Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

DECEMBER 18

“‘AYAN ka na naman! Kapag sa anak mong si Cambria kinukunsinti mo. Pero kung kay Misty pumuputok agad ang butsi mo.” Malakas at galit na galit na sigaw ng ina ni Cambria nang makapasok siya sa bahay.

Bumungad sa kanya ang ina at ama na nag-aaway sa sala. Nakalabas din ang mga gamit at maleta niya. Mapang-asar na tinignan siya ng kapatid na si Misty na nakatayo sa gilid. Misty shook one finger at her. Kinabahan siya. Alam niya ang uri ng tingin nito.

“Lagot ka,” Misty mouthed.

“Tama na Lucida!” sigaw ng ama niya.

Napansin siya ng kanyang ina. Mabilis na nilapitan siya nito.Napasinghap siya sa gulat nang hatakin siya nito palapit sa tatay niya. Napangiwi siya sa sakit sa sobrang pagkakadiin nang pagkakahawak ng kanyang ina sa braso niya.

“M-Ma…” daing niya. “N-Nasasaktan ako.”

“Nasasaktan ang anak mo Lucida!” sigaw ulit ng ama niya. “Bitiwan mo siya.”

Marahas na binitiwan siya ng ina kaya napaupo siya sa sahig. Napahawak siya sa kanyang tiyan. Mabilis naman na dinaluhan siya ng kanyang ama.

“Lucida, ano ba?! Wala ka ba talagang awa sa anak mo?!”

“Ikaw!” dinuro siya ng ina. “Ikaw talaga ang nagbibigay malas sa pamilyang ‘to! Hindi ka pa talaga nakuntinto at nagpabuntis ka pa.”

“M-Ma?” napamaang siya.

Paano nito nalaman? Nakita niya si Misty na itinaas ang isang pregnancy test. Kumabog nang mabilis ang tibok ng puso niya. Alam niyang sa kanya ‘yon. Pero paanong… Ipinilig niya ang ulo at lakas loob na tinignan ang ina.

“Ma pakinggan n’yo muna ako, please.”

“Hindi ako tanga Cambria! Sabihin mo, si Crosoft ang ama, ‘di ba?! Tama ako diba? Ang baklang ‘yon ang nakabuntis sayo! Wala ka ba talagang kahihiyan na bata ka?! Hindi ba’t pinagsabihan na kita? Pero ‘di ka nakinig sa akin! Kaya ka bang panagutan ng baklang ‘yon, ha?! Marahil oo, dahil mayaman naman ‘yon. Pero kaya ka bang pakasalan nun? Hindi! Mag-iisa ka pa rin! Habang buhay kang mag-iisa!”

Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapaiyak. Niyakap siya ng papa niya. Pero hindi pa rin naibsan nun ang sakit ng katotohanang sinabi ng mama niya. It hit her hard in the head. Hindi siya kailanman mapapakasalan ni Crosoft o ang mahalin sa paraan na gusto niya. Hinding-hindi. Lalo siyang napahikbi.

“Tama na Lucida!”

“Oh ano ka ngayon, Roman?! Buti nga at luho lang ang problema mo kay Misty. Eh ‘yang magaling mong anak nagpabuntis sa bakla.” Natutop ng ina ang noo at marahas na napabuntong-hininga. “Nag-iisip ka ba talagang bata ka, ha?! Ano bang pumasok sa isip mo at nagpabuntis ka sa isang ‘yon?! Pinayagan kitang makipag-kaibigan sa baklang ‘yon kahit tutol ako. Pinayagan kita! Pero Bria naman –“ akmang hahatakin ulit siya ng ina sa braso nang mapigilan ito ng kanyang ama. “Bakit?!”

“Ma… m-mahal ko si Crosoft.”

“Alam mo bang pinagsasabi mo Bria? Bakla ‘yon! Diyos ko naman sayo! Wala ‘yong alam gawin kung ‘di makipaglandian sa ibang lalaki. Makasalanan ang mga gaya niya! Salot! Malas!”

“Ma tama na!” sigaw niya. Tumayo siya at matapang na sinalubong ang galit na tingin ng ina. “Hahayaan kitang pagsalitaan ako ng masama. Pero wala kayong karapatang insultuhin si Crosoft o ang husgahan ang pagkatao niya. Hindi dahil bakla siya ay makasalanan at salot na siya. Hindi n’yo siya ganoon kakilala para insultuhin siya nang ganoon. Buti pa nga siya, mas naging pamilya ko siya. Mas naramdaman ko ang pagmamahal at pag-aalaga sa kanya. Pero kayo na sarili kong INA ‘di ko man lang naramdaman ang mga ‘yon?! Anong klaseng ina kayo?!”

Napasinghap siya nang dumapo ang isang kamay nito sa kanyang mukha. Napahawak siya sa kanyang pisngi. Hilam ang mga luhang tinignan niyang muli ang ina.

“Wala kang respeto! Lumayas ka rito.”

“Totoo naman! Hindi ka naging ina sa akin.”

“Lumayas ka!” hinawakan siya nito sa braso at kinaladkad palabas ng bahay. “Huwag na huwag ka ng magpapakita sa bahay na ‘to! Sumama ka doon sa baklang ama niyang anak mo! Doon ka sa kanya.”

“Lucida tama na sabi ‘yan!”

“Pabayaan mo ‘yang anak mo!” itinulak siya ng ina palabas ng bahay. Akmang isusunod nito ang mga gamit niya nang mapigilan ito ng ama niya. “Bitiwan mo ako Roman!”

“Walang aalis ng bahay na ito.” Mariing sabi ng kanyang ama. Nilapitan siya nito at pinipasok sa loob. Hinarang nito ang sarili para hindi makalapit ang ina sa kanya. “Pamamahay ko ito kaya ako ang masusunod.”

“Bahala kayo sa buhay ninyo! Magsama kayong dalawa ng tatay mo Cambria. Pareho kayong mga walang silbi.” Nagawa pa siyang itulak ng ina nang lumabas ito ng bahay. Tumama ang likod niya sa matigas na pinto. Mabilis naman na naalalayan siya ng ama.

“Sige na anak,” hinagod nito ang likod niya. “Umakyat ka na sa kwarto mo at magpahinga. Ako na ang bahala sa Mama mo.”

Tumango lamang siya at tahimik na pumanhik sa itaas.

Pagkasara na pagkasara niya ng pinto ay tila bombang sumabog lahat ng mga naipong emosyon sa puso niya. Natutop niya ang bibig sa sobrang pag-iyak. Bumalik sa isipin niya ang lahat na masasakit na salita na sinabi ng kanyang ina. Isinampal nito lahat ng mga bagay na kailanman ay hindi maibibigay sa kanya ni Crosoft. Pero bakit hindi niya magawang tanggapin ang mga ‘yon? Bakit umaasa pa rin siya na magagawa siyang panagutan ni Crosoft?

Dumaosdos ang katawan niya sa matigas na pinto ng kanyang silid hanggang sa tuluyan na siyang mapasalampak ng upo sa sahig. Naitiklop niya ang mga binti hanggang sa dibdib niya. She buried her face on her knees and cried her heart out. Hindi niya na alam kung anong gagawin niya? She felt totally lost.

Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cell phone sa bulsa niya. Kinuha niya ‘yon at tinignan ang screen. Nabasa niya ang pangalan ni Crosoft mula sa mga pending messages sa inbox niya.

Can we talk? Alm ko glit ka sken. Pls, Cam.

And by d way… hppy bday! -Crosoft ♥

Lalo lang siyang napaiyak.

Ito lang talaga ang nakakaala sa birthday niya. Bakit ngayon ka lang ulit nagparamdam? Bakit Crosoft? Iyak pa rin siya nang iyak nang mag-reply siya.

Sasabihin niya ang totoong kalagayan niya. Sana nga lang ay hindi siya itaboy ni Crosoft.

Ok – Cam

Thnk u, meet me at our fave resto. –Crosoft ♥


1+4+3


TATLONG oras nang naghihintay si Cambria kay Crosoft sa pizza restaurant kung saan sila laging nagsi-celebrate ng birthday niya. Pagtingin niya sa relo sa bisig niya ay alas nuebe na ng gabi.

Napabuntong-hininga siya. Na saan na kaya siya?

Inabala niya ang tingin sa labas. Naka upo siya sa isang good for two table kung saan malapit sa glass wall. Kitang-kita niya ang malakas na buhos ng ulan sa labas. Hindi niya maiwasang panghinaan ng loob. Dadating pa kaya si Crosoft? Naghintay pa siya ng ilang minuto pero wala pa rin. Kapag bumubukas ang pinto ay napapatingin siya kung si Crosoft na ‘yon. Pero wala pa rin.

Isinandal niya ang dalawang braso sa itaas ng mesa bago iniyupyop ang ulo roon. Nasa labas ang tingin niya. Binibilang ang bawat patak ng ulan na nahuhulog sa salaming pumapagitan sa kanya at sa labas. Kusang pumikit ang mga mata niya hanggang sa makatulog siya.

“Ma’am,” naramdaman niya ang marahang pagyugyog ng kung sino sa isang balikat niya. “Ma’am gising na po.”

Naalimpungatan na umayos siya ng upo. Ilang beses siyang napakurap-kurap hanggang sa naging malinaw ang mukha ng lalaking gumising sa kanya. Naigala niya ang tingin sa buong paligid.

“Ma’am, magsasara na po kami.”

Napatingin siya sa relo sa bisig. Alas onse na. Iginala niyang muli ang tingin sa buong restaurant. Wala ng mga customers maliban sa mga staff na naglilinis na sa loob. Kusang bumagsak ang mga balikat niya. Binalingan niya muli ang lalaking crew.

“Sige, aalis na ako.” Tipid ang ngiting tumango siya. “Salamat.”

“Sige po,” nag-excuse na ito.

Napabuntong-hininga siya. Nagsimula na namang mag-init ang sulok ng mga mata niya hanggang sa isa-isa nang naglandas ang mga luha niya sa kanyang mukha.

Ano kaya pa ba? Ang dami ko ng iyak ngayon eh.

“Bwesit ka talaga kahit kailan Crosoft,” inis na usal niya sa kawalan. Kumuha siya ng papel at ballpen. “Kapag nagkita ulit tayong lalaki ka asahan mong ‘di kita kakausapin.” Pagkatapos niyang magsulat ay itiniklop niya ‘yon. “Nakakainis ka talaga.” Gumaralgal ang boses niya sa huling sinabi. Sobra-sobra na ang paninikip ng dibdib niya.

Pinahid niya ang mga luha bago tumayo. Dala ang mga gamit ay nilapitan niya ang lalaking crew na lumapit sa kanya kanina at ibinigay ang sulat.

“Ma’am?” bumakas ang pagtataka sa mga mata nito.

“Ibigay mo ‘yan sa gwapong bakla na makikita mo. Pangalan niya ay Crosoft D’Cruze. Pakisabi walangya siya. Huwag na kamo siyang magpakita sa akin.”

“Po?”

“Ngumiti ka kapag sinabi mo ‘yon.”

Hindi na niya hinintay na makapagsalita ulit ito at dire-diretso siyang lumabas ng restaurant.

“Cambria Velasco,” humugot siya nang malalim na hininga bago bumuntong-hininga. “Simula ngayon. Masanay ka ulit na i-celebrate mag-isa ang birthday mo. Hindi mo kailangan si Crosoft sa buhay mo. Kaya mong buhayin ang anak mo na wala ang ama niya. ” Utos niya sa sarili habang pinipigilan ang mga luhang pumatak ulit. “Nag-elope na kasi sa China si Crosoft dahil gusto niyang maging kamukha si Pucca. Hindi na siya nag-e-exist sa mundo. Kinidnap na siya ng mga aliens.” Tumawa siya. Pero ‘di niya rin kinaya at napaiyak pa rin siya. “Peste! Ang sakit talaga. Gago ka talaga Crosoft.”


1+4+3


AFTER SEVEN YEARS

HINDI mawala-wala ang ngiti ni Cambria habang pina-park ang red Toyota Vios na sasakyan sa pinapasukang daycare school ng anak na si Verdanah.

Kakatanggap lang niya ng magandang balita mula sa network na pinagtatrabahuan niya ng mahigit apat na taon. She was just so happy. Walang paglagyan ng saya ang kanyang puso. Sa wakas ay nakuha na rin niya ang pinapangarap niyang big break. ‘Yon ay mabigyan ng chance para i-direct ang sariling kwento para sa isang pelikula.

Hindi naging madali sa kanya ang pitong taon. Pagkatapos nang ‘di pag-sulpot ni Crosoft sa kanya ay tumira siya sa bahay ng kanyang Lola Antiqua sa Cebu. Desisyon niya ang umalis. Una, para makapagsimula ng bago at kalimutan si Crosoft. Pangalawa, para na rin makalayo sa kanyang ina at kapatid. Ikinahihiya ng mama niya ang nangyari sa kanya. Masisira daw ang imahe ng kapatid kapag na laman ng ibang tao na dalagang ina ang kapatid nito. Iisipin daw ng ibang tao na wala itong kwentang ina. Araw-araw na nag-aaway ang kanyang mga magulang dahil doon kaya para matahimik ang lahat ay nag-desisyon siyang umuwi sa Cebu.

Pagkatapos niyang ipinanganak si Verdanah ay pinilit siya ng kanyang Lola Antiqua na ipagpatuloy niya ang huling taon niya sa pag-aaral. Palihim na pinapadalhan siya ng kanya ama ng pera. Noong una ay tumanggi siya pero ipinilit pa rin nito. Kahit malayo ay ‘di pa rin siya pinababayaan ng ama. Ito at ang lola niya lang ang nakakaunawa sa kanya.

Nakakuha siya ng isang scholarship sa isang international film school sa Cebu. Doon nahasa ang pagsusulat niya at ang paggawa ng mga palabas. Pagkatapos ng isang taon niya sa film school ay nakakuha agad siya ng trabaho bilang production assistant sa MS Network Cebu. Na promote siya at kinailangan niyang lumipat sa Maynila. Dinala niya ang tatlong taon pa lang niyang anak at ang Lola Antiqua niya. In that same year, nagkahiwalay ang mga magulang niya. Nagsimula na ring gumawa ng pangalan ang kapatid niyang si Misty gamit ang totoong pangalan nito na Mistral.

Hindi na natiis ng papa niya ang pagbabago ng ugali ng ina at kapatid. Ngayon, magkasama na sila sa iisang bahay. Okay na rin ‘yon dahil naging mas tahimik at mas naging masaya sila ng kanyang ama kasama ang anim na taon niyang anak at ang lola niya. Laking pasasalamat niya at nasa kabilang network ang kapatid kung ‘di ewan niya na lang talaga.

As for Crosoft, ang alam niya ay pumunta ito sa London at ‘di na tinapos ang kurso nito sa Pilipinas. She haven’t heard of him since, not until he saw him in several TV commercials, billboards, and digital billboards. Hindi na ito ang simpleng baklang si Crosoft na nakilala niya noon. He was now the most sought after international model, turned actor Crosoft D’Cruze. Ang pinagtataka niya lang ay ‘di na nito pinaglalandakan sa buong mundo na bakla ito.

Nah, he was just protecting his image. Ipinilig niya ang ulo. Pinatay na niya ang makina ng sasakyan bago lumabas. Hindi naman na bago ‘yon. Sa mundo ng entertainment. Lahat pwedeng pekein. Marami na siyang kilalang artista na bakla pero macho image pa rin. Crosoft is not an exception. Paminta pa rin ‘yon. Bitter Cambria?!

Papalapit na siya sa waiting area kung saan lagi niyang sinusundo ang anak. Malayo pa lang ay napansin na niya ang mga batang nagkukumpulan. Binilisan niya ang paglalakad. Sino ba ang pinagtutulungan ng mga batang ‘to? Kinabahan siya. Alam niyang mabait ang anak pero may attitude rin ang ‘sang ‘yon. Mana kasi sa ama!

“Wala kang daddy!”

“Meron akong daddy!” narinig niyang sigaw ng anak. Hinanap niya ito mula sa nagkukumpulang bata. “Sabi ni teacher Page meron akong daddy.”

“If you have a daddy, then where is he now?”

“Why can’t we see him?”

“Kasi ang papangit n’yong lahat! My daddy is too handsome to face you. Sa mukha pa lang ninyo masusuka na siya.” Tumaas naman ang kilay niya. Ano na namang pinagsasabi nitong anak niya? “I love my daddy so much that’s why I don’t like him going here.”

“We are not ugly! Ikaw ang pangit!”

“Maganda ako! Sabi ng mom –“ mabilis na itinakip ni Cambria ang isang kamay sa bibig ng anak. Pumiksi pa ito pero pinandilatan niya lang ito ng mata. Talaga naman ‘tong batang ‘to. Ngumiti siya sa mga bata. “Kids, pasensiya na. Pero kailangan na naming umalis ni Danah. Kaya mauuna na kami. Pakabait kayo, ha? Halika na.” Hinila na niya ang anak.

Nang makalayo sila ay binitiwan ni Danah ang kamay niya. Nilingon niya ito at pinamaywangan. Masama ang tingin nito sa kanya. Napaka-maldita talaga ng batang ‘to.

“Mommy ilabas n’yo na ang daddy ko!” sigaw nito.

“Hindi ko siya ilalabas dahil napaka-maldita mo.”

Kamukhang-kamuha nito si Crosoft. Ewan niya ba kung bakit naging kamukha nito ang ama nito. Malamang Cambria siya ang tatay. Nakita na niya ang mga baby pictures ni Crosoft noon at walang pinagkaiba ito kay Danah bukod sa mataas na buhok ng anak. Kung maiksi na panlalaki siguro ang buhok ng anak ay kahit si Crosoft ay masasabing anak nga nito si Danah sa laki ng pagkakahawig ng anak dito. At ‘yon ang kinatatakot niya. Takot siyang magkita sila ulit ni Crosoft.

“Bakit ba ayaw mong ilabas si Daddy?!” ngumuso ito at ipinadyak-padyak pa ang mga paa. “Napaka-selfish mo mommy!”

She sighed. It was always like that. Lagi nitong hinahanap ang ama nito. Wala siyang matinong masabi sa anak kaya inisip nito na tinatago niya ang ama nito. Kung alam lang nito na ang ama nito ang unang nagtago.

Nilapitan niya ang anak at tumingkayad ng upo sa harap nito. Hinawakan niya ang dalawang balikat nito bago hinuli ang tingin nito. Nakasimangot pa rin ito.

“Anak, ang daddy mo na sa tabi-tabi mo –“ she was caught midsentence when she noticed something. May kung anong hawak na papel si Danah. “Ano ‘yan?” nguso niya sa hawak ng anak.

Malaki ang ngiti nito. “Mommy, kilala ko na kung sino ang daddy ko.”

Kumunot ang noo niya sa sinabi ng anak. Bigla nitong iniangat ang hawak at ipinakita ‘yon sa kanya. Sa gulat niya ay napaupo tuloy siya nang tuluyan sa sementadong daan.

“S-Saan mo ‘yan nakuha?” gulat na tanong niya sa anak.

Hawak-hawak nito ang larawan ni Crosoft. Hindi ‘yon simpleng larawan dahil may tatak pa ng brand ‘yon na isa sa mga ini-endorse ni Crosoft. Mababaliw yata siya.

“Paano mo na sabing siya ang daddy mo?”

“Ang gwapo eh,” napa-huh talaga siya sa naging sagot ng anak. “Siya siguro ang daddy ko.” Ngumisi ang anak niya.

God! Mababaliw yata ako nang maaga.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE