Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Buong buhay ni Sylvana ay nilaan niya upang matalo ang mortal niyang katunggali, si Santino. Itataya ba niya ang sarili niyang pagkatao para sa pinakahuli nilang laban, siya naman ang magwagi?

“Wala naman seryosong problema sa mga baka at kabayo ninyo pero may ilan akong ipapahiwalay para maobserbahan. Mabuti na rin ang sigurado.They ”

have signs of heatstroke at mainam na nakahiwalay sila at mabantayan ng...”


Marami pang ipinaliwanag si Dominic pero hindi makapagconcentrate si Sylvana.Naiisip pa rin niya ang pag-uusap nila ni Dominika. 


“Van?”Kumaway pa ang vet kay Sylvana saka lang niya ito napansin ulit. 


“Hmm?”Pagtingala niya ay nakakunot ang noo ni Dom.Nag-aalalang nakatingin sa kamao niya na nakatikom.


“Ayos ka lang ba? You seem out of focus.Baka na-heat stroke ka na din. O baka may naiisip kang tao na wala dito? Don’t worry, mahal ka non.” May panunukso sa boses ng doctor na hindi pinansin ni Sylvana. 


“Ha? Sorry, I spaced out. May naalala lang ako.Sige susundin namin ang mga sinabi mo. May iba ka pa bang ibibilin? Kung tapos ka na, tara muna sa bahay para makapagpalamig ka bago kita ihatid.”


Napailing lang si Dom sa sagot niya. Paghakbang palayo ng dalaga ay sumunod na lang ito sa Jeep na ginamit nila upang ikutin ang rancho at tingnan ang mga livestock. Tapos na ang check-up ng mga livestock na inabot din ng ilang oras.Sa ilang oras na iyon, Syl’s mind was preoccupied with thoughts of the past. Napapadalas ang pag-iisip niya nitong mga nakaraang araw, simula nang huli nilang away ni Santino. 


“Ayaw mo pa din pag-usapan?”Hindi siya sumagot at mas binilisan pa niya ang paglalakad. Nakahabol naman kaagad ang doktor.Pagsakay ng jeep ay agad ulit itong nagtanong.


“What happened to us, Van? Kasabay ba ng pagtalikod mo kay Santi pati pagkakaibigan natin nawala na din?” 


“Ah. Hindi naman. Busy lang siguro tayong lahat. Kumusta ka na ba?” Nanginginig ang kamay niyang ibinwelta ang manibela para kumanan sa daan pabalik ng malaking bahay. Nanatiling nakatuon ang paningin niya sa daan sa harapan.


“Ako? Ayos naman. Ito, tama ka busy nga, ni walang oras para manligaw.” Napangiti si Syl dito.Kilala noong kabataan nila si Dominic na babaero. Halos lahat ng babae doon sa kanila ay naging syota niya.


“Wow. Kailan ka pa nahinto sa paghabol ng mga nakapalda?”


“Matagal na. I had to study hard para maging vet, alam mo na.” Lumiko sila muli at napakapit si Dom sa seatbelt dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Sylvana. 


“Yeah. Congrats nga pala. Hindi kita nabati noong nag top ka sa board exams. Ang galing ah. Sino mag-aakala na ang playboy ng Cavanah Valley magiging beterinaryo at isang top notcher pa.”


“Grabe ka.Nag-aaral naman ako. Good boy na ‘to.” 


Napailing na lang si Syl at natawa si Dom.


“Kwento ka pa. Namiss ko ‘tong ganto.Wala na kasi akong nakakausap.”Totoo naman na limang taon nang halos walang kaibigan si Sylvana.She closed her doors to everyone.Napabuntung hininga si Dominic bago muling nagsalita. Lalo namang binilisan ni Sylvana ang pagpapatakbo ng sasakyan. Kahit anong imaneho ng dalaga, para itong nangangarera.


“Slow down a bit...hanggang ngayon, kaskasera ka pa din.


“Para mabilis tayong makarating, nauuhaw na ko.Sige na, kwento ka pa.”


“Hay naku.Sige na nga.Tuwing Friday tumutugtog kami sa Dodge Bar, pero secret lang ‘yon. Ikaw lang at ang staff doon ang nakakaalam na kami ‘yon. Nandoon ka two weeks ago, nakita kita.Kaya pala for the first time in years kumanta ang kapatid ko.”


Prumeno si Sylvana kaya’t muntik nang masubsob si Dom, mabuti at nakaseatbelt siya, kung hindi baka may bukol na siya.


“Sorry.Napapreno ko.Balita ko business mo raw ‘yon.” 


“Yeah. Close to my real dream. You know I’ve always wanted to be a singer. Frustrated musician nga ako sabi mo dati noong nag-aaral tayong mag-gitara.Kaso alam mo na, may mga responsibilidad ako sa rancho at sa pamilya.Kaya ito, sideline na lang ang pagkanta at pagbanda.Isa pa, hindi naman ako ang magaling na singer... si San...”


Mabilis na iniliko ni Syl ang sasakyan at napagilid naman si Dom.Mahigpit na kapit muli sa pintuan at sa seatbelt ang nagsalba sa kaniya para hindi mauntog sa bintana ng sasakyan. 


“Ah.Maganda ‘yang sideline mo.At least ‘di ba, nalilibang ka at nagagawa mo pa din ang gusto mo kahit papaano. You can still achieve your dreams, well, na-achieve mo na pala.Successful Vet ka na tapos may business pa.”


Malapit na sila sa malaking bahay at wala nang lilikuan pa kaya’t naglakas loob na si Dom na ibahin ang usapan. 


“Did you know that I punched my brother after the video leaked? Isang suntok lang naman dahil sa katangahan niya at dahil nasaktan ka.”


Naalala ni Sylvana noong pumunta siya, kaya pala puro pasa si Santi. Pero kung isang suntok lang, bakit bugbog sarado ang naabutan ni Sylvana?


“Dom...please, masyado nang mahaba ang araw at marami na akong masyadong iniisip. Huwag mo nang dagdagan.” Mas pinaharurot ni Sylvana ang sasakyan.Dom was gripping the sides of his seat at napapapreno siya involuntarily sa imaginary preno sa may paanan niya. 


“I think you two have to talk...Ah... Masyado niyo nang pinapatagal ang dapat napag-usapan niyo na limang taon na ang nakalipas.Bakit pagbalik niya, imbis mag-usap kayo, lagi kayong nagbabangayan.Van, please listen to me dahil kahit papaano naman naging kaibigan mo rin ako...”


“Tapos na ‘yon. Ayoko na pag-usapan.Ni ayaw ko nang maalala. Nakakainis na lagi na lang ipinapaalala sa’kin ang nasa nakaraan na.” Para silang nasa karera. Karera na siguradong naliligo at nabubulagan ng alikabok ang nasa likuran nila dahil mula sa sementadong driveway ay lumipat si Sylvana sa may malubak na lupa para mas mabilis nilang marating ang bahay.Shortcut raw ang tawag doon.Kakaldag kaldag ang sasakyan.Malalaki ang gulong na ito at may spring at suspension. Kung sa ibang bansa, monster truck ang tawag.


“May loopholes Van.Hanggang ngayon, hindi namin alam kung sinong kumuha ng camera... Alam mo bang hanggang ngayon, hinahanap pa rin ni Santi ang taong nang-blackmail sa kaniya?”


“Please stop.” Biglang nagpreno si Sylvana.The jeep skidded in the dirt like it would have in a Drifting match. 


Habol ang hininga ni Dom dahil para siyang sumakay sa roller coaster dahil sa pagmamaneho ng kasama. Pero hindi pa rin siya tumigil.Minsan lang niya makausap si Sylvana kaya’t lulubusin na niya. 


“Kung kailangan mo ng kausap, alam mo naman kung nasaan ako. Don’t close me out.We used to be best friends, remember? Sana naman hanggang ngayon dahil wala naman akong naalalang ginawa ko na makakasira doon. Van, kahit naman mahal ko ang kapatid ko, hindi ko naman siya kakampihan kung alam kong mali siya.Pero sana give him a chance to explain.He’s still trying to...”


“Damn it Dominic! Sinabi ko nang tama na! Ano pa bang gusto niyo sa’kin?! Ayoko na marinig kahit ano!” Sa lakas ng hampas ni Sylvana sa steering wheel, siguradong magpapasa ang mga palad nito.


“Van...”He took her hands at tiningnan kung napaano ito.Namumula lang naman.Pagbitiw ni Sylvana, she discreetly wiped away the tears in her eyes. 


“Sorry...Pasensiya na. I’m just...Dom, please let’s just forget about this conversation.Please...” Nakita ni Dom ang nangingilid na luha ng kaibigan.Sana nga nakapasok na siya sa defenses ni Sylvana.She locked everybody out noong nangyari ang eskandalo. Kahit ilang beses niya tinangka kausapin ito noon, hindi man lang siya nakalapit.She wanted space from everyone hanggang sa nakasanayan na lang ni Sylvana na mag-isa na lang siya.


“Sige... sorry makulit ako. It runs in the family. So, bilang kabayaran sa pagcheck-up ko sa mga alaga mo at sa pagbubuwis ko ng buhay sa pagsakay ko sa sasakyang minamaneho mo, igagawa mo ba ako ng sikat mong lemonade?” He tried to cheer her up at mukhang kahit papaano ay may epekto naman ito. Umirap si Sylvana bago lumabas ng sasakyan. Mukhang lalakarin na lang nila ang bahay. Ilang metro na lang naman ang layo nito. 


“Kalamansi at dayap lang meron kami, pwede na ba ‘yon? May pa lemon lemon ka pang nalalaman.”


“Sige, dayap na lang, basta lagyan mong anim na kutsara ng asukal. Sweet dayap juice for a sweet person like me.”


Sylvana shook her head and smiled.Some things really doesn’t change at isa pala dito ang friendship nila ni Dominic.Akala niya wala na siyang kaibigan.She felt some strange feeling of calmness. Kahit na madilim ang nakaraan niya, may kaunting liwanag nang sumisilip dito.



  • (2 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

REVENGE OF THE REAL WIFE

Na-comatose si Ashlene dahil naaksidente sila noong katatapos pa lang ng kasal nila ni Jonathan. Subalit paggising niya ay wala na siyang maalala at nasa kandungan na ng iba ang asawa niya!

Image Description
ad_sesa
12 July 2018