Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

ABALA sa pagbabasa ng script si Cambria habang hinihintay ang mga kasamahan at artistang gaganap sa isinulat niyang kwento na gagawing palabas sa sine sa susunod na taon. Nandoon sila para mag-script reading. Sinadya niyang maging maaga dahil ayaw niyang maipit sa traffic.

Mayamaya ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga kasamahan niya. Unang dumating sa mga artista ay si Kimberly Lim. Lumapit ito sa kanya at yumakap. Si Kim ang isa sa mga close friend niyang artista. Kahit na sikat ito ay napaka-humble pa rin nito. Sumunod ang dalawang teen idol na sila Kath Bernardo at Draco Padilla. Dumating na rin ang iba at may kanya-kanyang ng hawak na script.

Kinalabit niya ang assistant na si Mer.

“Kulang pa ba?” tanong niya. “May hinihintay pa ba tayo?”

“Opo, ‘yong gaganap pong bidang lalaki sa kwento.”

Kumunot ang noo niya. “Sino?” baling na tanong niya sa assistant. “Nandito na si Joseph Markus ah.”

Napakamot sa noo si Mer. “Eh, Direk nasabi ko na ho ‘yon sa inyo noong isang araw na papalitan nga si Joseph. Sabi mo pa nga okay lang kasi ‘yong producer ang nag-request at saka may prior commitment pala si Joseph.”

Lalo lang kumunot ang noo niya. Paanong nangyari ‘yon? Naalala niyang tumawag sa kanya si Mer noong isang gabi. May sinasabi tungkol sa main cast kaya nga lang hindi niya masyadong narinig kasi nga nagkukulit ang anak niya. Lahat ng mga incoming calls para sa kanya ay si Mer ang tumatanggap dahil na rin sa sobrang busy niya.

Nasapo niya ang noo. Talaga naman! Paano kung ‘di bumagay sa artista na ‘yon ang lead role? Uulit na naman sila sa screening process nila.

“Oh siya sige,” she can’t help but sighed. Ano pa bang magagawa niya? “Hintayin na lang natin ‘yong artista.” Kakausapin niya na lang ang head creative team at ang producer kapag ‘di bumagay ang pinalit na artista. “Ah nga pala, sino nga ‘yong artista na pinalit?”

Bukas ng pinto ang sumagot sa tanong niya.

Lahat yata nagulat sa pagdating nito. Pati siya ay nagulat. Mas gulat pa nga kaysa sa mga taong nandoon. There, stood in front of the them is no other than Crosoft himself. Magulo ang may kahabaan na nitong buhok. Simpleng gray v-neck shirt at black ripped jeans ang suot nito na pinarisan nito ng itim rin na sneakers. May malaking sunglasses sa mata at may pasak-pasak na lollipop sa bibig.

Ang walangya nag-grand entrance! 

Mabilis na umiwas siya ng tingin. ‘Tila may sumipa sa dibdib niya dahilan para kumabog nang mabilis ang tibok ng puso niya. Lihim siyang napangiwi. Seriously? Sa lahat ng artista sa mundo? Gusto niya na lamang niyang lumubog sa kinauupuan niya. Just how in the world would she face this man?

Hindi Cambria! Huwag kang kabahan. Dapat pa nga ang walangya na ‘yan ang kabahan. Si Crosoft ang may malaking kasalanan sa inyong dalawa. Siya ang nang iwan at hindi ikaw. Argh! Kung hindi lang kay Danah. Ayaw na niya ng gulo. Tahimik na ang buhay nilang mag-ina. Nabuhay silang walang Crosoft sa tabi nila. 

“I’m sorry, I’m late.” Darn, that voice. “Hope I didn’t keep you waiting?”

“N-No!” Mer stood up and guided Crosoft to his seat. “Ahm, here… you can sit beside Direk.”

Itinukod niya ang isang siko at pasimpleng tinakpan ang isang bahagi ng mukha niya. Nak ng shokoy! Paano ko tatakasan si Crosoft? Sinabing huwag na itong magpakita sa kanya. Paano naman siya nakakasigurado na nakuha nga nito ang sulat niya noon para rito. At talagang sa tabi ko pa, Mer?!

Sige na, bahala na. Huminga siya nang malalim bago umayos ng upo. Totally ignoring Crosoft beside her. “Hello!” bati niya. “I –“ na distract siya nang marinig niyang magsalita sa tabi niya si Crosoft.

“Finally I found you.” Bulong ni Crosoft.

Kahit ‘di niya lingunin ito ay naramdaman niya ang pagngiti nito. Cambria relaks! Mamaya mo na kalbohin ang baklang ‘yan. Ipinagpatuloy niya ang pagsasalita at pagpapakilala sa sarili.

“Good day, magsimula na tayo.”


1+4+3


PAGKATAPOS ng script reading ay isa-isa nang nagpaalam ang mga kasamahan ni Cambria at mga artista. Nakahinga siya nang maluwag nang tahimik na umalis si Crosoft. Akala niya ay gagambalain siya nito pero ‘di naman ito naging makulit. Dahil kung hindi baka ‘di niya matantiya ang isang ‘yon at masipa niya talaga.

Siya at ang assistant niya na lang ang natira sa conference room.

“Direk ang gwapo nung si Crosoft, ‘noh?” napansin niya ang kakaibang kislap sa mga mata ng assistant. Lihim na pinaikot niya ang mga mata. Kung alam lang nito na bakla ang pinagnanasaan nito. “Kaya naman pala secret ang code name nila sa bagong pasok na artista sa MS dahil pala bigatin.” Dagdag pa nito. “Hindi lang kaya ang MS ang naghahabol kay Crosoft. Pati ang SB ay piniparata rin siya.” Tukoy nito sa kabilang network.

Bigatin talaga si Crosoft kaya ‘di na siya magtataka kung bakit pinirata nang todo ng network ang lalaki. Wala siyang idea kung bakit napapayag ng network si Crosoft. Wala siyang balak alamin ‘yon dahil wala siyang pakialam.

“Sige Direk mauuna na ako,” paalam ni Mer.

Tumango lang siya saka ito umalis. Pinatay niya na ang ilaw bago tinungo ang pinto. Hahawak pa lang siya sa knob nang bumukas bigla ‘yon. Sa gulat niya ay napasinghap siya pero madaling na takpan ng kung sino ang kanyang bibig. Lumapat ang likod niya sa malamig na pader nang hilahin at isandal siya nito sa gilid. Lalong nanlaki ang mga mata niya nang alisin nito ang suot na sunglasses.

Crosoft!

At dahil doon lalong kumabog nang mabilis ang tibok ng puso niya. Paano nito na gawang maging mas gwapo sa loob lamang ng pitong taon? Yes, he was hot and sexy. Naghuhumiyaw ang kagwapohan nito.

“Ilang taon kung hinintay ang pagkakataon na ‘to.” Basag nito. “Uunahan na kita, alam kong galit ka sa akin. Alam kong marami akong kasalanan at marami akong dapat ipaliwanag sa’yo. Pitong taon, pitong taon kong pinagsisihan ang lahat ng ginawa ko sa’yo. At maiintidihan ko kung hindi mo agad ako mapapatawad.”

Inalis nito ang kamay sa pagkakatakip sa bibig niya at idinikit ‘yon sa pader – cornering her completely. He rested his head on her right shoulder. “But please give me this chance to say this. I’m sorry Cam. Patawarin mo ako.”

Tulala at halos hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya mula kay Crosoft. Ang sakit! Ang sakit-sakit pa rin pala talaga kahit ilang taon na ang lumipas. Pinigilan niya ang hindi tuluyang maluha kahit na sobra na ang paninikip ng dibdib niya.

Hindi! Kailangan niyang ipakita kay Crosoft na nagbago na siya… na hindi na niya ito kailangan sa buhay niya. 

“I’m sorry Cam,” inangat muli nito ang mukha sa kanya. “I’m really sorry.” Akmang hahawakan nito ang mukha niya nang umiwas siya. Cam? Did she miss him calling her Cam? 

“What do you want Crosoft?” asik niya. She look at him straight in the eyes. “Huli na ang lahat. You ended everything seven years ago. Pinaasa mo ako Crosoft.” Hindi niya maiwasang sariwain ang masakit na nakaraan. “Iniwan mo ko sa ere! Iniwan mo ko na para bang hindi tayo naging magkaibigan.” Puno ng galit ang bawat salita niya. “Crosoft, hindi mo alam kung gaano kasakit para sa akin ‘yon.” Tuluyan nang kumawala lahat ng mga pinipigilan niyang mga luha.

God, ang sakit talaga!

“I’m sorry.” Napayuko ito. “I’m sorry Cam. Please forgive me.”

“Sa kwento nga hindi agad-agad nagpapatawad ang bida. Sa totoong buhay pa kaya.”

Itinulak niya si Crosoft at mabilis na lumabas ng silid. Walang lingon na tinakbo niya ang pasilyo. Kailangan niyang makaalis. Hindi siya makahinga. Lumiko siya sa isang tabi at isinandal ang likod sa pader. Hindi niya napigilan ang mga emosyon na bumalik sa kanya. Kusang yumugyog ang mga balikat niya. She found heself crying with those memories she had with him seven years ago.

Fine! She missed him… so much that it hurts.

Bakit ka ba kasi bumalik Crosoft?!


1+4+3


LUTANG ang utak ni Cambria habang nanonood sila ng anak niya ng TV sa sala. Tulog na ang lola niya. Ang papa naman niya ay binisita ang isang kamag-anak nila sa Laguna. Biyernes, kaya pinayagan niyang ‘di matulog nang maaga ang anak.

Nabalik lang siya sa mundo nang tumili ang anak.

“Ang daddy ko!” nagtatatalon na tili ni Danah. “Mommy! Si Daddy oh!” itinuro nito ang screen.

Kumunot ang noo niya. At lalo pa ‘yong kumunot nang makita ang nakangiting mukha ni Crosoft. Kasalukuyang pinapalabas ang commercial nito. She sighed. Pati ba naman sa bahay Crosoft ‘di mo ako tinatantanan. Bwesit, ha?!

Malikot na tumabi sa kanya sa sofa ang anak. Nakaluhod ito sa gilid niya habang hawak-hawak ang isang braso niya. Hindi pa mapuknat ang ngiti nito habang niyuyugyog ang isang balikat niya.

“Mommy, ilabas n’yo na po sa TV si Daddy.”

“Paano ko naman ‘yon gagawin?” walang energy na baling niya sa anak.

Na-i-stress siya nang bongga sa pagsulpot ni Crosoft bigla. Gusto ko nga ‘yong upakan kanina. Pinigilan ko lang ang sarili ko.

“Mommy, ilabas n’yo na po. Kawawa naman si Daddy eh.” Nalungkot ang mukha nito. “Hindi siya makalabas sa TV. Siguro nalulungkot na po siya sa loob.”

“Hayaan mo ‘yan diyan.” Tumigilid siya. Niyakap naman siya ng anak.

“Mommy naman eh, sige na. Ilabas mo na po si Daddy.”

“Bigyan mo ako ng isang milyong rason para gawin ko ‘yon.”

“Una dahil daddy ko siya.”

“He’s not your dad.”

“He is! Daddy ko siya dahil gwapo siya. Sabi mo sa akin na si Daddy lang ang pinaka-handsome na lalaki sa whole world.” Nakanguso nitong sagot. Talaga, sinabi ko ‘yon? Hmm, parang gusto kong pagsisihan ang bagay na ‘yan. Tsk. “Kaya siya ang daddy ko.”

“Oh sige nga, ano pangalan niya?” hamon pa niya rito.

“Microsoft!” proud na sigaw nito.

Natawa lang tuloy siya. Niyakap niya ang anak at pinupog ng maraming halik. Nainis lang ito sa ginawa niya at pilit na nagpumiglas pero niyakap niya ito nang mahigpit.

“Hindi siya si Microsoft,” she chuckled.

“Huh?”

“Anak, siya si Crosoft. Crosoft D’Cruze.”

“Oo nga, tama nga ako.” Kumunot-noo nito.

“Sabi mo Microsoft.”

“Silent mi ‘yon, mommy.”

“Ewan ko sa’yo.”

“Basta mommy, siya po ang daddy ko, ha?”

“Sige, tanongin natin siya.”

“Ilalabas n’yo na po siya sa TV?!”

“Syempre kapag nailabas niya ang sarili niya sa TV.”

“Mommy naman eh!”

Hindi niya alam kung bakit pinipilit ng anak niya na si Crosoft ang ama nito. Siguro nga ‘yon ang tinatawag na connection. May kung anong naramdaman siguro si Danah nang makita ang picture ni Crosoft. Dahil kahit ‘di niya sabihin kung sino ang ama nito. Alam na nito kung sino ‘yon.


1+4+3


KINALMA ni Cambria ang sarili.

Relaks Cambria. Kalma lang.

Huminga siya nang malalim at nag-exhale. Pero kahit anong pagpapakalma niya sa sarili ay ‘di pa rin maalis ang inis niya? Her fist tightened on both sides. Pinipigilan niya lang talaga ang sumigaw at manapak ng tao.

Galing siya sa creative head at pinaalam sa kanya na sa susunod na buwan pa sisimulan ang taping ng pelikula dahil magbabakasyon ng isang buwan si Crosoft.

Isang buwan?! Anong gagawin niya sa loob ng isang buwan?! Late na siyang na inform ng network kaya naipa-clear na niya lahat ng mga projects na inalok sa kanya dahil gusto niyang mag-focus sa first movie niya. Pero ang walangya pina-move ang schedule dahil gusto nitong magbakasyon.

Na saan ang hustisya?! Talagang iniinis talaga siya nito nang bongga.

“Na saan si Crosoft?” walang ka ngiti-ngiting tanong niya sa assistant na si Mer.

“Ah, eh,” Mer stuttered. Ganoon talaga ito kapag nakikita nitong inis at asar siya. “Ang tsika sa akin ay nasa taping siya ngayon ng Shems TV.”

“That’s it!” iniwan ni Cambria ang assistant.

Kailangan niyang kausapin si Crosoft. Nakakadalawang bullseye na ito sa kanya sa loob lang ng isang linggo. Hindi niya alam kung sinasadya ba nito ‘yon o sadyang wala lang itong pakialam sa mga taong nasa paligid nito. Mabilis ang mga kilos na tinungo niya ang studio ng Shems TV.

Lahat ng mga nasasalubong niya sa hallway ay ‘di niya pinapansin. Sila na mismo ang umiiwas. Para siyang ‘di nakakakita ng tao sa sobrang inis niya. Wala siyang pakialam kung gaano ito ka importante sa network. Ang mahalaga sa kanya ay magtrabaho ito nang mabuti.

Hindi ‘yong parang kidlat itong mag-ri-request ng kung anu-ano sa network. Malakas siguro ang loob nito dahil marami ang nag-aagawan dito na network at maswerte ang MS na nakuha nila ang golden tuna na si Crosoft. Kaya lahat ng hinihiling nito ay ibinibigay rito. Puwes hindi siya!

Nang makarating siya sa studio ay tapos na ang show. Nakikipag-picture-ran na ang mga audience kay Crosoft. Hindi niya naman mapigilan ang pagkunot ng noo niya. Nakasuot lang si Crosoft ng pink shirt na may malaking mukha ng nakangiting si Patrick Star na pinarisan nito ng isang simpleng jeans at black sneakers. Nakatali naman sa baywang nito ang isang maong na jacket. Lalo pang kumunot ang noo niya nang mapansin na may cat ear headband ito sa ulo. Seriously?

Nakangiti ito habang nakikipag-picture-ran sa mga audience. Mukhang ‘di naman ‘yon pinagtuonan ng pansin ng mga fans nito. Hula niya ay baka nga naku-cute-tan pa ang mga ito kay Crosoft. So much for being handsome and cute at the same time. Napatingin naman ito sa gawi niya. She pointed her head on the exit door as a sign na hihintayin niya ito sa labas. Saka siya na unang lumabas.

Wala gaanong tao sa lugar na ‘yon.

“Grabeh!” napabuga siya ng hangin nang hindi pa rin ito lumalabas. “May balak ba siyang paghintayin ako ng isang taon?”

“Hindi ah,” nagulat siya, sabay lingon kay Crosoft. “Wala na akong balak na paghintayin ka.”

Nanlaki ang mga mata niya nang ilapit nito bigla ang mukha sa kanya. Sumilay ang isang mapaglarong ngiti sa mukha nito. Pati ang mga mata nito ay puno ng amusement. Nagulat siya sa biglang pagbabago ng pakikitungo ni Crosoft sa kanya. Noong una silang magkita napakaseryoso nito. Ngayon, para bang nakalimutan nito ‘yon. He’s acting as if they are in good terms. Wow!

Damn! Bakit ba ang lagkit ng tingin sa akin ng baklang ‘to? Tila may sumipa sa puso niya para lumakas ang tibok ng puso niya. Hindi, Cambria. You are totally over with him. Isampal mo ‘yon sa gagang ‘yan! Matapang na sinalubong niya ang tingin nito.

“Hoy!” basag niya. “Sinong may sabi sayong i-move ang schedule ng taping? Nag-iisip ka ba talaga o iniinis mo lang ako? Pero bago mo ako sagutin pwede bang lumayo ka muna sa akin.”

He chuckled before leaning away. He squared his shoulders as he crossed his arms over his chest.

“Cam,” bakit ba laging may lambing ang pagtawag nito sa pangalan niya? Asar ha! “Hindi kita iniinis. Kailangan ko ng bakasyon. Kaya ako pumayag na dito sa MS pumirma ng kontrata dahil pumayag silang magbakasyon ako ng isang buwan.”

Tumaas ang isang kamay nito para sana hawakan ang buhok niya nang tampalin niya agad ‘yon. Kumunot ang noo nito.

“I hate your hair. Bakit mo pinagupitan ang buhok mo?”

“Hindi ang buhok ko ang pinag-uusapan natin dito Crosoft.”

“Oh,” this time siya naman ang napakunot-noo nang matamis na ulit itong ngumiti sa kanya. “How I missed you saying my name, Cam.“

Kalma Cam! Relaks!

“Pwede ba, mag-usap tayo nang maayos.” Humugot muna siya nang malalim na hininga. “Mabalik tayo, bakit ‘di ba pumayag ang kabilang network sa kondisyon mo?”

“Gusto nila dalawang buwan eh. Ano namang gagawin ko sa isang buwan pang extra? ‘Di sila na lang magbakasyon.” Napamaang siya.

“Baliw ka ba o sadyang abnoy lang?!” asar na tanong niya. “Ayaw mo ‘nun? Dalawang buwan na bakasyon ang ibinigay sayo? Sarap mong –“

“Halikan?” he smirked.

Natigilan siya pero ‘di niya pinahalata.

“Hindi! Kadiri ka.” Inismiran niya ito. Ibinaling niya sa kabila ang tingin. “Para namang maatim mong halikan ka ng isang babae.” Bulong niya sa kawalan.

“Hoy narinig ko ‘yon,” nanlalaki ang mga mata na naibalik niya ng tingin dito nang iharang nito ang isang kamay sa gilid niya at itunukod ang isang kamay sa pader bago nito ibinaba ang tingin sa kanya. Nagrigondon na naman ang mga daga sa puso niya. Busit! Nakangisi ito sa kanya. “Let me remind you Cam of that night…” he trailed off before leaning closer to her ear. “We passionately shared together.”

Cambria’s mouth gaped in astonishment. Ang kapal ng mukha nitong ipaalala sa kanya ang gabing ‘yon. Pagkatapos siya nitong iwan sa ere. Huminga siya nang malalim para kalmahin ulit ang sarili. Bwesit na bwesit na siya pero kailangan niyang magtimpi. Arggh!

“Well, let me remind you Crosoft. Tandang-tanda ko pa rin ang sulat mo sa akin. Hindi mo ako kayang panagutan dahil ‘di mo kaya. Hindi na ako magtataka. Dahil ang baklang katulad mo ‘di kayang magmahal ng isang babae.” Marahas na itinulak niya ito palayo. “Kung gusto mong magbakasyon bahala ka sa buhay mo. Kahit isang taon ka pang magbakasyon wala akong pakialam.”

Saka niya ito iniwan.


1+4+3


MULING napabuntong-hininga si Cambria.

Kanina pa siya parang tanga na nakaupo sa likurang bahagi ng Director’s Booth sa itaas ng studio ng isang noon time show. Hindi siya ang director sa show na ‘yon. Nagkataon lang na kaibigan niya ang director. Nasa likod lang siya habang nagmamasid sa ginagawa ng kaibigan na si Alt. Pero hindi naman pagmamasid ang ginagawa niya. Pagtunga-nga lang.

Mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon pero gaya niya ay isa ito sa mga pinakabatang director sa MS. Ito ang naging unang naging kaibigan niya sa network dahil napakabait nito sa kanya noong nagkasama sila sa isang project noong unang taon niya sa MS.

Matangkad, matikas, maganda ang pangangatawan, gwapo, at approachable ang dating ni Alt. Bumagay rin ang makinis na kayumangging balat nito sa kakisigan nito. Marami ring nagkakagusto rito lalo na kapag ngumingiti ito dahil lumalabas ang malalim na dimple nito sa right cheek. Ilang beses na rin niya itong napapansin na nagpapalipad hangin sa kanya. Pero ‘di niya gaanong pinagtutuonan ng pansin. Wala pa talaga sa isip niya ang mga ganoong bagay.

She buried her face on her palms. Gusto niyang mainis sa sarili. Tama lang naman ang sinabi niya kay Crosoft kanina. Pero bakit nagi-guilty siya? Eh ano? Dapat lang ‘yon sa kanya! Magalit ka Cambria! Jus ko naman. Pinabayaan ka niya! Magalit ka naman oy! Kung bakit kasi malaki pa rin ang epekto ng bwesit sa kanya? Nakakainis!

“Hey,” naiangat niya ang mukha kay Alt, umayos siya ng upo. “May problema ka ba?” inabot nito ang isang umuusok na plastic cup bago naupo sa tabi niya.

He crossed his legs bago maingat na dinala sa labi ang umuusok na choco drink nito. Hinipan muna nito ‘yon bago ininum. Hindi ito umiinon ng kape ‘yon ang napansin niya. Mas nagigising ito sa matatamis na inumin. Weird pero may ganoong tao talaga na iba ang trip sa buhay.

Alt has always been the regal type when it comes to poise and gestures. Lagi itong relaks kapag kasama niya ito. Kahit sa pagdi-direct lagi itong kalmado kahit naka-50 takes na. Kaya hindi niya alam kung bakit nagustuhan siya nito. Siya na mainitin ang ulo at malayong-malayo sa pagiging poise.

“You look disoriented,” komento nito.

“I am,” she sighed. “May nakaasar kasing alien sa MS.”

He chuckled. “Yeah, I heard about him.” May ngiting binalingan siya nito. “He must be a pain in the ass.”

“Sinabi mo pa,” pilit ang ngiting sang-ayon niya.

Lumipad na naman ang isip niya sa mukha ni Crosoft. Kung paano siya titigan nito. Kung paano ito ngumiti sa kanya. How heavenly his scent is at kung ano ang ginagawang kakaiba nito sa kanyang sistema kapag dumadantay ang balat nito sa kanya. Wait! What the hell is she thinking? Napatuwid siya ng upo.

“Bria, are you free tonight?”

Naibaling niya ang tingin kay Alt. Actually hindi niya narinig ang sinabi nito sa kanya. Pero alam niyang nagsalita ito kanina. Akmang itatanong niya ulit ang sinabi nito nang tumunog ang cell phone niya.

“Wait, sasagutin ko lang ‘to,” tumango ito, nag-excuse siya kay Alt.

Tumayo siya at lumabas sa booth. Pagtingin niya sa screen ay numero ng papa niya ang naka register. Sinagot niya ang tawag.

“Hello Pa?”

“Anak, kasama mo ba si Danah?”

Kumunot ang noo niya. “Hindi po, nang umalis ako sa bahay tulog pa si Danah.” Sabado ngayon kaya wala itong pasok. Hindi naman kaya? “Pa, tignan mo ang ref. Baka may sulat na idinikit ang batang ‘yon.”

“Sige,” sandaling nawala ito sa linya.

Kapag nawawala si Danah ay nagdidikit ito ng post it note sa ref nila. Kahit na pupunta lang ito sa bahay ng kapitbahay nila. Minsan kapag feeling nito magtatagal ito sa banyo.

“Anak, meron nga.”

“Ano sabi?”

“Lolo, Granny, I’ll be out for awhile.” Basa ng ama. “Ang selfish kasi ni Mommy. Ayaw niyang ilabas si Daddy sa TV kaya ako na mismo ang maglalabas kay daddy. Wish me luck! Love Danah.”

Natutop niya ang noo at napabuntong-hininga. Hindi niya na alam ang gagawin sa anak. Dapat ay kinakabahan na siya pero hindi. Kilala niya ang anak. Sigurado siyang pinuntahan nito ang kaibigan ng tatay niya na si Mang Asus na isang taxi driver para ihatid ito sa MS. Giliw na giliw ito sa anak niya at matagal nang kaibigan ng pamilya nila kaya madali na itong mabibilog ni Danah. Matalino ang anak niya kaya magaling itong mag-isip ng paraan para masunod lang ang gusto nito.

Mas kinakabahan pa siya sa posibilidad na maaring magkasalubong ang anak at ang ama nitong si Crosoft.

“Sige na Pa, ako na ang maghahanap sa batang ‘yon dito. Subukan n’yo na lang ho na tawagan si Mang Asus at baka hindi pa iyon nakakalayo. Malakas ang kutob ko na nabilog na naman ng batang ‘yon si Mang Asus. Tawagan n’yo na lamang ako.”

“Sige anak, pasensiya ka na. Umalis kasi ako dahil may binili ako. Ang batang ‘yon talaga. I-text mo na lang ako kapag nakita mo na si Danah. Tatawagan ko muna si Pareng Asus.”

End call.

Sakto namang lumabas si Alt sa booth para silipin siya. Hinarap niya ito. “Alis na muna ako. Hahanapin ko ang anak ko.”

Bumukas ang pag-aalala sa mukha nito.

“Nasa MS ba siya ngayon?” tumango siya. “Tulungan na kitang hanapin siya. Kaya naman na ng mga tauhan ko ang trabaho rito.”

Umiling siya. “Huwag na. Diyan ka na lang. Mas kailangan ka riyan. Baka bumaba ang ratings ng show kapag nawala ka.” Nakangiting biro niya.

“Hindi ‘yan, magaling ang mga artista ko rito.”

“Hindi na talaga, no worries. Ako na.”

Kailangan niya ring hanapin ang anak bago nito makita ang ama nito. Hiling niya ay sana nakaalis na si Crosoft para ‘di na magkita ang mag-ama. Tinalikuran na niya si Alt at nagsimulang maglakad.

“Text me if nakita mo na si Danah!”

Kumaway lang siya patalikod.

Lagot talaga ako kapag nagkita ang dalawang ‘yon.


1+4+3


PRENTENG nakaupo sa lobby lounge ng MS si Crosoft habang hinihintay ang manager niya na kasalukuyang nakikipag-usap sa management. Malayo ang tingin niya. Kanina pa siya hindi makapag-isip ng tama simula nang pag-uusap nila kanina ni Cambria. Noon paman ay bumabagabag na sa kanya ang mga katagang ‘yon.

Hindi na ako magtataka. Dahil ang baklang katulad mo di kayang magmahal ng isang babae.

Hindi ko nga ba talaga kayang magmahal ng isang babae?Pero bakit iba ang nararamdaman niya? Ano ‘to echos lang?Maybe before, he didn’t have the courage to admit his true feelings for her. Kahit sinong bakla maloloka kapag na realized niyang kapareho niyang girl ang mahal niya. But time has changed. Ngayon, tanggap na tanggap niya na ‘yon. With all his heart pa.

“Hello! Hello po!”

Napakurap-kurap si Crosoft bago naging malinaw sa kanya na may isang batang babaeng kanina pa ikinakaway ang maliliit nitong mga kamay sa harap niya. Nakasuot ito ng pink na Patrick Star na blouse na hanggang hita nito ang taas with black tights. Pink din ang doll shoes at ribbon nito sa buhok.Akalain mong terno pa sila ng damit.

Napangiti naman siya. This little girl must have known him. Lumapit ang batang babae sa kanya. Nakangiti ito sa kanya pero halatang nagpipigil ng tili. Funny, pero parang may kamukha ito. Sinubukan niyang alalahanin kung sino pero natigilan siya dahil bigla siya nitong niyakap.

“Daddy!” nanigas siya. Did she just call him daddy? Kailan pa ako lumandi sa babae?Naibaba niya ang tingin sa batang babae. “Daddy nakita na rin kita.” Malapad ang ngiting tinangala siya ng bata.

“W-wait lang, daddy talaga? Hindi pwede kuya or tito muna?”

Mababaliw yata siya. ‘Di kaya naka-drugs ‘tong batang ‘to? But she was too cute to be crazy. Still, he need to be nice with this little girl.

“Ikaw ang daddy ko.” Giit pa nito.

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at kinuha ang maliit na backpack nito sa likod na may malaking mukha ni Dora. Binuksan nito ‘yon at inilabas ang dalawang larawan.

“Kita mo ‘to?” unang pinakita nito ang larawan niya.

Tumango siya. “Oo, isa ‘yan sa mga freebies na binibigay ng Penshoppe sa bawat buyers.”

“Ikaw ‘yan, ‘diba?”

“Obvious naman, diba?”

The kid just rolled her eyes. Natawa siya sa ginawa nito. “Daddy, ikaw ‘yan. Gwapo mo riyan.”

“Yup, sabi nga nila.” Naaliw siya rito. Hindi niya mapigilan ang mapangiti. Sino ba ang nanay nito? Baka pwede niya itong hiramin tuwing wala siyang trabaho. “And?”

“At ito ang mommy ko,” pinakita nito ang larawan ni Cam.

Wait! Larawan ni Cam?Kinuha niya mula sa kamay nito ang larawan ni Cambria.Darn! Seriously?Tinignan niya muli ang batang babae. Now it made sense. Kaya pala pamilyar sa kanya ang mukha nito. Kamukhang-kamukha niya ito noong bata pa. Except that he doesn’t have a long hair before, though he once wished for it.

Mind you Crosoft! May isang babae kang nilandi.

“Verdanah!”

Sabay silang napatingin ng batang babae sa sumigaw.

Tama, nilandi ko nga pala si Cam.Kung ganoon nagbunga ang gabing ‘yon? Muli siya napatingin sa batang babae.

God, I have a daughter!


1+4+3


NAIKOT na yata ni Cambria ang buong MS pero hindi pa rin niya makita ang anak. Lagot talaga siya kapag nagkita ang mag-ama niya. Mukha lang tanga si Crosoft pero matalino pa rin ito. Makikilala pa rin nito na anak nila si Danah. Idagdag pang pinuntahan pa ito ni Danah para sabihin na anak siya nito.

Hindi. Dapat positive. Sunod na pinuntahan ni Cambria ang lobby. Galing na siya kanina roon pero ‘di niya nakita si Danah. Ewan, bigla siyang kinutuban na nandoon ang anak niya. Patakbong tinahak niya ang pasilyo papunta sa lobby.

Natigilan.

Nagulat.

Naabutan niyang naka upo na sa kandungan ni Crosoft si Danah. Masayang nag-uusap ang dalawa. May hawak na dalawang larawan ang anak. Kung ‘di siya nagkakamali posibleng picture niya ‘yon at ‘yong picture ni Crosoft na pinakita nito sa kanya. Para yata siyang tinakasan ng sariling kaluluwa.

Lumakas ang kaba sa dibdib niya. God, huli na ba ako?!

“V-Verdanah!” tawag niya sa anak.

Mabuti na lang at walang tao sa lobby. Kataka-taka rin na walang guard na nagbabantay. Sabay na napatingin si Crosoft at si Danah sa kanya. Hindi niya alam kung bakit imbes na galit ang makita niya sa mukha ni Crosoft ay kakaibang ngiti ang ibinigay nito sa kanya. Crosoft was up for something. Kinabahan siya lalo.

“Mommy!” kinawayan siya ni Danah.

Niyakap ni Crosoft ang anak. Sinubukan niyang lapitan ito pero pinigilan siya nito gamit ng isang kamay.

“Diyan ka lang,” babala nito.

“Crosoft!” pigil na sigaw niya. Iginala niya ang tingin sa paligid. “Anak ko ‘yan.” She mouthed.

“Sino may sabing anak mo lang?” he mouthed back. Tumayo ito habang yakap-yakap pa rin ang anak nila. Kumapit naman sa leeg nito si Danah. “Akin din ‘to ‘no.” He mouthed again. Saka patakbong lumabas ng lobby.

“Crosoft!” hindi napigilang sigaw niya.

Hindi talaga siya makasigaw dahil baka makatawag pa ‘yon ng pansin. Asar! Hindi siya nito pinakinggan. Tinakbo pa rin nito ang bata. Patakbong sinundan niya ang mag-ama. May balak pa yatang kidnapin ang anak niya.

Busit! Pinapasakit mo talaga ang ulo ko Crosoft!

“Crosoft bumalik ka rito!”

At ngayon pa talaga nito naisipang maghabulan sila.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE