Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?


Napagod nang husto si Sylvana. Physically and emotionally draining para sa kanya ang maalala ang nakaraan. Pinagpahinga muna siya ni Santino bago ito muling lumabas ng silid. Nandoon pa din si Darius, nakasandal sa pader at iniabot sa kanya ang cellphone niya.


“Anong nangyari? Kumusta si Van?” Umiling si Santi at napabuntong-hininga.


Sakto namang pagdating nina Dominic, Luis at Dominika.


“Anak, si Van?” Nag-aalalang tanong ng ina ni Santino nang yumakap ito sa kanya.


“Nagpapahinga po, Mama.” Sumilip sa silid ang ginang at nang makitang mahimbing na natutulog ang manugang ay isinara muli ang pinto. Santino huddled them closer and told them the whole story. Lahat ng ikinuwento ni Sylvana.


“Kuya, I find it a bit odd na biglang ipapa-cremate ang anak ninyo nang hindi man lang pinaglalamayan.Walang karapatan si Don Fabro na gawin iyon kay Van.”


“Tama si Luis.May mali rito Santi. We have to find out the truth. There’s a missing piece on this puzzle.”


“Dom, paano natin malalaman ang totoo? Hindi pa nga nagkakamalay si Don Fabro. Ni hindi nga natin alam kung mabubuhay pa ang matandang hukluban na iyon.”


“Darius! Alam kong frustrated tayo pero igalang niyo pa rin ang matatanda.”


“Sorry po, Mama.” Tumango lang si Dominika sa paumanhin ng anak.


“May isa pang siguradong nakakaalam ng lahat. I need your help to find out the truth.Hindi ko puwedeng iwanan si Sylvana rito. She needs me now more than ever. Dom, puntahan ninyo at manmanan si Toro at ang mga magulang niya. May kutob akong may alam sila. Not to mention may kausap na Boss si Toro sa telepono. Kung ano man ang koneksiyon nila sa amin, we have to know.”


“Sige, Tol kami nang bahala. Kaming tatlo na ang magpaplano. Tinawagan ko pala si Tito Delfin para matulungan tayo sa pag-secure ng safety ni Don Fabro. Siya na raw ang makikipag-usap sa ospital para mabantayan pati si Sylvana.”


“Salamat. Kailangan nga natin ng tulong ni Ninong ngayon. Kung may malaking pera ang kalaban na nagawang ibili si Toro ng Jaguar, kailangan nating mag-ingat dahil hindi natin alam kung nasa paligid lang ba sila.”


Sa pagsang-ayon ng mga kapatid, sinimulan na nila ang pagpaplano. Saksi ang puting pasilyo ng ospital sa kanilang mga balak.



***



“Santi?” Gabi na nang magising si Sylvana. Ni hindi ito natinag nang sinuri siya ng mga nurse at doktor during their regular rounds. Nagpalinga-linga siya nang hindi makita si Santino sa kanyang tabi.


“Syl, nasa banyo ako.” Paglabas niya ay saka lang nakahinga nang maluwag si Sylvana. Akala niya ay naiwan siyang mag-isa.


“Mahal ko, gutom ka na? Anong gusto mo kainin?” Humalik sa asawa si Santi bago inalalayan maupo.


“Ano bang meron?” Santino couldn’t help but smile and feel giddy nang yumakap kaagad sa kanya si Sylvana pagkalapit nito.


“Nagdala ng sinigang at pritong isda si Mama. Nandito pa siya. Bumili lang ng kape.”


“Alam na nila?” Syl went rigid and he comforted her by caressing her back.


“Yes, they know. Wala namang nagbago. Don’t worry about it. They love you. I love you.”


“Hindi ba sila nagalit?” She looked at him with worry evident in her eyes. Umiling si Santino before giving her a quick peck on the lips.


“Siyempre, hindi. Huwag mo nang isipin iyon. Kami na ang bahala. Ang kailangan mo lang gawin ay kumain, magpahinga, at magpagaling para makalabas na tayo dito. Okay? Teka, aayusin ko ang pagkain. Kaso malamig na. Iinitin ko muna sa pantry? Mabilis lang ako.” He saw fear in her eyes.


“Can you stay? Kahit malamig kakainin ko. I don’t want you to leave me here.” Lalo pa hinigpitan ni Syl ang yakap kay Santi.


“What are you afraid of? Look at me.” He felt her tremble. Nag-alala si Santi sa inaasal ng asawa.


“I don’t want to feel alone.” Mahina man ang sagot niya ay iba ang dating kay Santino. He felt her genuine fear.He cursed himself for being insensitive.


“I’m sorry.Sige, hindi na ako lalabas.Let’s just wait for Mama. Siya na lang mag-init ng ulam. Dapat kasi sa thermos nilalagay para hindi lumalamig. Pagsasabihan ko ‘yang nanay ko. Pasaway.” Napangiti si Syl at hinampas siya sa braso.


“Lagot ka kay Tita kapag narinig ka.” Nakangisi si Santino, proud siya na napawi niya kaagad ang kalungkutan ng misis.


“Ano ‘yon? Ano’ng maririnig ko? At dapat Mama na ang tawag mo sa akin, hija. How are you feeling?” Bahagyang naghiwalay angasawa para makalapit si Dominika sa pasyente.


“I feel better na po. Salamat.” Syl shyly smiled. She felt awkward to be facing her mother in law. Kahit na close naman sila ay iba pa rin ang pakiramdam niya. Pero naglaho iyon nang yakapin siya ni Dominika.


“We care for you and love you, Van. Don’t ever think otherwise, okay? Welcome to the family. Inaalagaan ka ba nitong asawa mo? Sabihan mo ako kapag hindi at ako mismong kakastigo sa kanya.”


“Opo...Mama. He’s been wonderful.” Tumikhim naman si Santino na parang nagpapabida pang lalo.


“Dahil wonderful ako. Ma, paki-init po ang sinigan ni Syl. Gutom na sila ng apo ninyo.” Napangiti si Dominika nang marinig ang salitang apo. Parang nagningning ang mata na nakakita ng jackpot sa lotto.


“Ma, masyadong obvious na sabik ka magkaapo, kumukutikutitap pa ‘yang mata mo,” dagdag biro pa ni Santino.


“Sige, aayusin ko muna ang pagkain ng mahal kong manugang. Ikaw, bantayan mong mabuti si Van. Huwag kang aalis diyan.”


Paglabas ng silid ni Dominika dala ang microwaveable containers na may lamang kanin, sinigang at isda ay nahiga si Santi sa tabi ni Sylvana. Humilig naman ang huli at yumakap.


“Thank you for taking care of me. Kumusta pala si Papa? Have you asked the doctors kung puwede ko na siyang madalaw?” Ayaw man niyang palapitin ang asawa sa ama-amahan, alam niyang wala siyang magagawa.


“Bukas ng umaga na lang, mahal ko. Pagkakain mo, magpahinga ka ulit. Nasa ICU pa rin siya at wala pang malay. Sabi ko sa mga nurse, puntahan kaagad tayo rito kapag may changes na.”


“Puwedeng mamaya na lang pagkakain? Please?” Humalik pa ito sa kanya ng tatlong beses. Makakatanggi pa ba siya?


“Parang sinusuhulan mo ako, ah. Sige, I’ll think about it.” Sylvana hugged him tighter and gave him another kiss.


“Payag ka na?”


“Hindi pa rin.”


“Sige, kapag hindi ka pumayag, wala kang kiss ng one week.”


“Sabi ko nga, pagkatapos mong kumain at magpahinga ng sandali, pupunta tayo ng ICU.”Napangisi si Syl habang napakamot na lang ng ulo si Santino.Bumukas ang pinto at pumasok si Dominika dala ang isang tray at ang mga pagkaing ininit niya.


“O, ‘ma, saan mo nakuha ‘yang tray?”


“Sa pantry. Meron naman doon. O siya, pakainin mo na ang asawa mo.”


Ipinaghanda ng pagkain ni Santi si Sylvana. Ang mas pinaghahandaan niya ay ang pagkikita muli ng mag-ama. Sana’y makatulong ito para magising na muli ang matandang Don. Masyado nang maraming katanungan na walang anino ng kasagutan.













  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018