Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?


Nabalot ng takot si Sylvana nang makita ang duguang asawa paglabas niya ng bahay ng kapatid. Kahit may narinig silang putok ng baril, hindi niya alintana ang panganib. Ang gusto niya lamang ay mapuntahan kaagad si Santi na nakahandusay sa gilid ng sasakyan sa may bangketa. Sa pagmamadali niya ng pagtakbo ay napatid siya at naramdaman niya ang matitigas na bisig na sumalo sa kanya na tila pumipigil na malapitan niya ang asawa.

"Shhh... Van, si Dom 'to. Don't panic... Stay here. Ako’ng bahala kay Santi. Hindi siya tinamaan. Dugo ng kalaban ang nakita mo. Nakatakas siya at may dala rin siyang baril. Dito ka muna." Nagpupumiglas si Sylvana dahil gustong puntahan ang asawa. Mabuti na lamang at dumating si Terrence at siya ang kumapit sa kapatid.

"Ako na ang bahala kay Van. Papupuntahan ko rin si Santi." Tumango si Dom at saka muling lumabas ng bahay. Sinundan niya ang patak ng dugo na magtuturo sa kanya sa pinagtataguan ng bumugbog sa kapatid niya.

Pagdating ni Dominic sa bahay na iyon, huling-huli niya sa akto na binubugbog si Santino. Nagtataas na ng baril ang lalaking nakamaskara nang maagap itong nabaril ni Dominic sa balikat. Tumalsik ang dugo nito kay Santino na siyang nakita ni Sylvana. Lisensiyado ang baril ni Dom at asintado rin siya dahil isa sa libangan niya ay ang pagpunta sa firing range.

Sa likod ng isang kotseng itim huminto ang pagpatak ng dugo. Dalawa lamang ang maari nitong pagtaguan, sa loob o sa harapan. Sinilip ni Dom ang ilalim at nakita ang anino ng kalaban sa harapan ng sasakyan.

"Lumabas ka na! Napaliligiran na kita!"

Narinig ni Dominic ang halakhak ng isang... babae? Akala niya ay lalaki ang nanakit kay Santi.

"Sino ka? Bakit mo ginagawa ito? Anong motibo mo sa pag-atake sa kapatid ko?"

"Pakialamero kasi ang kapatid mo! Kung hindi dahil sa kanya, mapapatay ko na sana Si Don Fabro. Hindi man lang siya naghirap sa kamatayan! Dapat sa mga katulad niya, pinapahirapan muna bago magpunta ng impyerno!"

"Ikaw pala ang umatake noon sa ospital. Bakit ka nagagalit? Isa ka ba sa mga babae ni Don Fabro?"

"Sira ulo ka rin pala, eh! Anak niya ako! Hindi niya ako kinilala at pinagtawanan lang nang lumapit ako sa kanya. Hindi raw totoo ang sinasabi kong anak niya ako kahit na may katibayan akong pinapakita."

"Anak? Akala ko pa naman baog ang matandang iyon. Kanino ka naman niya anak, aber?" Sinasadya ni Dom na pagsalitain ang babae para sa plano niya.

"Anak niya ako sa isang babae mula sa kabaret sa kabilang bayan. Pinabayaan niya kami ng nanay ko. Masyado siyang mapagmataas at mapang-mata. Hindi niya man lang ako kinilala. Tapos ang pinagaaksayahan niya ng pera at pagmamahal ay isang ampon lang! Ako dapat ang nasa posisyon ng Sylvana na 'yon! Kaya uubusin ko muna ang mga Ramirez hanggang may hininga pang natitira sa 'kin!"

"Gusto ko sanang pumalakpak sa ganda ng dialogue mo at sa kakaibang galit ng pagbato mo ng linya, pero busy ako. Sumuko ka na... Walang magandang maidudulot sa buhay mo ang karahasan. Isa pa, hindi na uso ang mga amazonang babaeng naghihiganti ngayon. Digital age na... Sana nag-post ka na lang sa FB para nakakuha ka ng simpatya at na-bash si Don Fabro. Anyways, sumuko ka na, baka sakaling maawa pa kami sa 'yo at tulungan ka naming mapababa ang piyansa."

"Nagpapatawa ka ba? Ikaw nga 'tong bumaril sa 'kin ako pa ang pipiyansahan mo?"

"Aba, oo naman! Kitang-kita sa CCTV camera ang pambubugbog mo sa kapatid ko. Kahit ngayon, kalat ang camera sa buong street na ito. Kaya kung ako sa'yo, susuko na 'ako."

Dahil sa pag-uusap nila ay hindi namalayan ng babae na nasa tagiliran na niya si Dominic. Sinadya ni Dom na hinaan ang boses para palabasin na hindi siya lumalayo sa una nitong pwesto.

"Check mate. Taas ang kamay!" Nakatutok ang baril ni Dom sa sentido ng babae. Kung titingnan ay hindi nga ito pagkakamalang babae. Maiksi ang buhok at matangkad. Flat chested rin ito at medyo may kalakihan. Napuno ng takot ang babae at itinaas ang mga kamay tanda ng pagsuko. Napangiwi pa ito dahil na rin sa tama ng bala sa kanyang kaliwang balikat.  Binitiwan nito ang baril na sinipa naman palayo ni Dominic. Noon naman dumating ang mga lalaking naka-asul na tauhan ni Toro at dinakip ang babaeng nag-amok.

"Dalhin niyo na sa presinto iyan. Susunod na lang kami ni Santi para magsampa ng demanda. Huwag ninyong iiwan hanggang hindi kami dumadating." Tumango lang ang dalawang security at isinakay na ang babae sa isang SUV na nakaparada sa tapat din ng bahay.

Pagpasok ni Dominic sa loob ng bahay ay nagkakamalay na si Santi. Nakayakap sa dibdib nito si Sylvana.

"Tol, bakit naman nagpapasapak ka sa babae? Babae pala 'yon, eh. Ay... magandang umaga po. Ako po pala si Dominic, kapatid ni Santino." Pagbibigay galang nito sa ina ni Sylvana na naka-alalay lang sa anak na nag-aalala para sa asawa. Tumango at ngumiti si Minda.

"Hindi ko naman siya nakita. Hinampas ako sa likuran, eh. Nasaan na? Ano raw problema niya?" Isinalaysay ni Dominic ang napag-usapan nila ng babae.

"Kawawa naman pala siya..."

"Seriously, Van? Naaawa ka pa eh, muntikan nang tsugiin itong waswit mo?"Napairap si Sylvana sa bayaw at kaibigan.

"Hindi naman niya kasalanan na maging anak ni Papa. Ituloy niyo ang demanda pero, sana kapag na-realize niya na mali ang ginawa niya, magkita kaming muli para matulungan natin siya." Napatitig sa kanya si Santino. Napakabuti talaga ng puso ni Sylvana. Masuwerte ang mga anak nila para magkaroon ng ganoon kabuting ina.

"Ate Van? Ate Vannnn!!!" Napalingon silang lahat sa pinanggalingan ng maliit na tinig. Doon ay magkahawak kamay si Zarina at Dennis. Agad silang nilapitan ni Sylvana.

"Dennis... Zarina... Naku, kayong mga bata kayo. Huwag na kayo ulit maglalayas, ha? Pinag-alala niyo kami nang husto." Niyakap niya ang dalawang bata na napaiyak naman sa sobrang kaligayahan.

"Hinahanap namin ang bahay mo kaso naligaw kami. Sa parke kami nakatulog. Buti na lang at nakita kami ni Mamang Pogi." Napatingin ang kambal kay Terrence at kumindat naman ito.

"Suwerte kayo at ang Tito Terrence ninyo ang nakapulot sa inyo..."

"Tito Terrence?"

"Oo, kapatid ko siya, kaya Tito. Ngayon, ang itatawag niyo na sa akin simula ngayon ay... Mommy.." Dito na napaluha si Sylvana. Kahit masakit ang katawan ay tumayo at lumapit din si Santino sa mag-iina niya.

"Kami ang tunay ninyong mga magulang. Simula ngayon, hindi na tayo magkakahiwalay..." Yumakap sa kanya ang dalawang bata at napatawa silang lahat sa sunod na sinabi ni Zarina. Bakas ang kaligayan sa mata ng lahat ng nakasaksi sa muli nilang pagkikita.

"Mommy Ate Van at Daddy Kuya Santi po ang itatawag namin sa inyo? Parang ang haba naman po yata..."

"Mommy at Daddy lang, mga anak." Lubos na nga ang kaligayan ni Sylvana at Santino, dahil sa wakas ay buo na ang kanilang pamilya. Hinalikan ni Santi ang mata ng anak na babae, may nakausap na siyang espesyalistang gagamot dito. Kailangan niya itong tawagan kaagad para maihanda na ang operasyon. Lahat ay ibibigay niya para mapabuti ang mga anak at asawa. Napatingin sa kanya si Syl at ngumiti. Alam na nito ang susunod nilang gagawin. She finally felt complete. Her heart felt whole. Natagpuan na niya ang nawawalang parte ng buhay niya. Ang mga anak nila at si Santino.

Sinong mag-aakala na ang simpleng pagpunta pala sa bahay na iyon ang magiging katuparan ng kanilang mga pangarap at kasagutan sa kanilang mga katanungan. Fate has its own way of fixing things. For Sylvana and Santino, kahit inabot pa ito ng limang taon o higit pa, mananatiling iisa ang nakatakda at kanilang tadhana, ang mahalin at makasama ang isa't-isa, kasama ang kanilang masayang pamilya.

-W A K A S-





  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018