Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

“CUT! Okay, break time muna.”

Itinali ni Cambria ang buhok sa sobrang init. Tanghali na at masyadong mainit sa location. Nasa liblib na bahagi sila ng Batangas. Roadtrip ang tema ng kwento kaya kailangan talaga ng nakakatakot na setting.

Isa-isa nang nagsilapitan ang mga crew sa buffet table na inihanda ng mga food team. Lumapit sa kanya ang assistant na si Mer.

“Direk ang galing talaga ni Crosoft, ‘noh?” puri nito.

Sinulyapan niya naman si Crosoft sa ‘di kalayuan. Nakaupo sa loob ng tent habang pinapaypayan ang sarili gamit ng mga kamay nito. Napangiti naman siya. Kahit pawisan at pagod gwapo pa rin talaga ito.

“Yayaman ba ‘yan nang ganyan kung ‘di magaling?”

“Sabagay,” she shrugged. “Ang yummy pa rin talaga niya.”

“Kumain ka na. Puro ka yummy riyan.”

Nakangiting umalis si Mer. Lumapit naman sa kanya si Kim na may dalang pagkain. Natawa siya sa malaking ngiti nito sa kanya. Close friend niya si Kimberly Lim. Kahit na artista ito ay jologs din ito katulad niya.

“Direk,” simula nito. “May chika ako sa’yo.”

“Oh, ano na naman ‘yan?”

“Wala ka bang napapansin sa ‘yong kapaligiran?” kumunot lang tuloy ang noo niya rito. Kahit kailan ang kulit talaga nito. “Do you notice, what I am noticing?”

“Ano ba kasi ‘yon?”

“I can sense it. Nafi-feel ko na si ka love team may lihim na HD sa’yo.” Palihim na sinulyapan nito ang direksiyon ni Crosoft. Sinundan niya ang tingin nito. “Look at him. Iba ang tingin niya sa’yo direk.”

“Ewan ko sa’yo Kim.” Natawa lang siya. “Gutom lang ‘yan.”

“No direk, na fi-feel ko talaga. Type ka niya. Wagi ka riyan direk.” Kilig na kilig na sabi nito.

Kung alam mo lang. “Tigilan mo nga ako Kim. Kumain ka na at ipapakain pa kita sa multo.”

“Ay ang hard mo sa akin.” Kim made a face saka humagikhik na parang ewan. Kulit! “’Di bale direk, mapapatanuyan ko ‘yan. Kapag lumapit sa’yo si Crosoft pagkaalis ko. Alams na, ikaw na talaga ang bet niya.” She beamed at her.

“Baliw ka, sige na. Kumain ka na at magpahinga ka na.”

“Tandaan direk, ang aking intuition.” Nakatawang umalis ito sa tabi niya habang pasimpleng ininguso ang direksiyon ni Crosoft. “Ayiee,” she mouthed.

Napansin niyang tumayo si Crosoft at nagsimulang maglakad palapit sa kanya. Nang tignan niya si Kim ay ngising-ngisi ito at mas kinikilig pa sa kanya. Natawa lang siya.

“Direk kain ka na.” She glanced at him. Pinigilan niya ang mapangiti. Crosoft was suppressing a smile. Halatang umaarte lang ito. “Masamang magutom ang direktor. May mag-aalalang artista.”

“Kakain na po ako. Sabihin mo sa artistang ‘yon huwag kamo siyang mag-alala.”

“Sure, close kami nun eh.”

Naramdaman niya ang mainit na hininga nito sa bandang tainga niya. “Huwag ka masyadong magpakapagod. Ayokong ma stress sa pag-aalala sa’yo. Nakaka-acne ‘yon sa mukha. Mawala pa ang ini-endorse kong facial wash.”

Natawa siya. “Oo na, ang dami mo pang segue riyan.”

“Syempre, seven plus three plus four, keri four, exclamation point, equals?”

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Ano na naman ‘yan?”

“Concern ako sa’yo. Boom!”

“Puro ka talaga kalokohan. Anyway, ang galing mo.”

“Syempre nandiyan ang powerbank ko eh.”

“Bola mo masyado.”

“Bakit? Sino ba may sabing ikaw? Wait.” Napadako ang tingin niya sa kinapa-kapa ni Crosoft sa bulsa ng jeans nito. Nang ilabas nito ‘yon ay natawa na lang talaga siya. “Ito ‘yon. Asa ka naman diyan.” Hawak nito ang isang yellow na power bank.

“Ewan ko sa’yo.”


1+4+3


“BRIA!” napalingon si Cambria sa likod. Huminto siya nang makitang papalapit sa kanya si Alt.

“Oh Alt, bakit?”

“Are you free this Saturday? Wala naman yata kayong taping sa araw na ‘yon.”

“Hmm, bakit mo na tanong?”

“I was invited by my brother, Skip. I’ve mentioned him, right?”

“Ah, si Skip. Oo naalala ko. Teka, naka uwi na ba siya?”

Sa kwento ni Alt sa kanya. Kababatang kapatid nito si Skip. Skip is a fashion designer for a men’s clothing line in New York. Alt’s brother owned the ESkape Men’s Clothing Line. Sikat ‘din ‘yon sa Pilipinas. Sa pictures lang niya nakita ito pero ‘di pa sa personal. Na mentioned lang naman ‘yon sa kanya ni Alt.

“Yes, actually, ESkape will be launching its new campaign. I was invited at ayoko namang pumuntang mag-isa dahil ‘di naman ako mahilig sa mga ganyan. I was thinking na kung pwede mo akong samahan sa event.”

“Hmm, I’m not sure. Hindi rin ako mahilig diyan eh.”

He sighed. “Too bad, wala rin sana akong balak pumunta kaso baka isumpa ako ng kapatid kong ‘yon. That dude freaks me out.”

Natawa siya. “Ikaw? Sa sobrang kalma mong tao takot ka sa kapatid mong ‘yon?”

“Trust me, he’s a monster.” Alt’s brows furrowed, bago ito napangiwi. “A terrible one to be exact.” Then he just chuckled after.

“Okay, fine. Sasamahan na kita.”

“Great!”

She nodded. “Noted.”

“Thanks Bria. You’re an angel.” Nagulat siya nang ikulong nito sa mga kamay nito ang mukha niya saka siya nito hinalikan sa noo. “I owe you this one.” Napakurap-kurap lang siya. Hindi siya nakapagsalita agad.

“Ahem,” someone cleared his throat.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Crosoft. Napalayo siya agad. Blanko ang expression ng mukha nito. Hindi niya alam kung anong iniisip nito sa mga oras na ‘yon. Pero alam niyang galit ito.

“Crosoft,” bati ni Alt rito.

“Do I know you?” matabang na tanong nito.

Naalala niyang hindi pa pala personal na nagkita ang dalawa dahil may prior commitment si Crosot when he was supposed to have a guesting on Alt’s noon time show.

“Oh, where are my manners.” Alt extended his hand at him. “I’m Direk Alt Flores.” Nakipagkamay rito si Crosoft. Pero blanko pa rin ang expression ng mukha nito.

“Crosoft D’Cruze.”

“Anyway, may kailangan ka?”

“Nothing, na padaan lang naman ako.” Sinulyapan siya nito.

Hindi naman siya makatingin nang diretso dahil mukhang masama na ang timpla ng mukha ni Crosoft. Ito naman kasing si Alt basta-basta na lang nanghahalik. Sarap manapak eh. Muli pa siyang sinulyapan ni Crosoft bago siya nito nilagpasan. Patay na naman siya rito mamaya.

“I’ll see you this Saturday, then?”

“O-Okay,” ngayon niya gustong pagsisihan ang pagpayag niya kay Alt.

“F-ck!” sabay silang napatingin kay Crosoft.

“Crosoft are you okay?!” malakas na tanong ni Alt dito.

“I’m fine! May nakita lang akong AHAS.” Nang tumingin si Alt sa kanya nakakunot na ang noo nito. She just shrugged. “Kay Kuya Kim yata!” dagdag pa ni Crosoft. Natawa lang naman si Alt. Huwag mo akong tawanan Alt mapapatay ako ng baklang ‘yan mamaya. Jus ko! Crosoft patawad.


1+4+3


KANINA pa sinusubukang tawagan ni Cambria si Crosoft pero ‘di pa rin siya nito sinasagot. Hindi niya alam kung galit ba ito sa kanya o sadyang tinitiis siya nito. Asar na asar na siya rito.

“Mommy, call mo na daddy. Danah misses him so much na eh.” Inaalog-alog na siya ng anak niya. “Sige na mommy!”

“Oo na, heto na nga oh.” She dialed his number again. She glanced at Danah. “Kapag sinagot na ‘to ng tatay mo sabihin mo sa kanya ang sarap niyang sapakin.” Danah giggled. Natawa na rin siya. “Pst, huwag kang malikot.”

Tumango-tango lang ang anak.

“Hello?” sa wakas ay sinagot na ni Crosoft ang tawag.

“Hay salamat naman at sinagot mo na ako.”

“Daddy! Daddy! I miss you na!”

“Crosoft –“

“Pakausap ako kay Danah.”

Napasimangot siya. Kahit kailan napaka-sensitive ng isang ‘to. “Hoy, huwag ka ngang OA. Mag-usap naman tayo oh.”

“Huwag na Cambria. Hindi naman ako importante sa’yo. Hindi mo na ako mahal. Kaya siguro ayaw mong magpakasal sa akin dahil sa litsugas na keyboard na ‘yon.”

“Crosoft naman eh.”

“Ibigay mo na ‘yan kay Danah.”

“Mag-uusap pa rin tayo.” Inabot niya ang cell phone sa anak. “Kausapin ka ng daddy mo.”

“Daddy! Gusto ka raw sapakin ni Mommy.” Pinanlakihan niya ng mga mata ang anak. Danah innocently pouted her lips at her. “Sabi niya po sa’kin kanina ‘yon daw po sabihin ko sa’yo.” Ito talagang batang ‘to napakadaling kausap. Jus ko! “Opo daddy, miss you so much na po.”

Hindi niya maiwasang mainggit sa anak. Buti pa ito kinakausap ni Crosoft. Eh siya tinitiis siya nito. Gusto niyang manapak.

“Sige na daddy antok na rin po ako eh. Goodnight, love you so much. Mwah! Mwah! Bye.”

“Wait!” bahagyang sigaw niya. Nang abutin niya ang cell phone ay naka end call na. Nanlumo naman siya. Pinapahirapan talaga siya nito. Nakakainis talaga ito kapag nagselos. Ang OA! “Ano ba ‘yan binabaan ako.”

“Mommy, sabi ni daddy ‘di mo na raw siya love kasi mas gusto mo si keyboard.” Malungkot na wika ni Danah. “Mommy, huwag mong hurt si daddy. Iiyak daw siya.”

“’Yang Daddy mo ang OA.” She gently tapped her head. “Sige na anak, matulog ka na.” Pinahiga na niya ito saka itinaas ang kumot sa hanggang dibdib nito. Ibinaba niya ang mukha para mahalikan ito sa noo. “Matulog ka na.”

“Mommy, sabi ni daddy umiiyak daw siya ngayon kasi masakit daw puso niya.” Umiiyak? Kung gusto niyang ‘di umiyak makinig kamo siya sa akin.

“Hayaan mo na ‘yang daddy mo. Sakit sa utak ang meron nun.”

“Mommy, usap kayo ni daddy, ha? Gusto ko okay na kayo tomorrow.”

Napangiti siya. “Oo, magbabati rin kami ng daddy mo.”

“Promise?” itinaas nito ang isang kamay para sa isang pinky promise.

“Promise,” nakipag-pinky promise siya sa anak. Lumabas siya ng kwarto at bumaba sa sala.

Inilabas niya muli ang cell phone and texted Crosoft.

Hoy! KaUspn mo q kung ayw mng maglas2 aq d2. –Cam

C U IN HELL CHEATER! – Crosoft♥

Napamaang siya sa ni-reply ng loko. Inis na nag-reply siya rito.

Mukha mo! Pknggn mo kaC aq. Hwag kng ano r’yan! – Cam

Nakuha mo na nga ang lahat sa akin ‘di ka pa nakuntinto? Ano pa bang kulang sa katawan ko? May abs naman ako? Bakit kailangan mo pang humanap ng keyboard na mas ‘di hamak useful ang Microsoft Word?! Langya! Ang sakit ng puso ko. Mapuputol na yata ang mga artery veins ko. They’re not pumping enough blood for my heart. ­Crosoft

Kung maka-text naman ang ‘sang ‘to complete talaga ang words. Aish!

I’ll call you. You better take this up! – Cam

Tinawagan niya si Crosoft. Agad naman siya nitong sinagot. Wala siyang naririnig sa linya kundi ang paghinga nito.

“Hoy Crosoft magsalita ka!”

“…..”

“Loko ka! Huwag mo kasing masamain ‘yong nakita mo kanina. Alt is just a friend. About the kiss. Hindi ko in-expect ‘yon –“

“Pero nagustuhan mo naman.”

“Huh?! Hindi! Nagulat nga ako.”

“Cam ang sakit ng puso ko.”

“Huwag mo kasing dibdibin ‘yon.”

“Hindi ko naman dinidibdib. Nililikod ko lang.”

Natatawa siya na naiiyak. “Crosoft naman eh.”

“Nagluluksa ang puso ko ngayon. Magsindi ka na lang ng itim na kandila sa bahay. Ito ang National Mourning of Crosoft’s Shattered Heart.”

Baliw talaga ang baklang ‘to. Humugot siya nang malalim na hininga before exhaling.

“Crosoft may sasabihin ako sa’yo.”

“Ano?”

“I love you.”

“Three, five, four, comma, four, exclamation point, equals?”

“Ano ‘yan?”

“Mas mahal kita, gaga!”

Natawa siya. “So bati na tayo?”

“Oo, pero nagluluksa pa rin ako.”

“Baliw!”

Akmang ibaba na ni Cambria ang cell phone nang magsalita ulit si Crosoft.

"Buksan mo ang gate."

"Bakit?"

"Just open the gate."

Tumayo siya nang hindi binibitiwan ang cell phone. Lumabas siya ng bahay at tinungo ang gate.

"Ano bang meron Crosoft?"

"Buksan mo na."

Kahit nagtataka ay sinunod pa rin niya ang utos nito. Inipit niya sa balikat at tainga ang cell phone para mabuksan ang gate. Bumungad sa kanya ang mukha ni Crosoft. Bago pa siya makapag-react ay siniil na siya nito ng halik sa mga labi. Nahulog ang cell phone at napahawak siya sa mga balikat nito sa sobrang pagkagulat. Mabilis lang ang halik na 'yon pero naubusan pa rin siya ng hangin.

"Crosoft!" sita niya.

"May kasalanan ka pa sa’kin."

"A-Anong ginagawa mo rito?" napatingin siya sa likod nito. "Baka may makakita sa’yo rito."

"Gabi na, mamumukhaan pa ba ako ng mga tao? Huwag kang OA. Hindi ako mahahanap ng mga media dahil sasakyan ng manager ko ang gamit ko."

"Pumasok ka na nga." Isinirado niya ang gate saka ito hinawakan sa kamay.

Tinungo nila ang garden sa likod bahay. Bumitaw ito sa magkahugpong nilang kamay at na upo sa duyan na sinadyang ilagay roon. Nakaharap siya rito. Sumilay naman ang isang ngiti sa labi nito. Napawi lahat ng pag-aalala niya at napangiti na rin. Talaga naman!

"Bakit 'di mo ako tabihan dito sa duyan, Cam?" malambing na suhestiyon nito.

Dahil hindi naman siya kalayuan sa puwesto nito ay naabot nito ang isang kamay niya. Hinila siya nito palapit dito at pina upo sa tabi nito. Ilang segundo silang naging tahimik.

Hinawakan ni Crosoft ang kamay niya. Napatingin siya rito.

"I'm sorry," basag nito.

"Para saan?"

"For being too childish. I know, nasaktan lang talaga ako nang makita kong hinalikan ka ng keyboard na 'yon. Parang gusto kong make-up-an siya at pagmukhaing anak ni Medusa."

Mahinang natawa siya. "Hindi mo susuntukin?"

"Warning pa lang 'yon. Ayoko pang gamitin 'tong mga kamao ko. Magalusan pa ako. Alam mo namang mabait ako. Pasalamat siya at kahit keyboard siya ginagalang ko pa rin siya. Tsk, kung alam lang niya paano magselos ang isang bakla sa babaeng bukod tangi sa lahat na sobra niyang mahal." Kinilig naman siya. "Sarap niyang gawing siopao."

"Tigilan mo na nga 'yan Crosoft. Para ka talagang bata."

"Oo na, 'di na. Move on na tayo."

"Talaga lang, kasi nakakasawang makipag-away sa’yo."

"I trust you."

"Huh?"

"I trust you Cam." Humigpit ang pagkakahawak ng kamay nito sa kamay niya. Their eyes met. "The only thing that I can give to you is my trust. And I hope you trust me too."

"Crosoft?"

"Alam ko namang mahirap pa ring paniwalaan ang nararamdaman ko para sa’yo. It'll take time, but I do hope na hindi mo ipagkakait sa akin ang pagtitiwala mo."

Napangiti siya.

"Huwag ka namang hard sa’kin Cam." Cute na sumimangot ito.

"Oo na, ikaw pa."

"Thanks Cam." Niyakap siya nito. "Hmm, I really like hugging you like this. Kapag kasi niyayakap kita parang may unan ako." He chuckled. “Kagigil kang babae ka.”

"'Yan ka!" bahagyang itinulak niya si Crosoft. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Sige, push mo 'yan."

Ngumisi ito. "May suggestion ako."

"Ano?"

"Sundan na natin si Danah."

"Baliw!" ginulo niya ang buhok nito. "Mag-isa kang gumawa."

"Ayoko, gusto ko tayong dalawa."

"Ang halay mo talaga."

"Mahalay ba na gustuhin kong magkaanak sa’yo?" napamaang siya. She was speechless. "Tsk, ikaw talaga. Halika ka nga dito." Hinila siya nito para yakapin ulit. "Dapat sweet ka sa’kin. Nag-effort pa akong puntahan ka rito pero ang hard mo sa’kin. Ganda mo eh."

"Eh sino bang masungit kanina? Sinabihan mo pa akong cheater. Bwesit ka."

Natawa ito. "Sorry na, inis lang ako sa keyboard na 'yon."

"Selos pa more."

"Ayoko, kikiligin ka lang."

"Naasar ako kapag nagseselos ka."

"'Di magmahalan na lang tayo."

"Hmm..."

"Naks, ganda mo eh. Pinag-iisipan mo pa talaga."

Natawa naman siya. "Syempre naman. Sa haba ng hair ko eh."

Tumayo si Crosoft at hinila siya patayo. Muntik pa siyang mabuwal nang hindi niya na i-balanse agad ang bigat niya. Buti na lang at nahawakan siya agad nito sa baywang. Napakapit siya sa mga balikat nito. Napasinghap siya nang hapitin siya lalo nito sa katawan nito. Napahawak siya sa ilong niya nang magtama ang mga ilong nila. They both let out a soft laugh.

"Oy, ano na naman 'yan, ha?" tanong niya.

"May vacant room ba kayo?" nakangising tanong nito.

"Bakit?" pinaningkitan niya ito ng mga mata.

"Because I want to be yours tonight."

Natawa siya. "Baliw!"

He chuckled. "Ano meron ba?"

"’Yong kwarto ni Danah. Nasa kwarto ko kasi siya natutulog ngayon. Pero -"

"Walang pero-pero. Halika na.” Napasinghap siya nang hilahin siya nito papasok sa loob ng bahay “Saan ba ‘yan at nang makarami na tayo.”

“Hoy Crosoft!”

“Haha.”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE