan ng kanyang ama, pinaandar na ni Santi ang sasakyan.Masuwerte siya dahil alam niyang insomniac ang Ninong niya at puwede niyang istorbohin kahit na dis-oras ng gabi. Kilala ni Mayor Delfin Banez si Sylvana dahil parang tunay na anak ang turing nito kay Santi. Ang mayor ang nag-suggest noon kay Santi na magpakasal na agad sila ng sibil kapag nagkabalikan silang dalawa. All out support ito sa lovestory ng SanVana.


“Syl? We’re getting married now whether you’ll remember this or not.”


May kinse minutos rin bago sila nakarating sa malaking bahay ng Mayor. May naghihintay na kasambahay sa may tarangkahan para bigyan ng t-shirt si Sylvana. Si Santi na mismo ang nagsuot nito sa kanya.


Sa library ni Mayor sa bahay ginanap ang maiksing civil wedding.Sylvana was half-awake then.Sampung minuto rin bago nagising ni Santi si Syl at nakumbinsi na pumirma sa marriage contract nila.Ang Ninong ay ang Mayor at witness naman ang kinakapatid ni Santi na si Devon.


“Bro, sure ka bang hindi ka kakalbuhin ni Van kapag nahimasmasan? Is this even legal? I mean, lasing kaya ang pinakapasalan mo,” nag-aalalang tanong ni Devon.


“Anak, imposibleng hindi alam ni Sylvana ang nangyayari. She answered my questions. Medyo nakatulog nga lang siya along the way at sa pirmahan pero overall, may consent naman.” Si Mayor Delfin na mismo ang nagkumpirma na valid and binding ang kasal nila Santi at Syl.


Doon din nagtataka si Santi.Syl was very cooperative sa kanilang kasal.She looked drunk pero maayos ang mga sagot niya sa mga tanong ng Mayor para siguruhing of sound mind siya when she entered the contract of marriage.When they finally said goodbye at nasa kotse na sila muli, saka lang muli nagsalita ang babae. It was very low and inaudible, matalas lang talaga ang pandinig ni Santi kaya naulinigan niya ito.


“Let’s see... who will win this time.”


“Syl?” Gusto sanang itanong ni Santi kung anong ibig niya sabihin, pero pumikit na ito at tumalikod sa kanya.













  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018