Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

“Sylvana Ramirez, laya ka na.” Napailing na lang ang magandang dalaga at napangisi bago bumangon mula sa maalikabok na higaan ng maliit na selda sa presinto. Mahigit tatlong oras na rin siyang nagtitiis sa maduming piitan na iyon. Bunga ng pagkabagot, nakapagsulat na rin siya ng ilang mura at nakapagdrowing sa dingding gamit ang isang chalk na napulot niya doon. Sa paglangitngit ng bakal na selda at sa tunog ng susi ng kandado napako ang atensiyon niya.Nang tuluyan nang mabuksan ang selda, nakahinga na siya ng maluwag.Nag-inat pa ito bago lumabas. 


Kung titingnan mabuti ang babaeng may balingkinitang katawan, napakayumi at maamo ng mukha niya.Mukha itong porselanang manika na may perpektong hubog at itsura. Sa itsura ay iisiping hindi ito makabasag pinggan, ngunit kapag nagsalita na siya ay siguradong mag-iiba na ang pananaw ng mga tao sa mala-anghel na dalaga.


“Laya?! Tadyakan kaya kita? Hindi porket pulis-pulisan ka dito, magagawa mo na ang lahat ng gusto mo! Hindi niyo na ‘to ulit magagawa sa’kin! Laya?! Dapat naman talaga kanina pa ako malaya! Wala naman akong ginawang masama!” 


“Pulis naman ako ah. Kaya ka napapahamak ang talas ng dila mo.Bakit ba kasi hindi ka gumaya sa ibang babae dito? Halos lahat ng kasabayan mo at kaedad mo may mga asawa at anak na. Ikaw mas maton ka pa sa tunay na lalaki.” Kung nakakamatay ang pagtitig, tumimbuwang na sana at nangisay ang pulis ng Cavanah Valley na si PO1 Sander Bagatsing dahil sa tingin ni Sylvana. 


“E ano bang pakialam mo? May humihingi ba ng opinyon mo? Kung gusto mo palang magbigay ng kuro-kuro at makipagbalitaktakan, hindi ka sana nag-aral ng pagpupulis! Nag-reporter ka sana! Peste na ‘to.”


“Para naman tayong hindi naging magkaklase kung pagsalitaan mo ‘ko.” Napairap ang dalaga sa pagkunot ng noo ng pulis na dati niyang kaibigan. 


“Kung magkaklase tayo, e alam mo sanang hindi ako kagaya ng ibang babae dito sa lugar na ‘to. At isa pa, hindi sukatan ng pagkakaroon ng asawa at anak ang pagkababae ng isang tao. Tigilan mo na ‘ko Sander. Naiirita na nga ako ginagatungan mo pa. Sinayang mo tatlong oras ko. Ang dami ko na sanang natapos na trabaho.” Habang pinapagpag ni Sylvana ang maong niyang pantalon ay siya namang paglapit ng pulis para abutan siya ng logbook at ballpen. 


“Kundangan naman kasi, sugod ka ng sugod hindi ka muna makipag-usap ng maayos! Kaya ka napapahamak eh. O, pumirma ka na nga muna dito.Pasalamat ka iniurong ng complainant ang reklamo niya.”


“E iniurong pala eh bakit sinulat mo pa ang pangalan ko diyan. Hindi ko ‘yan pipirmahan. Bahala ka sa buhay mo!” Nagmamadaling lumabas si Sylvana ng presinto at hindi pinansin ang pagtawag ni Sander sa kaniya. Bawat hakbang niya pabalik sa may tindahan kung saan iniwan niya ang motorbike niya, lalong tumitindi ang inis na nararamdaman niya para sa nagpatapon sa kaniya sa presinto. At ang taong iyon ay nakasandal sa motorbike niya. 


“Nakalaya ka na pala.Bakit ang tagal? Kanina pa ako na-iinip dito.” Nagbuga pa ng usok mula sa sigarilyong hitit niya ang matipunong binata.Nakuha pa nitong kumindat habang namumula na sa galit si Sylvana. 


“Naiinip ka pala e di sana inagahan mo ang pagbawi ng reklamo mo para kanina pa tayo nagkita! Grabe ka, namiss mo ako kaagad? Masyado ka na yatang obsessed sa’kin Mr. Santino Arguello.” Nanginginig ang mga kamay na hinawi ni Sylvana si Santi na hindi naman natinag. 


“Ako nga ba ang obsessed? Baka naman ikaw? Sino ba ang sumugod dito para pagbantaan ako? Binasag mo pa ang windshield ng auto ko. Para saan? Para mapansin kita?”


“Wow! Hindi ko binasag! Binato kita ng helmet e bakit ka umilag? Edi sana ikaw ang tinamaan at hindi ang windshield! Ang nipis ng windshield mo para mabasag lang ng isang bato ko! Alam mo, kung ikaw sana ang tinamaan, wala pa sanang aberya. Get out of my way kung ayaw mong pati ‘yang ilong mo basagin ko! Ang kapal mo para isiping nagpapansin ako sa’yo. Ang pogi mo eh.” Sarkastikong tinitigan pa ni Sylvana si Santino mula ulo hanggang paa at saka ito humalukipkip at umirap. 


Sa mga ibang nakakakita, hindi pogi si Santino.Dahil hindi ito sapat para ilarawan ang kakisigan at kaguwapuhan niya.Mukha itong isang adonis na bumaba mula sa langit para bigyan ng pagpapantasyahan ang buong sambayanan sa buong kalupaan. 


“Syl naman, sumuko ka na.Ibenta mo na ang lupa ninyo.Para hindi ka na mahirapan. Tapos na rin ang usapan na ‘to. Wala ka nang maririnig na kahit ano mula sa’kin.” Mula sa kapreskuhan ay nagbago ng taktika si Santino.Sinubukan naman niyang maging simpatiko. Ngunit sadyang hindi umuubra sa matapang na babaeng kaharap niya. 


“Sino naman nagsabi sa’yo na nahihirapan ako? Kung hindi ka nanggigipit, wala sana tayong pinagsisigawan ngayon! Ang daming lupa dito, sa amin pa ang napili mo?”


“I’m not even shouting. You are.Syl, alam mo naman na ang lupa na ‘yon na lang ang hindi pa namin nakukuha.” He seemed frustrated.Paulit-ulit ang pagtatalo nila. 


“Stop calling me Syl! Sylvana ang pangalan ko. Ang lupa namin, isama mo ‘yan sa mga listahan ng mga bagay na hindi mo na talaga makukuha kahit kailan. Nakaganti ka na sa pagkabasag ko ng salamin mo, naipakulong mo na ‘ko.Kaya umalis ka na sa harapan ko. Kung gusto mo pa ng pera, just bill me. Kaya kong bayaran ‘yan.” 


“Walang pinupuntahan ang usapan natin.Lagi na lang ganito.” 


“Talagang walang pupuntahan. Hindi ka pa nasanay. Ako sanay na. Di ko nga alam bakit nag-uusap pa tayo. So, ano? Aalis ka ba o sisipain kita?” Napayuko si Santi sa gitna niya.Naalala niya nang huli silang nagkasagutan ng dalaga, isang araw siyang namilipit sa sakit sa bahaging iyon na sinipa ni Sylvana. Marahan itong lumakad paatras, hindi niya inaalis ang tingin sa babaeng namumula pa din sa galit. 


“Aalis na.Ms. Ramirez, reconsider my offer. This is the best offer that you’ll have for your land.” Inirapan lang ng dalaga ang kausap bago kinuha ang helmet niyang nayupi na at nabasag rin.Sinuot niya ito bago pinaandar ang malaki niyang motor.Kung titingnan ay hindi aakalain na babae ang nagmamaneho ng motorsiklong iyon.Advantage ni Sylvana ang pagkakaroon niya ng 5’9” na height dahil hindi siya nahihirapan sumakay ng kabayo o ng motorsiklong gamit na niya simula pa nang mag-highschool siya. 


“There’s nothing to reconsider when it comes to you or anything that you have to offer. Excuse me.”Pinaharurot niya ang motor at naiwang kumakain ng alikabok at umuubo ang pobreng binata.


Pagkaalis ni Sylvana, napailing na lang si Santi habang nagpupunas ng alikabok na sinadya ng dalaga na paliparin para asarin siya. 


Hindi na talaga magbabago ang samahan nila.Kung si Superman ay mortal na kaaway si Lex Luthor, ang matinding nemesis naman ni Santino at ni Sylvana ay ang isa’t-isa.Kung hanggang saan ang labanan nila at tagisan ng galing, iyon ang kapwa nila inaabangan. 




  • (3 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018