Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

"P-PA?" kinabahan siya sa malungkot na mukha ng kanyang ama.

Binalingan niya ng tingin si Alt na nasa tabi niya. Hawak nito ang isang kamay niya. Lalo lang siyang kinabahan nang ibaling nito sa ibang direksiyon ang mukha. "Alt? A-Anong nangyayari?"

"Anak -"

"Pa ang baby ko?" napayuko ang ama niya. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata niya. Lumakas ang kabog ng puso niya. Kahit hindi nila sabihin alam na niya kung anong susunod na sasabihin ng mga ito. Pero mas pinili niyang huwag paniwalaan 'yon. "P-Pa?" gumaralgal ang boses niya. Pinilit niya ang bumangon kahit na sobra siyang nahihirapan. "P-Pa magsalita naman kayo, oh?!"

"Bria, calm down." Pagpapakalma ni Alt sa kanya. Hinawakan siya nito sa mga braso. "Magpahinga ka muna."

"How can I calm down?!" sigaw niya. Inalis niya ang nakahawak na kamay nito sa kanya. "Pa sabihin n'yo sa akin. Anong nangyari sa baby ko?"

Malungkot na inangat nito ang mukha. "Anak," lumapit ito sa kanya at masuyong hinawakan ang mga kamay niya. Hindi niya napigilan ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata. "W-Wala na ang baby mo."

"Hindi! Papa, hindi." Iyak niya. "Papa, sabihin n'yong nagsisinungaling lang kayo. Papa. Papa hindi pwedeng mawala ang anak ko. Papa sabihin n'yong nagsisinungaling lang kayo." Patuloy lang siya sa pag-iyak. Sa sobrang sakit ng nararamdaman niya parang hindi na yata niya kaya. Niyakap siya ng kanyang ama. Humagulgol siya ng iyak. "Papa, b-bakit?"

"Anak –"

"Papa, bakit? Bakit nangyayari sa akin 'to?" she sobbed on his chest. "Ano bang ginawa kong masama? Bakit ako pinaparusahan nang ganito?"

"Anak, wala kang ginawang masama. Tahan na."

"Papa," she cried her heart out. The pain was too much to bear. It ripped her heart apart."B-Bakit? B-Bakit ang anak ko pa?"

"Anak tahan na."

"Papa, bakit?"


1+4+3


NAKATULALA lang si Cambria sa kanyang silid.

Ilang linggo na siyang hindi pumapasok. Hanggang ngayon ay masakit pa rin sa kanya ang pagkawala ng anak. Niyakap niya ang mga binti. Sa tuwing naaalala niya 'yon hindi niya maiwasang maiyak. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangang mawala ng anak nila.

Tahimik na napahikbi siya. Nawala sa kanya ang anak nang hindi man lang ito nakikita o nahahawakan man lang.

"Mommy?" mabilis na pinunasan niya ang mga luha at umayos ng upo.

"Anak," tawag niya kay Danah. Umakyat ito sa kama at niyakap siya. Gumanti siya ng yakap sa anak. "Oh bakit malungkot yata ang baby ko?"

"Mommy alam kong sad kayo. Ayoko pong sad kayo." Ngiti lang ang tanging naibigay niya sa anak. Kumalas siya ng yakap at hinaplos ang buhok nito. "Mommy, sabi sa TV si daddy po raw ang dahilan kung bakit wala na ang baby sa tummy n'yo."

"Anak," masuyong tinapik niya ang pisngi ng anak. "Huwag kang maniwala sa kung anong naririnig o nakikita mo sa TV. Hindi kasalanan ng daddy mo kung bakit nawala ang baby ni mommy, okay?" niyakap niya ang anak. "Walang may gusto nun."

"Mommy galit ka ba kay daddy?"

Natigilan siya. Galit nga ba siya kay Crosoft? Oo, nasaktan siya dahil nagsinungaling ito. Pero hindi lang naman si Crosoft ang may kasalanan kung bakit nawala ang anak nila. May kasalanan din siya. Napabayaan niya rin ang sarili. Sa kabila ng lahat hindi niya magawang isisi lahat kay Crosoft ang nangyari sa anak nila. It was her choice. Sumugal siya. Nasaktan siya sa huli. Ito ang nakuha niya. Kahit na masakit. Maluwag niyang tinatanggap ang kapalaran niya.

"Hindi anak," iling na sagot niya.

"Mahal mo ba si daddy, mommy?"

"Oo, mahal ko pa rin ang daddy mo." She paused for awhile. "Pero minsan, kailangan mo ring sumuko, anak. Baka kasi 'di mo na kayanin ang sakit sa bandang huli."

"Po?" tiningala siya ni Danah.

Nginitian niya ang anak at hinaplos ang buhok nito. "Maiintindihan mo rin ang ang lahat ng ‘to pag laki mo."

Ngumuso ito. "Pero big na po ako eh."

Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. "Kapag tumanda at magka-uban ka na."

"Ew! Ayoko po maging old, mommy."

"Tatanda ka. Huwag ka ng makulit." Hinalikan niya ito sa noo. “Sorry anak, ha?” hindi niya mapigilan ang mapaluha. “Hindi kita mabigyan ng kompletong pamilya.”

“Mommy, huwag na po kayo cry.”

“Sorry,” niyakap niya na lang nang mahigpit ang anak. Kahit papaano ay gumaan nang kaunti ang nararamdaman niya. “Sorry talaga.”


1+4+3


NAGKITA sila Cambria at Alt sa isang coffee shop.

Wala sana siyang balak na lumabas pero naisip niya na masyado niya lang pinapahirapan ang sarili. Sa susunod na linggo papasok na ulit siya. Mas madali para sa kanya na maka move on kung magpapaka-busy siya sa trabaho.

"It's a good thing that you decided to go out Bria."

"Tama ka, kailangan ko rin naman ang lumabas." Pilit siyang ngumiti kay Alt. "At saka ayokong masisante sa trabaho dahil sa pag-i-emo ko." Bahagya siyang tumawa.

"MS will never fire you. Ngayon pa't malapit nang ipalabas ang first horror movie mo. I know this is not the perfect time to say this, knowing that you're still grieving. But I should still congratulate you. I already saw it. I got to say, you're really good."

"Thanks, at saka huwag ka ng mag-alala. I'm okay."

"Glad to hear that Bria."

"Alt," niyakap ng mga kamay niya ang tasa ng chocolate drink. Her eyes were fixed at the mug in front of her before she lifted her gaze at him. "Can you keep it a secret."

He leaned on his seat. "About your real relationship with Crosoft?"

She nodded. "Ayokong malaman 'yon ng media. The issue of Crosoft being the reason kung bakit nalaglag ang anak namin was too much. Alam naman natin na 'di talaga 'yon ang totoo and I hope you understand."

Lumabas ang mga artikulong may sekreto silang relasyon ni Crosoft at nabuntis siya nito at nag-away sila dahil hindi siya nito gustong panagutan. May kuha rin sila sa labas ng building ng condo nito na nag-aaway. Sinasabi roon na itinulak daw siya ni Crosoft kaya siya nakunan.

Hindi lang sila ni Crosoft ang apektado. Pati na rin ang anak nila. Isa sa mga bagay na kinatatakutan niyang mangyari. Showbiz and media could be ruthless and selfish at times. Gusto niya ng tahimik na buhay para sa kanila ni Danah. Bagama’t hindi pa rin nagpapakita at nagsasalita si Crosoft ay naipahayag na niya ang side niya. Hindi man totally nawala ang spekulasyon ng iba o tingin nila sa nangyari sa kanya ay kahit papaano ay nabigyang linaw niya ang ibang bagay.

"You still love him, don't you?" napatitig siya kay Alt. Tipid na ngumiti ito. "Matagal ko nang alam na may namamagitan sa inyo. I didn’t say something. Alam mo naman na I'm keen at observing things. Hindi na kita pinakialaman pa. It's your life and I understand. Ako 'yong klase ng tao na hindi nanghihimasok sa buhay ng may buhay."

"Alt?" she was speechless.

"It's okay Bria. I understand you. Alam mo naman na gusto kita, diba? Inisip ko noon na baka nagkamali lang ako sa kung anong meron kayo ni Crosoft. I stick to that mind set. I did not mind my observations between you and Crosoft. Pero, I realized that I'm quite stupid." He chuckled. "Kung hindi ko pa nakausap si Danah."

"Nakausap si Danah?” kumunot ang noo niya. “Kailan?"

"Right, remember nang pinuntahan kita sa bahay n'yo? May dala akong snacks noon, diba?" tumango siya. "Nang nasa kusina ka. Danah said she was sad and lonely dahil parehong sad ang mommy at Daddy niya. I asked her kung sino ang Daddy niya. Noong una ayaw niyang sabihin kasi magagalit ka nga raw, but I told her that I knew who her dad was, pero nakalimutan ko lang ang pangalan niya."

"Alt?! Seriously?"

Inosenteng itinaas nito ang dalawang kamay. "I'm sorry, I just can't help it. Gusto ko rin namang kumpirmahin ang kutob ko. Talo na nga ako wala pa akong kamalay-malay kung sino ang lalaking tumalo sa’kin." Natawa ito bigla. Kumunot naman ang noo niya. "Damn, nakalimutan kong hindi pala siya straight. Great!"

Sa huli natawa na rin lang siya. "Idiot."

"But that doesnt mean I'll give up on you. Kapag wala pa rin siyang ginawa para magkaayos kayo I'll make sure na wala na siyang babalikan pa sa’yo. I'm serious."

Natahimik siya. "I'm not sure if I'm still capable of loving someone Alt."

"Don't say that."

"I'm sorry Alt. I appreciate your love and concern. Pero hindi ko maipapangako sayo ang pagmamahal ko. You know it's been hard for me. Halos buong buhay ko isa lang ang minahal ko. Sa isang tao lang umikot ang mundo ko. Sa ngayon, masaya na ako na kami lang ni Danah. I'll just settle with that."

"Pero huwag mo sanang isarado ang puso mo Bria. You deserve to be happy as well."

