Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

“HIJA,” napalingon si Cambria sa likuran.

Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Tita Dristina. Ngumiti siya. “May gagawin ka ba?” tanong nito.

Umiling siya. “Wala naman ho Tita, bakit?”

“Bonding tayo, kahit ilang minuto lang.” Ikinuwit ng ginang ang braso nito sa braso niya bago siya nito hinila sa patio ng bahay. “Napansin ko lang naman na ‘di pa tayo gaanong nakakapag-bonding dahil lagi kang sino-solo ng anak kong ‘yon.”

They sat opposite together on the displayed wooden chairs, between them is another wooden coffee table. May nakapatong na maliit na transparent bowl na may lamang crystal stones na iba’t iba ang kulay.

“Ewan ko nga doon. Ang kulit masyado.”

“I know hija,” napangiti ito. “Alam mo, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na may anak na kayo ni Crosoft.” Tita Dristina sighed dreamily. “Kahit naman kasi gusto kong magka-apo sa kanya ay medyo malabo naman talaga ‘yon, frankly speaking. Mahal ko ang anak ko at tanggap ko siya kung ano pa siya.”

“He stayed with me for a couple of months… that was after you left. Bilang ina niya, kahit na hindi niya sabihin alam kong may problema siya. He may be able to perfectly pull off a happy smile but he will never fool me. I know he was heartbroken when he couldn’t find you anymore. He was hopeless. He was lost.”

“He went to London and almost live his life there alone. My son was never the same ever since you left Bria. It had been a long time to see my son smiling so happy and contented; to hear his heartily laugh like he always do. Pero nang umuwi siya rito pagkatapos ng maraming taon. Ganoon na lamang ang gulat ko nang makita ko ulit ang masayang ngiti ng anak ko at marinig ulit ang sigla ng bawat pagtawa niya. I will assume, it is because he had finally found you.”

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Gusto niyang paniwalaan ang lahat ng sinabi sa kanya ng ina ni Crosoft. A part of her wanted to assume the same thing. Pwede kaya ‘yon? Would her heart be okay to think that way?

“My son maybe different. He may have his own way of dealing with his emotions and dilemmas. Hindi ko rin alam ang takbo ng utak at puso ng anak ko. Pero malay ko naman, diba? Malay natin, nagawa mo talagang mapa-ibig ang isang katulad niya.”

Lumaki ang ngiti nito sa kanya.

“Pero alam mo ba, hija. May isang bagay na napansin ako sa anak ko. Iba siya sa mga kagaya niya. Mahirap mang paniwalaan pero naniniwala akong kaya ka niyang mahalin.”

Cambria sighed. “Siguro nga po Tita, pero ayoko namang dumating ‘yong panahon na magsawa siya. Siguro nga po ngayon, oo. Pero paano po ang sa susunod? Ayoko pong masaktan ang anak namin.”

“My son is not perfect. I won’t defend him for that and I won’t even tolerate his bad actions. Siguro ay sobrang nasaktan ka ng anak ko noon. At maiintindihan ko kung mahirap pa rin sa’yo na magtiwala ulit sa kanya. It’s okay Bria.”

Mapait na ngumiti siya. “I’m sorry Tita. Marami pa talaga akong iniisip sa ngayon. Si Crosoft lang po ang tanging nakakaalam kung hanggang saan talaga kami. Maybe we just need more time to think things before deciding whether we should give each other a chance or not.”

“I understand,” naiangat ni Cambria ang tingin sa ginang nang abutin nito ang mga kamay niya. “I have no idea what happened between you and my son. Pero naniniwala akong may rason kung bakit nagawa ‘yon ng anak ko.”

“Siguro nga po.”

“Bria?”

“Po?”

“Do you still love my son?”

Hindi siya nakaimik. Natulala siya at napatingin lang sa mga mata ng ginang. Sa ilang taon na magkasama sila ay naging-discreet siya sa nararamdaman niya para sa anak nito. Kahit na kay Crosoft. Hula nga lang niya ay baka masyado lang keen observant si Crosoft kaya na pansin din nito ang minsang pagka-ilang niya rito lalo na kapag niloloko siya nito.

Crosoft would occasionally teased him by simply seducing her and she would immediately looked away. Malamang! Sa kalandian nun kahit babae maakit ng kumag. Isa na ako doon. Pagkatapos nun ay tatawa ito at sasabihin sa kanya na gusto siya nito. Mamumula naman ang litse niyang pisngi. Then game over. Crosoft wins.

Gusto niyang isipin na hindi napansin ng ina ni Crosoft ang lihim na pagmamahal niya sa anak nito pero sa uri ng tanong nito mukhang matagal na nitong alam ang tunay na nararamdaman niya para kay Crosoft.

Naisip niya, kung may pagkakataon ba na nakadama ng awa ang ina ni Crosoft sa kanya dahil umibig siya sa isang baklang hindi kailanman maibabalik ang pagmamahal na kailangan niya?

“Hija,” na balik ulit ang atensiyon niya sa ginang. “Do you still love my son?” ulit nito at nang hindi pa rin siya sumagot ay iniba nito ang tanong. “Let’s change the question. May pag-asa ba ang anak ko sa’yo?”

Marahang tumango lamang siya. Agad namang sumilay ang isang ngiti sa mga labi nito. Naramdaman niya ang pag-init ng mga pisngi sa pag-amin ng katotohanang mahal pa rin niya ang anak nito. Alam niyang malaki ang posibilidad na masasaktan ulit siya pero mas mahirap itanggi ang isinisigaw ng puso. She may hate herself after if things wouldn’t work out for them again… but there is a big part of her who wanted to risk that chance of giving Danah a happy family her daughter deserves and for her to be happy as well.

“Pero natatakot po ako.” Pag-amin niya. “Natatakot po akong mahalin siya nang tuluyan.”

“Alam ko, hija.” Humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. “Pero huwag mo sanang isarado ang isip at puso mo sa posibilidad na kaya ka ngang mahalin nang buong-buo ng anak ko at kaya niya ring bumuo ng isang masayang pamilya kasama n’yo.”

Sana nga…


1+4+3


“HOY, Crosoft! Ikaw na nga ang nagyayang maglaba tayo ikaw pa ‘tong ‘di nagtitino.” Pinukol ni Cambria nang matalim na tingin si Crosoft. “Umayos ka kung ayaw mong ikaw ang i-hanger ko.”

Nasa likod bahay sila. Nakaupo siya sa isang bangkito habang kinukuskos ang mga maruruming damit at kumot sa bumubulang palanggana. Tig-isa sila ni Crosoft ng palanggana. Gabundok pa ang lalabhan nila dahil ang magaling na herodes pinag-day off lahat ng mga katulong sa bahay. Kaya heto sila, magba-bonding daw sila sa paglilinis at paglalaba.

Ayaw pang ipagamit sa akin ang washing machine. Ito naman si Crosoft nagloloko sa paglalaba. Sa halip na kuskos ang ginagawa. Inaapak-apakan lang ang nilalabhan. Mawawala ba ang dumi niyan?

“This is fun, right?”

“Mukha mo!”

“Ano ka ba naman Cam. Dapat masanay ka na. Kasi kapag kinasal tayo. Kapag wala tayong trabaho sabay tayong maglalaba, maghuhugas ng plato, maglilinis ng bahay, mamalantsa ng damit, at maliligo.” Malutong na tumawa ito. “Ay bongga ‘yon!”

“Asa ka pa! Maligo ka mag-isa mo. Manyak ka talagang bakla ka eh.” Sa inis niya ay ibinato niya ang isang medyas na nakapa niya sa loob ng palangggana. Sapol ‘yon sa mukha nito. Natawa siya nang malakas. “’Yan ang bagay sayo.”

Nabasa ang mukha ni Crosoft. Pasalamat ito at medyas lang ‘yon.

“Ah gano’n? May batuhan na nangyayari?”

Biglang yumuko si Crosoft at may kung anong kinapa sa sariling palanggana nito. Hindi naman siya ganoon ka tanga para ‘di makuha ang susunod na gagawin nito. Pero bago paman siya makatayo ay napunta na sa buong mukha niya ang ibinato nito na basang damit.

“Crosoft!” tili niya. Marahas na inalis niya ang damit sa mukha at ibinato ‘yon pabalik kay Crosoft. Lalo lang siyang nainis nang mailagan nito ‘yon. Sinayawan at ginilingan lang siya ng loko. “Baliw ka talaga eh!” hindi lang mukha niya ang nabasa pati ang itaas na bahagi ng suot niyang blouse.

“Eh, sino ba sa atin ang nauna?”

“Not fair! Medyas lang ‘yong akin eh. Bakit damit ang ibinato mo?”

“Not fair ka rin.”

“Huh? Ako pa ang not fair?” napaamang siya. “Ang kapal ah.”

“Binibigay ko na nga sa’yo ang puso ko ayaw mo pa rin. Sa tingin mo fair ang pandi-deadma mo sa nararamdaman ko? Para lang ‘yang medyas at shirt na binato natin sa isa’t isa. Nagpapatunay lang ‘yon na malaki ang effort ko at maliit naman ang feeback na nakukuha ko sa’yo.”

“Anong konek niyan sa pagbabatuhan natin ng basang gamit?”

“Wala, pinag-connect ko lang.” He chuckled.

“Baliw! Maglaba ka na nga lang diyan.”

“Mommy! Daddy!” sabay silang napalingon sa anak.

Kumunot naman ang noo niya nang mapansin ang hawak ni Danah. Nakaipit sa kili-kili nito ang Barbie doll nito. Sa isang kamay naman ay isang pink na maliit na palanggana na sakto lang sa kamay nito. Malapad ang ngiti na lumapit ito sa kanila.

“Mommy, daddy, sali po ako sa inyo.” Wika ng anak nang makalapit.

“Anak huwag na,” sabi niya. “Doon ka na lang sa loob maglaro.”

Danah pouted her lips. “Boring naman doon mommy eh! Join na lang ako.”

“Verdanah huwag ng makulit.”

“Daddy oh si mommy ang KJ.” Sumbong nito kay Crosoft.

Crosoft burst out laughing. Hayan na naman. Pinagtutulungan na naman siya ng dalawang ito. Mag-ama talaga!

“Hayaan mo na ‘yang mommy mo, baby. Puwesto ka na riyan.” Sabi na eh.

“Oo na, sige na.” Suko na rin niya. “Pero diyan ka lang. Huwag kang maglaro ng tubig.”

“Eh mommy, paano ko po maki-clean si Dolly kung walang water and soap?”

Tinaasan niya ng kilay ang anak. “Ano na namang ginawa mo sa Barbie mo?”

Nakangising ipinakita nito ang doll nito sa kanila. Tawang-tawa naman si Crosoft nang makita ang pobreng manika. Hindi niya alam kung anong klaseng pambaboy ang ginawa ng anak sa doll nito pero para talagang ni rape ng limang penguin si Barbie. Gano’n ka saklap ang sinapit nito sa anak niya.

Tiyak siyang permanent pen ang ginamit ni Danah na pangkulay sa pisngi, bibig, at mata ng manika. Hindi nga lang niya sure kung ketsup ang pinan-shampoo nito sa buhok ng manika. Para kasing pinaghalo ang suka, patis, at ketsup base sa amoy nun. Mukhang nag-enjoy siya sa manyika niya. Medyo brutal ‘tong batang ‘to.

“Danah, ilang manika na ba ang siniraan mo ng buhay?” tanong ni Crosoft.

“Hmm, mga ten lang po, daddy.” Ngumisi si Danah. Ni lang pa.

Crosoft laughed. Wala talagang patawad itong batang ‘to sa mga laruan nito. Kaya na-i-i-stress ako nang bongga. Isama pang nakaka-stress din ang ama.

Habang nagsasampay ng mga kumot ay rinig na rinig niya ang tawanan at kulitan ng mag-ama. Hindi niya maiwasang mapangiti. Natutuwa talaga siyang marinig ang masayang tawanan ng mag-ama niya. Especially when they’re both happy. Iba ang hatid ng ngiti at tawa ni Danah sa tuwing kasama nito si Crosoft. Buong-buo na saya ang nakikita niya. Gano’n siguro talaga kapag alam mong pareho kayong mahal ng mga magulang n’yo.

She sighed. She suddenly remembered her mother. Kung sana naramdaman niya rin sa mama niya ang kaparehong pagmamahal ng papa niya sa kanya. Siguro nga, ‘di talaga siya kayang mahalin ng mama niya dahil sa pagsira niya sa buhay nito. Hindi pa nga siya pinapanganak malaki na ang kasalanan niya rito.

“Baby, knock-knock.”

Naputol ang pag-iisip niya nang marining ang boses ni Crosoft.

“Who’s there, daddy?”

“Tiger, lion, pating, kambing.”

“Naman eh! Ang haba naman niyan daddy.” Reklamo ni Danah. “Copy paste who?”baliw talaga itong batang ‘to.

“Ahem,” he cleared his throat first. “Kailan? Kailan? Kailan mo ba mapapansin ang aking lihim? Tiger, lion, pating, kambing ‘di mo pa rin pansin.” Kanta nito. Okay Crosoft, pangit na nga boses mo, dinagdagan mo pa ng korni mong knock-knock. Malakas at malutong naman na tumawa si Crosoft pagkatapos.

“Yuck! Ang korni mo daddy.”

“’Di ka naman supportive sa akin anak.”

“Okay lang ‘yan daddy! Love naman kita eh.”

“Eh ang mommy mo, love ba ako?”

Natigilan siya sa narinig. Bigla namang tumahimik. Nagtaka naman siya. Hindi niya makita ang mag-ama dahil nasa gitna siya ng mga nakasampay na kumot. Akmang sisilipin niya ang mag-ama nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod.

Napasinghap siya sa gulat. Nasamyo niya ang pamilyar na amoy ng pabango ni Crosoft. A moment after, she felt him buried his face on her neck. Gumapang naman ang kakaibang pakiramdam sa buong katawan niya na hindi niya maipaliwanag. She felt safe in his arms. Naipikit niya ang mga mata.

What are you doing to me Crosoft? Bakit ganito na lang ka apektado ang puso at isip ko sa’yo? Bakit ‘di kita matiis?

“Want to hear a joke?” he whispered in her ear.

“Sige,”

“Knock-knock,”

“Who’s there?”

“Love.”

“Love, who?”

“Love me.”

Naimulat ni Cambria ang mga mata. Pinihit naman siya ni Crosoft paharap dito. Nailapat niya ang dalawang palad sa dibdib nito. Instead of looking up at him pinanatili niya ang tingin sa dibdib nito. She was not that sure what to do. Hindi niya alam kung totoo ‘yon o plain joke lang ni Crosoft.

“Cam, look at me.”

“Ayoko.” Mahina niyang sagot.

“Why?”

“Dahil ayokong malaman mo ang iniisip ko.”

“What exactly are you thinking right now?”

She sighed. “Please don’t do this to me Crosoft.” She buried her face on his chest. “Nahihirapan ako.”

“Then don’t hold back.”

“Hindi ganoon ka simple ‘yon.”

“Just trust me Cam. Please, don’t think too much. I don’t want to see you looking so troubled because of me. It pains me.”

“Pero hindi ko alam kung anong iisipin ko. Ayokong umasa Crosoft. I know you’re different, and I’m afraid that if I let myself fall deeply in love with you again… I might not make it. Baka ‘di ko na kayanin Crosoft.” Tuluyan na siyang naiyak.

She felt him hugged her tight.

“I’m not perfect, alam mo ‘yon, diba?” tumango siya. “But if there is one thing that would make me the most stupid person in the world right now, ‘yon ay ang saktan ka na naman ulit. I’ve already done that before and I regret it. I was not man enough to take my responsibility. Kahit na ‘di naman talaga ako pure man.” He chuckled. “If you know what I mean. Sorry, medyo tumagilid kasi ako.”

Natawa siya sa huling sinabi ni Crosoft. Baliw!

“Umayos ka nga,” sita niya.

“Cam, alam mo bang ikaw lang ang nag-iisang babaeng sinuyo ko nang ganito? Mahiya ka naman sa akin.”

“Sino ba may sabing suyuin mo ako? Palibhasa ang lalaki ang nanunuyo sa’yo. Ang ganda mo eh.”

He chuckled. “Eh ayaw mo ‘yon? Sa history ng buhay ko. Ikaw lang ang nag-iisang babae na sinuyo ng isang Crosoft D’cruze. Nakaka-proud ‘yon, girl.”

“Pero Crosoft -” he cut her off.

“Tumingan ka nga sa akin Cambria. Paano mo malalaman na seryoso ako sa mga sinasabi ko sa’yo kung nasa maganda kong dibdib ang tingin mo. Alam mo ba na maganda rin ang mukha ko. Lalo na ang mga mata ko. Alam mo ba kung bakit?”

Iniangat niya ang mukha kay Crosoft.

“Bakit?”

“It says,” titig na titig ito sa kanya. “Cam, can I be with you?”

“You’re already with me.” Nakangiting sagot niya.

“Baliw! Alam ko. I want it for real. I want to be Danah’s father. Kahit ako naman talaga ang totoo niyang ama.” He chuckled. “I also wanted to be with you in a way na ‘di pilit. ‘Yong pareho nating gusto. Kahit na matagal ko nang alam na gusto mo rin. Pa hard to get ka lang. Gustong-gusto na kitang pektusan pero alam ko naman na deserve ko ‘to dahil ako naman ang unang nag-walk out.”

“Kapal!” tinampal niya ito sa balikat. “Pero buti alam mo.”

“I’m serious Cam.”

“Yes, we can. Pero ‘di ganoon ka simple ang lahat. Alam mo naman kung ano ka at –“ he silenced her with a kiss. Nanlaki ang mga mata niya sa pagkagulat. He immediately let her go, still it created something disastrous in her system. “Crosoft!” sita niya rito.

“Cambria Velasco huwag ka munang OA, okay. Huwag na muna nating isipin ang mga mangyayari bukas o sa ikalawa, ikatlo, ikaapat, at kung umabot pa man ‘yan ng isang milyong kinabukasan. Let’s just focus on what we have right now.”

She cupped his face and leaned closer. “Lahat ba ng naglolokong bakla kagaya mo ka sweet?”

“Let me remind you Cam, nag-iisa lang ako.”

“May malfunction na nangyayari sa kabaklaan mo.”

“Oo, at ikaw ang dahilan.”

Bumaba ang labi nito sa labi niya. Sa huli ay napangiti rin siya. She closed her eyes and kissed him as passionate as she can. She was not good at this, but she liked the feeling of his lips to hers. It taste sweet and heavenly. If time could always be like this, then there is nothing else she could wish for.

She felt his hand on her back pulling her closer to his body. Hindi niya napigilang ikuwit ang dalawang kamay sa leeg nito. She felt his lips formed a smile as he continued kissing her. It was crazy. Sabik na sabik yata talaga silang dalawa sa isa’t isa.

As soon as Crosoft let go awtomatikong naisandal niya ang sarili rito para kumuha ng lakas. Nanlalambot pa rin ang mga binti niya. She could hear their erratic heartbeat. Crosoft chuckled.

“Mukhang mabilis kang matuto ah.”

“Hmm?”

“We could kiss like this forever. At promise ko sa’yo. Hindi ako mandidiri.”

“Baliw!” she chuckled. But I like that idea.

“Daddy!” sabay silang napalingon sa sumigaw. Nakasimangot na naka pamaywang si Danah sa harap nila. Kumunot naman ang noo niya. “Daddy ang tagal mo naman eh! Sabi mo short time mo lang pakikiligin si mommy? Bakit antagal mong matapos?!” naipadyak pa nito ang mga paa.

Itinaas naman niya ang tingin kay Crosoft.

“Hoy,” bumaba naman ang tingin nito sa kanya. “Ikaw may turo sa kanya ng short time ‘no?” ngumisi lang si Crosoft pagkatapos ay nag-peace sign. “’Yang bibig mo talaga kahit kailan.”

“Hayaan mo na, ‘di niya naman alam ang ibang meaning nun.” Binigyan niya ito ng nagbabantang tingin. Umayos ito ng tayo. “Anak, huwag mo na ulit ‘yon sasabihin.” Seryosong sabi ni Crosoft sa anak. Napangiti siya. Good! “Saka na kapag malaki ka na at nais mo nang maging malaya.”

“Huh?” kunot-noong sagot ni Danah.

Natutop niya ang noo.

Kahit kailan Crosoft sakit ka talaga sa utak.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE