Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

Sylvana grew up with an inferiority complex noong Highschool na naovercome lang niya nang makahiligan niya ang sports. Ang Polocrosse.Isang prestihiyosong equestrian sports na para lang sa mga mayayamang angkan na kinabibilangan ng umampon sa kaniya.


Alam ng lahat na ampon siya dahil wala namang asawa si Don Fabro.Sanggol pa lamang siya nang iniwan siya sa tarangkahan ng rancho at simula noon kinupkop siya at minahal na parang tunay na anak.Malapit na magkaibigan noon ang pamilya ni Santi at si Don Fabro kaya’t ang mama ni Santi ang tumulong kay Syl noong nagdadalaga na ito, noong mga panahon na hindi alam ng Papa niya kung paano i-handle ang mga usaping pambabae lamang.


Simple lang naman ang pangarap ni Sylvana, ang bigyan ng medalya at kampeonato ang grupo ng kaniyang ama sa larong Polocrosse.Pero kung sino pa ang taong inaakala niyang tutulong sa kaniya makamit iyon, ito pa pala ang sisira sa lahat. Hindi lang iyon ang kinuha niya.Sinaktan pa siya at pinaasa bago iniwan na mag-isa. 


Naalala ni Sylvana ang araw na iyon noong summer vacation nang first year college na sila. She thought it was just an ordinary day sa rancho ng mga Arguello.Her father sent her there for an errand.Hindi na nga niya matandaan kung anong mga papeles ang ipinahatid sa kaniya doon basta ang naalala lang niya lahat ng nangyari pagkatapos. 


“Syl, pwede ba kitang makausap? Sa kwarto ko na lang.”


Nagtaka siya na matapos ang ilang linggo nilang hindi kibuan ni Santi ay bigla siya nitong kakausapin.


“Diba sabi mo, wala naman tayong dapat pag-usapan?” Masakit para kay Sylvana na makita si Santino. Hindi pa hilom ang sugat na ibinigay sa kaniya nito.


“Syl, please.Huwag naman ganito. I miss you.I’m sorry for being stupid.Hindi ko agad narealize na may gusto rin ako sa’yo. Natakot lang ako dahil sa inamin mo.”


“Tanga ka ba o bulag? Pinaglalaruan mo ba ‘ko? Sabi mo dati crush mo ako tapos, I’m special.Anong klaseng special ba ‘yon Santino? Special child?”


“No...you’re really special to me.” Hinila siya nito at dinala sa kwarto na madalas nilang tambayan noong close pa sila. Silid na saksi ng pagiging malapit nila sa isa’t-isa.


“Special tapos iiwan mo sa ere? Uso ba sa’yo ang manghahalik ng basta basta lang? Tapos wala lang? Ano pinagpapracticean mo lang ako?”


“Of course not. Alam mo naman na ikaw lang ang hinahalikan ko..at hahalikan ko...” He claimed her lips then.His kisses were sweet and demanding.Tuwing gagawin iyon ni Santino, nadadarang at nawawala sa katinuan si Sylvana.18 years niyang iningatan ang sarili niya para sa taong akala niya ay mahal siya at iingatan siya. Noong una akala niya, experiment lang nilang dalawa ang mga ginagawa nilang make out session. Pero nang tumagal, nadevelop na ang feelings niya para sa binata.Sabi nga ni Santi, sikreto lang nilang dalawa. Magkatunggali man sila sa lahat ng bagay, kapag nasa apat na sulok sila ng silid na iyon, may kung anong pwersa na nagdidikit sa kanila at hindi sila mapaghiwalay. Their fiery passion that day led to something explosive.Nakuha ni Santi ng buong-buo ang pakay niya, si Sylvana.Siguro dahil sa ilang linggo rin silang hindi nagkita o nag-usap kaya humantong doon ang lahat.


“Did I hurt you?” They lay naked and cuddling in bed.She shook her head and leaned closer to the one who took her virginity.


“Paano bukas? Magkalaban na naman tayo. Tatalunin mo ba ‘ko? O finally, magpapatalo ka na ba?”


“Siyempre hindi. Labas ang kung ano man itong ginagawa natin sa Polocrosse o kahit saang laro pa.”He was tracing circles on her back na nagpainit na naman sa pakiramdam niya.


“Pero nag-enjoy ka ba? Did I satisfy you?”


“Oo naman. Anong klaseng tanong ba ‘yan.”


“Good.Dahil ako lang ang pwedeng gumawa nito sa’yo. You’re mine, you hear me?”


“Yeah.Sabi mo eh.”He kissed her again until they were both out of breath.


“Good luck sa game natin bukas. I’ll win at pag nanalo ako at natalo kita, no hard feelings okay?”


“Siyempre. I’ll always be a good sport. Lalo na pagdating sa’yo.”


Nakatulog silang dalawa sa pagod dahil umisang round pa si Santi.Nang magising si Sylvana, madilim na.May napansin siyang umiilaw sa may tuwalya na nakapatong sa TV sa harap ng kama na hinihigaan nila.Lalapit na sana siya pero pinigilan siya ng katabi.


“Come back to bed.”


“Pero...”


“Syl...come on. I need you.” They made love for the third time. The night ended at kinabukasan maaga siyang hinatid ni Santi sa Rancho Ramirez dahil may ensayo sila ng mga kagrupo niya sa Polocrosse. Doon din gaganapin ang laro kaya’t kailangan niya rin maghanda ng maaga.Hindi man siya makalakad nang maayos dahil sa nangyari sa kanila, pinilit niya at tiniis para sa importanteng laro nila nang araw na ‘yon.


Hindi pa man nagsisimula ang laro ay nagkakagulo na ang lahat.She was saddling up her horse when her father approached and shaking with rage.Unang beses niyang makitang galit sa kaniya ang Papa niya.


“Van. Come to my office right now.”When she reached the office, nandoon ang officials ng Polocrosse club maging ang kalaban nila pero wala si Santi.Siya lang ang kulang.


“I’m afraid we have to forfeit the game in favor of the Mustangs.” Iyon ang grupo nila Santi.


“Pero bakit Papa? Championship po ngayon. Pinaghirapan namin marating ito.”


“May nagpadala ng video, anak. I’m sorry for being the one to show this to you.Pero kalat na rin ang video.Halos lahat ng may access sa internet ay nakita na ito. I’m doing my best iha para mawala ang lahat.Hindi ko lang alam kung gaano katagal bago...”


“Video? Anong video?”Nanginginig ang kamay na tinungo ni Sylvana ang computer monitor na tinitingnan ni Don Fabro.Sinenyasan niya ang ibang tao na lumabas na ng silid.


“Watch and pay attention. Hindi ko alam kung totoo ito pero mukhang tunay talaga. You tell me.”


Nanlambot ang at nanginig ang mga tuhod ni Sylvana sa nakita niya.Video nila ni Santi the night before. Simula sa pagpasok niya ng kwarto maging ang ginawa nilang kamunduhan dalawa ay nandoon.Blurred ang video at hindi nakita ang katawan nila pero halata naman kung anong nangyayari at rinig ang mga ungol nilang dalawa.Ang pinakamasakit na parte sa lahat ay ang pag-uusap na nandoon.


Edited.Hindi kumpleto. The video was created for one purpose and that is to deceive everyone and ruin her.Mukhang nagtagumpay nga ang gumawa nito.Dahil ngayon, sira na siya. Sirang-sira.


“Paano bukas? Magkalaban na naman tayo. Tatalunin mo ba ‘ko? O finally, magpapatalo ka na ba?”


“Oo naman. Anong klaseng tanong ba ‘yan.”


“Good.”


“Yeah.Sabi mo eh.”


“Good luck sa game natin bukas. I’ll win at pag nanalo ako at natalo kita, no hard feelings okay?”


“Siyempre. I’ll always be a good sport. Lalo na pagdating sa’yo.”


Doon nagsimula mawasak ang mundo ni Sylvana. Sa inosenteng araw na iyon kung saan ang taong pinagkakatiwalaan niya pa ang sumira ng pagkatao niya. Para saan? Para lang manalo sa isang laro? To prove a point? Nang araw na iyon, she vowed to ruin the man who destroyed her at gagawin niya rin ito nang pailalim when she have the chance. 




  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018