Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

Diretsong tumingin kay Santino si Toro bago muling nagsalita.

"I saw you talk to the doctor at na-realize kong alam mo na ang totoo tungkol sa panganganak ni Sylvana.  Kung sasabihin ko sa'yo ang lahat, baka makasama sa kanya. Mawawalan ng bisa ang hipnotismo na ginawa noon. Naalala ko ang sabi ng doktor, she has to remember on her own... Boss?" Napangiti si Toro bago muling nagsalita.

"Boss kasi ang tawag ko sa nobya ko. Kausap ko noon si Roldan ang bestfriend ko at kapatid ng girlfriend ko na si Dessa. Magagalit si Boss kapag nalamang may ginagawa na naman akong hindi niya alam, kami ng kapatid niya. Nagalit kasi 'yon dahil hinanap at binili ko ang motor ni Van na hindi sinabi sa kanya. Gusto ko kasing ibalik sa'yo. Alam kong may sentimental value ito." Sylvana couldn't help but smile. Yayakapin na sana niya ang kapatid ngunit napahinto siya nang magsalita ang asawa.

"Si Roldan? Iyong may-ari ng talyer?" Nagtatakang tanong ni Santino. Iyon ang lalaking tinakot niya para layuan si Sylvana. Napangisi si Toro nang makita ang reaksiyon ni Santi.

"Oo. Tinakot mo nga raw ang kaibigan ko na sasabihin mo sa tatay niya na siya ang nagpakawala ng mga baka noon ng mga Arguello dahil sa isang prank. Muntikan na pala siyang makulong noon kung hindi mo lang siya tinulungan. Van, ginawa iyon i Santino noong pinormahan ka ni Roldan. Gusto ko lang naman noon na may manligaw sa'yo para magselos si Santi at gumawa ng paraan at magkabalikan na kayo. Kaso ang tyope pala nitong asawa mo. Santi, naghintay ka pa ng ilang taon para magka-ayos kayo." Napailing si Toro at napanganga si Syl habang nakatingin kay Santino. Namula naman ang mukha nito at napakamot ng ulo dahil nabuking siya ni Sylvana.

"Kung gayon... wala kang masamang balak? Hindi ikaw ang lalaking nagtangka sa buhay ni Don Fabro?" Umiling si Toro.

"Marami akong nagawang kasalanan pero hindi ko kayang pumatay. Hindi ko alam kung sino ang sinasabi mo. Nabalitaan ko nga ito dahil narinig kong nag-uusap ang ilang nurse noong huling dumalaw ako. That was the night before he died."

"Kung totoo lahat ng sinasabi mo, paano mo nalaman na ikaw ang kapatid at kakambal ko?"

"Kinabukasan nang araw na inatake siya sa puso at naospital kayo,  iyon din ang araw na nakilala ko ang mag-asawang gustong umampon kay Zarina at Dennis. Sinadya kong hanapin sila at pakiusapan dahil alam kong may balak din kayo ni Santino na ampunin ang mga bata. Meeting them changed everything. Van, hindi namatay ang nanay natin sa aksidente, gaya ng pagkabuhay nating dalawa. Oo, parang teleserye pero totoo." Lumapit si Toro at lumuhod sa tapat ni Sylvana. He took her hand  na binitiwan naman ni Santi.

"Nandito siya ngayon, Van." Tumayo si Toro at pumasok sa silid na malapit sa reception area. Pagbalik nito ay may kasama siyang magandang babae.  Mahaba ang buhok nito at at balingkinitan ang katawan. Mukha lamang itong nasa edad 30 pataas.  Sopistikada ang ayos nito at bakas ang kaligayahan sa luhaang mata nang masilayan si Sylvana.

"Mama, siya po si Sylvana.. Van, siya si Minda Domingo, ang tunay nating ina."

Napatayo si Sylvana at dahan-dahang lumapit para salubungin si Minda. Napatitig siya rito at nang namukhaan ay naluha nang tuluyan si Sylvana. Naalala niya ang babaeng iyon. Nagkakilala na sila noon. Ito ang babaeng tinulungan niya nang masiraan ang ginang sa bayan. Sinamahan niya ito magpagawa ng sasakyan sa talyer ni Roldan.

"Kayo po ang tinulungan ko noon, isang taon na ang nakalipas." Tumango si Minda at hinila siya sa isang yakap.

"Naaalala kita. Kaya pala magaan ang loob ko sa'yo noon. Ikaw pala ang nawawala kong anak. Ang pakilala mo noon ay Van, kung nalaman kong ikaw si Sylvana Ramirez, baka mas matagal na kitang nakasama." Tuloy ang agos ng luha ng mag-ina sa madamdamin nilang reunion.  Inalalayan ni Toro at Santi ang mag-ina na umupo sa mahabang couch para ipagpatuloy ang pagkukuwentuhan.

"Mama, puwede niyo po bang ipaliwanag ang iba pang nangyari?" Tumango si Minda at pinaupo si Torro sa kabilang gilid niya. Magkabilang kamay niyang hawak ang mga anak niyang ilang taon na nawalay sa kanya.

"I was comatosed for almost twelve years. Pinalabas ng pamilya ko na namatay ako para hindi na hanapin pa ni Fabro. When I woke up from my long and deep sleep, wala akong maalala. Then, some of my memories came back more than a year ago. I went back to this place but I couldn't remember where to go exactly. Ang alam ko lang ay Cavanah Valley at isang rancho. My parents, yes, buhay pa ang mga lolo at lola ninyo, did not tell me anything about the past. They let me remember everything eventually, mas mabuti raw na kusa kong matuklasan ang lahat. Pagkatapos nating magkakilala noon, nang magawa ang sasakyan ko ay napadpad ako sa bahay ampunan. I can't explain why pero parang may nagdala sa akin sa lugar na iyon. Doon ko nakilala si Zarina at Dennis.  They seemed to remind me of someone. Nang ipakita sa akin ng mga madre ang baby pictures nila, doon ko na-realize kung bakit sila pamilyar. Kamukhang-kamukha sila ng mga anak ko noong sanggol pa lang. This triggered more memories, but I got sick and was not able to go back right away.  I asked my nephew and his wife to help me stage the adoption. Pero sabi nila mas mabilis raw kung sasabihin naming biological parents sila. Gamit ang mga litrato ninyong dalawa at isang inayos na papeles, nagpunta sila sa mga madre."

"Kristine at Jonathan Domingo? Iyon po ba ang mga gustong mag-ampon kay Zarina at Dennis?" Napatingala kay Santino ang tatlo saka lang naalala ni Syl na hindi pa sila magkakilala ng ina niya.

"Mama, siya nga po pala ang asawa ko, Si Santino Arguello." Lumapit si Santi at niyakap siya ng biyenan.

"Nagagalak akong  makilala ka, Santino. To answer your question, yes. Sila ang mga pamangkin ko." Sa parteng iyon ay si Toro na ang nagpatuloy ng salaysay. Naupo si Santi sa armrest sa tabi ni Sylvana. Kumapit naman ito sa hita niya tanda na gusto niya pa rin ng suporta ni Santi sa mga susunod na impormasyong maririnig.

"Nagdala sila ng pekeng katibayan para mapadali ang pagkupkop sa mga bata. May litrato siya noong mga sanggol pa tayo at iyon ang ipinakita nila sa mga madre. I met with them at nagtaka akong magkahawig kami ni Jonathan. Nagulat rin ang mag-asawa. Tinanong nila kung saan ako nakatira at kung ilang taon na ako. Nang malaman nilang sa Rancho Ramirez, nagkaroon na sila ng hinala na buhay tayong dalawa at itinago lang tayong magkapatid ni Don Fabro. Hindi alam ng mga Domingo noon na buhay tayong dalawa dahil hindi na nila tayo nahanap. Noong mismong araw na iyon, a DNA test was made. Last week lang lumabas ang resulta. Gusto sana nilang makita ka pero pinigilan ko sila. Sabi ko hindi pa tamang panahon..."

"Pero may nakita kaming Death Certificates at newspaper clippings. Ikaw si Terrence Domingo Ramirez." Toro smiled and nodded his head. Sylvana was dumbfounded with all the information she was hearing. Pero sa puso niya, masayang masaya siya  na nakilala niya ang tunay niyang pamilya.

"Buhay ka, kasama lang kita all these years... pero bakit sabi sa balita? At paanong hindi ka nakilala ni Papa noong bata ka pa? Tanda ko ay mag-aapat na taon ka na nang dumating kayo sa rancho." Tears welled up in their eyes. Napakibit balikat na lamang si Toro.

"Isa lang ang nakaligtas noon pero nawala ang bata. Nang puntahan ka rito ng pamilya ko, itinago ka ni Fabro. Hindi na nagpursigi ang mga magulang ko dahil commatose naman ako at nang magising ay wala na rin naman akong maalala. Mga anak ko, masaya akong makita kayo at makasamang muli.  Patawad at hindi ko kayo nasagip mula sa tunay ninyong ama. I had to leave him dahil nakakasakal ang pagmamahal niya. Itinago niya ako at ikinulong sa bahay.  He was too paranoid na aalis ako at iiwan siya.  I wanted to escape dahil bagong panganak pa lang ako noon at wala akong maramdaman na pagmamahal mula sa kanya.  Nang araw na tumakas ako pabalik ng Baguio, sa pamilya ko ay ang araw na nadisgrasya tayo." Tuloy-tuloy ang pagluha ni Sylvana at ni Minda.

"Fate works in mysterious ways dahil lumaki pa rin pala kayong magkasama. Sinong mag-aakala na iisang lugar lang at tahanan ang kalalakihan ninyo.  Kung ano man ang mga kasinungalingang sinabi niya sa iyo, Sylvana ang paniwalaan mo lang ay minahal kita. Marahil mahal ka rin ni Fabro pero mas naging masaya ka siguro kung sa akin ka lumaki at tayo ang nagkasama."

Hindi alam ni Sylvana ang mararamdaman. Mahal niya ang ama niya dahil buong buhay niya ay ito ang nag-alaga sa kanya.  Kahit pa may mga nagawa itong kasalanan, hindi maipagkakaila ni Syl na buong puso siyang minahal ni Don Fabro. Hindi na lamang niya kinontra ang ina. Malalim ang mga sugat na dulot ng nakaraan. Sa mga sandaling iyon, ang importante lamang kay Sylvana ay mabuo ang kanilang pamilya.

Nagpaalam si Santino na lumabas muna para tumawag kay Dom. Bukod sa naiwan niya ang cellphone niya sa kotse, gusto rin niyang bigyan ng privacy ang mag-iina. Saktong pagyuko ni Santi para abutin ang cellphone sa loob ng sasakyan ay ang paghampas ng isang matigas na bagay sa kanyang likuran. Bumulagta siya ng patagilid sa semento na namimilipit sa sakit habang sinipa siya ng paulit-ulit sa tagiliran ng taong humapas sa kanya.  Sinapo niya ang ulo at mukha upang protektahan ito kung sakaling ibabaling dito ang pagsipa. Gustong sumigaw ni Santino para humingi ng saklolo ngunit hindi niya magawa dahil sa bilis ng mga pangyayari. Ang huli niyang narinig bago siya mawalan ng malay ay ang putok ng isang baril.




THE RUGGED HERDSHIRE BOOKS GIVEAWAY PROMO:

Mechanics of the game:


1.Like all NoInk sites and pages.

2.Read the stories The Rugged Herdshire and The Black Sheep in NoInk.ph

3. Answer the five questions that will be posted at the end of one of the chapters of the stories. Send the answers via direct message to my facebook page Makris Orpilla.

4.From the pool of respondents with the perfect answer, a winner will be chosen randomly.



The Rugged Herdshire:

1. Gaano katagal sa abroad si Santino noong nagkahiwalay sila ni Sylvana? Ibigay rin kung ilang buwan nanatili ng Singapore si Sylvana.

2. Ibigay ang buong mga pangalan ng mga kapatid ni Santino.

3. Sino ang bestfriend ni Sylvana?

4. Ano ang naging solusyon ni Don Fabro upang gumaling ang depression ng anak?

5.Ano ang pangalan ng mga magulang (nanay at tatay) ni Sylvana? Ibigay ang buong pangalan.


Thank you for joining and good luck!


















  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
19 July 2018