Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

KULANG na lang ay pasakan ni Cambria ng pagkain ang bunga-nga ni Crosoft sa kakadaldal nito. Sabi na nga ba’t ito na naman ang babanat ng kwento. Sa kanilang dalawa mas madaming ulat itong si Crosoft. ‘Yong tipong pang showbiz balita.

Inisang kagat niya ang kalahati ng hamburger na kinakain. Hindi niya ‘yon nilunon agad. Nginuya-ngoya niya muna habang ang tingin niya ay nakatuon kay Crosoft.

“Matagal ko na talagang napapansin na may pagka-tsismosa ‘yang si Cutleen. Napansin mo?” tumango-tango siya. “Kahit na nasa harapan natin siya halatang nakikinig at kapag narinig niya tayong mag-usap sa likod bigla na lang.” Ginaya nito ang boses ng kaklase. “Ay kilala ko ‘yan. Ang landi nun. Madami ‘yong lalaki. Baliw! ‘Di siya na lang nag-kwento, diba? Langya!”

“NyaanMoNaKasheYon,” komento niya.

“Kaibiganin mo muna kaya ang tubig,” binuksan nito ang isang bottled water bago ‘yon itinulak palapit sa kanya. “Uminom ka nga bago ka magsalita. Mabolunan ka pa riyan.”

Ngiting aso lang ang ibinigay niya rito bago sinaid ang laman ng bottled water. Napa “woah” pa siya nang maramdaman niyang lumuwag ang lalamunan niya. Dapat yata one-third na lang ang kainin niya sa susunod.

“Nga pala,” pag-iiba niya. “Bakit ‘di mo kasama si Jeymes ngayon?”

“Sige kain ka pa,” biglang isinubo ng buo ni Crosoft ang kinakain nitong burger sa bibig niya. “Pakabusog ka.”

“H-Hoy!” nailuwa niya ang burger. “Baliw ka ba?! Huwag mo kong idamay sa LQ n’yo ni Jeymes. Tao ako, ‘di alagang baboy. Kabanas ‘to.” Itinabi niya na lang ‘yong na sayang.

“Bakit mo ba pinoproblema ang lovelife ko? Pinapakialaman ko ba ang sa’yo? Ay oo nga pala, wala ka pala nun.” He chuckled.

Nanlaki naman talaga ang butas ng ilong niya. Nami-mersonal na ang ‘sang ‘to eh!

“Naku! Kapag ako napuno sayo magpapabuntis talaga ako sa’yo para wala ka ng masabi sa akin.” Banta niya rito. Na pwede ring half meant kapag tinupak ako. Bwesit!

He tilted his head. “Hay naku! Pinapahalata mo na naman na patay na patay ka sa akin.” He leaned his face forward. “Natatakot na tuloy ako sayo.” A mischievous smile curved on his handsome almost perfect face. Ang expression ng mukha nito ay kabaliktaran ng sinabi nito.

She gulped. Bakit ba ang gwapo-gwapo ng nilalang na ‘to? Apat na taon mo na ‘yang tinatanong Cambria huwag kang paulit-ulit! Dapat, itanong mo sa sarili mo kung bakit ‘yon ang nasabi mo.

“Ay huwag na! Ayokong maging single mother.” Bawi niya. “At saka ayokong ma – inlove sa kagaya mo. Walang assurance na mamahalin mo ako kagaya ng pagmamahal ko sa’yo kung sakali man.” May hugot lang?

Bigla namang natahimik si Crosoft. Naingat niya ang tingin dito. Nandoon na naman ang blankong expression ng mukha nito. Wala na naman siyang mabasa.

“Marunong din naman kaming magmahal,” wika nito bago ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. “Tapusin mo na ‘yan.”

Hindi na ulit siya nakaimik pa. Lihim siyang papangiwi. Tanga ko talaga eh! Na offend ko pa yata.


1+4+3


LUTANG ang isip ni Cambria habang kumukuha ng order. Hindi na nga umaabot sa mata ang ngiti niya. Buti na lang at ‘di pa siya pumapalpask kung ‘di patay siya sa boss niya. Hapon na at basta ganitong oras ay wala gaanong customers. She leaned her arms on the counter and sighed.

Hanggang ngayon ay bothered pa rin siya sa sinabi ni Crosoft. Tama naman ito. Hindi porket bakla ito ay ‘di na nito kayang magmahal. Hay naku! Pinairal niya pa kasi ang pagka-bitter niya. Tiyak, sumama ang loob ng ‘sang ‘yon sa kanya. Kakabati pa nga lang nila. Para naman silang mag-on. Laging may LQ. Hay naku! Masakit sa utak.

Eh ano ba kasi?! Naiinggit lang naman ako kay Jeymes. Kasi buti pa siya mahal ni Crosoft. Eh siya, hanggang friendzone. Gwapo rin naman si Jeymes. Tinitilian din ng mga estudyante. Sa totoo lang, pareho silang gwapo. Maamo nga lang ang mukha ni Jeymes kaysa kay Crosoft. Bussiness Management ang kurso nito, matalino, at galing sa isang mayaman na pamilya kagaya ni Crosoft. Kung naging babae siguro si Jeymes wala na talaga siyang panama rito.

Hay naku Cambria! Lalaki nga si Jeymes pero wala ka pa ring panama. Tigilan mo ‘yang ka praningan mo. Wala ka na pong pag-asa. Napabuntong-hininga ulit siya. ‘Di wow!

“Miss? Miss?!”

Bigla siyang natauhan. Ilang beses siyang napakurap-kurap bago napaayos ng tayo. Umakto siyang walang nangyari at ngumiti sa customer.

“Can I take your order Sir?”

“Can I ask for your name, instead?”

Natigilan siya. Na hanginan siya nang kaunti sa sinabi nito. Gwapo nga ito pero nababakas sa ayos at mukha nito ang pagka-arogante nito. Napasimangot siya sa isip. Kahit gusto na niya itong itapon sa labas, customer pa rin ito.

“I’m Bria,” turo niya sa pin name sa uniform niya. “So Sir, what’s your order?”

“Do you have a boyfriend?”

“Huh?”

“Yes, she does.”

Sabay na napatingin sila Cambria at ng lalaki sa likod. Nagulat siya nang makita si Crosoft. Mukha pa itong inaantok. His hair was fashionably messy. Tumabing ang ilang hiblang buhok nito sa noo na lalong nagpa-imphasize sa kagwapohan nito. Bumagay pa rito ang suot na black rimmed glasses matched with his usual lazy afternoon get up na white shirt, black jeans, and sneakers.

Pati mga customers nila ay napatingin kay Crosoft.

Lumapit sa counter si Crosoft na hindi tinatapunan ng tingin ang lalaking customer. Sa kanya lang ang tingin nito. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Lalaking-lalaki talaga ang tingin niya rito – sa mga oras na ‘yon to be exact. Walang bakas na kabaklaan.

“Ang alam ko,” simula nito. “Coffee, beverages at sweet pastries lang ang binibenta nila rito. Hindi kasali roon ang landiin ang girlfriend ko.”

“Dude, I’m sorry. I was just being friendly.”

May ngiting ibinaling ni Crosoft ang tingin sa lalaki. Hindi ‘yon ngiti ng naglalanding bakla. Ngiti ‘yon ng isang lalaking medyo asar pero ‘di halata.

He shrugged. “Okay, order ka na.”

“O-Order na ako Miss.”

Wala akong masabi.


1+4+3


TAHIMIK lang silang pareho ni Crosoft. Wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Ang awkward lang dahil madami ang nakatingin sa kanila habang magkahawak kamay silang naglalakad sa daan. Gustong-gusto na niyang bumitaw pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Lord, holding hands na nga lang ‘di ko na kinakaya. Paano pa kaya kung – eeh! Tama na Cambria, OA ka na eh!

Kung siya mamamatay na sa sobrang awkwardness ito namang kasama niya parang wala lang. Mababaliw na yata siya kapag ‘di pa ito nagsalita.

“Gwapo sana ang ‘sang ‘yon kaso ang hangin.” Basag nito sa wakas. Nakahinga naman siya nang maluwag. “Sa sobrang kahanginan niya na i-imagine ko pang hindi lang upuan ang buhat-buhat nun kung ‘di pati lamesa at blackboard.”

Natawa siya. Kahit papaano ay gumaan ang tensiyon sa pagitan nilang dalawa. Kanina kasi parang ang bigat. Sanay siyang umaakto bilang girlfriend nito kapag trip ni Crosoft. Pero ni minsan hindi pa nakakagawa nang ganoong eksena si Crosoft katulad noong kanina. Kaya nanibago siya. Para kasing totoo. Pero pinalis niya ang kilig dahil alam niya ang real score. But still, she was touched by his effort.

“Mukhang crush mo yata ‘yon eh?” tukso niya.

“Pag-iisipan ko muna ‘yan. Hindi ko rin naman kasi type ang mga lalaking puro gas ang laman ng utak. ‘Di sila healthy sa katawan, girl.” He chuckled. ‘Yong girl talaga nagdala eh, noh?

“Right, kasi may Jeymes ka na.”

“Tama,” malapad ang ngiti nito nang ibaling nito ang tingin sa kanya. “Katulad na katulad ni Jeymes ang type ko.” Ngumiti siya pero hindi ‘yon umabot sa mata niya.

Hindi niya talaga maiwasang masaktan at mainggit. Hindi na nga yata siya masasanay sa ganitong sakit kapag napag-uusapan ang boyfriend nito na si Jeymes. Kaibigan niya rin si Jeymes kahit ‘di naman masasabing close talaga. Nagi-guilty rin siya kapag naiisip niyang paghiwalayin ang dalawa. Hindi rin naman kasi naging madali sa dalawa ang lahat. Both of them have an image to protect in their families. Pero ganoon yata talaga ‘yon kapag mahal n’yo ang isa’t isa. Kaya n’yong ipaglaban ang pagmamahal n’yo hanggang sa huli.

Eh, ang sa kanya? Wala naman dapat ipaglaban pa. Dahil simula pa lang talo na siya.

“Oh, na tahimik ka na riyan?” pukaw nito.

“Wala, na isip ko lang. Paano kung may boyfriend ako? Ganoon din kaya ang gagawin niya?”

“Kapag nagka-boyfriend ka ba kakalimutan mo na ako?” balik tanong nito.

“Baliw! Hindi mo naman sinagot ang tanong ko eh.”

“Sagutin mo muna ang tanong ko.”

“Ewan ko sayo! Ako ang na unang magtanong. Pero ‘di nga.” She was silent for a moment. “Kapag ako nagka-boyfriend,” inangat niya ang tingin kay Crosoft. “Deadma ako sayo! ‘Di na kita kailangan.”

Binitiwan ni Crosoft bigla ang kamay niya.

“Gaga! Bakit ko pa hihintayin na magka-boyfriend ka para iwan ako? Ako na ang mang-iiwan sayo rito.” Pagkatapos nitong sabihin ‘yon ay nilayasan na siya ni Crosoft. “Huwag mo akong susundan! Magpakalayo-layo ka ng bruha ka.”

Natawa naman siya. Patakbong sinundan niya ito at ikinuwit ang isang braso sa braso nito. Sinubukan pa nitong alisin ang kamay niya pero nagmatigas siya.

“Huwag mo akong hawakan nakakadiri ka! Doon ka na sa future boyfriend mo.”

“Ito naman, joke lang ‘yon.”

“There’s a big difference between a joke and reality, idiot!”

“Ang harsh mo, ha?! At huwag kang gaya-gaya. Joke nga lang ‘yon. Alam mo namang mahal na mahal kita eh. Kaya ‘di kita iiwan.” Kahit ‘di niya ito tignan ay naramdaman niya ang pagngiti nito. “Alam kong nakangiti ka. Oy, kinikilig si girl.” She beamed at him.

“Kulang ng baby,” ungot nito. “Tandaan mo, boyfriend mo ako ngayon. Magpasalamat ka at may full access kang abusuhin ang pinagpalang anyong lalaki ko.”

“Oo na, kahit ‘di naman kailangan, tsk.” Pinalambing niya ang boses at inihilig ang ulo sa braso nito. Mas mataas pa rin ito kaysa sa kanya. “Thanks kanina baby, ha.”

Natawa ito.

“Oo naman, akin ka lang kaya.”

Langya ka talaga kahit kailan Crosoft! Sige pakiligin mo pa ako. Bukas isang box ng tissue na naman kaulayaw ko buong gabi.

“Kung naging lalaki ka Cam, siguro tayo na.” Komento nito bigla. Naingat niya ang tingin dito. “Type ko rin kasi ang mga gaya mo.” He winked at her.

Iniwas niya agad ang tingin kay Crosoft dahil one hundred percent siyang sigurado na namumula na ang mga pisngi niya. Masasabing weird ang sinabi nito pero para sa kanya nakakakilig ‘yon.

“B-Buti na lang talaga naging babae ako, ‘no?!”

“Hindi rin, malay mo naman. Magbago isip ko at gustohin ko ring magkaroon ng isang normal na pamilya.”

Kumalas ito sa pagkakahawak niya rito para akbayan siya. Hinapit pa siya nito palapit sa katawan nito. Huminto yata ang pagtibok ng puso niya sa ginawa nito. Nararamdaman pa lang niya ang init ng balat nito sa kanyang balat para na siyang mababaliw.

“I might,” sinilip nito ang mukha niya. “Fall in love with you instead.”

Napakurap-kurap siya. Ang puso ko! Shet!

“Ahm, excuse me,” sabay silang napatingin sa nagsalita. “I’m Graphie,” pakilala ng maliit na babae. May dala itong dslr camera na naka kwentas sa leeg nito. Mukha itong mas bata sa kanila. “I’m a student at may project po ako.”

Nagkatinginan silang dalawa ni Crosoft. Ibinalik din nila ang tingin dito nang magsalita ulit ang babae.

“Actually, I got stolen pictures of both of you. Last week yata ‘yon? I forgot.” Lumapit ito at pinakita sa kanila ang kuha nito sa kanilang dalawa mula sa screen ng camera nito. Nagulat siya sa nakita. “I really, really love this picture kaya nagba-baka sakali akong makita kayo ulit dito.”

Sa picture na ‘yon ay nakayakap si Crosoft sa likod niya. Hindi lang ‘yon ang ikinamangha niya. Maganda ang pagkakuha nito ng larawan. Nasa gitna silang dalawa habang yakap siya nito sa likod. Dumagdag sa ganda ang naglalarong ilaw ng string light bulbs sa itaas nila giving the picture the romantic kind of environment. Wala siyang ibang masabi kundi wow.

“Kung ‘di man po nakakaabala, pwede ko po ba kayong ma-interview?” there was hope in the girl’s eyes. “Okay lang po ba?”

“Sure,” mabilis na sagot ni Crosoft. Napatingin siya rito. Binigyan lang siya nito ng isang nakakalokong ngiti. At talagang! “What’s the question?”

Hinarap nito ang camera sa kanilang dalawa. Naramdaman naman niya ang mainit na hininga ni Crosoft sa kanyang tainga nang bumulong ito sa kanya.

“Huwag ka ngang magpahalata. Smile Cam, smile as if we are two people in love.”

Sige! Pahirapan mo pa ako. Sagad na eh. Umayos siya ng tayo at ngumiti. ‘Yong klase ng ngiti na abot sa mata at masaya. Kahit naman ‘di siya magkunwari mahal niya pa rin ang loko. ‘Yan tayo eh.

“What is love?”

Bumaba ang tingin ni Crosoft sa kanya. Their eyes met and in an instant she knew, she will never feel the same special kind of love towards other man again. Masama mang magsalita ng tapos pero alam niya sa puso niya na habang buhay nang magiging espesyal ang pagmamahal niya kay Crosoft.

Wala na bang mas kakaiba sa love story ko?

“Love is…” simula nito.


1+4+3


ANO bang nagustuhan mo kay Crosoft, Bria?”

Paulit-ulit na nagpi-play sa isip ni Cambria ang tanong ng kaibigan niyang si Essera kanina. Ano nga ba ang nagustuhan niya kay Crosoft? Bukod sa bakla ito ay masyado pang weird ang pagkakagusto niya kay Crosoft. ‘Yong klase na gusto na parang ‘di na niya nakikita ang pagiging bakla nito.

Oo, kapansin-pansin naman ang kakaibang paghawi nito sa buhok nito. Pati ang pananalita nito ay may kasamang lambot at landi minsan. Hindi naman kasi ito ang karaniwang bakla na nagsasalita ng gaylinggo. Ang alam nito ay mambara at purihin lagi ang sarili nito. Kapag bumabanat pa ito ng jokes ay masyadong green na napapanga-nga na lang siya sa sobrang inosente ng utak niya. Naks!

Pero iba eh, nababaliw talaga siya sa mga titig at ngiti pa lang nito. Hindi niya mai-explain pero kahit ano paman ang tingin ng tao kay Crosoft ay lalaki pa rin ang tingin niya rito. At sa bawat araw na magkasama sila ‘di lang simpleng bagay lamang ang nakikita niya rito na papasang kabaklaan talaga. There is something more about him, something sweet and romantic. Something manly.

Kahit siguro gumawa pa siya ng power point presentation kung bakit niya mahal ang loko ay wala pa ring makaka-gets kung bakit nga ba niya mahal si Crosoft. Kahit i-elaborate pa niya ang mga katangiang nakita niya kay Crosoft iisipin pa rin ng mga taong naka druga siya kaya pati puso at utak niya napapariwara sa kabaliwan.

Naalala niya noong tinanong siya ng kapatid niyang si Misty, kung bakla ba talaga si Crosoft? Gusto niyang sabihin na hindi para inggitin ang kapatid. Ang gwapo kaya ng loko. ‘Di kapag sinabi niyang lalaki ito, tapos sobra pa sa magkasintahan ang turingan nilang dalawa tignan lang niya kung ‘di mamatay sa inggit ang kapatid niyang feeling Anne Curtis.

Pero hindi, pinairal pa rin niya ang pagiging loyal kay reality. Pikit matang sinagot ang salitang oo na bumara pa sa lalamunan niya nang slight. Syempre, ayaw niya namang mapahiya kapag nalaman nito ang totoo. Lalo na’t nililigawan na nito si Jeymes nang mga panahon na ‘yon. Kabaliwan ang umasa sa mga panahon na ‘yon. Lalo na noong umamin ito sa kanya na bakla ito.

Gusto niyang maiyak ‘di dahil sa confession nito kung ‘di dahil sa sakit sa puso. Nagkita sila sa paborito nilang pizza restaurant three years ago. Ang unang pumasok sa isipan niya nang mga panahon na ‘yon ay magtatapat na ito sa kanya. ‘Yong klase na pagtatapat na romantic, syempre. Ang OA naman kasi nito maka-text sa kanya.

Cam, pwde ba tyong mgkta? Sa dting tgpuan. Plz, I ned to tel u sumting.Sna di mgbgo ang pgtngin mo sa sken after my confession. I need u now.– Crosoft

At hanggang ngayon ‘di niya pa rin binubura ang message na ‘yon sa cell phone niya. She saved it on her phone’s note at nilagyan pa ng password. Mahirap ng ang mabuko ni Crosoft. Tataas na naman ang tingin nun sa sarili. Na-i-imagine na niya ang malanding pang-aakit nito sa kanya. Kaya siya naasar lalo sa baliw na ‘yon.

Minsan kasi pasimple siya nitong inaakit. At kapag tinupak ‘yon masisira na naman ang buong sistema niya at mababaliw na naman siya sa pagpapakalma sa puso niyang gusto nang lumabas mula sa rib cage. Walangya kasi ang baklang Crosoft na ‘yon! Kaya ako na i-in love sa mokong dahil sa katupakan niya pagdating sa akin.

Marahas na iniyupyop niya ang ulo sa table. Napadako naman ang tingin niya sa naka-frame na larawan nilang dalawa ni Crosoft na naka-display sa itaas ng mesa niya. Kuha ‘yon noong sinurpresa siya ni Crosoft noong birthday niya. She was crying inside their vacant classroom. Umiiyak siya noon dahil ‘di na naman naalala ng mama niya ang birthday niya. Nasa Cebu ang papa niya noon dahil sa trabaho nito.

Ayaw niyang umuwi dahil alam niyang maabutan lang niyang wala sa bahay ang ina at kapatid.


Excited na sinagot ni Cambria ang tawag ng ina.

“Ma-“ she was cut off.

“Huwag mo na kaming hintayin ni Misty. Sa labas na kami kakain after her play.” Imporma nito. Bumagsak ang mga balikat niya at nanlumo siya. “Pag-uwi namin dapat malinis na ang bahay. Nakuha mo ba?

“Ma bir –“

End call.

“Ma, birthday ko po ngayon.” Sagot niya sa kawalan. Naramdaman niya ang pag-init ng sulok ng mga mata niya. “Hindi n’yo na naman natatandaan.” Kumawala na ang kanina pa niyang pinipigilang mga luha.

Tahimik na umiyak siya habang nakayupyop ang ulo sa mesa. Naramdaman niya ang matinding lungkot at pag-iisa. Lagi na lamang siyang nag-iisa sa birthday niya. Pero bakit ‘di pa rin magawa ng puso at isip niyang masanay sa sobrang sakit?

“Happy Birthday to you... Happy Birthday to you…”

Gulat na naiangat ni Cambria ang ulo. Bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Crosoft. May hawak itong maliit na mamon na may nakatusok na maliit na nakasinding kandila sa gitna. Patuloy pa rin ito sa pagkanta habang papalapit sa kanya.

Napaiyak siya. Hindi dahil sa lungkot kung ‘di dahil sa sobrang saya. Ang pag-iyak niya ay may kasama nang ngiti at tawa. Huminto si Crosoft sa harap niya. Huminto rin ito sa pagkanta.

“Happy Birthday Cam,” bati nito sa kanya.

Sa halip na magpasalamat ay niyakap niya ito sa baywang. Naramdaman niya ang pagkagulat nito sa ginawa niya pero ‘di niya ‘yon pinansin. Hinaplos nito ang likod niya.

“Sige, manyakin mo na ako habang ‘di pa nauubos ang oras ng birthday mo.”

Hindi niya napigilan ang matawa.

Nakatingin lang si Crosoft sa kanya habang hinihintay nitong hipan niya ang kandila na ipinatong nito sa mamon na ginawa nitong cake. Humila ito ng upuan kanina at naupo paharap sa kanya. May ngiting tinitigan niya ang cute niyang cake.

Pinagdaop niya ang dalawang kamay saka humiling. Kung may hihilingin man siya ay isang bagay lang. Simula ngayon, gusto niya lang maging masaya kasama si Crosoft.

“Amen,” iminulat niya ang mga mata bago hinipan ang kandila.

Crosoft clapped his hands. Nahawa siya sa ngiti nito kaya lalo lang siyang napangiti. His effort was simple pero umabot ‘yon sa puso niya. That was the best birthday she ever had.

“Pagpasensiyahan mo na ang mamon na ‘yan,” basag nito. “Naubos kasi ang pera ko sa panlalaki ko kanina.” He chuckled.

Pabirong itinirik niya ang mga mata. “’Di mo na iginalang ang birthday ko at isiningit mo pa ‘yang panlalaki mo, tsk.”

Natawa ito. “Alam mo namang panlalaki ang bumubuhay sa hasang ko, girl. Pero dahil birthday mo ngayon. I’ll treat you.”

“Ililibre mo ako?”

“Yup, libre kang manyakan ako ngayon. Alam ko namang may HD ka sa akin kaya hahayaan kitang pasayahin ang sarili mo ngayon. I’ll be your man ‘till twelve midnight.” Hidden desire talaga?

“Bakit ang laswa pakinggan?”

“Alin ang mas malaswa? Panandaliang kaligayahan o I’ll be your man ‘till twelve midnight?”

“Oo na!” wala siyang nagawa kundi ang mapangiti. This guy is slowly making his way to her heart. And she is more than happy that she met this guy who like guys like her.

“Cam!”

“Hmm?”

“From now on, we will celebrate your birthday together. So cheer up! Hindi ka na mag-iisa simula ngayon bubuksan natin ang third eye mo awooo.”

“Baliw!”

“I know right,” hinawi nito ang kunwaring buhok nito at ngumiti nang sobrang landi. Talaga naman!


Hindi niya kailanman malilimutan ang araw na ‘yon. Habang buhay niyang aalahanin ‘yon. Inabot ng isang kamay niya ang picture frame. Umayos siya ng upo bago hinaplos ang larawan.

“Alam mo bang gulong-gulo na ang buhay ko dahil sa’yo? Pero ‘di ako nagri-reklamo dahil pinapasaya mo ako.”

She can’t help but smiled.


1+4+3


NASA kalagitnaan si Cambria ng pagsisintas ng sapatos sa sala nang magsalita ang kanyang ina mula sa kusina. Maliit lang ang bahay nila kaya nagkakarinigan lamang sila.

“Sinasabi ko sayo Bria na bawas-bawasan mo ang pagsama sa Crosoft na ‘yan. Aba’y ‘di na kayo mapaghiwalay ng baklang ‘yon ah. Kahit bakla ‘yon ay mabubuntis ka pa rin nun.”

“Aalis na po ako,” hindi na niya pinansin ang ina at tinungo ang pinto.

“Sige! Huwag mo akong pakinggan. Umalis ka!”

Napabuntong-hininga siya.

Lagi naman nitong sinasabi sa kanya ‘yon. Hindi naman siya tanga para ‘di mapansin na ‘di nito gusto ang kaibigan. Lagi nitong sinasabing dumadagdag siya sa malas dahil sa pakikipag-kaibigan niya sa isang bakla. Tingin nito sa mga katulad ni Crosoft ay salot, makasalanan, at malas. Nasasaktan siya sa tuwing pinagsasalitaan nito ng masama ang kaibigan pero mas pinili niyang manahimik. Mas mainam na rin ‘yon. Iwas gulo at baka kung ano pa ang masabi niya sa kanyang ina.

Buong araw niyang ‘di nakita si Crosoft. Tinignan niya ang screen ng cell phone. No messages from him. Napabuntong-hininga siya. Na saan kaya ‘yon? Napansin niya nitong nakaraang araw ay iniiwasan nitong pag-usapan nila si Jeymes. Hindi kaya may problema ang dalawang ‘yon? Wala rin siyang idea dahil ‘di naman na ikuwento sa kanya ‘yon ni Crosoft. Nakapagtataka ang pananahimik nito.

Hindi na ito gaya noon na masyadong vocal sa iniisip at nararamdaman nito. Ngayon, parang marami na siyang ‘di nalalaman tungkol dito. Hindi niya maiwasang mag-alala para kay Crosoft. Minsan na rin kasing naging sobrang tahimik ito. Noong mga panahon na na realized nito na gusto nito si Jeymes.

Lumipas ang dalawang araw na wala pa rin siyang balita rito. Dahil sa sobrang pag-aalala ay ‘di na rin siya makapag-concentrate sa trabaho. Napagalitan pa siya ng boss niya kanina dahil nakabasag siya ng baso. Kung ‘di pa siya inalalayan ng isa niyang kasamahan ay baka nasetanti na siya sa rami ng mga nabasag niya.

Napabuntong-hininga siya.

Pang-ilan na ba ‘yon ngayong araw? 

Napadako ang tingin niya sa orasan na naka sabit sa dingding ng shop. Malapit nang mag-ala-sais ng gabi. Pero ‘di pa rin tumatawag o nagti-text si Crosoft. Pagbaba niya ng tingin ay nakita niya si Jeymes na dumaan mula sa labas ng coffee shop. Mabilis na nag-excuse siya sa isang kasamahan niya at lumabas.

“Jeymes!” habol na tawag niya.

Huminto si Jeymes at nilingon siya. Lumapit siya rito. Wala siyang mabasang emosyon sa maamo nitong mukha. Hindi kaya may problema talaga ang dalawa?

“Bria?”

“Jeymes, alam mo ba kung na saan si Crosoft?” hindi ito sumagot. Nakagat niya ang ibabang labi. “Alam kong wala akong karapatang manghimasok sa problema n’yo ni Crosoft pero ‘di ko maiwasang mag-alala. Hindi ko na naman nakita si Crosoft sa school kanina, ‘di rin kayo magkasama. Dalawang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Hindi rin siya tumawag sa akin. May –“

“I’m sorry Bria.” Napatitig siya kay Jeymes. “Pero mas mabuting huwag ka na lamang makialam.” Natigilan siya.

“Pasensiya na,” napayuko siya.

“Mauuna na ako.”

Wala siyang nagawa kundi ang tignan ang papalayong si Jeymes. Napabuntong-hininga siya. Tama nga siya, mukhang may problema ang dalawa. Bigla namang tumunog ang cell phone niya. Mabilis na kinuha niya ‘yon sa bulsa ng pants niya at sinagot ang tawag.

“Hello?”

“Cam…” anas sa kabilang linya.

Crosoft?

Hindi siya pwedeng magkamali. Boses ‘yon ni Crosoft. Namatay bigla ang linya. Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Pumara siya ng taxi at sumakay doon. Kailangan siya ngayon ni Crosoft.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE