Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




Love At First Ride

Image Description TianaVianne   |   08 November 2019


Is it even possible to fall in love with a stranger you met in a ride

"That was really fun mommy! Hahahahahaha!" sigaw ko habang nakahawak pa sa tiyan ko. I really enjoyed anchors away. Lalo na't ang katabi kong sumakay ay mommy at daddy ko pati ang little sister ko.

"Anong fun ka dyan? Halos atakihin ako sa puso at na-highblood ako dun!" reklamo ni mommy habang nakakapit sa braso ni daddy. Mukhang nahilo siya. Haha. Pinilit ko kasi sila na samahan akong sumakay sa anchor's away. Family day kasi namin ngayon kaya sila ang kasama ko.

"Mommy minsan ka lang naman sumakay sa ganun, kaya lubusin mo na."

"Are you planning to kill me, Yannie? Kaya ako pumayag na sumakay dun sa anchors away na yun dahil ang sabi mo yun ang pinakamadaling sakyan na ride at pinakasimpleng ride dito sa EK."

"Eh para sakin yun naman talaga ang pinaka simpleng ride dito sa enchanted eh. Hehe." sabi ko at nag peace sign pa ako. Binili ni daddy yung picture namin dun sa photo booth at tawang tawa ako sa reaksyon nila mommy habang nakasakay kanina dun. Epic! Damn. Hahaha!

Nag ikot ikot kami and kanina pa nangangati ang paa ko na pumila sa Space Shuttle.

"Daddy, kahit ikaw nalang ang sumama sakin sa space shuttle. Samahan mo ko please?"

"Wag ka nalang kayang sumakay dun  baka naman mawalan ako ng anak niyan."

"Daddy naman ang OA mo! Ah basta sasakay ako kahit ako lang mag isa! Desperada na talaga ako!"

"Hintayin ka nalang namin dito mag iikot ikot lang kami."

"Ay, okay sige. Itetext ko nalang kayo pagtapos na kong sumakay."

"Sige."


Tumingin ako sa relo ko at 5:00pm na. Tuwang tuwa akong pumunta sa space shuttle at napasimangot ako ng makita kong hanggang labas ang pila. Grabe, mga 2 hours siguro bago ako makasakay. Pumila ako at lalo akong napasimangot dahil pinakadulo ako sa pila -_-

Kinuha ko nalang ang ipad ko sa bag ko at binuksan ang camera nun. Magseselfie muna ko. Haha. Ngumiti ngiti ako ng bongga at kung ano anong pose sign ang ginawa ko hanggang sa matigilan ako dahil nakuha ng atensyon ko yung lalaking nasa harapan ko sa pila. Nahahagip siya ng camera ko. Lumingon siya sakin kaya agad kong tinago ang ipad ko sa bag ko. Woo, baka isipin niya pinipicturan ko siya.


Umayos nalang ako ng tayo at pinagmasdan yung pila. Shocks, sobrang haba talaga. Maya-maya lang ay nadagdagan na ang mga nakapila sa likuran ko kaya it means na hindi na ako ang pinakahuli sa pila. Yehey! Haha.

Pinagmasdan ko yung lalaking nasa harapan ko. Kahit nakatalikod siya, ang gwapo padin niya. Gusto ko tuloy pumunta sa harap niya at titigan ang mukha niya. Hehe.

Napansin kong hindi lang pala siya mag-isa. Kasama niyang nakapila ang tatlong babae at isang lalaki. Sa tingin ko mga pinsan niya yun. Imposible naman kasing magkakapatid sila. Feeling ko magpipinsan sila dahil medyo hawig sila ng konti.

Pinagmasdan ko sila mula ulo hanggang paa at base sa nakikita ko, mukha silang mayaman dahil sa suot nila at porma nila. Yung bag na suot nung babae branded. Ah basta lahat branded.

"Picture tayo picture tayo!" nakangiting sabi nung babaeng nasa pinakaharap nila. Bale lima silang lahat. Tatlong babae,dalawang lalaki. Ganito yung pagkakasunod sunod namin sa pila:

Girl #1 (Long hair na brown pero medyo chubby)

Girl #2 (Medyo short hair na brown pero sexy)

Girl #3 (Long hair na brown at sexy)

Boy #1 (Naka-suot ng shades at gwapo din)

Boy na nasa harap ko (yung gwapong gwapong gwapo.)

Ako.

Yan yung pila namin. Nakakainis naman, mag isa lang ako at na-oout of place ako dahil wala akong kasama. Kung kasama ko sana mga kaklase ko ngayon dito, edi sana may kasama akong nakapila.

Anyway, kaya ako desperadang sumakay ng space shuttle, dahil kahit ilang beses na akong nakapunta dito sa Enchanted Kingdom, never ko pang nasakyan ang space shuttle. Palagi naming pinipilahan ng mga kaklase ko ang space shuttle twing fieldtrip namin kaya lang sumusuko din kami at mag baback out dahil sa sobrang haba ng pila. May curfew kasi kami at mauubos ang oras namin sa space shuttle kung pipila pa kami. Kaya never pa kong nakasakay sa space shuttle kahit na gustong gusto kong sumakay.

Malakas kasi ang loob ko sa lahat ng bagay. Lahat ng malulupit na rides ay sinasakyan ko.

Kaya ngayong nandito na ko sa Enchanted Kingdom, hindi ko na palalampasin pa ulit ang space shuttle. Desidido na ko! Haha.

Pinunasan ko ang pawis ko gamit ang panyo ko. Grabe, sobrang init.

Mayamaya ay umusad na ang pila at nasa loob na kami ng pilahan mismo ng space shuttle. Kaso napanganga lalo ako dahil sobrang haba padin ng pila kahit dito mismo sa loob. Jusko naman. Sumandal nalang ako sa railings at sumandal din yung lalaking nasa harap ko. Bale magkatabi na kaming nakasandal! Ay shet. Palihim kong tinignan ang mukha niya at... shet ang gwapo niya! Ang gwapo niya! Ang puti puti niya tapos mukha siyang Korean kase medyo singkit siya. Medyo lang naman.

"Guys picture ulit tayo!" sabi nung babaeng medyo chubby. Tinaas niya ang iphone niya at tinitigan ko yung lalaking katabi ko, ngumiti siya habang nakatingin dun sa camera at feeling ko anytime pwede na kong himatayin. Ang gwapo niya lalo na nung ngumiti siya lalo siyang gumwapo!

Inspired tuloy akong magtiis kahit gaano kainit dito at kahit gano kahaba ang pila.

Buti nalang pala hindi ako sinamahan dito ni daddy, atleast nakakalandi ako ng palihim sa isip ko ngayon. Hahaha!

Umusad na ulit yung pila kaya hindi na kami magkatabing nakasandal T_T nasa harapan ko nalang ulit siya at eto ako, tinititigan ng palihim ang likod niya.

Medyo nainis ako nung maramdaman ko yung mga nagkakasatan sa likuran ko. Sa sobrang kasat nila, natulak tuloy nila ako kaya natulak ko tuloy yung lalaki sa harapan ko. Oh shit. Feeling ko nakuryente ako nung dumikit yung mukha ko sa likod niya. Shocks! Shocks! Nakuryente ako! May spark!

"S-Sorry." mahinang sabi ko dahil medyo malakas yung impact nung pagkakatulak ko sakanya. Pero mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko kaya nanahimik nalang ulit ako. Gwapo sana kaso bingi. Tsk.

Nagulat naman ako ng mapatingin ako dun sa medyo chubby na babae na pinsan niya nga ata. Medyo nakataas ang kilay nung chubby na babae habang nakatingin sakin. Wow ha, taray ni ate. Maganda siya na chubby kaso mataray. I hate her na agad. Sorry not sorry.

Umusad na ulit ang pila at gumawa ako ng paraan para mas lalo akong mapadikit sa lalaking nasa harapan ko. Hehe, para paraan Yannie. XD

Pinatong niya yung braso niya sa railings at tinignan nya yung space shuttle na umaandar ngayon. Ang lalakas ng sigawan at tilian nung mga nakasakay sa space shuttle at kinilig ako ng makita kong ngumiti siya habang pinagmamasdan niya yung mga nakasakay sa space shuttle.

Umusog ako ng konti at BOOM, Magkadikit na yung balat namin. Shocks! Sana wag na umusad yung pila. Sana forever na kami dito. Hahahaha!

Sa lahat ata ng nakapila dito, ako lang yata yung hindi nabobored dahil nasa harapan ko yung inspirasyon ko sa pagpila. Haha. Sana makatabi ko siya mamaya sa space shuttle! Tig-dadalawa lang kasi yung magkakatabi dun kaya sana makatabi ko siya!

Kaso kasama niya nga pala mga pinsan niya. :( Hay.

Pinagmasdan ko lang siya habang busy siyang naglalaro sa iphone niya. Kunin ko kaya number niya? Waaahhh, gusto ko siyang kausapin kaso nahihiya ako! Haggard pa naman ang itsura ko ngayon dahil sobrang init. Naman eh! :3


1 hour later...

Oh my God! Kami na yung next batch na sasakay! Shocks! Hahaha!

"Gusto ko na atang umuwi! Oh myyyy, please call mommy!" sigaw nung babaeng chubby at tinawanan siya ng mga pinsan niya. At napangiti ako ng marinig kong tumawa 'tong crush ko. Oo, crush ko. Hehe.

Nahalata kong kinakabahan yung mga pinsan niya pero yung crush ko ay nananatiling kalmado.

Ayan na! Next na kami! Shocks! Yan na, pinapasok na kami nung babae.

"May lagayan po ng bag sa kabila pong side, pakisabit nalang po dun ang mga bag nyo." paalala nung babae. Pumasok na kami at nauuna yung mga magpipinsan.

Yung dalawang babae nasa pinakaharap. Tapos yung isang babae at yung isang lalaki yung sumunod.

"Ay bro, pano ka pala?" tanong nung lalaki kay crush ko.

"Sige magtabi na kayo, di naman ako duwag. Haha!" natatawang sabi niya.

AY SHEEEET! IBIG SABIHIN--IBIG SABIHIN KATABI KO SIYA SA RIDE! OHHHHH F*CK! MAPAPAMURA AKO SA SOBRANG SAYA! HAHAHAHA!

Nauna siyang sumakay kaso dumeretso siya sa kabilang side at pinadaan niya ako para maisabit ko yung bag ko dun sa kabila. And then pinadaan niya ulit ako para makasakay ako.

OH SHIT, Umupo na kami pareho at shet hindi talaga ako makapaniwala na magkatabi kami! Nasa right side ko siya!

Kinabit na samin yung kung anong tawag dun at ako gusto kong sumigaw sa sobrang kilig at hindi sa kaba. Haha.

Palihim ko siyang sinilip sa tabi ko at napaiwas ako ng tingin ng mahuli ko siyang nakatingin din sakin! Oh Lord bakit niya ko tinignan! Nahiya ako bigla!

Naramdaman ko ang pag atras ng ride at...

"Oh my god! Oh my god! Tumataas na...sheeeet!" sigaw ko dahil umaakyat na ang space shuttle.

Natawa ako bigla dahil ang ingay ingay ng mga pinsan ni crush don sa harap. Akala mo end of the world na dahil sobrang kinakabahan sila hahaha.

Itong gwapong katabi ko naman ay kalmado padin.

"AAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!" Sigaw namin pareho dahil biglang bumaba yung ride at..."AAAHHHHHHH!!!!" umikot yung ride at shet parang bumaliktad yung kaluluwa ko.

Pero biglang tumigil ang pag ikot ng mundo ko ng hindi sinasadyang magdikit ang kamay namin.

Napatingin ako sakanya at nginitian niya ako. At that moment, nasabi ko nalang sa sarili ko na hindi ko lang siya crush.


Napangiti ako ng bongga at tinodo ko na ang sigaw ko hanggang sa huminto na yung ride. Nalungkot ako dahil tapos na. Ibig sabihin hindi ko na siya makikita ulit.


Kinuha ko na yung bag ko at dumaan na sa exit.


Hindi ako naniniwala sa Love at first sight, pero naniniwala na ako ngayon sa Love at first RIDE...


Sa loob ng dalawang oras na kasama ko siya sa pila, sa loob ng isang minutong katabi ko siya sa ride, nainlove ako sakanya.


Napatingin ako sa langit, gabi na pala. Madaming mga stars at agad akong nabuhayan ng loob ng makakita ako ng shooting star.


Agad akong nag-wish, alam kong imposibleng mangyari ang hiling ko pero,who knows? My wish might happen.


'Sana makita ulit kita...'


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
03 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
28 August 2019