Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?


“Bukas na ang flight ninyo ni Zarina papuntang Singapore. Sigurado ka bang kaya mong mag-isa? Hindi na ‘ko sasama?” tanong ni Sylvana kay Santino habang nasa kotse at binabaybay ang daan palabas ng El Rancho De Los Guapos.

“Delikado sa’yo ang magbiyahe sabi ng doktor. Isa pa, kasama ko naman si Luis. Kami na ang bahala kay Zarina. Pagbalik naming, sisiguruhin kong nakakakita na ang anak natin.” Napangiti ang mag-asawa na sa wakas ay magkakaroon na rin ng kalunasan ang mata ng anak nila.

“Ikaw, sigurado ka na ba sa gagawin mo?” Nakatanaw Si Sylvana sa mga luntiang puno at mga palayan habang nag-iisip kung ano ang isasagot. Matapos ang ilang minutong katahimikan ay napabuntung-hininga siya.

“She’s still my sister. Hindi ko siya puwedeng pabayaan. Galit lang siya at nasaktan. She was rejected by her own father. Pain from rejection and anger are catalysts for disaster.I should know dahil pinagdaanan ko rin ang ganyan. I feel like there is something to the story na hindi natin alam. Something that triggered her to try to kill our own father.”

“She tried to kill me too and don’t forget that she wanted you gone, too. Ramirez ka. Pinagbantaan niya lahat ng Ramirez.”

“Ramirez din siya. Maybe that’s just what she needs. To be accepted. Parehas naman kami ni Terrence ng gusto. We wanted her to realize her mistakes and then start a new life. Kahit kami na ang magbigay ng pera pangsimula niyang muli. She’s our own flesh and blood. Kung kailangan na pati apelyido namin ibigay na ay papagawan namin ng paraan.” Santino glanced at his wife and smiled. Napakabuti ng puso nito. Kahit ilang beses na itong nasaktan ay kaya pa rin nitong magmahal.

“Ang suwerte niya at kayo ang naging kapatid niya. Pero ako ang pinakamasuwerte sa lahat dahil sa ‘kin ka na.” Nang hindi inaalis ang isang kamay sa manibela ay inabot ni Santino ang kamay ni Sylvana at hinalikan.

“Cheesy ka pero sweet.” Kinagat ni Syl ang kamay ni Santi. Tumawa ito nang malakas at marahang binawi ang kamay.

“Maaga pa para sa gusto mo. Ang taas pa ng araw, nangangagat ka na.” Hinampas naman siya ng asawa kaya’t lalo pa siyang napatawa nang mas malakas.

“Pero alam mo, kahit nakakairita ka minsan at puro ka kayabangan, masuwerte rin naman ako sa’yo.” She earned a playful glare from him. Hinaplos lang ni Syl ang pisngi ni Santi ay nawala na ang pagsimangot nito.

“We are both blessed to have found our family. Kahit gaano pa katagal tayong nagkahiwalay, in the end ay tayo pa ring dalawa ang magkasama at bubuo ng pamilya.”

“I know. Marami pa tayong kulang sa line up, ha. Tatlo pa lang. May kulang pa tayong tatlo.”

“Hindi pa nga ako nanganganak, nagpaplano ka na naman ng buntisan. Tulog na ‘ko. Gisingin mo ‘ko kapag nandoon na tayo.” Tuwing pag-uusapan ang karagdagan nilang mga supling ay umiiwas si Sylvana. Marahil ay nahihirapan ito dahil maselan itong magbuntis. He was always vocal about his plan to have a big family with her. Kung ipagkakaloob sa kanila, he will be more than happy but his wife’s safety is more important. He would remind her that when they get home.

Ilang minuto lang ay nasa ospital na sila kung nasaan ang kapatid ni Sylvana. Nang makapagparada na sa parking lot, inalis niya ang seat belt at tinitigan ang babaeng nagpapabilis pa rin ng tibok ng puso niya kahit lagi na silang magkasama. Santino kissed her left cheek to wake her up. She smiled and he unbuckled her seat. Bumaba siya ng sasakyan at umikot sa passenger side para alalayan ang asawa. Sa isang private room sila itinuro ng pulis na nasalubong nila sa nurse station.

“I’ll go in alone. Maiwan ka na lang muna rito.” Hindi pa sana papayag si Santi dahil natatakot itong masaktan ang asawa but her determined look made him decide otherwise.

“Be careful.”

“Nakaposas naman po ang pasyente ma’am. Hindi po kayo masasaktan.” Tumango lang ito bago pumasok na sa loob.

Pagpasok ni Sylvana ng silid ay agad na lumambot ang puso niya sa nakita. Gusto niyang balikan ang pulis na nakausap para murahin ito. Paano siya sasaktan ng pasyente gayong ni hindi ito makagalaw at may tubo ng oxygen pang nakakabit rito?

May mga pasa sa mukha at may benda sa ulo. May ilang sugat sa braso. She cursed herself for not acting sooner. Dapat ay hindi na nila pinabayaan ang kapatid na makulong pa ng isang linggo. Kung hindi pa ito naospital ay hindi pa sila kikilos. She took her phone and called her brother. Isang ring lang ay sumagot na kaagad ito. Kung hindi lang ito nilalagnat at tinatrangkaso ay siguradong kasama niya ang kakambal sa pagdalaw sa bunso nilang kapatid.

[“Sis? Kumusta siya?”] Napahikbi si Sylvana bago magsalita. Hindi na napgilian ang mga luhang nag-uunahan bumagsak mula sa mga mata.

“Bugbog sarado ang katawan at mukha. May posas ang kamay kahit na puro sugat ang braso. Nakausap namin ang doctor bago kami pumasok dito sa kwarto. She had broken ribs na tumama sa lungs niya. May oxygen na nakakabit sa kanya ngayon. May mild concussion rin siya sa ulo. Stable na siya pero looking at her physically, mukhang matagal pa siya bago makalabas dito.”

[“Shit! Anong ginawa ng mga pulis doon? Bakit hinayaang magkaganyan?”] Napailing lang siya bilang sagot. Hindi rin nila alam kung bakit nagka-riot sa kulungan at kung bakit ang kapatid nila ang napuruhan.

“Iniimbestigahan pa raw. Pero hindi ko na muna inisip ‘yon. Ang gusto ko ay ma-drop kaagad ang charges sa kanya. Natawagan mo na ba ang piskal? Nakausap na raw ni Santi si Ninong Mayor. Tutulong siya para mapabilis ang paglaya ni Daniela at imbestigahan ang nangyari sa piitan. Hindi na dapat bumalik pa sa kulungan ang kapatid natin at dapat pagbayarin ang mga gumawa sa kanya nito.” Lumapit si Sylvana at naupo sa silyang malapit sa higaan. Nanginginig ang kamay na hinaplos ang buhok ng natutulog na babae. When she stared at her face, nakita niya ang resemblance. Magkamukha sila. Gustong matawa ni Sylvana sa description ni Dominic. Mukha raw lalaki at katawang lalaki ang kapatid niya. Looking at her sister, it was not even close. Mabuti na rin at hindi nagandahan si Dominic sa kapatid dahil kung nagkataon ay baka mapasama pa si Daniela sa listahan ni Dominic Arguello.

“Syl?” Hindi niya napansin ang pagpasok ni Santi sa silid. He moved to her back and massaged her shoulders, easing some of her stress.

“Look at my sister. It’s my fault kung bakit siya nagkaganito. Dapat ay hindi na natin siya ipinakulong. Sana ay kinausap na lang natin siya. Hindi siya dapat nasasaktan ng ganito dahil wala naman siyang kasalanan.” Pumatak na naman ang mga luha sa mata ni Sylvana.

“We’ll help her. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Nagkamali rin siya. She made wrong decisions that affected her life and the people around her.”

“Kahit na. She’s still young. 19 lang siya. Kamamatay lang ng nanay niya. She’s hurt and in pain at imbis na tulungan ko siya—.”

“Shhhh...No one is to blame but those thugs who did this to her. Pagbabayarin natin sila. Hindi na rin babalik si Daniela sa kulungan. Tumawag sa’kin si Ninong. Nagkausap na raw sila ng piskal na may hawak ng kaso. Okay na raw ang lahat. Pagkalabas niya rito sa ospital ay puwede na natin siyang iuwi.”

“Salamat naman. Pakitawag ang pulis at alisin na niya ang posas. Dapat naman talagang hindi na pinosasan.” Tumango ang asawa at sumunod. Si Sylvana naman ay nakatingin lang at tila minememorya ang itsura ng kapatid. Dati ay akala niya mag-isa lang siya sa mundo. Isang ampon na walang pamilya, ngunit ngayon ay may dalawa na siyang kapatid, isang ina at may bonus pang guwapong asawa at mga anak na magaganda. The thought made her smile na hindi naman nakatakas sa paningin ni Santino. Seeing his wife smile kahit na may mga luha sa mata ay isang bagay na nais niya laging makita.

Dalawang oras pang nanatili ang dalawa sa silid kahit hindi pa nagigising ang pasyente. Sumama ang pakiramdam ni Sylvana kaya’t napilitan silang umalis na. Pagkaalis nila ay siya namang marahang pagbukas ng mga mata ng pasyente.





  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018