I don't know Alt. Mapait lang na ngumiti siya.

Papasok na sana si Cambria sa sasakyan niya nang tumunog ang cell phone niya. Pagtingin niya sa screen ay unknown number ang naka-register. Ilang segundo niyang tinitigan ang numero bago sinagot ang tawag.

"Hello?"

"..... Cambria?"

Natigilan siya nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Hindi siya pwedeng magkamali. Boses 'yon ni Jeymes.  Kinalma niya muna ang sarili bago ulit nagsalita.

"Jeymes?"

"Can we talk?"


1+4+3


HINDI alam ni Cambria kung ano ang mararamdaman ngayong kaharap na niya si Jeymes.

Hindi niya alam kung magagalit ba siya o hindi rito. Inaamin niyang sobra siyang nasaktan sa ginawa nila Crosoft sa kanya. It was unfair. She was very disappointed.

Naikuyom niya ang dalawang kamay sa ilalim ng mesa.

"I'm not going to say sorry to you dahil wala naman talaga akong ginawang masama. But I'm not happy to what Crosoft did."

Matapang na tinignan niya sa mga mata si Jeymes.

"Bakit n'yo nagawa sa akin 'yon?"

"Crosoft has his own reasons and I don’t meddle in other people's lives. I have my life now. Masaya na ako. Ang gusto ko lang ay malaman mo ang totoo. You're wrong when you think we're still together Bria. Our relationship ended seven years ago. What we have right now is purely friendship."

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin sa’yo sinasabi ni Crosoft ang dahilan kung bakit niya ako hiniwalayan." Nagulat siya sanabi ni Jeymes. Hindi niya alam na si Crosoft ang nakipaghiwalay kay Jeymes. She knew how Crosoft loved Jeymes. "Tama ka ng rinig. Si Crosoft ang nakipaghiwalay."

"P-Pero bakit?"

"Because he's a jerk."

"Look, Jeymes, I've had enough of drama. Kung wala ka rin lang naman matinong sasabihin mas mabuti pang umalis na lang ako." Tumayo na siya at akmang aalis na nang magsalita ulit si Jeymes.

"I hated you because he chose you over me."

Marahas na napatingin siya kay Jeymes.

"Before," he added. "Hindi ko maintindihan kung bakit na in love siya sa’yo. I thought that idea didn’t exist, but I guess I was wrong." Hinuli ni Jeymes ang tingin niya. "Crosoft loves you Bria. He always does."

Hindi niya alam kung bakit biglang nag-init ang sulok ng mga mata niya.

"I always knew he was different. Hindi ko lang sineryoso. But believe me, what Crosoft feels for you is real."

"W-Why are you saying these things to me?"

"I'll take back what I said earlier. I did something wrong. Kahit saang anggulo mo tignan may kasalanan din ako. Hinayaan ko si Crosoft sa pagsisinungaling niya. I could have done something but I did not. Hindi sana... hindi sana mawawala sa inyo ang anak ninyo."

"Jeymes?"

"I'm sorry Bria. You both deserve to be happy."

Hindi niya napigilan ang mga luhang kumawala sa mga mata niya. Napangiti siya sa kabila ng mga luhang patuloy pa rin sa pagpatak.

Mahal ako ni Crosoft.

Paulit-ulit na sinasabi ng utak niya.Pero kasabay nun ang munting pag-aalala sa puso niya. Hindi niya alam kung kaya pa niyang sumugal ulit. Pero may bahagi pa rin sa puso niya na gustong sumubok ulit. Bukod sa bugbog na bugbog na ang puso niya, bakit 'di na lang niya sagarin?

Bakit ba hindi ko siya matiis?

"Talk to him,"

"I don't know."

"He needs you now Bria."

"If he loves me, siya mismo ang gagawa ng paraan para magka-usap kami."

"If he doesnt, would you take it as a no, then?"

She shrugged. "I don't know."

"Tatanongin kita Bria, bakit 'di mo sinabi kay Crosoft ang totoong nararamdaman mo sa kanya noon?"

"Dahil alam kong imposibleng mahalin niya ako."

"This time, bakit ayaw mong makipag-usap sa kanya?"

"Dahil –"

"Kung noon hindi mo alam na mahal ka niya kaya natakot kang sabihin sa kanya. Ngayon na alam mo nang mahal ka rin niya, bakit ka pa matatakot? Sapakin mo 'yon at humingi ka sa kanya ng explanation. Pagsalitain mo 'yong gagong 'yon. You deserve to know everything. Then you decide kung tatanggapin mo pa rin ba siya sa buhay mo o hindi. It’s still your choice."

Napa-isip siya sa mga sinabi ni Jeymes.

“And Bria, just to clear things out, nang makita mo ako sa condo ni Crosoft hindi lang ako ang nandoon nang mga oras na ‘yon. I’m with Skip.”

Kumunot ang noo niya. “Skip? As in Skip Flores?”

Jeymes nodded. “Yes, Skip is my fiancé. We visited Crosoft that day. ‘Yon rin ang araw na pinakilala ko si Skip kay Crosoft.”


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE