Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

My Cam,

Nabasa ko na ang sulat mo. Pasensiya na ngayon lang ako nag-reply. Unang-una huwag kang mag-move on dahil masakit sa heart. Alam ko rin namang ‘di mo kaya. Girl, mahal mo kaya ako super! Sorry kung masyado akong hard sa’yo noon. Sinadya ko talaga ‘yon kasi may lihim akong malisya sa ngiti at tawa mo. Saka given, na God’s gift to human kind talaga ako kaya maraming na fall. Pinagpala lang talaga ako ni God. Hindi sa pagmamayabang, ha? I know right. Chos!

Loka ka! Mas mahaba ang buhok mo kaysa sa akin. Akalain mong naakit mo ako sa laman lupa mong kagandahan. (Peace Mahal ko!) Basta ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko. Huwag mo na ‘yang itanong sa iba, ha? Baka ma disappoint ka lang hi-hi. I love you Cam!

Buti na lang lalaki na ako ngayon – Sa’yo lang! Pa fiesta ka na dali! Bongga mo, girl! ‘Yong tipong Exclusively Cam Only lang ako sa’yo. Ganda mo eh! Sa sobrang ganda mo wala na akong ganang manlalaki. Gusto ko na lang kayakap ka sa gabi. Kaadik kang babae ka. Ginayuma mo ko, ‘no? Okay lang, wala na yata ‘tong lunas. Forever na ‘to!

Salamat din sa lahat Cam dahil hindi mo ako sinukuan. Tinanggap at minahal mo pa rin ako kahit na ganito ako. Kahit na super sereyna ako noon at ngayon. Modified na nga lang ako ngayon kasi nga loyalty is the best policy. I’m an advocate of Crosoft’s love to his Cam. <3

Mahal na mahal kita Cam, sobra.

Kaya nga hinanap kita at sinugurado kong maaangkin kita sa bandang huli. ‘Langya ang drama ng maangkin. Minsan iniisip ko na babae talaga ako sa nakaraang buhay at lalaki ka naman. Sinumpa yata tayo noon kaya heto at na trap ako sa katawan ng isang gwapong lalaki at ikaw naman sa katawan ng babae. ‘Di joke lang. Kahit ano pa man. Mahal tayo ng Diyos. :D

Basta! ‘Yon na ‘yon. Panalo ka na! Ang husay mo. You made a princess fell in love with you. And now the princess became your king - not just that - ako rin ang Daddy ng dalawang pinagpalang anak natin na sila Verdanah at Font.

Cam, pahingeng dalawa pang pinagpalang anak! Let’s name them Print and Paper. Sana twins para isang araw, dalawang irehan. Bongga!

1+4+3 =


Love,

Crosoft

PS: HAPPY BIRTHDAY MAHAL KO <3



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE