Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?


“Santi...” Hindi namalayan ni Santi na sa pagpikit niya ay nakaidlip pala siya.


“Syl?” Sylvana was looking at him with happy tears in her eyes. He thought he was still dreaming and he pinched his arm just to be sure. She smiled at his action.


“Gising ka. Ang bantay ko, mga tulog.” Lumingon si Syl at sinundan ni Santi ng tingin ang natutulog rin sa couch na si Darius. He smiled as he saw her smiling face. He stood up and leaned to capture her lips. She was caught off guard but responded all the same. They were almost out of breath when he stopped with his kissing assault.


“Mukhang na-miss mo ’ko.” She’s on the verge of crying and he gently sat on the side of her bed to caress her cheeks.Iniingatan na hindi magalaw ang benda nito sa ulo.


“Hey... why are you crying? Siyempre na-miss kita. I’ve been looking for you everywhere. Shhh... huwag kang iiyak, I’m here and I won’t leave you.”


“I’m sorry for leaving you. Hindi dapat ako umalis. I’m sorry.”She couldn’t stop the tears from falling.Napakapit si Sylvana sa ulo niya at napapikit sa sakit.


“Syl... masakit? Sandali tatawag ako ng nurse.” Umiling lang si Sylvana.


“Kaya ko ‘to. I don’t want any medicine. I just want to hold your hand. Sapat na sa’kin na kasama na kita ulit.”She looked at him and there he saw what he was waiting for all this time.


“Are you sure you’re okay?” Ayaw masira ni Santi ang moment na iyon but he has to be sure. Mas importante ang kalagayan ni Syl kaysa sa cheesiness nilang dalawa.


“Yes. I love you, Santi. Sorry it took me years to...” Hindi na nakapagsalita pa si Sylvana dahil sa sagot na halik ni Santino.Tama nga si Syl, hindi niya kailangan ng kahit anong gamot.His kisses calmed and soothed her at walang tatalo sa gamot na iyon para sa kanya.


“I love you, too. May sorpresa ako sa’yo.” She looked confused. Natawa si Santi sa kakyutan ng asawa. “We’re having a baby.” He waited for her response and it was not what he expected.


“Baby? Pero paano? Sabi ng doktor na nakausap ni Papa dati, hindi raw ako puwedeng magka-anak. Pag-alis mo noon, sunod-sunod ang problema namin. Naunang nagkasakit si Papa. Noong gumaling siya, ako naman daw ang naospital. One of my ovaries were removed ang sabi nila.Kaya may hiwa ako sa puson. Hindi lang halata dahil wala halos peklat...”Parang binuhusan ng malamig na tubig si Santino. Kaya naman pala hindi alam ni Sylvana ang tungkol sa mga anak nila. Hindi siya nagpahalata dahil ayaw niyang mag-alala si Syl. Hindi makakabuti kung makakadagdag pa ito sa iniisip niya.


“They told you you can’t conceive? Sinong nagsabi?” He knew the answer but he had to hear it.


“Si Papa. I don’t remember much about it. I don’t know why pero...” Santi took her hand na walang suwero and brought it to his lips. Then he leaned down and kissed her again, iyong nakakaliyo niyang halik, willing her to forget about her father.Hindi pa handa si Santi na pag-usapan ang ama nito.


“It doesn’t matter what they told you. Ang importante, iyong ngayon. We’re having a baby. Three months na. Sa akin ka maniwala. Tomorrow we’ll ask the OB for an ultrasound.” She looked confused but he reassured her with a smile. She moved her free hand to touch her belly and Santino saw her renewed tears.


“Baby...” She looked at him and he nodded.


“I love you, Mrs. Arguello.” She smiled at him kahit patuloy ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya.


“I love you too, asawa ko.”Halos mapunit ang mukha ni Santino sa ngiti dahil sa sagot ni Sylvana. Finally, magiging masaya na rin sila. He kissed her passionately and they were having their moment nang marahan siyang itulak ni Sylvana.


“Si Papa? Shit... nakalimutan ko na si Papa. Santi? Anong nangyari? Anong lagay niya?”Pinigilan ni Santinong sumimangot para kay Sylvana. With his most poker face, he replied.


“Nasa ICU pa siya ngayon. Hindi ko pa nakausap ang doktor, ang sabi ay pupunta na lang daw rito pagkatapos ng rounds niya. Ikaw you hit your head when you collapsed. They had to stitch you up.”


“ICU? Bakit nasa ICU?” He took her hand and placed it on her belly.


“Syl, you have to calm down. Hindi puwede sa’yo ang ma-stress dahil masama para sa anak natin. Please? The doctors here are doing their best for your father. We will talk to them later, for now, magpahinga ka muna. Please?” Nakasalubong ang kilay at nakakunot ang noo ni Sylvana kaya’t yumuko si Santi at hinalikan ang noo niya.


“Okay. Pero nagugutom ako. Puwede bang kumain?” Santi smirked and took an apple on the bedside table. Ibinato niya ito sa couch na hinihigaan ni Darius. Tinamaan ang kapatid niya sa paa.


“Aray!” Bumalikwas ito ng bangon at nahulog pa sa higaan. Natawa si Sylvana.


“Sabi mo babantayan mo si Syl, tulog ka nang tulog!” pabirong bulyaw niya sa kapatid.


“Ha?” Nagpalinga-linga muna ito at nang makitang nakangiti sa kanya si Sylvana, lumapit agad ito at humalik sa pisngi. Hinila naman ni Santi ang tainga ng kapatid.


“Sino namang nagsabi sa’yong puwede mong halikan ang asawa ko?”


“Kapatid ko na si Van, kaya normal lang ‘yon. Buti naman gising ka na, sis. Naku, nababaliw na ‘tong kapatid ko... Aray naman baka makalas ang tainga ko!”


“Tumigil ka na nga at bumili ka ng pagkain. Prutas lang ang nandito. Dumaan ka na rin sa nurse station kung may bawal ba siyang kainin. Magtanong ka lang Dar, ‘wag ka na mag-stay para makipagkuwentuhan sa mga nurse. Gutom na ang asawa ko at ang ang pamangkin mo.”


Napangiti si Darius sa sinabi ni Santi.


“Congratulations, Van! Siguradong kamukha mo ang pamangkin ko. Malas niya kapag kamukha ng tatay. Masungit na, bossy pa.” Natawa na naman si Sylvana at akma na namang pipingutin ni Santi ang kapatid pero pinigilan siya ng asawa.


“Thank you.Gusto ko lang ng tapsilog. Puwede kaya ‘yon? Kayo bang dalawa kumain na? Mag-uumaga na o, sakto na sa breakfast.”


“Sige, ako na ang bahala sa tapsilog.Ikaw, anong order mo?” tanong ni Darius kay Santi na nakatitig lang kay Sylvana.


“Huy! Santi! Mamaya mo na titigan ang asawa mo. Anong order mo?!”


“Bahala ka na. Sige na, alis na.” Hindi nilingon ang kapatid, nakatitig pa rin siya kay Sylvana. He’s mesmerized by her smiling face. She looked genuinely happy. Kahit worried ito para sa kanyang ama, Sylvana looked radiant with happiness. Parang magnet para kay Santino ang ngiti ng asawa niya.


“Wow. Thank you, ah. O siya, sister-in-law, babalik ako kaagad don’t worry dadalhin ko kaagad ang request mo.” Tumango lang si Syl. Pagdaan ni Darius kay Santi ay binatukan niya ito at mabilis na lumabas ng silid.Napahagalpak ng tawa si Sylvana sa ginawa ni Darius.


“Huy! Bakit para kang namatanda diyan? Sobrang ganda ko ba para titigan mo?”


“Oo naman, ikaw ang pinakamaganda sa lahat. I just want to look at your face. You look so happy.” She lifted her arm and reached out to touch his cheeks, all the while looking at him intently.


“Because you make me happy.Pagod na akong magtago, tumakas at magalit.I just want to embrace life and feel the love.I love you.”


“I love you too, my wife.” She smiled giddily with the label.


“So, official na talaga? Naipasa mo ang mga requirements?” Tumango lang si Santino.


“Yes. Wala ka nang kawala sa akin, Mrs. Sylvana Arguello.” She laughed when he wiggled his eyebrows at her.


“Mukha kang ewan... Pero ang galing mo ah, honeymoon baby? Sharp-shooter pala ang mister ko.” He just smiled. He stopped himself from saying anything that would trigger her past memory.


“Nilubos ko ang honeymoon natin kaya imposibleng walang resulta.” She laughed at that, her eyes dancing with mirth.


“Ayos ka lang ba? Matulog ka na habang wala pa ang pagkain.” She moved gently to the side of the bed and patted the other side. Marahang nahiga si Santino sa tabi ni Sylvana. He turned to her side to face her.


“I’m just hungry. Hindi pa ako inaantok. Parang ang haba ng tulog ko.” He caressed her cheeks as he looked at her.Kahit memorized na ni Santi ang mukha ni Syl, he couldn’t stop staring at her gorgeous face.


“Okay. Kuwentuhan mo na lang ako.”


“Siguro kung nalaman ko kaagad na buntis ako, baka napaaga ang balik ko. Hindi kasi regular ang period ko, I just assumed na normal lang ang lahat. God is good dahil hindi niya hinayaang mawala ang anak natin. Matagtag ang trabaho ko sa Singapore. Equestrian sports instructor ako doon. My contract ended kaya bumalik na ako. May problema rin sa lupa namin, iniilit na ng bangko, kaya hindi na rin ako nag-renew ng kontrata.”


Santi was tracing her nose and lips with his finger and she closed her eyes with the sensation it was giving her.


“I’ve got it covered. You’ll be living with me when you get released from the hospital. Ibabalik ko ang rancho sa Papa mo pagkatapos ko itong mailipat sa pangalan mo. You are the new owner of Rancho Ramirez. Think of it as my wedding present to you. I will help you manage the ranch and we will hire private nurse to look after your father. Please don’t argue with me on this. Mas importante ang kalagayan mo with our baby. May mga mas equipped naman na mag-alaga sa Papa mo at dadalaw na lang tayo sa kanya every week.”Kinakabahan si Santino sa isasagot ni Sylvana kaya’t he used the charm of his kisses when he finished his spiel. After a few minutes of mind boggling make out session, she nodded her head.


“What do you mean?” Nagtaka si Santino sa pagtango ng asawa niya.


“Ano pa bang masasabi ko? Yes. Sa lahat ng sinabi mo. From now on, I will listen to you. At mukhang all arguments has its own justification, so, ano pa bang isasagot ko?” He felt relieved na finally, nasunod din ang gusto niya.


“I love you. You made me the happiest man.”


“I love you, too. You make me happy. Thank you for waiting for me na matauhan at marealize na hindi talaga kita matatakasan.”


“Hindi talaga.Dahil kahit nasaan ka pa, sa akin ka lang at sa akin ka pa rin babalik.I won’t have it any other way.”


They could finally see eye to eye, dahil unti-unti nang bumubukas ang mga mata ni Sylvana.Marami pang kailangan ayusin si Santino at may mga katanungan pa siyang kailangan mahanapan ng sagot, pero sa oras na iyon, all that matters is the woman beside him.His wife, his life.











  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018