Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

“MOMMY, bakit ‘di ko na po kayo nakikitang together ni daddy?” malungkot na tanong ni Danah kay Cambria. “Cry na po si Danah.”

Masuyo niyang hinaplos ang buhok ni Danah.

“Anak, medyo ‘di kami okay ng daddy mo ngayon.”

“Bakit naman mommy?”

“Hmm, mahirap i-explain anak, saka ‘di mo pa maiintindihan sa ngayon.”

“Ayoko pong enemy kayo ni daddy, mommy. Malulungkot ako. Gusto ko po happy lang po tayo together.”

Niyakap niya ang anak. “Ako rin anak, ayoko ring magalit sa daddy mo kasi ayokong malungkot ka.” Kung sana naging tapat lang sa akin ang papa mo.

Tumunog bigla ang doorbell ng bahay. Kumulas siya sa pagkakayakap sa anak.

“Mommy baka si daddy na ‘yan!” masiglang sigaw nito.

Tumayo siya para buksan ang pinto. Si Crosoft ang unang nasa isip niya. Baka pinuntahan siya nito para itama na ang lahat. Kahit na galit siya kay Crosoft ay hindi pa rin niya isinasarado ang puso para sa paliwanag nito. Maiintindihan niya naman basta’t sasabihin nito lahat ng mga sekreto nito.

Nakangiting binuksan niya ang gate.

“Cro –“ natigilan siya nang si Alt ang makita niya. “Alt?!”

“Oh, para ka namang nakakita ng multo riyan?” tumingin siya sa likod nito. Walang Crosoft na nakatayo. Nadismaya siya.

Dalawang linggo na rin niyang hindi masyadong nakakausap si Crosoft. Kahit sa set ay malamig ang turingan nila sa isa’t isa. Ganoon sila kahit noong college. Kapag nag-aaway sila ay hindi sila nag-iimikan. Laging siya ang nauunang magsalita bago sila nagkakabati.

“May inaasahan ka bang ibang bisita, Bria?”

“Huh?”

“Wala, pwede bang pumasok?” itinaas nito ang dalang pagkain nito na nakasilid sa isang paper bag. “May dala akong snacks.”

“Sige, pasensiya na. Tuloy ka Alt.”

Pinatuloy niya sa bahay si Alt. Kinuha niya ang mga dala nito para ihanda sa kusina. Iniwan niya si Alt sa sala kasama si Danah. Napangiti siya kanina nang masayang niyakap ni Danah ang Tito Alt nito. Spoiled kasi ito masyado kay Alt.

Habang inihahanda ang pagkain ay hindi niya maiwasang mapatingin sa cell phone niya na inilapag niya sa mesa. Hinihintay niya pa ring tumawag o mag-text man lang si Crosoft. Maliban sa paghingi ng pahintulot para makasama ang anak ay hanggang doon lang ang pag-uusap nila lagi. Hindi niya maiwasang mainis. Hindi pa rin talaga ito nagbabago.

Bigla siyang nasuka nang maamoy ang kung anong mabahong pagkain. Bumaliktad ang sikmura niya. Ang pangit talaga ng amoy. Tinakpan niya ang ilong habang hinahanap kung saan galing ang masangsang na amoy.

“Oh anak,” napalingon siya sa ama. Lumapit ito sa tabi niya. “Okay ka lang?”

“Pa, may naamoy ka bang panis na pagkain?” nahihirapang tanong niya habang nakatakip ang isang kamay sa ilong.

Kumunot ang noo nito. “Panis na pagkain?” iginala nito ang tingin sa mga nakahandaang pagkain sa mesa. “Wala naman at saka bago naman ‘to.” Kinuha nito ang isang yum burger. Lalo lang bumaliktad ang sikmura niya nang maamoy ‘yon.

“Pa ang baho niyan!”

“Huh? Anong mabaho sa burger?”

Lumayo siya sa papa niya. “Pa kunin n’yo na lahat ng burger. Ang baho talaga.”

“Anak, kinakabahan ako sa’yo.”

“Sige na pa, okay lang ako. Kunin n’yo na lahat ng ‘yan.”


1+4+3


KANINA pa hindi mapakali si Cambria.

Ngayon pa lang gusto na niyang sabunutan ang sarili. Bakit ba hindi siya natututo? Kung ‘di siya nagkakamali baka buntis na naman siya. Ngayon niya lang naalala na isang buwan na pala siyang delayed. Kulang na lang ay kalbohin niya ang sarili. Kahit kailan hindi talaga siya nag-iisip.

