Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




The Players Last Game

Image Description sarangmii   |   21 February 2020


Eunice was spending her life as a filthy rich princess until her dad was condemned to prison Her family was trapped in tremendous debt, leaving her no choice but to transfer into a public school

Maulap ang kalangitan at tuloy-tuloy ang takbo ng mga pribadong sasakyan at mga bus na kulay pula. Mapapansin din ang mga turistang tulad kong abala sa pagkuha ng litrato sa isang kilalang atraksyon dito sa Westminster, London. Tinatawag itong Big Ben.

Tumingala ako para tanawin ang magandang pagkakagawa sa tower. Mayroon itong malalaking orasan, kung saan ang gamit ay mga numerong roman. Bumabagay rin ang mga ulap sa tanawin.

Suot ang mahabang pink na coat at sumbrerong kulay puti, itinutok ko ang front camera ng iPhone 11 Pro Max sa mukha ko. Hinawi ko ang buhok ko at kumuha ng picture habang nasa background ko 'yung tower na may orasan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makalapit ako sa kulay berdeng poste ng ilaw. 'Di tulad ng iba, tatlong ilaw ang nakakabit dito at maarte rin ang disenyo. Sa kabilang banda nito ay may nakasandal na lalaki. Nakatalikod siya habang nakasalpak ang earphones sa magkabilang tenga niya.

Nang mas lumapit pa ako sa kaniya, natanaw ko mula sa likuran ang isang sketchpad. Nakita kong dinrowing niya ang mag-inang pasakay pa lang ng bus. Nakasuot ng mahabang bestida ang nanay at mayroon siyang kahawak-kamay na babaeng toddler, na nakasuot naman ng shorts at blusang may ribbon.

Agad akong namangha sa galing niyang mag-drawing. Tumigil ang lalaki sa pagguhit at mistulang paharap siya sa direksiyon ko.

Pero bago mangyari 'yun, kumiriring ang cellphone ko kaya tumalikod ako sa kaniya para sagutin ang tawag.

"Hello?" nagtatakang tanong ko. Number kasi ni Mama ang tumatawag sa'kin.

Sinabi ko naman sa kaniyang huwag na huwag niya akong iistorbohin kapag nagt-travel ako. I'm a street smart person, kaya hindi ako basta-basta mapapahamak. Hindi rin praning si Mama kaya hinahayaan niya lang ako, which is good dahil marami akong nadidiscover pero wala akong ginagawang kabulastugan.

[Eunice. . . I-i have to tell you something.]

"What?"

[Nakulong ang Papa mo. . .]

"Seriously? Is this a prank, Ma?" inis na tanong ko.

[May nagsumbong about sa business ng Papa mo. . .]

Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko habang hawak ang cellphone. Hindi agad ako nakasagot sa sobrang gulat.

Natulala lang ako. Ilang taong naglalakad na ang lumampas sa'kin, pero hindi pa rin nags-sink in 'yung sinabi ni Mama.

This can't be real.

[Eunice?]

"I'm listening. . ." kunot-noong sagot ko.

[Ang dami na pala nating utang. Bukod sa naka-freeze lahat ng bank accounts natin, kinukuha na rin nila lahat ng mga ari-ariang galing daw sa pagbebenta ng drugs.]

"H-how did they know?" hindi makapaniwalang tanong ko.

[Hindi ko rin alam. Kailangan mo nang umuwi ngayon sa Pilipinas, Eunice.]

"What? No way!" pagrereklamo ko. Mas lalo akong nainis nang ma-realize kong binabaan na pala niya ako ng tawag.

Hindi pwedeng mangyari 'to. Kapag nakulong si Papa, mawawala sa'kin lahat.

Hindi ko kayang mangyari 'yun.

Kasabay ng pagbaba ko ng cellphone ay ang paninikip ng dibdib ko. Bumagsak ako sa sahig habang hawak-hawak ang lalamunan ko dahil hindi na ako makahinga.

Biglang uminit ang paligid habang pilit akong sumasagap ng hangin. Pinagtitinginan na ako ng mga tao at tuloy-tuloy lang ang pagbagsak ng mga butil ng luha ko.

Napatingin na lang ako sa harapan ko nang magpunta roon 'yung lalaki kanina. Yumuko siya upang tingnan ang kalagayan ko.

Nang makita ko ang maamo niyang mukha ay bahagya akong kumalma. Subalit, hindi pa rin mawala ang kabang nararamdaman ko dahil hindi ako makahinga.

"Call an ambulance!" sigaw nung mga tao sa paligid namin.

Napakaingay ng paligid pero tumatak sa isip ko ang mga katagang sinambit niya nang magtama ang mga paningin namin.

"Hold on. Trust me."

Naramdaman ko na lang na isinasakay na ako sa ambulansya. Kinabitan nila ng kung anong aparato ang bibig ko at habang tumatagal, nakakahinga na ako nang bahagya.

Naging blurred ang paningin ko habang tumatagaktak pa rin ang pawis ko. Pumipikit-pikit na ang talukap ng mga mata ko. . . hanggang sa 'di ko na kinaya at tuluyan akong nawalan ng malay.

**

Nagising ako nang nakahiga sa malambot na unan at nakabalot ng puting kumot. Bumangon ako at inilibot ang paningin ko. Napagtanto kong naka-confine pala ako sa isang maliwanag na hospital room.

Tahimik at tanging ang tunog ng machine sa bandang gilid ang naririnig ko. Tinanaw ko ang transparent na bintana, kita roon ang view ng mga gusali sa labas ng ospital.

Hinanap ko ang button malapit sa higaan ko para tumawag ng doktor.

Nadismaya ako dahil hindi ko makita 'yung lalaking tumulong sa akin. Umasa akong makikita ko pa siya at malalaman ko ang pangalan niya.

Bumuntong-hininga ako. Pilit kong inayos ang sarili ko sapagkat pagtapos nito ay siguradong marami nang magbabago sa uri ng pamumuhay ko. Hindi ko matanggap na nabisto nila ang illegal business ni Papa. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa pamilya ko.

Mayamaya pa, bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang isang foreigner na doktor.

"How are you feeling?" tanong niya.

"I'm fine. What happened to me?" naguguluhang tanong ko naman.

"You suffered from an asthma attack, caused by tightening of muscles around your airways. May I ask if you have an inhaler?"

Marahan akong tumango. Binuksan ko ang laman ng sling bag ko at inilabas ang inhaler.

Masyado akong nag-panic kanina kaya nawala sa isip ko. Hindi ko na nga namalayang inaatake na pala ako ng asthma dahil sa pag-iisip ko sa kalagayan ni Papa.

Noon pa man alam ko nang mali. Pero kahit mali 'yung pamamaraan ni Papa, hinayaan ko na lang kasi nakikinabang din naman ako. Nabibili ko lahat ng mamahaling bagay na gusto ko. Nakakapag-travel pa ako.

Lahat ng iyon ay maglalaho nang parang bula. I can't imagine my life without my father's wealth.

"Where's the guy that brought me here?" seryosong tanong ko.

"He already left. . ."

Napayuko ako dahil sa sobrang panghihinayang.

Umalis na agad siya?

Hindi ko manlang naitanong kung anong pangalan niya. Hindi na rin ako nakapagpasalamat.

"But before he left, he told me that there's a sketch beside you."

Pinagmasdan ko ang piraso ng makapal na papel sa tabi ko. Kasinlaki ito ng short bondpaper pero beige ang kulay. Nakaguhit ang isang babaeng mahimbing na natutulog gamit ang lapis.

Pinadausdos ko ang mga daliri ko mula sa itaas nito, kung saan nakaguhit ang kulot-kulot kong buhok, pababa sa maninipis na kilay, mahahabang pilik-mata, matangos na ilong at makapal na labi.

Hindi ko na napansin ang pagngiti ko habang pinagmamasdan ang sketch. Simple lamang ito ngunit maganda sa paningin.

He drew me while I'm sleeping.

Napansin ko ang maliit na sulat sa gilid ng sketch. Mayroong tatlong letra na maaaring susi para makilala ko siya.

S Y D.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
11 February 2020
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
29 December 2019