Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?


Sa gilid ng drawer ay may isang video camera.Nakilala ni Santino ang gamit na iyon dahil matagal na panahon niya rin itong ipinahanap. Pero hindi pa iyon ang nagpatindi ng kaba at emosyon ni Sylvana. Sa tabi nito ay may nakapatong na Certificate of Live Birth. Mga birth certificates ni Ramirez, Sylvana Domingo at isang Ramirez, Terrence Domingo.Ayon sa mga dokumento, si Fabro Ramirez ang ama at isang nagngangalan na Luzviminda Domingo Ramirez ang ina.


Kahit na gustong kuhanin ni Santino ang videocam at tingnan ang nilalaman nito, inuna niya ang kapakanan ng asawa.


“Santi... I don’t understand.”


“Syl...” Napaluhod sa tabi niya si Sylvana and he hugged her for support.Kinuha ni Santi ang mga dokumento. Kung pagbabasehan ang mga dokumento, tunay na anak ni Don Fabro si Sylvana at may kakambal ito.May nakita pang isang envelope si Santi at nang binuksan niya ito, nagkaroon ng kasagutan kung nasaan ang kapatid at ina ni Syl. Dalawang death certificate at newspaper clippings. Sa Baguio nangyari ang aksidente at sabi sa ulat, isang bata lang ang milagrong nakaligtas mula sa apat na sakay ng kotse nang nahulog ito sa bangin. Binasang muli ni Santino ang mga pangalan, Terrrence Domingo at Luzviminda Domingo. Nakatingin din sa papel na iyon si Sylvana.


“Kung gano’n, ako ba ang nakaligtas? Bakit Domingo ang apelyido nila riyan pero sa Death Certificate, Ramirez?” Gusto mang bigyan ng sagot ni Santi ang asawa ay wala siyang maibigay. Gusto niyang siguruhin muna ang mga pangyayari.


“Let’s take this one step at a time, mahal ko.” Tumango si Syl.Alam niyang masama na mag-alala na naman siyang muli. Sunud-sunod na dagok ang nangyayari sa buhay niya. Iniisip pa lang niyang bumangon ay may panibagong sipa na naman siyang natamo mula sa malupit na buhay.


“Ang video cam... si Papa ang may gawa?” The tears that followed were like a dam. Syl felt betrayed and hurt.


“Hindi pa tayo sigurado. Let’s see. Shhh... Huwag kang umiyak... makakasama sa’yo.”


“I’ve been hurt and humiliated all my life dahil sa camera na ‘yan... and to find it here with all these damn revelations is too much! Santi... please, ilayo mo muna ‘ko rito.”


“Sorry Syl, I can’t do that. We have to face this now or this will haunt us longer than necessary. Please, listen to me. Kailangan na nating harapin ito. Makakakuha rin tayo ng sagot. Please trust me, okay?” He kissed her forehead and pulled her towards him.She nodded in response.


“I’m a mess.”


“We’ll be a mess together. I love you.”


“I love you, too.”


“Are you ready? We have to see what’s inside the camera.”


Sylvana sighed and nodded.He helped her stand up and they both went to sit on the bed.Ni hindi na nila niligpit ang kalat na mga dokumento sa sahig. Santi checked the tape on the camera.Hindi ito ang sex tape nila ni Syl. Alam niya dahil may sulat ang tape na ‘yon. What’s inside is something different. This made his heart beat faster at ramdan niyang ganoon din ang asawa.


He checked kung may battery ba ang camera para mapanood nila kaagad ang video. He cursed nang malamang walang karga. He took the tape and looked at the entertainment system sa loob ng silid. Nakita niya roon ang video tape adaptor at player.He turned on the TV and the VHS player, luma man ang gamit pero gumagana pa ito. He pushed the play button and went back to his wife’s side. He held her hands while they waited for whatever it is that would be displayed on the screen.


“Anak, Sylvana... Marahil, kung mapapanood mo ito ay marami ka nang masamang naiisip tungkol sa akin. Ang iba ay tama, pero ang iba ay maaaring mali. Mag-umpisa tayo sa simula.. Ako ang tunay mong ama.Secret marriage ang nangyari sa amin ng Mama mo.Galit sa akin ang mga magulang niya dahil sa laki ng agwat ng edad namin. 18 lang si Minda nang magpakasal kami ng palihim. Nang mabiyayaan kami ng mga supling ay lubos ko itong ikinagalak. Ngunit nakuha siya ng mga magulang niya at pilit inilayo sa akin. Siguro iniisip mong pang-teleserye kagaya ng lagi mong nababanggit tuwing nag-uusap tayo tungkol sa mga madramang istorya, pero totoong buhay ito anak. Sa ‘di inaasahang pangyayari, namatay ang ina at kakambal mo nang tangkain ninyong tumakas pabalik sa akin. Ipinadukot kita sa tauhan ko sa ospital kaya ka lamang napunta sa akin. Pinalabas namin na namatay ka rin kaya’t hindi ka hinanap ng pamilya ni Minda.” Sylvana was crying silently while gripping Santi’s hand. Namumuti na ang mga kamay nila sa sobrang higpit ng hawak ni Syl.


“May isang beses na pinuntahan ako rito ng mga magulang ni Minda, they wanted to know if you are their granddaughter. Nagkaroon ng DNA test. I forged the test para palabasin na ampon lang kita kagaya ng ipinagkalat ko sa bayan na ito para hindi ka nila makuha sa akin. It worked dahil simula noon, hindi ka na nila binalikan. I’m sorry for keeping this a secret. Natatakot akong kuhanin ka nila sa akin. Ikaw na lang ang natitirang pamilya ko anak. Kaya lubos akong natakot nang magkamabutihan kayo ni Arguello at ng pamilya nila. Alam kong hindi magtatagal, kukunin ka nila sa akin.Hindi ko sinasadya, anak. Kasalanan ko kung bakit nasira ang buhay mo. I realized my mistake nang lumayo ka sa akin para magpunta ng Singapore.Akala ko ay hindi ko kaya ang mag-isa.Pero mas masakit pala na maisip na kamumuhian mo ako habang buhay kapag nalaman mong ako ang nag-utos para magkasira kayong dalawa ni Arguello...” This time, si Santi naman ang nagtikom ng kamao.


“Hindi ko sinasadya ang nangyari.Hindi ko alam na ganoon ang gagawin ng taong inutusan ko para magkahiwalay kayo. Sa safety deposit box nakatago ang mga video ninyo ni Santino. Wala nang ibang kopya iyan. It backfired on me, anak.You stayed with me pero hindi ka na kagaya ng dati. You were miserable. Wala akong ibang gusto kundi ang mapasaya ka, pero I failed. I did everything even the unthinkable. Ipinalayo ko ang sarili kong mga apo para hindi ka na malungkot. They were dragging you to more misery. Habang nakikita kitang nasasaktan ay nadudurog ang puso ko. I did what I thought was best at the moment. Ipinaalaga ko sa iba ang mga anak mo. I changed my mind after a month nang makalimot ka na, dahil sa hypnotherapy mo. Sinubukan kong bawiin ang mga bata at paniwalain kang ampon natin sila pero wala na sila at ang taong pinag-iwanan ko. Hindi ko alam kung saan sila nagpunta. I tried to find them all these years pero hindi ko sila mahanap.”


“Santi...” He hugged her tight at hinayaang malayang tumulo ang mga luha nilang mag-asawa.


“Hanggang kabilang buhay kong pagsisisihan ang lahat ng kasinungalingan at kasalanan ko sa iyo at kay Arguello.Pero hindi ko kayang dalhin sa hukay ang mga lihim na ito. Mahal ka niya kaya ako natatakot dahil pakiramdam ko ay hindi sapat lahat ng pagmamahal ko bilang ama mo para tapatan ang kaya niyang ibigay sa iyo. Patawarin mo sana ako, Sylvana. Mahal na mahal kita, anak ko. Patawad ulit.”


“Syl...”


“Isa lang ang gusto ko simula pagkabata ko, ang magkaroon ng pamilya. Pero bakit kung sino pa ang taong inasahan ko, siya pa ang gagawa ng ganito.. Santi, ang mga anak natin... they’re alive!”


“I know... Gagawa tayo ng paraan. Hahanapin natin sila.”


Labis ang pighati nilang mag-asawa sa mga nalaman. Ang dapat sanang simpleng araw ng paglilinis nila ng gamit ng isang patay ang siya palang magbibigay sa kanilang dalawa ng walang kapantay na sakit ng kalooban. Santi wanted answers but he did not expect that the revelations would be too grave and painful for him and his wife.
















  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018