Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




You Were Just A Dream

Image Description MissflorendoOfficial   |   23 May 2020


Celestine was ghosted by her best friend turned boyfriend Nathan He broke up with her and that is when Damon came in the picture to help her mend her broken heart

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

It has been months since we parted ways.

Wala na akong balita tungkol sa 'yo when I decided to block all the possible ways to beg you. Oo—ganoon ako katanga dahil handa akong magmakaawa at magmukhang tanga sa harapan mo bumalik ka lang. Napakaraming tanong ang nasa isipan ko. Mga tanong na tingin ko ay mananatiling nakatago sa utak ko. Tama na siguro yung sakit na naramdaman ko noong mga panahong nagkakalabuan tayo. Lalo na ang hapdi ng sugat na iniwan mo sa puso ko nang talikuran mo ako.

You still remember the promise I gave you before?

Sabi ko hindi kita iiwan kahit na ano'ng mangyari. Nangako ako sa 'yo at sa sarili ko na hindi mo na mararanasang maiwanan ulit katulad ng ginawa nila sa 'yo. I won't ever let you feel unwanted and unloved. Because I wanted you to feel how lucky I am to have you in my life.

Hindi kita hinayaang pumasok sa buhay ko para maging palamuti at pansamantalang kasiyahan lang. I let you in my life because I could see you holding my hand in front of God, promising to take good care of me. I have seen you asking for his permission to take his princess to your kingdom.

Do you remember last Christmas when you handed me your gift? It was a camera in a cute box with a love letter. Iyon ang kauna-unahang sulat na natanggap ko mula sa 'yo. Sabi mo doon sa letter gagamitin natin iyong camera para kumuha ng mga masasayang ala-ala natin na magkasama sa mga darating pa na mga taon. Ngunit sadyang napakabilis lumipas ng mga araw dahil ngayon, magpapasko na ulit. And the saddest part of that was you being not with me anymore. Mataman kong pinakatitigan ang camera na regalo mo habang hawak ito sa aking mga kamay. Nakakalungkot na puro ala-ala na lamang na gusto ko ng ibaon sa limot ang tanging iniwan mo sa tuwing pagmamasdan ko ito.

Ilang beses ko na nga bang naisip na iwan ka noon? Isa? Dalawa? Tatlo? Ngunit wala ni isa sa mga pagtatangkang iyon ang nagawa ko sapagkat nangibabaw ang aking pangako na hindi kita bibitawan. Nanaig ang pagmamahal ko sa 'yo na siyang dahilan kung bakit nanatili ako sa tabi mo una pa lang. Subalit sadyang hindi yata natutuwa si tadhana sa akin. Napagod ka at nagsawa, hanggang sa humantong na sa puntong ayaw mo na.

I asked you to stay—even beg you not to leave me. Sa dami na ng mga pinagdaanan natin katulad nito, akala ko isang matinding pagsubok lang din ito sa atin. Every time you ask me to stay, I always do. But when I was the one asking you to hold on, you started walking away without looking back. That broke me into a million parts which I believe you won't ever understand how much pain it brought me. The person whom I trusted the most shattered me into pieces and made me feel like it's my entire fault.

Ang hirap pulutin ng bawat piraso ng pagkatao ko na sinira mo. Halo halong galit, panghihinayang, at pagmamahal ang itinira mo sa akin. Galit dahil ang tanga ko para magpaloko sa isang makasariling lalake na katulad mo. Panghihinayang dahil walang alinlangan mong itinapon lahat ng pinagsamahan nating pinagka-ingatan. At pagmamahal na sa kabila ng mga sakit na idinulot mo, handa pa rin kitang tanggapin ng buong puso.

Sa ilang buwan kong pag-iisa ay nagpatuloy sa pagdaloy ang katangahan sa mga ugat ko. Nanatili kang laman ng utak ko—bawat segundo ay imahe mo ang nakikita ko. Maging sa pagtulog ay ikaw ang nasa panaginip ko.

Hindi ba't sobrang unfair naman ng mundo? The past is constantly dragging me down while you had set your mind to something else—to someone else. You had feet that kept on wanting to walk and I had mine stuck in a place where you left me. Waiting for you to get me back. Siguro ay masaya ka nang nawala ang panggulo sa buhay mo. Oo iyon ang naging tingin ko sa sarili ko. Isang malaking hadlang na kinailangan mong alisin para makapagpatuloy ka. That was what you made feel.

You made me feel like a stain on a clean paper.

Maybe someday I will realize the reason why this has to happen. And when the time comes that you see I truly care, I promise that I'm not stupid enough to be in love with you anymore.

***

Angel's note: follow me on my socmed @missflorendo for more updates. :)


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE

Best Buddies

Kuwento ito ng dalawang magkaibigang anghel na sina Juno at Gabo Kung may pagka-mainipin at makulit si Juno, kabaliktaran naman ito ni Gabo isang araw

Image Description
GretSanDiego
28 November 2019
One Night Ride

A ride to remember or a ride to be forgotten. Sexy, bold, daring story of passion, love, anger and betrayal. A ride that will take you to the past full of vengeance.

Image Description
Mar_Mojica
17 October 2019
Bleeding Love

A nerve-wracking marriage of two old lovers who broke up once few years ago If there will be a reverse button, would they choose to click it

Image Description
mariaIea
01 August 2019