Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!




To My Future Man

Image Description TianaVianne   |   09 October 2019


To my future man, Im excited to meet youA story of a woman who stayed single for a long time

August 13, 2019

To my future man,

It was a tiring day for me. Sobrang busy sa acads. Kailangan magfocus sa studies dahil kailangan kong bumawi sa parents ko.

Noong nasa biyahe ako kanina pauwi matapos ang klase namin, ang daming pumasok sa isip ko.

I disappointed my parents countless times, and hanggang ngayon ginagawa ko ang lahat para makabawi sakanila.

Alam mo ba, I used to be a first honor student when I was in high school. I used to be the first honor from Grade 7 to Grade 10 but unfortunately, I ranked second on the final grading. Sa isang idlap, nasayang 'yung pinaghirapan kong i-maintain buong high school life ko.

Baka tawanan mo ako kapag nalaman mo kung bakit bigla akong nag top 2 sa klase.

Ang totoo n'yan, nawala ako sa pagiging top 1 dahil umikot sa first boyfriend ko 'yung mundo ko. First love ko kasi, eh. Kapag first love talaga, nakakabaliw.

Noong nagbreak kami, doon ako naawa sa sarili ko. Ang daming nawala sakin habang nasa relasyon kami, tapos 'yun pala iiwan niya lang rin ako. 'Yung full scholarship, hindi ko nakuha. Ang dami kong sinayang, ang dami kong pinalampas na opportunities.

It was August 25, 2016 noong nagbreak kami. Galing 'no? Tandang tanda ko pa. It was exactly three years ago noong unang beses akong nasaktan.

Ikaw kaya? Tulad ko ba ay nasubukan mo na ring masaktan?

Kapag nakilala kita, I really want to know your past. Not to judge or punish you, but to protect you from everything that caused you pain.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE