Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

Nang pauwi na si Van sa Rancho, huminto siya sa tapat ng Cavanah Valley University kung saan siya nag-aral simula elementarya hanggang kolehiyo. She parked on her usual spot malapit sa malaking puno ng acacia.Dahil gabi na at Friday pa, walang gaanong tao sa paligid maliban sa ilang night students. Some memories that she’s trying to forget resurfaced. Mga ala-ala na dapat sana ay ibinabaon na niya sa limot. 


“Van, punta ka daw sa bahay mamaya may ibibigay sa’yo si Mama. Gusto mo sunduin kita sa PE class mo, tapos sabay na tayo umuwi ng bahay?” Nakaabang si Dominic sa may ilalim ng hagdanan ng highschool na pinapasukan nila during free period.Magkaklase silang dalawa simula elementarya pero kapag PE ay magkahiwalay ang mga babae at mga lalaki ng klase.


“Dom, kapag sumabay ako sa’yo baka pag-iirapan na naman ang mga chikababes mo.Wala ako sa mood makipagtaasan ng kilay at dukutin ang mga mata nila isa-isa.Sa inyo na lang tayo magkita.” Sylvana rolled her eyes at her bestfriend since childhood na habulin ng mga babae sa school nila.Sino nga ba naman ang hindi maghahabol sa gwapo at matangkad na si Dominic.Halos lahat ng babae sa campus nila ay naging syota na nito.


“Grabe ka naman. Alam naman nilang bestfriend kita at kababata pa kaya dapat wala nang issue ‘yon.” Nagpalinga-linga pa si Dom para tingnan kung may nakarinig ng sinabi ng kaibigan.Matabil talaga ang dila ni Sylvana kaya minsan ay napapa-away din si Dom sa mga babaeng dine-date niya kapag sinasabihan si Van ng kung anu-anong bagay.


“Alam nga nila pero hindi naman nila isinasabuhay. Susunduin ako ni Papa. Ikaw kung gusto mo sumabay?” Naupo si Syl sa sahig at inayos ang mga librong bitbit niya.Ipinasok niya sa dalang backpack ang mga gamit.Advantage talagang naka PE uniform siya, kahit saan ay pwede siyang maupo.


“Hindi na. May sundo ka naman pala. Sasabay na lang ako kay Santi.Kung magkasabay tayong tatlo baka magbangayan na naman kayong dalawa.Natutulili ang tenga ko sa inyo kapag nag-aaway kayo.” Muli na namang napairap si Sylvana nang nag-indian seat rin si Dom sa tabi niya.


“Bakit mo ba kasi laging kasabay ang taong ‘yon?”


“Okay ka lang!? Baka nalimutan mong kapatid ko ang taong ‘yon at sa iisang bahay lang kami nakatira.” Napailing na lang si Dom.


“Ah oo nga pala.Hindi kasi kayo magka-ugali.” Third year highschool na sila ay lagi pa rin silang nag-aaway ng nakatatandang kapatid ni Dominic.


“Talaga ba? Dahil ba mas mabait ako?” Hindi namalayan ni Van at Dom na nakasilip na pala mula sa palapag sa taas ang lalaking pinaguusapan. Agad na tumalikod si Sylvana sa paparating na taong kinaiinisan niya. Napangisi lang naman si Santi sa reaksiyon ng dalaga. Gumitna ito sa kanila ni Dom na umusog na lang para magkaroon ng espasyo para kay Santi.


“Hindi! Mas mayabang ka, mas presko, mas babaero at mas tsismoso! Umalis ka nga! Baka sabihin ng mga tao magkakilala tayo.”Pagtulak pa ni Van nang tumabi si Santi sa kaniya.


“Mas ako sa lahat ng bagay kay Dom? Mas gwapo, mas mabait, mas simpatiko at mas...”


“Masamang hanging na naman ang nagdulot sa ‘yo dito.Dom, mauna na’ko. Sumama bigla ang amoy eh. Ano ba?!” Tumayo na si Sylvana at padabog na hinila ang bag niya na hinablot ni Santino.


“Kayong dalawa talaga...pati ako dinadamay niyo. Van ah mamaya sa bahay!”

“Pag-iisipan ko baka nasa inyo ‘yong masamang hangin.” Nakipaghilahan pa si Van bago binitiwan ni Santi.Ang resulta, muntikan nang matumba ang dalaga.


“Malamang. Doon ako nakatira. Aminin mo na Syl... If I know, gusto mo rin akong makita.” Pang-aasar pa nito.


“Kapal ng hangin, nagsasalita!Dom, ‘yong notebook ko sa Science pala.”Paalis na dapat siya nang maalala ang notebook na hiniram ng kaibigan isang araw na ang nakalipas.


“Nawawala nga eh.Itatanong ko nga dapat sa’yo kung nakuha mo na ba.”


“Hahanapin ko ba ngayon kung nasa ‘kin?!” Napapadyak pa si Van sa sobrang inis.


“Heto.Napulot ko. Lagi na lang nakakalat ang mga gamit mo. Kung saan-saan ko nakikita.”Dinukot ni Santi sa bulsa ng bag niya ang notebook at iniabot kay Van. Agad namang kinuha ng may-ari at saka siya nito tinitigan ng masama.


“Wow ah. Ang organized mo sa buhay. Hindi ko kinalat ‘yan, hiniram ni Dom!”


“Hindi ka na nga nagpasalamat naninigaw ka pa.” Natatawang sagot naman ni Santi.


“Bakit kasi napunta sa’yo.Dom, alis na’ko.”


Nakaalis na siya nang may maalala si Santi. Bahagya pang namula ang mukha nito nang habulin niya si Sylvana na nasa may corridor na ng ikatlong palapag ng gusali.


“Syl! Wait lang. Ano kasi...may...nalimutan pala ako kunin...pahiram muna niyang notebook.”Napakamot pa siya ng ulo.Nagtataka man ang dalaga, hindi niya ito ibinigay.


“Ang yabang mo kanina tapos ngayon hihiramin mo...ayoko nga!” Hawak pa ni Sylvana ang notebook.Itinago niya ito sa likod niya at saka siya umikot nang tangkain ni Santi na kunin ito.


“Saglit lang naman!”


“No!” Para silang nagsasayaw dalawa habang nag-aagawan.


“Syl naman! Pahiram muna sandali!”Nahablot ni Santi ang notebook kaya’t nakipaghilahan naman ang isa.


“Ayoko nga! Ayan nahulog tuloy...ano ba kasi...” Humagis ang notebook at may nalaglag na papel mula dito.May mga pangalan na nakasulat.Mga pangalan na nagpakaba sa dalaga. Lalong namula ang mukha ni Santi habang natahimik naman si Sylvana. Maya-maya pa ay dinampot na ni Santi ang papel na puro korteng puso na drawing.


SanVana

Santino and Sylvana

Sylvana Ramirez - Arguello


“Ang kulit mo kasi!” Huling sabi ni Santi bago ito nag-walk out papalayo.Sakto naman dating ni Dominic.


“O anong problema non?” Nagtatakang tanong nito habang pinagmamasdan ang kapatid na patakbo pang bumaba ng hagdanan.


“Ha? Ah...di ko alam...sige...bye.”Hindi alam ni Syl kung anong iisipin o mararamdaman dahil sa nabasa at nakita niya. Pumunta muna siya sa toilet sa floor na iyon at naghilamos.Napansin niyang namumula rin ang mukha niya at hindi pa rin bumagal ang pagtibok ng puso niya.Makalipas ang ilang minuto, bumaba na rin siya papuntang gym.Nagmamadali siyang pumunta sa PE Class niya nang may humablot sa kaniya papunta sa isang silid na bakante.


“Bitiwan mo nga ako!”Sasapakin na sana niya ang humila sa kaniya nang marinig niya ang boses nito.


“Syl..”


“O ano naman problema mo?” Hindi makatingin si Sylvana kay Santino.Pumunta siya sa likod ng pintuan sa kabilang sulok ng slid at sumandal dito.Sumunod si Santi. They were both leaning on the closed door.Mukhang kabado rin ang binata bago ito magsalita.


“About sa kanina...ano kasi...”


“Ano nga?! Bilisan mo na kasi may klase pa ‘ko.”Para silang naghahabol ng hininga.Hindi maintindihan ni Sylvana kung bakit siya kinakabahan.


“Crush kasi kita. Kaya nasulat ko ang pangalan mo...okay lang ba?” Sandali siyang natigilan sa narinig at nang mahimasmasan, doon na muli tumaas ang boses niya sa inis.


“Peste ka Santino, huwag mo nga akong pinagtitripan! Isusumbong kita sa kapatid mo.Hindi mo na ‘ko nirespeto pati ako papagtripan mo!” Itinulak pa niya si Santi, habang ang isa naman kinuha ang kamay niya at hindi na binitiwan.


“Ang dami mo namang sinabi! Buti nga nagka-crush pa ko sa’yo eh! Dapat nga magpasalamat ka pa! Ang daming naghahabol sa’kin pero hindi ko pinapansin.” He took both of her hands na nanginginig at nanlalamig sa inis.


“Nakakaloka ka.Sige, just to humor you, Salamat! Utang na loob ko pa na may crush ka sa’kin! Anong gusto mo? Habulin din kita kagaya ng mga babae dito? Asa ka lang. Umasa ka for life!”Galit man ang boses ni Sylvana hindi naman siya makaglaw dahil sa tingin sa kaniya ni Santino.He was holding her hands while he was looking directly at her eyes. Iba ang sinasabi ng mga mata ni Santino.Parang minememorize nito ang mukha ni Sylvana.First time nilang magkaharap ng ganoon kalapit.


“Sabi na nga ba kapag nalaman mo, lalaki lang ulo mo.”His voice was just a whisper and he was gazing at her intently.Umiwas ng tingin si Syl dahil hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya sa titig ni Santino.


“Alam mo, kung wala kang matinong sasabihin, bitiwan mo na ‘ko.” Pagbaling niya ng tingin ay sakto namang paghigpit ng kapit sa kaniya ni Santi.


“Sige, pero wait lang, may susubukan lang ako.” And just like that, Santino Arguello pressed his lips to her open mouth and took her first kiss. She was frozen in place as he kissed her gently.Hindi maipaliwanag ni Sylvana ang naramdaman niya.It was like all her nerve endings came alive. She found herself responding to his kisses. Parang may sariling buhay ang mga labi niya na tumugon sa mga halik ng lalaking dapat ay kaaway niya.Hindi nila alam kung gaano katagal ba sila naghalikan, nahinto lang ito nang tumunog na ang bell na signal na simula na ng sunod na klase.


“Wow. Naramdamam mo ba ‘yon?Let’s not ignore this Syl. Baka pwede naman tayong maging close kapag walang ibang tao.Then if you want we could go back to being frienemies kung mas kumportable ka don.”


“No strings attached? Ano? MOMOL lang?” He kissed her again at hindi na siya muli nakapagreklamo pa.


“Kung anong gusto mo, papayag ako basta pumayag ka lang na mahalikan kita.”


Siguro nga sa sobrang sarap ng halik na ‘yon kaya’t nawala sa katinuan si Sylvana dahil napapayag siya ni Santi sa ganoong klase ng setup.There was something on that kiss that was extremely addicting.Parang lumulutang si Sylvana at napupunta sa isang lugar na nagpapasaya sa kaniya.



Kung alam lang ni Sylvana na ang araw na iyon pala ang magiging simula ng bagay na sisira sa kaniya, hindi na sana siya pumayag. 


  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018