“Bria? Bria?!”

“Huh?” napakurap-kurap siya.

Naalala niyang kasama pala niya si Alt. Pinasama siya nito sa set ng Precious Chapters. Short series ‘yon na natatapos lang sa loob ng isang linggo. Every week may bagong story na pinapalabas na hango sa mga tagalog pocketbooks.

“Nabasa mo na ang script na pinahiram ko sa’yo?”

“Oo,” She nodded. “Medyo ma drama pero okay naman.”

“Hindi mo talaga trip ang mga drama. Sabagay, magaling ka sa mga horror at suspense na mga palabas.”

Sa totoo lang gusto niya ang kwento. Kwento ‘yon ng isang babaeng na in love sa isang bakla. Kaso, sa ending hindi naman pala talaga totoong bakla ang lalaki. It turned out na nagpanggap lang na beke ang lalaki para mapalapit sa bidang babae. Kumpara sa kanya, malabong sabihin sa kanya ni Crosoft na lalaki talaga ito at hindi ito beke. Sa mga nobela lang naman ‘yon nangyayari. Hindi sa totoong buhay.

“Anyway, sino nga pala ang gaganap na bakla?” pag-iiba niya. Wala siyang idea sa cast dahil ‘di naman ‘yon nabanggit sa kanya ni Alt.

To answer her question biglang nagkagulo sa set. Nagsisigawan at nagtitiliian ang mga fans na nasa labas ng railings. Nagulat siya nang makita si Crosoft. Agad na napatingin siya kay Alt.

“Si Crosoft?!”

“Yup,” ngumiti si Alt.

Napalunok siya. Hindi niya alam kung nang-aasar lang ‘tong si Alt o ginagamit lang ang pagiging mahusay nitong direktor sa pagpili ng akmang gaganap sa role. Great!

Para ng tanga si Cambria sa kakatakip ng mukha sa tuwing aarte si Crosoft. Hindi niya alam kung matatawa siya o maiilang siya sa inaarte nito. Fine, Crosoft is gay pero hindi siya ‘yong klaseng bakla na masyadong maarte at bekeng-beke. Masasabi niyang magaling talaga itong umarte dahil kuhang-kuha nito. Sabagay, nakaka-relate naman ito. Bitter Cam!

Break time. Hindi niya maiwasang panakaw na tignan si Crosoft mula sa kabilang tent. Hindi niya alam kung gusto niya ‘yon o baka dala lang ng hormones kaya niya gustong yakapin ito. Baka naman nababaliw lang siya.

“Burger you want?” alok ni Alt.

Naamoy niya agad ang masamang amoy na ‘yon ng burger. Pasimpleng itinakip niya ng isang kamay sa ilong.

“Ayoko,” ‘langya Alt bakit ba ang hilig mo sa burger? “May ibang pagkain ba?”

“Good thing, may mamon sa buffet ngayon. Wait, kukuha ako. Ibabalik ko na rin ‘to.” Mabilis namang nakabalik si Alt sa tabi niya dala ang dalawang mamon at bottled water. “Here,”

“Thanks,” she smiled.

“Anyway, kinukulit ka pa rin ba ni Skip?”

“Ni Skip? Hindi ah. Nangungumusta lang siya minsan.”

“Feeling close talaga ang ‘sang ‘yon.” Nahuli niyang ngumiti si Alt.

“Alam mo,” simula niya. “Natutuwa ako kasi tanggap mo pa rin ang kapatid mo kahit na bakla siya. I mean, not everyone accepted their sons or brothers to be like that.”

“Sino ba naman ako para ‘di tanggapin ang kapatid ko? He’s the only family I have in the world. Pagkatapos kaming iwan at pamanahan lang ng ama namin bago siya nag-migrate kasama ng pangalawang pamilya niya ay kaming dalawa na lamang ni Skip ang magkasama. Noong una siguro nasaktan ako nang malaman kong bakla siya. Inisip ko na nababaliw siya o ‘di kaya may sakit sa utak. He hated me for treating him bad just because he’s different. In the end, I realized I was wrong. Hindi ko pala kayang itakwil ang kapatid ko.”

Hinawakan niya ang isang kamay nito. Tinignan ni Alt ang kamay nila bago inangat ang tingin nito sa kanya. Napangiti siya sa expression ng mukha nito. She always knew Alt is cute in his own way kahit na lagi itong seryoso.

“Ang swerte ni Skip sayo.”

He chuckled. “Parang bromance yata ang tunog.”

“Hindi ah, alam ko namang straight ka.”

“Anyway, curious lang ako.”

“Ano ‘yon?”

“Ano mas type mo? Straight guy or ‘yong medyo tumigilid nang slight.” Napamaang siya. Hindi agad siya nakapagsalita. Tumawa naman bigla si Alt. “I get it.”

Pero bakit parang may kahulugan ang pagkakatanong ni Alt sa kanya nun?

Nag-resume na ang shooting. Tahimik lang siyang nakatingin sa monitor sa tabi ni Alt. Medyo action-comedy ang eksena na kukunan. Binabastos ang babae at biglang magiging lalaki si Crosoft at ipagtatanggol ang bidang babae.

Sa kalagitnaan ng eksena malakas na naitulak ng isang extra si Crosoft kaya napasalampak ito sa lupa. Napasinghap ang lahat nang pagtaas ni Crosoft sa isang kamay nito ay dumudugo na ‘yon. May bumaon na bubog sa kamay nito. Inatake siya ng pag-alala niya para kay Crosoft. Akmang tatayo siya pero pinigilan niya ang sariling lumapit rito. Mabilis naman na nakalapit ang first aid team kay Crosoft. Wala siyang ibang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga.

“Okay guys pack up na muna tayo!” sigaw ni Alt mula sa megaphone. “Bukas na lang ulit natin ‘to ituloy. Call an ambulance for Crosoft.”

“Okay po direk!”

“Hintayin mo muna ako Bria at kakausapin ko lang si Crosoft.”

Sinulyapan niya ang hindi nakatinging si Crosoft hanggang sa tuluyan na itong natabunan ng mga taong nag-a-assist sa kanya. Muli siyang napabuntong-hininga. Binalot ng kalungkutan ang puso niya. Gusto niya itong lapitan pero wala siyang lakas ng loob para gawin ‘yon.

Sana ay okay lang siya.

Mabilis naman na nakabalik si Alt. May ilan lang itong kinausap sa set bago nagpaalam sa mga kasamahan nito. Habang nasa sasakyan nakatanggap siya ng message mula kay Crosoft. Mabilis na binasa niya ang mensahe nito.

Masakit. Tlga bng di mo na ko mhal? –Crosoft

She was hesitant to reply pero lakas loob na sumagot siya sa text nito.

Ok na ba kamay mo? –Cam

But Crosoft didn’t reply. Napabuntong-hininga siya. Masakit din Crosoft. Pero hindi sa kamay kung ‘di … dito sa puso ko.


1+4+3


NAKA ilang tawag na si Cambria sa cell phone ni Crosoft pero hindi pa rin siya nito sinasagot. Laging out of reach ang phone nito. Napabuntong-hininga siya. Bumaba ang kamay niya sa kanyang impis pa niyang tiyan. Hindi pa ‘yon gaanong halata dahil ilang weeks pa naman siyang buntis.

Hindi niya alam kung anong dapat na maramdaman. May bahagi ng puso niya na gustong ilihim muna ang kalagayan kay Crosoft pero hindi niya alam kung bakit mas nangingibabaw ang kagustuhan niyang makipagbati kay Crosoft. Handa siyang kalimutan ang lahat. Ngayon pa’t magkakaanak na ulit sila. Ayaw niya na ulit maulit sa anak ang nangyari sa kanila ni Danah.

Am I feeling like this dahil sa mga anak namin o dahil mahal ko lang talaga siya? Napabuntong-hininga ulit siya. I think both.

She decided to send him a message.

Can we talk later? – Cam

Lalo lang bumigat ang kalooban niya nang wala siyang matanggap ni sagot sa text niya rito. Nasaan ka ba ngayon Crosoft?

Nag-desisyon si Cambria na puntahan na lang si Crosoft sa condo nito. Pero hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Natigilan siya nang biglang sumakit ang puson niya. Kinalma muna niya ang sarili. Marahil dala lang ‘yon ng kaba. It was weird but she tried to shook it off from her head. Huminga siya nang malalim.

It’ll be okay.

Pagbukas ng elevator ay dumiretso agad siya sa condo unit ni Crosoft. Inangat niya ang mukha sa pinto nang nasa harap na siya ng unit nito. Ilang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago nagkalakas loob na kumatok sa pinto. Napangiwi siya nang bumalik ulit ang sakit sa may puson niya. Muli ay humugot siya nang malalim na hininga para kahit papaano ay mawala ang sakit.

Naka tatlong katok na siya pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Habang tumatagal ay lalong sumasama ang pakiramdam niya. Mariing naipikit niya ang mga mata saglit nang biglang umikot ang buong paligid. Huminga siya nang malalim at pinakalma ulit ang sarili.

Akmang kakatok ulit siya nang biglang bumukas ang pinto. Kasabay nang panlalaki ng mga mata niya ay hindi agad siya nakapagsalita nang makita si Jeymes. Parang sinipa ang puso niya. Anong ginagawa nito sa condo ni Crosoft?

Lalo lang siyang kinutuban nang mapansin ang gulat sa mukha nito.

“Jeymes?” usal niya.

“Bria?”

“Jeymes, sino ‘yan?”

Napatingin siya sa likod nito. Gulat ang unang-unang nakita niya sa mga mata ni Crosoft. Sapat na para magising siya sa kabaliwan niya. Hindi siya mahal ni Crosoft. It will always be Jeymes. It will never be her. Tama si Skip. Responsibilidad lang ang tingin ni Crosoft sa kanila ni Danah. And it hurts so much!

Naramdaman niya ang pamamasa ng sulok ng mga mata niya. Nanuyo ang lalamunan niya at nagsimulang manikip ang dibdib niya. Parang ano mang oras sasabog na ang lahat ng emosyong naipon sa puso niya.

“C-Cam? Cam let me explain –”

“I-It’s okay,” pilit siyang ngumiti. “I-I get it.”

Hindi na niya hinintay na magsalita ulit si Crosoft. Iniwan niya na ito. Tuluyan nang bumigay ang pinipigilan niyang emosyon at napaiyak na siya nang tuluyan. Napahawak siya sa dibdib niya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya ng mga oras na ‘yon. Para siyang mawawalan ng hangin. Ang hirap huminga.

“Cam!”

Lalo pa niyang binilisan ang paglalakad hanggang sa makapasok siya sa elevator. Patuloy lang ang pag-iyak niya habang nasa loob ng elevator. Napahawak siya sa malamig na dingding nang biglang mawalan ng lakas ang mga binti niya sa kakaiyak.

That was it. Sino bang niloko niya? Lalo lang yumugyog ang mga balikat niya sa pag-iyak. Bumukas ang elevator at nagmadali siyang lumabas sa building.

“Cam, wait!” hinihingal na nahawakan ni Crosoft ang braso niya.

“Crosoft tama na!” sigaw niya.

“Cam let’s talk please.”

Inalis niya ang kamay ni Crosoft na nakahawak sa braso niya. Matapang na tinignan niya ito sa mga mata. Sa kabila ng sakit na nararamdaman niya ng mga oras na ‘yon ay nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya rito. Bakit ba mahal na mahal pa rin niya ito kahit na sobrang sakit na?

“Crosoft,” simula niya. “Alam mo ba kung gaano ako nasasaktan ngayon?”

“Cam I’m sorry –“

“Crosoft ang sakit! Sobrang sakit! Parang ano mang  oras ikamamatay ko ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Crosoft bakit nagsinungaling ka sa akin?! Bakit hindi mo magawang sabihin sa akin na bumalik na si Jeymes? Bakit hindi mo masabi sa akin ang totoong nangyari sa inyo ni Jeymes noon? Crosoft nagmumukha na akong tanga?!”

“Please, listen to me. Hindi ko naman gustong –“

“Mahal na mahal kita pero wala ka ng ibang ginawa kung ‘di paasahin at paglaruan ang nararamdaman ko para sa’yo. Napaka-unfair mo sa akin!”

Patuloy lang sa paglandas ang mga luha niya sa mukha.

“Crosoft, tama na.” She sobbed. “Tama na. Huwag mo ng sabihin na mahal mo ako. Na kaya mong maging lalaki para sa akin. Ayoko ng umasa. Pagod na pagod na akong umasa sa pagmamahal mo. Pagod na pagod na akong sumugal sa nararamdaman mo para sa’kin.”

“Cam…” sinubukan ni Crosoft na lumapit sa kanya.

“No Crosoft, huwag kang lumapit sa’kin.”

“Cam bakit ayaw mong makinig sa’kin?”

“Pagod na akong masaktan. Pagod na akong maghintay. Pagod na akong maging tanga. Ayoko ng mahalin ka Crosoft. Hinintay kitang sabihin mo sa akin ang totoo pero hindi mo nagawa. Kahit mahirap sa akin na magtiwala pero sinubukan ko dahil mahal kita. Kahit na minsan nasasaktan na ako pero hindi ko pa rin magawang magalit sa’yo. Paulit-ulit kitang binigyan ng pagkakataong magpaliwanag sa akin. Ilang araw kong hinintay na tumawag at puntahan mo ako. Pero walang Crosoft na dumating. Walang Crosoft na nakipagbati. H-Hindi ka dumating…” Lalo siyang napa-iyak. “Lagi mo na lang akong pinaghihintay Crosoft.”

Hinuli niya ang tingin nito.

“Pero alam mo ba, hindi mo naman kasalanan. Ako lang naman ‘tong umasa. Ako lang naman ‘tong nagmahal. ‘Yon nga ang masakit. Ako lang naman talaga ang nagmahal.”

“Cam huwag mong sabihin ‘yan. Alam mong mahal kita.”

“Mahal mo ako sa paraan na kaya mo! Tanggap ko na.” Mapait siyang ngumiti. “Ako lang naman talaga ang umasa. Pero huwag kang mag-alala. Malaya ka na. Hindi na kita pakikialaman pa. Malaya ka nang balikan ang buhay na gusto mo. Let’s just forget everything.”

 Tinalikuran na niya ito.

“Ganoon lang ba kadali para sa’yo ang lahat?” napahinto siya. “Right, you have your Alt. Kaya ano lang naman ako, diba? Hindi ako kawalan sa buhay mo dahil alam mong may sasalo sayong ibang lalaki. Right, a real one! Kaya ayaw mo makinig sa akin. Cambria naman, tiwala lang ang hinihingi ko sa’yo pero ‘di mo maibigay.”

Hinarap niya ito. “H-Huwag –“ lihim siyang napasinghap nang muling sumakit ang puson niya pero hindi ‘yon gaanong pinansin. “Huwag mong idamay si Alt dito!”

“Bakit? Tama ako, diba?”

“Tama na Crosoft!” habang tumatagal lalong sumasakit ang puson niya.

“Tama na? Cam, alam mo ba ang pinakamasakit sa lahat? ‘Yong mismong mahal mo hindi kayang paniwalaan ang pagmamahal mo sa kanya. Alam mo ba kung gaano kasakit ‘yon? That f-ckin hurts!” Marahas na natutop nito ang noo.

“Tama na Crosoft, p-please.” Nakagat niya ang ibabang labi. Oh God!

Saglit na naipikit niya ang mga mata nang biglang gumuhit ang matinding sakit sa puson niya. Hindi niya na kayang makipag-away pa kay Crosoft. Parang ano mang oras mawawalan na siya ng malay. Hindi niya alam kung bakit nanghihina siya.

“Madali para sa’yo na iwan ako dahil alam mong may Alt na tatanggap sa’yo. Na may Alt na naghihintay sa’yo. Na may Alt na bubuo sa pinapangarap mong pamilya.”

“T-Tama na…”

“Ayaw mong marinig? Totoo, diba? Damn it Cam! This is so unfair!”

“Tama na!” malakas na sigaw niya. God, hindi na niya maramdaman ang katawan sa sobrang sakit.

Natahimik ito.

“C-Cam?” bumukas ang takot sa mukha ni Crosoft.

Tuluyan na siyang nawalan ng lakas na makatayo. Naramdaman niya ang pamimigat ng mga talukap ng kanyang mga mata at ang unti-unting pagbagsak niya sa sementadong daan.

“Cam!” sigaw nito.

Mabilis na tinakbo ni Crosoft ang pagitan nilang dalawa.

Tila bulong na lamang ang boses ni Crosoft. Para siyang nabibingi. Unti-unti na ring nanlalabo ang kanyang mga paningin. Ilang beses niyang ikinurap-kurap ang mga mata.

“Cam you’re bleeding…”

Napansin niya ang mga dugo sa mga binti niya.

“Crosoft…” nahihirapang bulong niya.

Walang sabi-sabing binuhat siya nito. Patuloy pa rin ang paglandas ng mga luha sa mga mata niya.

“Crosoft ang baby natin…” iyak niya.

Hindi na niya narinig ang mga sumunod na salita ni Crosoft dahil tuluyan na siyang nilamon ng kadiliman.

Crosoft, ang baby…



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE