Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

“Tol, welcome back!Ang bilis mo naman yatang nakabalik? Hindi ba dapat sa isang araw ka pa?” Pahapon na ng dumating si Santino at kasalukuyan namang nagtotono ng gitara si Dominic sa make-shift studio nila sa rancho. Biyernes na at may tugtog sila muli sa Dodge Bar.


“Wala naman kwenta ‘yung mga pinuntahan ko. Hindi nila na-trace kung saang IP address at kung kaninong account yung pinaghulugan ko ng pera. Dummy account daw. Nagsayang lang ako ng oras.” Kumuha ng gitara si Santi at inayos ang mga kwerdas.


“Bakit kasi hindi ka pa sumuko sa paghahanap niyan.It’s been years!Wala na din naman magagawa kahit matuklasan mo kung sinong tumarantado sa ‘yo.” Lagi naman ganito ang pag-uusap nilang magkapatid tuwing babalik si Santino mula sa ginagawa nitong paglutas ng suliranin niya. 


“High tech na ang mga tao ngayon, mas may posibilidad na matunton ko na ang ugat. Isa pa, hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang gagong sumira samin ni Syl. Pagbabayarin ko siya sa ginawa niya.”Ibinaba ni Santi ang gitara at nagpunta sa drums. Doon niya ibinuhos ang init ng ulo.Kada hampas ng stick ay batid ang gigil niya.


“Pagbabayarin mo? E ikaw nga itong pinagbayad ng pera.Tapos para ka pang tanga, nagbayad ka hindi mo siniguro na wala nang kopyang natira.Ang laki pa ng nagastos mo sa pagpapatanggal sa internet noong mga video na nag-leak. Hanggang ngayon, nagbabayad ka pa din sa iba para lang mahanap ‘yang misteryosong taong nang-blackmail sa’yo.” 


Halos sumigaw si Dom para marinig siya ng kapatid.Mabilis ang mga kamay na pinaglipat-lipat ni Santi ang palo.Kanan sa hi-hat, kaliwa sa bass, salitan at may pagpalo sa cymbals.Kasabay ang mga paa niya para makabuo ng mas kumplekadong ritmo.With every movement of each of his alternating hand, the stick bounce with very fast rolls and patterns at mabilis na beat ang resulta nito.


“Paulit-ulit ang sermon mo.Wala nga ako sa tamang katinuan noon.”Pagkatapos ng exhibition niya ay pinaikot naman niya ang drumsticks sa kamay. Pinagmamasdan lang siya ni Dominic.Nang mahimashasan na ang kapatid, saka na ito muling nagsalita. 


“Sintu-sinto ka naman talaga dati pa!Masyado ka kasing in love noon... Ah, sabagay hanggang ngayon naman...Nagkita nga pala kami ni Syl noong isang linggo.”


“Talaga? O anong napag-usapan niyo? Ako ba? Nabanggit ba ‘ko?” Nag-iba agad ang timpla niya nang mabaling ang usapan sa pantasya ni Santino. 


“Hindi. Bakit ka naman namin papagusapan? Ano ka artista?”


“Dom!”Binato ng drum stick ni Santi si Dom. Nakailag ang huli pero natamaan ang keyboards ni Darius.Tumayo si Dom at pinulot ang stick.He checked the damage to keyboard.Mabuti na lamang at wala. 


“Biro lang. Ito naman hindi na mabiro. I tried to explain your side kaso galit pa rin. Hindi na yata huhupa ang galit niya.Ikaw naman kasi, imbis na sinuyo mo, kinalaban mo pa lalo.Lahat na lang ng salihan niya sinalihan mo din!”Napailing pa ng ulo si Dom habang ngumisi naman ang kausap.He started his new strokes on the drums, this time mas matahimik ito. 


“Ayaw nga akong pansinin!” 


“O kaya magpapapansin ka?” Natatawang bati ni Dom.


“Effective naman ah.Lagi niya akong naiisip at noong last time, sinugod pa ko twice hindi ba?”


“Ewan ko sa’yo ang lakas ng tama mo! Sinugod ka kasi ayaw mong tantanan ang lupa nila!Akala mo naman madadaan mo si Van sa pagsisindak mo na mareremata ng bangko ang lupa nila.


“Wala namang takot sa katawan ‘yon.”He smiled at the thought.


“Wala ngang sindak yon.Speaking of, buti ‘yong tinakot mong manliligaw niya hindi nagsumbong.Paano mo nga ba napapayag ‘yon na bitiwan si Sylvana? Akala ko nga sasagutin na eh.”Huminto si Santi at napakapit ng mahigpit sa hawak niyang stick.Tumayo siya at naglakad pasilip sa bintana.


“May alam ako tungkol kay Roldan at siguradong itatakwil siya ng tatay niya kapag sinabi ko ‘yon. Isa pa, walang pwedeng manligaw kay Sylvana.”


“Ang lupit mo din no.Nakuha mo pang mang-blackmail e diyan nga nag-ugat ang problema mo.”


“I’ll do everything for her.” Maalikabok na ang salamin nila sa studio.He wrote Sylvana’s name in the dust at may puso pa ito sa dulo.

“Minsan iniisip ko na lang, masyado kang attached. Siguro kung hindi ka sana masyadong advanced mag-isip, baka kasama mo pa si Van ngayon.”Napalingon siya na nakakunot pa ang noo. 


“What do you mean?”


“Sabi mo sa’kin, you took the videos para kapag nag-abroad ka na, parang kasama mo pa din siya.” Santi exhaled a deep breath. 


“Oo. Wrong judgment on my part. That’s the biggest mistake of my life at hinding hindi ko na uulitin ‘yon ..Let’s quit this topic.Maliligo muna ko habang wala pa sila.”


**


Sa Rancho Ramirez naman, nagpapahinga si Sylvana sa paborito nitong swing sa harapan ng bahay nila.

“Ma’am Van. Magandang gabi ho.” Nagulat siya nang lumapit si Toro, anak ito ni Aling Tasing sa pagkadalaga bago nito napangasawa si Mang Tanto.Isa rin si Toro sa mga tauhan nila doon.Kahit na magkasing edad sila at lumaki din sa rancho, hindi sila naging magkaibigan. 


“Toro, anong sadya natin?”Umusog siya ng bahagya palayo nang umupo ito sa tabi niya. Naiilang siya sa suot nito. Nakasando lang at kitang kita ang namumutok niyang braso na banat sa pagtatrabaho.Marami rin itong tatoo. Napansin niya ang tatoo ng isang uwak na nakapatong sa isang bungo, nakaguhit ito sa magkabilang braso.


“Mangangamusta lang ho. Malapit na ang Rodeo. Sasali ho ba kayo ngayong taon? Muntik na kayong manalo noong nakaraan.Baka ngayon, kayo na.” Napakuyom ang kamao ni Sylvana nang maalala niya ang pakatalo niya sa Calf Roping event isang taon na ang nakalipas.


“Hindi ko pa sigurado.Marami akong inaasikaso dito kaya’t baka hindi ako makapagsanay.”


“Sayang naman ho.Balita ko kasali si Santino Arguello, ang nanalo noong isang taon. Nagpasa na raw siya ng pangalan sabi sa akin ng kakilala ko. Malaki rin daw ang premyo ngayon Ma’am.Doble noong nakaraan.” 


“Ang dami mo namang balitang alam.”Kung tama ang tsismis ni Toro, makakatulong ang perang premyo para sa pambayad niya ng utang sa bangko.


“Mas marami pa po akong alam...” Mahina lang ang pagkakasabi nito kaya’t hindi masyadong narinig ni Sylvana. 


“Ha?”

“Wala po ma’am.Sige po magpahinga na rin kayo.Magandang gabi.” May kakaiba sa tingin ni Toro na nagpakaba kay Sylvana.Para itong nanukat at nanunuri kung tumingin sa kaniya. She felt herself shiver.Hindi niya alam kung bakit noon pa man iba na ang pakiramdam niya tuwing lalapit at makakausap niya si Toro. 




  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018