Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

Naibalik na ang mga baka na nakalipat sa Rancho nila Santi pero may kumakalat naman na sakit ngayon, ang Foot and Mouth Disease sa mga baka kaya’t kailanga maging maingat para masigurong hindi makokontamina ang livestock ng Rancho Ramirez. Sa panahon pa naman ngayon, matsismis lang na may sakit ang mga pinaggalingan ng karne ay itinatapon kaagad ang mga ito kahit hindi pa naiinspeksiyon. 


“Segundo, natawagan mo na ba si Dr. Salgo para matingnan ang mga kabayo at baka?”


“Opo Ma’am Van, ang kaso ay nakabakasyon daw po ito at sa isang buwan pa ang balik.”


“Sino pa ba ang pwede tawagan na beterinaryo dito? Gusto ko masigurong walang sakit ang mga livestock bago natin ideliver ang unang batch sa matador sa isang linggo.”


“Si Dr. Dominic Arguello po ma’am.” Napabuntunghininga si Sylvana.Hangga’t kaya niya ay ayaw niyang humingi ng tulong sa mga Arguello, pero mukhang wala siyang choice. 


“Sige, pupuntahan ko na lang ngayon kung pwede ko mahingan ng tulong.”


Agad naman siyang nagpunta sa katabing rancho. Sakto naman na nadatnan niya doon si Luis.


“Ate Van! Wala si Kuya Santi.” 


Napahugot siya ng malalim na hininga bago sumagot.Ganoon na ba siya kadesperada para sa pagtungtong niya doon sa mga Arguello ay si Santino agad ang pakay niya? 


“Magandang umaga Luis. Si Dominic ang hinahanap ko.Papakisuyo ko tingnan niya ang mga livestock.Wala ang vet namin nagbakasyon daw.” 


“Pabalik na ‘yon nag-inspeksiyon sila ni Darius. Pumasok ka muna sa loob, nandoon si Mama.”


“Sige salamat.”Hindi na sana siya tutuloy ang kaso ay nakita na siya ni Dominika sa may bintana at agad itong lumabas. Moderno ang disenyo ng bahay nila.Kahit na malaki ang bahay nila Sylvana, tatlong beses na mas malaki naman ang sa mga Arguello.Noong lagi pa siya doon, hindi masyadong magarbo ang bahay nila pero nang mapadpad siya muli dito, mas lumaki at lumawak ang bahay at naging moderno ang mga gamit.Pati ang sahig na dati ay kahoy, napalitan ng marmol. Sabi ng mga tsismosa, dahil raw sa pagtatrabaho ni Santi sa abroad kaya’t nakabawi ang Rancho nila mula sa pagkalugi ilang taon na ang nakalipas. 


“Van! Naku...sabi na nga ba at ikaw ‘yan. Tuloy ka muna.Si Santi ba ang hanap mo? Wala siya sa isang buwan pa ang balik.”


“Ay, tita si Dr. Dominic po sana, makikisuyo lang ako tingnan sana ang mga kabayo at baka kung maayos ang kalagayan.Wala po kasi ang vet namin nagbakasyon. Nag-aalala po kasi ako baka hindi maibenta kung magkakasakit ang livestock.”Ngumiti si Dominika.Kahit sa katandaan ay maganda pa rin at elegante ang dating niya.Maamo at mabait rin ang mukha at laging nakangiti, iyan ang mama ni Santi.Malayong malayo sa ugali niya. 


“Ah. Akala ko pa naman si Santi. Bueno, babalik na rin sila Dom kanina pa naman umalis ang mga ‘yon.Teka, anong gusto mong inumin? Kape o tsaa?”


“Tsaa na lang po, salamat.”Alam ni Sylvana na hindi titigil si Dominika hangga’t hindi siya napapakain o napapainom ng kahit ano.Ganoon siya ka-accommodating.


Nagpalinga-linga si Sylvana habang abala sa paggawa ng tsaa ang maybahay.Napako ang tingin niya sa isang larawan na kuha pa noong highshool sila.Litrato niya kasama ang apat na magkakapatid. Napabaling ang tingin niya kay Santino na hindi nakatingin sa camera, dahil hinihila nito ang buhok niya, habang siya naman ay nakatingin ng masama kay Santi.The picture is the epitome of how they are in real life.


“Van...ayaw ipaalis ni Santi ang picture na ‘yan.Nawala raw kasi lahat ng litrato ninyo.” Napayuko na lang siya at nagpasalamat sa tsaang inabot sa kaniya. 


“Baka po namisplace niya, alam niyo naman ‘yon burara.” Napangiti si Dominika. 

“Van? Pwede bang magtanong?” 


“Ano po ‘yon tita?” Kinakabahan si Sylvana sa itatanong sa kaniya.Sana naman ay hindi ito ang iniisip niya. 


“Wala na bang pag-asa na magkaayos kayo ng panganay ko? Alam ko naman na mabigat ang kasalanan niya.Gusto ko rin sana humingi ng paumanhin dahil umalis siya kung kailan kasagsagan ng nangyari.Nalulugi na kasi ang rancho noon.Kailangan namin makalikom ng pondo para hindi ito makuha ng bangko.Sakto naman na nag-offer ang kapatid ko na nasa Saudi para pumalit si Santino sa pwesto niya doon sa amo niya.Malaki kasi ang pasahod at makakatulong sa amin kung susugal siya. Matagal ko nang gustong kausapin ka ang kaso ay wala ka daw gustong makausap na kahit sino mula sa pamilya noon. Gusto ko sana puntahan ka at damayan...pasensiya ka na hija. Sana gumawa ako ng paraan para makausap ka noon.”


Hindi namalayan ni Sylvana na may mga luha palang pumatak mula sa mga mata niya.Hindi niya alam na may problema ang mga Arguello noon pero kahit ano pang dahilan, nangyari na ang lahat at hindi na maibabalik pa. 


“Kalimutan niyo na po ‘yon Tita.Hindi po ako nagalit sa inyo.Wala naman pong obligasyon ang pamilya ninyo na damayan ako kapalit ni Santi.” 


“Hindi ka niya nakalimutan kahit na gaano katagal pa siya nawala.Tuwing tatawag siya at susulat, ikaw ang hinanahap niya at kinukumusta.”


Masakit sa lalamunan at sa ulo magpigil ng luha kaya’t pinabayaan na lang ni Sylvana na manumbalik ang kakayahan niyang iyakan ang nakaraan.


“Van, naghirap rin si Santi kagaya mo.Dahil habangbuhay niyang dinadala ang sakit na dahil sa kaniya nasira ang pangarap mo at dahil sa kapabayaan niya, nawala ka sa kaniya.”


“Ahm...Tita, baka po dumating na sina Dominic.” Akmang tatayo na si Sylvana nang niyakap siya ni Dominika.


“I’m so sorry Sylvana.I’m apologizing for my son and for all the injustice na nangyari sa’yo. You don’t deserve any of it. You are the sweetest and most honest and caring girl na nakilala ko at para paratangan ka nila ng mga ganoon...I’m sorry.Alam ko it’s five years too late pero sana tanggapin mo ang paghingi ko ng tawad.”


Nanatili lang umiiyak si Sylvana habang naalala niya ang mga panahon na mag-isa siya sa eskwelahan.Sa lahat ng lugar ay mag-isa siya at kinukutya ng mga tao. 


“Sayang na bata. Maganda pa naman at matalino kaso ay mas makati pa pala sa higad.”


“Akalain mo bang pati ang kapitbahay nila, pinatos niya.”


“Napakalaswa ng video na ‘yon. Dapat sa mga ganoong klaseng babae ay sinusunog sa impyerno.”


“Malandi ka naman pala talaga, kunwari ka pa.”


“O, nasaan na ang lalaki mo ngayon? Iniwan ka na kasi natikman ka na? Baka naman hindi nasarapan kaya nilayasan ka?”


“Sex lang pala ang habol sa’yo.Sabagay, ikaw nga ginamit mo lang din siya para maka-score. Literally.”


“Ms. Ramirez, you are banned from this organization and anything that has to do with Polocrosse.”


“Ms. Ramirez, kung hindi lang dahil sa malaking donasyon ng tatay mo na nag-ampon sa iyo, dapat ay expelled ka na sa paaralang ito.Pero dahil magaganda naman ang grades mo, palalagpasin na namin ang kaimoralan na naganap at mananatili ka sa institusyong ito.”


Ilan lang iyon sa mga narinig niya noon. Madalas siyang tawagin na haliparot, malandi, makati, slut, mandaraya, cheater, pokpok at lahat na ng maisipan nilang hindi maganda.Mahigit isang taon rin niyang pinagtiisan iyon bago humupa ang lahat at naging paminsan-minsan na lang ang mga naririnig niyang insulto. 


“Tita, salamat po.Maayos na po ako, ang buhay ko.Kung ayos lang po sana, let’s talk about something else.” Marahan siyang umalis sa pagkakayakap nila at naupo muli sa silya. Nanginginig ang mga kamay na ininom niya ang tsaa.Hindi na niya pinansin ang init dahil mas masakit pa sa paso ng dila ang mga ala-alang biglang nagbalik sa kaniya. 



  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018