Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

“Dom.. .anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Santi sa kapatid. Dali-dali siyang lumapit sa dalawa habang si Darius at Luis naman ay nakaupo, pinagmamasdan sila at mukhang aliw na aliw. Nasa iisang lamesa sa may VIP section ng bar ang mga kapatid niya kasama si Sylvana.


Tawa nang tawa si Sylvana habang hirap na hirap si Dominic na katabi nito.Nakayakap na sa kanya ang lasing na dalaga.Nang makita ni Dom si Santi, he looked relieved.


“Ayan... kunin mo na nga. Ang kulit kasi tinira nang tinira ‘yong cocktails. Nalingat lang kami saglit, nakaapat na!Ginawa na namang juice. Mas matapang pa ang ininom niya ngayon. Tapos pag-upo namin ulit dito, inagaw pa ‘yong iniinom na Jack Daniels ni Darius. Pagtungga niya ng JD, mapakla raw, ginawang chaser ni Van ang Vodka tonic ni Luis.Akala ‘ata tubig.”Tumayo si Dom at pumalit naman si Santi sa puwesto nito. Isinandal niya si Sylvana sa dibdib niya. Kulang na lang ay kumalong sa kanya ang dalaga.


“Ba’t hindi niyo binantayan? Alam niyo namang hindi marunong uminom ‘to. Isang San Mig light nga lang dati tipsy na. Ilang minuto lang simula nang dumating siya rito, lasing na kaagad!” Gustong batukan ni Santi ang mga kapatid niya na mukhang natatawa pa sa pinaggagagawa ni Sylvana.Literal na laugh trip si Syl kapag lasing. Sa halakhak niya ay napapangiti na rin ang nakaririnig.


“Bro naman, paano namin pipigilan ‘yan. Sunod-sunod ang tungga ng cocktails, ginawang mineral water ang vodka. Isa pa, alam mo namang magkasintigas kayo ng ulo!Hindi maniniwala ‘yan sa ’min.Ang tagal mo naman kasi.” Si Darius na ang sumagot.


“Anong matagal? Ang bilis ko na nga. Kulang na lang paliparin ko ang kotse. Syl...” Mas lasing pa ito ngayon kaysa noong huli silang nagkita sa Dodge Bar. Namumula ang mukha at leeg nito.Saglit siyang tiningnan ni Sylvana at ngumiti. Sa puntong iyon, parang nahulog ang puso ni Santino. Kailangan pang malasing ng babaeng gusto niya para mangitian siya.


“San...ti...”Lalo pa siyang naligayahan dahil nakilala siya ng lasing na babae at yumakap pa ito sa kanya nang mahigpit.


“Hoy Santino, huwag kang kiligin!Lahat ng tao rito na lumapit sa kanya kanina, tinatawag niyang Santi. Kaya nga nakayakap kanina sa ‘kin, akala niya ako ikaw. Iuwi mo na kaya si Van?Baka rito pa makatulog ‘yan. Ay, ayan tulog na nga.”Sa itsura ni Sylvana ay mukha na itong tulog.Umuungol na ito sa sobrang kalasingan.


“May sinabi ba kanina kung bakit nagpunta siya rito?”


Napatingin ang lahat kay Dom.


“Sabi lang pagdating, mag-inuman daw kami.”


“Ano raw problema niya?” Magiliw na hinahaplos ni Santi ang buhok ni Syl. Tapos ay sumenyas ito sa isang waiter para dalhan siya ng inumin.


“Problema niya bukod sa’yo?” sabat naman ni Luis na tinapunan ng masamang tingin ng Kuya nila.


“Joke lang, Kuya.Ikaw naman, ‘di na mabiro. Kay Dom naman nagsabi. Tol, sabihin mo na.”


“Ginawa niyo na naman akong tsismoso! Santi, may nabanggit siya kanina, bahay ampunan daw tapos lupa nila.May sakit din daw ang Papa niya. I was about to ask for details kaso tinawag ako ng manager kanina, pagbalik ko, itong dalawang kumag na ‘to wala rin sa table at naubos na ni Van ang tatlong baso ng Cosmopolitan at isang Daiquiri.”Napailing pa si Dom at ang dalawang kasama.Si Santino naman ay namutla.


“Lagot. Baka nalaman na niya ang plano kong mag-ampon.” Pabulong lang ito pero pasigaw namang nagtanong si Darius na katabi nila ni Sylvana.


“Bakit ka mag-aampon? Baog ka ba?”


“Gago, hindi! Kapag mag-aampon baog agad?! Ayusin mo nga ‘yang logic mo! Gusto kong ampunin ‘yong dalawang batang malapit kay Syl.” Pumihit ng puwesto si Sylvana at lalo pang yumakap kay Santi.Ang mukha nito ay nakasiksik sa leeg ng binata habang ang mga kamay ay nakapulupot sa beywang niya.


“Para ano? Para ‘pag nasa ’yo na ang mga bata, may magandang reason na makipag-usap at makipagbalikan sa’yo si Sylvana?” Inayos nga ni Darius ang logic. Spot on ika nga.


“Part na rin ‘yon.Iniisip ko kasi, baka makuha pa ng iba ang mga bata. Mas mahihirapan si Syl na kunin sila kapag nagkataon.At least kung sa akin sila mapupunta, mas madali na lang.Lalo na kung magkakatuluyan naman kami, one big happy family na agad ‘di ba.” He smiled giddily.


“Umaapaw ang confidence level mo, Tol na magkakabalikan kayong dalawa. Iba ka!”


“I just know what I want at sisiguruhin kong makukuha ko ‘yon. Ang target ko ngayon ay ang magkabalikan kami sa lalong madaling panahon.” He looked at the gorgeous but inebriated woman in his arms and a renewed sense of determination engulfed him.


“Oo, tama ‘yan. Maglagay ka ng timeline.Hindi ‘yang sinasayang mo ang oras sa pakikipagtalo mo kay Van. Imbis na suportahan mo siya sa mga sinasalihan niya, ikaw pa ang laging nananalo!” sabi naman ni Dom habang umalingawngaw ang tawanan ng dalawa pa nilang kapatid.


“Oo na. Paulit-ulit ang issue mo. Pero alam niyo, kahit naman ako ang nanalo sa mga laban namin, para sa puso ko’y siya lang ang winner.” Tumingin pa ito kay Sylvana at ngumiti. He looked like a love sick puppy at tinawanan iyon ng mga kapatid.


“Potek! May mga langgam na rito. Kinikilabutan ako!” Sabay pang nagtayuan si Darius at si Luis. Habang si Dom naman ay umatras nang bahagya palayo kay Santi na parang may nakahahawang sakit.


“Ako rin, Kuya nakakapangilabot! Matindi ang tama mo. Baka mahawaan kami.”


“Mga ugok! Kapag nangyari sa inyo ang ganitong feeling, pagtatawanan ko rin kayo.”


“Ang saya ng buhay binata... collect and collect lang. No strings attached.” Si Dom na mismo ang nagsabi at sinang-ayunan naman ng dalawa.


“That no strings attached agreement can become real anytime.Don’t tell me I didn’t warn you.”Napailing na lang si Santi nang maalala ang arrangement nila noon ni Sylvana.


“O siya, may booty este duty call pa ‘ko. Ay teka, may sinabi si Syl kanina sa ’kin. May narinig raw siya sa banyo sa last Darts Competition ninyo, may kinama ka raw na babae? Pakiramdam ko, kaya lalong naglasing ‘yan kasi naalala niya.” Masama na naman ang tingin sad kanya ni Dom. Hindi muna umalis sina Darius at Luis, sumasagap pa ng bagong balita.


“Ha? Wala, ah! May nagpunta sa kuwarto ko sa hotel, sabi nasira raw ang shower ng kuwarto niya. Nakiligo... Naghubad pa nga sa harap ko at kulang na nga lang gahasain ako, pero pinalabas ko rin. Baka sinabi lang niya ‘yon para hindi siya mapahiya.”


“Sayang naman ‘yon Kuya, palay na hindi mo pa tinuka.”


“Mga babae talaga, minsan mas hayok pa kaysa sa ’tin,” sabi naman ni Darius.


Sakto ang pagdating ng juice na inorder ni Santi. Biglang nanuyo ang lalamunan niya.


“Sigurado ka? Walang nangyari sa inyo?” Nagkatinginan sina Dom, Darius at Luis.


“Oo naman. I’m not whoring around. Isa pa, walang dating sa ’kin ang iba. Si Syl lang ang gusto ko.”He looked at her bago niya sinipsip ang lemonade na inorder niya.


“Ibig mo sabihin, Kuya? Limang taon ka nang tigang?” Nasamid si Santi at may lumabas pang juice mula sa ilong niya. Nagtawanan na naman ang magkakapatid habang namumula ang mukha ng kawawang panganay.


“Mga sira ulo talaga kayo. Pati sex life ko inuungkat niyo! Aalis na kami.Iuwi niyo na lang muna ulit ang motor ni Syl.”


“O, saan mo na naman iuuwi ‘yan?”


“Sa bahay namin. It’s time na makita niya na ang bahay na para talaga sa kanya.”


“Astig ka, Bro! Hindi ka pa nga sinasagot.”


“Hayaan mo na, Darius. Mukhang this time, hindi na mapipigilan ‘tong kapatid natin.”


“Sabi nga ni Papa, galingan mo ah.” Tinapik pa si Santi sa balikat ng mga kapatid niya bago siya iniwan sa lamesa.


Habang pinagmamasdan niya ang maamong mukha ng babaeng mahal niya, ang mapula nitong labi, matangos na ilong at mahabang pilikmata, may nabuo siyang bagong plano para masigurong hindi na siya muling tatanggihan nito.








  • (1 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018