Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

MAG-IISANG linggo na simula nang makabalik sila Cambria sa Maynila.

Sa loob ng isang linggo ay ‘di pa rin sila nagkikita ni Crosoft. Masyado silang busy pareho sa kanya-kanyang trabaho. Nangungulit na nga si Danah kung kailan nito ulit makikita ang daddy nito. Wala siyang maisagot kaya hinahayaan na lang niyang makipag-skype ito sa daddy nito o kapag busy talaga si Crosoft ay tinatawagan nito si Danah. Ganoon lang ang naging set up nila lagi. Mahirap dahil kailangan nilang itago ang relasyon nilang dalawa.

She really missed him so much.

She sighed. Tumunog naman ang cell phone niya. She grudgingly reached her phone on the bedside table. Hindi na niya tinignan kung sino ang tumatawag.

“Hello?”

“Hi Cam,” nagising yata ang buong diwa niya nang marinig ang boses ni Crosoft. Umayos siya at maingat na isinandal ang likod sa headboard ng kama. Baka magising ang natutulog na anak sa tabi niya. “Naistorbo ba kita?”

“Hindi, napatawag ka?”

“One plus six plus three, equals?”

“Oh, ano na naman ‘yan, ha?” napangiti siya. “Ikaw talaga, lagi mo na lang dinadaan sa mga numero mong ganyan.”

“Ito naman,” natawa ito sa kabilang linya. “I missed you lang ang sagot niyan. Tsk, ikaw talaga. Kahit kailan talaga ang slow ng pick up mo sa math.” 

“Oo na, ako na ang bobo. Masaya ka na? Talino mo eh.”

He laughed. “But anyway, tulog na ba ang bunga ng ating pagmamahalan?”

“Anong bunga ng ating pagmamahalan?” napakunot-noo naman siya. “Ewan ko sa’yo! Ang dami mong arte sa katawan Crosoft.”

“Ewan ko rin sa’yo. Lagi mo na lang akong binabara. Sige na talo na ako. Panalo ka na. Ikaw pa. Malakas ka sa internal organs ko eh.” Natawa siya. Kahit kailan talaga, baliw! “Cam, tulog na ba si Danah?”

Sinulyapan niya ang mahimbing na natutulog na anak sa tabi. Nakangiti ito kahit tulog. Yakap nito ang bigay na hotdog pillow ni Crosoft na may nakadikit na mukha ni Crosoft. Ewan niya na lang kung anong pauso na naman ‘yan ni Crosoft. Nonetheless, it’s still cute.

“Oo, tulog na.”

“Can I say something sweet Cam?”

“Sige, ano ‘yon?”

“Miss ko na kayong mag-ina ko.” Malungkot na pahayag nito.

Napangiti siya ng mapait. “Miss ka na rin namin. Hindi na kita nakikita sa MS. Saan ka ba nagsususuot na loko ka?”

“Photoshoots, commercials, fan signing events…” he sighed. “Sa loob ng isang linggo na puno ang schedule ko. Madaling araw na akong nakakauwi sa condo. Kapag gano’n ‘di na ako nakakatawag dahil alam kong tulog na rin kayo.”

“Ang busy mo talagang tao.”

“As much as I wanted to spend more time with you and Danah I can’t ‘cause of my work. If we weren’t hiding our relationship it might be easier.”

“Para kay Danah din naman ‘to Crosoft.”

“I know, kaya nga. Gusto ko nang manampal ng tao sa asar. I missed you so much Cam. I missed touching your face. I missed your smell. I missed your lips. I missed…”

“Crosoft tama na, baka saan na naman ‘yan mapadpad ‘yang pinagsasabi mo.”

“Don’t you missed me Cam?”

“Of course I missed you. Pero magkikita na rin tayo soon. Magsisimula na next week ang taping, diba?”

It was weird. Noon ay excited siya dahil unang pelikula ‘yon sa direkyson niya. Now, parang wala na ‘yong epekto sa kanya. Mas excited pa siya dahil magkikita na sila ni Crosoft. Parusa rin sa kanya ang ‘di ito makita ng matagal. Missed na missed niya na rin talaga si Crosoft. Para na yata siyang mababaliw.

“Still, hindi naman kita malalapitan. Alangan naman, kabago-bago ko palang feeling close na agad ako sa’yo. It will take days for me para maipakita sa set na magkaibigan na tayo. Pak juice! Ang hirap pala nang ganito. Para tayong artista sa totoong buhay. Gusto ko nang magwala at sumigaw sa inis.”

“Ang OA mo talaga kahit kailan.”

“Syempre, hindi biro ang ‘di ka makausap, makita, at mahawakan Cam. Pati na rin ang ‘di makasama si Danah.”

“Nakaya mo nga ang pitong taon. Ngayon ka pa magri-reklamo?”

“You don’t know anything Cam. Hindi mo alam kung anong dinanas ko sa pitong taong magkahiwalay tayo. Ang MMK na mismo ang pipilit sa akin na isa-TV ‘yon. Trust me. You don’t want to know.”

“Sa MMK ko na lang aalamin. Siguraduhin lang nila na maganda ang gaganap sa role ko.”

“Bakit maganda ka ba?”

“Sarap mong sapakin eh. Oo na, alam ko namang mas maganda ka sa akin. Haba ng hair mo eh. Pinagsanib na buhok nila Rapunzel, Cinderella, Belle, Aurora at Ariel.”

Natawa ito. “You’re really funny Cam.”

“Seryoso ako, baliw ‘to.”

“Alam ko, kasi totoo naman.” Lalo lang itong natawa. Imbes na mainis ay natawa na lang din siya. “Alam kong naangaat ako sa karamihan. Walang kapintasan ang taglay kong kagandahan.”

Sige push mo ‘yan.

“Oo na, alam ko na po ‘yan.”

“Pero may isa kang ‘di pa alam.”

“Ano?”

“Four plus three plus four, equals?”

“Gawan mo nga ‘yan ng dictionary para ‘di ako maiwang nakanga-nga riyan sa mga hirit mong ‘di numero, Crosoft.”

He chuckled. “Sige pag-iisipan ko. Medyo busy pa kasi ako sa pag-promote ng kagandahan ko sa madla. Para rin ito sa kinabukasan natin.”

Natawa siya. “Ewan ko sa’yo!”

“Adik ako sa’yo.”

“Huh?”

“Four. Plus. Three. Plus. Four. Adik ako sa’yo.”

Napangiti siya. Kinilig at nabaliw saglit. Iba talaga ‘tong humirit si Crosoft. Napapangiti na lang siya na parang ewan. May naalala naman siya bigla.

“Speaking of that –“

“Wait, wala ka man lang i-re-reply sa akin?”

“Wait nga, naalala mo noong college. May sayaw tayo noon na nagpapatigil sa ulan?”

“Right! ‘Yong adik rain dance natin.” Malakas na tumawa ito. Hindi niya naman mapigilan ang mapangiti sa naglalarong alaala na ‘yon sa utak niya. “I still remember that. Sino bang hindi? ‘Yon ang mga kabaliwan natin noon.”


GUSTO nang maiyak ni Cambria sa sobrang kaba. Hindi niya alam kung papasa ba siya sa Math D Statistic niya. Ngayon malalaman ang final grade niya pero feeling niya hindi pa siya ready. To be honest, bobo talaga siya sa math at wala na siyang balak na ulitin ang subject na ‘yon.

Kasama niya ngayon si Crosoft. Nasa outdoor study lounge sila ng university nila. Hapon na at wala na rin gaanong tumatambay sa lugar. Sinulyapan niya si Crosoft sa tabi niya. Busy ito sa pag-i-edit ng mga pictures nito. Buti pa ang ‘sang ito ang chill lang. Nakakainggit.

“Crosoft…” malungkot na tawag niya.

He glanced at her. Blanko ang expression ng mukha nito. “Oh bakit?”

“Sa tingin mo papasa ako sa Math D ko?”

“Sa bobo mo sa numero? Pray natin ‘yan, girl.”

She made a face. Naiiyak na talaga siya. Pati si Crosoft walang tiwala sa utak niya pagdating sa math. Gusto na niyang magbigti. Pahingeng lubid ikukwentas niya sa leeg niya.

“Anong gagawin ko kung bumagsak ako?”

“Akyat ka na lang ulit. Pagagawan kita ng pink stairs.”

Pinukol niya ng masamang tingin si Crosoft. “Ipadala kaya kita sa Iraq? Hindi ka naman nakakatulong sa akin eh.”

“Hoy, tinutulungan kita. Tinutulungan kitang tanggapin ang katotohanang babagsak ka sa Math D. That’s what friends are for. Honest ako.”

“Panira ka talaga!” tuluyan na siyang naiyak.

“Aish,” isinilid nito ang cell phone sa bulsa. Nagtaka siya nang tumayo ito sa harap niya. Naingat niya ang tingin sa mukha nito. “Tayo riyan.”

“Bakit?” pinunasan niya ang mga luha sa mga mata.

“Let’s ask for a sign.” Hinila siya nito bigla sa braso pa tayo. Napangiwi pa siya dahil ang brutal nito makahila. ‘Langya! “Kapag umulan papasa ka.” Napatingin siya sa langit. Nanlumo lang siya nang makita ang maaliwalas na panahon. “Kapag hindi, sorry na lang.”

“Hindi mo talaga ako pinapaasa eh, ano?” sarkastiko niyang balik kay Crosoft.

“Baliw, pinapaasa kita. Kaya nga sign, diba? Pag-asa ‘yon.”

“Eh paano uulan eh ang active ni araw? Gusto mong ipalapa kita kay Majimboo?! Gago ka ba?” singhal niya rito.

“Eh huwag kang mag-inarte. Uulan ‘yan. Tiwala lang.”

“Paano nga?”

“Rain dance,”

“Hindi totoo ‘yan.”

“Totoo ‘yon, baliw! Akin na ang kamay mo.” Hinawakan nito ang mga kamay niya. “Hoy Cam, itong rain dance ko mabisa ‘to. Naiiba at epektibo kaya huwag ka na riyang mag-drama.”

“Paano ba ‘yang rain dance mo?”

“Ganito, when I stepped my right foot to yours, you stepped back.” Nakatingin ang mga mata niya sa mga paa nila. Tinignan niya ang ginawa nito. When he stepped his right foot towards her direction. She stepped back her right. “Let’s do that twice and vice versa. After that, ki-kembot tayo nang ganito.”

Natawa siya nang ikembot ni Crosoft ang balakang. Pinalo lang siya nito sa balikat. Lalo lang tuloy siyang natawa. Ang landi kasi kung makakembot! Kaloka!

“Umayos ka Cambria! Ikaw na nga ‘tong tinutulungan ko.”

“Sorry naman, natatawa lang talaga ako.”

“Quiet! Gawin na natin. Sundan mo lang ako. Okay?”

“Okay,” she nodded, suppressing a smile.

“Okay, on my count. One, two, three – Mukha mo adik.” Kanta nito sa kakaibang tuno na ‘di niya maintindihan kung saan nito ‘yon napulot. “Buhok mo adik! Prof mo adik! Grades mo adik!” tawa lang siya nang tawa habang ginagawa nila ang rain dance with the song na maraming adik. “Adik na adik na adik na adik na tayong lahat.” ‘Yon ang part na kekembot silang pareho.

Tawang-tawa na talaga siya.

“Hoy sabayan mo ako! Kumanta ka!”

“Oo na!” pinigilan niya ang matawa. “Mukha mo adik! Ilong mo adik! Katawan mo adik! Tiyan mo adik!” sabay silang kumembot. “Adik na adik na adik na adik na tayong lahat.”

They repeated that hundred times. Chos.

Biglang bumuhos ang ulan. Napasinghap siya at napasigaw. Patalon na niyakap niya si Crosoft sa tuwa.

“Crosoft papasa na ako! Umuulan na!”

“Papasa ka na!” inikot siya ni Crosoft ng tatlong beses. Nang tumigil ito ay napatitig sila sa isa’t isa. They were both smiling at each other. “Masaya ako para sa’yo Cam.”

Para silang nasa eksena ng isang romantic na pelikula. May naririnig pa siyang background music.

“Thanks Crosoft!”

“Hoy!”

Biglang narinig niya sa utak ang disc scratch sound effects nang may sumigaw. Naibaba siya ni Crosoft at sabay nilang tinignan ang matandang lalaking sumigaw.

“May balak ba kayong maligo sa field?!”

“Po?” they said in unison.

“Oras nang diligan ang field. Umalis na kayo riyan. Mga kabataan nga naman ngayon. Umalis na kayo kung ayaw n’yong magkapolmonya. ‘Tong mga batang ‘to!”

Naigala nila ang tingin sa paligid. Hindi nga umuulan. Nakaandar lang ang lahat ng sprinkler sa field kaya nababasa sila. Napangiwi siya. ‘Langya! ‘Di na talaga siya papasa. Lukot ang mukha na binalingan niya si Crosoft.

“False alarm.”

“It’s okay, may next sem pa naman.”

“Huhu, ayoko na.”

“Gusto mo i-enroll na kita?”

“I hate you!”

He just laughed. “I know right.” Umangat ang isang balikat nito saka siya malanding kinindatan.


“BUTI na lang ‘di ako bumagsak. Still, nagkatotoo pa rin ang sign.”

“Sinwerte ka lang.”

“Tse! Panira ka talaga.”

“Anyway, ‘di na kita iistorbohin. Alam kong pagod ka rin Cam. Matulog ka na. Alas dose na nang umaga.”

“Ikaw rin, matulog ka na. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Kumain ka sa tamang oras at huwag ka masyadong magpuyat.”

“Naks! Ang sweet talaga ng Cam ko. Gusto kong maiyak sa kilig dito. Ganyan na ganyan din ang mommy ko sa akin.”

“Baliw! Sige na, tulog ka na. Sweet dreams Crosoft.”

“Dream of me Cam.”

“Ikaw rin.”

“Lagi naman eh. Buntis na nga ako sa panaginip ko.”

“Ewan ko sa’yo!”

“Syempre naman, SPG lagi ang tema ng paniginip ko eh.”

“Matulog ka na. Ikaw talaga.” She can’t help but smile.

“I know. Ako na talaga.”

“May reply na ako sa adik ako sa’yo.”

“Ano?”

“Four times three divided by two plus four, equals?”

“Yikes, it’s complicated.”

“Adik na adik na adik sa’yo.”

In full details, four times three equals three ADIK words which has four letters divided by two NA plus SAYO which is compose of four letters. Medyo complicated pero na gets ko nang slight.


1+4+3


PARANG naubos lahat ng lakas ni Cambria nang makalabas sa opisina ng presidente ng MS network. She took a deep breath saka napabuntong-hininga. Naisuklay niya ang isang kamay sa buhok. Mariing naipikit niya ang mga mata.

Pinatawag siya ng presidente ng MS dahil sa ginawang eskandalo ng kanyang ina. Mabuti na lamang at sa loob ng MS ‘yon nangyari dahil kung nagkataon malaking eskandalo ‘yon sa network kung amabot ‘yon sa mga online news. Hindi niya naman talaga alam kung bakit nagawa ‘yon ng kanyang ina. Bakit kailangan pa nitong magsinungaling at gamitin ang pangalan niya?

Marahas na napabuntong-hininga ulit siya. Kung kailan siya nabigyan ng break saka naman siya bibigyan ng problema ng nanay at kapatid niya. Hindi niya na alam ang gagawin sa dalawa pero nagpapasalamat pa rin siya na pinakinggan siya ng presidente.

Ang problema. Paano niya sasabihin sa mama niya ang desisyon ng MS tungkol kay Misty? Naiisip pa lang niya ‘yon parang mawawalan na naman siya ng lakas.

Tumunog bigla ang cell phone niya.

“Hello?” agad niya ‘yong sinagot.

“Bria, anak. Kumusta?” napaigtad siya nang marinig ang boses ng ina. “Anong desisyon ng MS?”

“Ma, bakit kayo pumunta rito na hindi nagsasabi sa akin?” hindi niya naiwasang pagtaasan ito ng boses. “Sinabi ko ho na gagawa ako ng paraan. Bakit kailangan n’yo pang gumawa ng eksena sa MS at sabihin sa presidente na gusto kong isama si Misty sa movie na gagawin ko?”

“Alam ko nam –“

“Ma, hindi ho ako ganoon ka kilalang director. Nagsisimula pa lang ako. And this project is very important to me dahil ito ang unang pelikula na gagawin ko. Huwag n’yo namang sirain ang pagkakataong ibinigay sa’kin ng MS.”

“Hindi ko naman sinisira ‘yan. Dapat nga magpasalamat ka pa dahil tinitulungan pa kita. Kung kasama ang kapatid mong si Misty sa pelikula na ‘yan tiyak akong papatok ‘yan sa takilya. Tsk, tignan mo nga ‘yang mga artista n’yo. Mga ‘di naman kagalingan. Sumikat lang dahil sa love team. At saka, anak, ayoko rin namang mapahiya ka. Ikaw na nga ang nagsabi na nagsisimula ka pa lang kaya ‘di maiiwasang ‘di tangkilikin ng lahat ang pelikula mo.”

Natigilan siya. Nasaktan siya sa huling sinabi ng ina. Wala talaga itong tiwala pagdating sa kanya. Hindi niya maipaliwanag pero parang nabugbog ang puso niya dahil sa sinabi nito. Sinubukan niyang alisin ang sakit na nararamdaman niya.

“M-Ma,” parang may bumikig sa lalamunan niya. “Ma, please, sana unawain n’yo naman ako. Kagustuhan namin at ng network na sila ang kunin dahil bagay sa kanila ang role. Pinaghirapan din nila ang posisyon na narating nila. Tungkol naman kay Misty. Wala na ho akong magagawa pa.”

“Anong ibig mong sabihin?” tumaas ang boses nito. “Cambria?”

“Pinatawag ako ng presidente kanina. Nagdadalawang-isip sila sa pagkuha kay Misty sa MS dahil sa ginawa n’yong eksena noong isang araw. Wala na ho akong magagawa roon dahil nasa MS na ang huling desisyon. Kung sana… kung sana hindi kayo gumawa ng eksena ‘di sana magagawan ko pa ng paraan.”

“Sinisisi mo ba ako Cambria?! Aba’y ang lakas ng loob mong –“

“Ma, wala akong sinasabing ganyan.”

“Pero ‘yon ang pinapamukha mo sa akin! Wala kang galang. Wala kang utang na loob. Pagkatapos kitang buhayin sa mundong ‘to. Minsan na nga lang ako humingi ng pabor sa’yo ‘di mo pa magawa. Sinuwerte ka lang sa MS! ‘Di ka rin magtatagal diyan.”

“Ma, huwag naman ho kayong ganyan. Sinabi ko naman sa inyo na susubukan ko, diba? Pero sana naman ay ikinunsulta n’yo sa akin ang gagawin n’yo at nang nagkaintindihan po tayo.”

“Ang sabihin mo ayaw mo lang talagang tulungan kami ng kapatid mo!”

“Hindi ho sa ganoon,” marahas na naisuklay niya ang mga kamay sa buhok. “Kaya lang, hindi naman ho kasi madali ang pinapagawa n’yo sa akin. Hindi ho ako ang may-ari ng MS. Kung may magagawa lang ho sana ako matagal ko na ho ‘yong ginawa. Sana naman ho maintindihan n’yo ‘yon.”

“Ah basta, wala ka pa ring kwentang anak.”

“Ma –”nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata niya.

“Bobo ka talaga! Nagpabuntis ka sa isang bakla. Ngayon ‘di mo pa magawang maipasok si Misty sa MS. Punyeta! Tandaan mo ‘to Cambria. Ikaw ang may gusto nito. Kaya ihanda mo ‘yang sarili mo.”

“Ma! Please, huwag n’yo namang gawin sak –“ biglang naputol ang linya. “Ma? Ma?!” bumagsak ang mga balikat niya. Hindi niya napigilan ang mga luhang umalpas sa mga mata niya. “Bakit ba hanggang ngayon ‘di n’yo pa rin ako magawang maintindihan mama?” she silently sobbed.

“Cam?”

Naiangat niya ang mukha. Crosoft? Bumakas sa mukha nito ang pag-aalala.

“I want to hug you right now. Pero natatakot ako na baka may makakita sa atin.” Pasimpleng hinawakan nito ang kamay niya. “Let’s go somewhere else.” Saka siya nito hinila.

Napatingin siya sa mukha ni Crosoft nang mabasa ang isinusulat nito sa sticky note na dala nito. Hindi niya alam kung bakit meron nun sa bulsa ni Crosoft. Sinulatan nito ‘yon saka idinikit isa-isa sa pinto ng ladies room ang mga sticky notes na may letrang bubuo ng salitang OUT OF ORDER.

Kumunot ang noo niya dahil masyado ‘yong pa-girl para sa isang signage.

He glanced at her.

“Okay na ‘to.”

Hinawakan nito ang kamay niya. Iginala muna nito ang tingin sa buong paligid bago sila pumasok sa ladies room. Ini-lock nito ang pinto. Hindi na niya napigilan ang sarili at siya na mismo ang unang yumakap dito.

“Crosoft?” iyak na tawag niya rito.

“Anong problema?”

Gumanti ito ng yakap. She buried her face on his chest. Bigla na lang bumuhos lahat ng mga luha niya. Naninikip ang dibdib niya. Hindi niya mapigilan ang mga luha niya. Ganoon ang epekto ni Crosoft sa kanya. Kahit noon pa. Crosoft will always be her source of comfort.

Gumalaw ang mga balikat niya sa sobrang pag-iyak. Lalo lang humigpit ang pagyakap nito sa kanya.

“Cam, ano bang problema mo?”

“S-Si mama,” she sobbed. “B-Bakit ba hindi niya ako maintindihan? O-Okay lang naman na… na ‘di niya ako matutunang mahalin. Ang gusto ko lang naman ay ‘yong maintindihan niya ako. ‘Yong isipin niya rin ‘yong nararamdaman ko. A-Anak din niya naman ako. Pero bakit ganoon siya?”

Nagsimula siyang mag-kwento. Bumukas ang galit sa mukha ni Crosoft nang matapos siya. He cupped her face and wiped the tears on her face with his thumb.

“Diba sinabi ko sayong huwag kang maglilihim sa akin?”

“A-Ayoko lang naman na mag-alala ka. At saka ‘di naman importante ‘yon. Hindi ko lang maiwasang masaktan. Akala ko sanay na ako. Pero ‘di pa rin pala.”

“We never get used of the pain Cam. Iniisip lang natin na oo, pero hindi. Pinapamanhid lang natin ang sarili pero hanggang sa panlabas lang ‘yon. Kahit anong pilit nating sanayin ang sarili. Nasasaktan pa rin tayo sa loob.”

“Crosoft?”

Alam niyang ganoon rin ang nararamdaman ni Crosoft. Kagaya niya, hindi rin maganda ang relasyon nito sa sariling ama nito. Pero kumpara sa kanya. Malaki ang tiwala niyang magkakaayos din ito at ang ama nito.

“Huwag mo ng alalahanin ang mama mo.” Hinalikan siya nito sa noo. “Huwag ka ng umiyak dahil ang pangit mo na.”

“Asar ka talaga eh.” Pinalo niya ito sa balikat.

“Minsan na nga lang kitang makita dito sa MS umiiyak ka pa.”

“Hindi ka ba busy ngayon?” pag-iiba niya.

“May guesting ako sa isang noon time show mamaya.”

“Oo nga pala.”

“Ikaw saan ka na pagkatapos?”

Naalala niya bigla. “Shuks! Muntik ko nang makalimutan. May pag-uusapan nga pala kami ni Alt ngayon.”

Kumunot ang noo ni Crosoft. “Sino ang keyboard na ‘yan?”

“Baliw! Direktor siya ng noon time show ng MS. Ah, baka makilala mo siya- ”

“Single pa ba ‘yan?”

Kumunot ang noo niya. “Bakit? Type mo?”

“Ikaw lang ang type ko. Sagutin mo na ako. Sino ang ‘langyang Alt na ‘yan?”

“Kaibigan ko lang siya. Kasama ko siya sa upcoming teleserye ng MS. May pag-uusapan lang kami.”

“Five plus three?”

“Huh? Anong five plus three?”

“Selos ako.”

“Sus, bakit ka naman magseselos sa kanya? Magkaibigan lang kami ni Alt.”

“Masama? At least honest ako.”

“’Di naman.” Napangiti siya. “Ang cute mo kasing magselos.”

“Binola mo pa ako. Anyway, free na ako ngayong hapon. Ipapakuha ko na lang si Danah sa bahay n’yo. Pahiram mo na ng anak natin. Nami-miss ko na rin ‘yon.”

“Sige, miss na miss ka na rin nun.”

“Eh ang mommy na miss ba ako?” inilapit nito ang mukha nito sa kanya. Natawa siya sa pagpapa-cute nito.

“Tigilan mo ako Crosoft.”

“Ouch! Sinasaktan mo ang damdamin ko.”

“Oo na, miss na kita.”

“I missed you too.”

Siniil siya nito nang mabilis na halik sa mga labi.

“Bakit nga pala sa ladies room tayo pumasok?”

“Pareho naman tayong girl, keree lang ‘yan.” He grinned, saka muli siyang hinalikan sa mga labi.


1+4+3


NAKASALUBONG ni Cambria si Alt sa hallway.

“Nakita ko kayo kanina ni Crosoft kanina.” Natigilan siya. Kumabog nang mabilis ang puso niya. Dumako ang tingin niya sa mukha ni Alt. “Okay ka lang ba Bria?”

“O-Okay lang,” pilit siyang ngumiti. “Ni Crosoft? Saan?”

He nodded. “Kanina sa lobby. Mukhang close na kayo ah.”

Relief. Buti na lang at ‘di roon sa ladies room.

“May itinanong lang siya.”

“So okay na pala kayo?”

“Okay naman siya.”

“I guess, mahirap talaga ang ginagawa niya.”

“Huh? What do you mean?”

“You don’t know he’s gay?”

Nagulat siya. “P-Paano mo naman na sabi?”

“I know when I see one. Sa tinigal ko sa trabahong ‘to marami na akong napapansin na ‘di napapansin ng ibang tao.” Iba ang uri ng tingin na ibinibigay ni Alt sa kanya. It was like he’s telling her he knew something about her and Crosoft. Hindi niya gusto ang uri ng tingin nito sa kanya. “But I commend him. He’s really good. Hindi gaanong napapansin ang kilos niya, not when you’re too keen enough.”

Napalunok siya. Kinakabahan siya. Natatakot siya para kay Crosoft.

“You’re not going to –“

“Oh no,” ngumiti ito. Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag. “Bahala na ang MS doon. Anyway, I knew they’re fully aware of his gender preference. At saka ‘yong rumors about him being gay in States. Rumors lang naman ‘yon. Nasanay na ang mga tao na i-tag ang mga lalaking artista as gay.”

“Tama ka,”

“’Di ka naman siguro bothered?”

“A-Ako?” she shook her hands in front of him. “Hindi naman. At saka gaya ng sinabi mo. Hindi na ‘yon bago sa atin.”

Sana nga lang walang humalungkat sa nakaraan ni Crosoft. At kung ano ang totoong koneksyon nilang dalawa.


1+4+3


NAABUTAN ni Cambria na gising pa ang ama nang makauwi siya. Nanonood pa ito ng TV sa sala.

“Anak, naka uwi ka na pala.”

Tumabi siya ng upo sa ama. Isinandal niya ang ulo sa balikat nito. “Pa,”

“Pinuntahan ako ng mama mo rito.”

Naingat niya ang tingin rito. “Pinuntahan ka ni Mama?”

“Hindi pa rin nagbabago ang mama mo.” Mapait na ngumiti ito. “Hindi na yata magbabago ang mama mo.” Isinandal niya ulit ang ulo sa balikat nito.

“Papa paano n’yo ba minahal si mama?”

Galit ang mama niya dahil nabuntis ito sa kanya noon. Hindi pa nga siya pinapanganak ay galit na ang mama niya sa kanya. Noong pinagbubuntis siya naka pirma na ang mama niya ng kontrata sa BS noon para sa isang telserye. ‘Yon na ang break na hinihintay nito noon. Sa kamalasmalasan sabi ng kanyang ina nabuntis daw ito ng walangya niyang ama. Sa isang iglap nawala ang lahat. Napunta sa iba ang role na pinapangarap nito. Naging miserable ang buhay nito.

Kaya hindi siya nito magawang mahalin dahil pinapaalala niya rito ang pagkasira ng mga pangarap nito noon. Kung hindi siya dumating ‘di sana maganda na ang buhay nito ngayon. Hindi niya maiwasang malungkot. Iyak siya nang iyak noon nang sabihin ‘yon ng kanyang ina sa kanya.

Naging tahimik lang ang kanyang ama sa relasyon nito ng kanyang ina. Lagi na lang na ang papa niya ang nagpapasensiya at nag-a-adjust sa tuwing nag-aaway ito at ang mama niya.

“Alam ng Diyos na minahal ko ang mama mo sa paraan na kaya ko.” Basag ng ama niya. “Tiniis ko lahat ng mga paninisi at galit niya sa akin. Dahil ayokong lumaki kayo na walang ama. Minsan gusto ko ng sumuko pero tiniis ko ‘yon anak dahil nag-aalala ako para sa’yo. Simula nang ipananganak ka ay ‘di ko nakitaan ni katiting na pagmamahal ang ina mo sa’yo. Hindi kakayanin ng konsensiya kong iwan ka.”

“Hindi ko maintindihan.”

“Hindi ang mama mo ang mahal ko noon. It was another woman. Karibal ng mama mo ang nobya ko noon, anak. Sa ngayon, isa na siya sa mga sikat na artista ngayon sa MS.”

Gulat na napatingin siya sa ama. “Ano pong nangyari?”

“Nang mga panahon na ‘yon mahigpit na magkaribal si Lucida at Kristina.” Si Kristina Zulueta ba ang tinutukoy ni Papa? “Matagal na kaming mag-nobyo at nobya ni Kristina noon. Pero hindi ako naging tapat sa kanya. Madali akong natukso sa mama mo. I cheated and I got your mother pregnant. Nasaktan ko si Kristina. Pinagsisihan ko ang lahat ng panloloko ko sa kanya. Pero huli na ang lahat para sa amin.”

“Kristina refused the offer at napunta ‘yon sa mama mo. Umalis ito ng bansa dahil na rin sa sama ng loob. Nalaman kong buntis pala ang mama mo. Nagalit ako nang malaman kong ginamit lang ako ng mama mo para mapunta sa kanya ang role. Pero napalitan ‘yon ng mas matinding galit nang sabihin niyang ipapalaglag ka niya. Ginawa ko ang lahat para ‘di mangyari ‘yon. Pinilit ko si Kristina na kunin ang role para wala nang mabalikan si Lucida. Pinakasalan ko siya kahit na hindi ko siya mahal.”

“Kung hindi mo pinakasalan si mama, sa tingin mo itutuloy niya ang pagpapalaglag niya sa akin?”

“Siguro, anak.”

“Pero pa, naniniwala ka pa rin bang magbabago pa si mama?”

“Ipinagpapasa-Diyos ko na lamang ang ‘yong ina, anak. Minsan, hindi mo kailangang tiisin ang lahat. Kailangan mo ring sumuko. Dahil may mga bagay rito sa mundo na hindi na pwedeng mabago pa. Ang tanging magagawa ko na lamang para sa mama mo ay ang ipagdasal siya.”

“Siguro nga ho, pa.”

“Hindi ka naman siguro inaabala ng mama mo, diba?”

Umiling siya. “Hindi naman ho, pa.” Pagsisinungaling niya. Ayaw niyang mag-alala pa ang ama.

“Maiba ako anak, kumusta naman kayo ni Crosoft?”

“Okay lang naman po kami.”

“Gano’n ba? Hindi na ako manghihimasok sa kung anong meron kayong dalawa. Pareho na kayong nasa tamang edad. Basta tandaan mo anak, nandito lang ang ako para sa’yo.”

“Salamat po.”

Naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya. Tumunog naman bigla ang cell phone niya. She slid one hand on her pocket. Numero ni Crosoft ang nag-register sa screen ng cell phone niya. Nag-excuse siya sa ama niya at tinungo ang garden.

“Crosoft?”

“Cam, bukas ko na lang ipapahatid si Danah. Hindi ko namalayan ang oras.”

“It’s okay, tulog na ba siya?”

“Yes, kanina pa. Ikaw, kakauwi mo lang ba?”

“Kanina pa, papatulog na rin ako.”

“Ah gano’n ba, sige, ‘di na kita aabalahin. Goodnight Cam.”

“Goodnight Crosoft.”

“Gusto kitang halikan pero ang layo mo.”

Natawa siya. “Antok lang ‘yan.” Kinilig din nang slight.

“Seryoso ako. Kapag may nag-door bell lumabas ka agad. Halik ko na ‘yon.”

“Tigilan mo nga ako Crosoft.”

“Oo na, sige na, ibaba ko na. Tulog ka nang mahimbing.”

“Ikaw rin.”

End Call.

Saktong pagbaba niya ng cell phone ay tumunog ang door bell. Kunot ang noo na lumabas siya ng bahay at binuksan gate. Napalinga-linga siya sa paligid. Walang tao. Nang bumaba ang tingin niya may box.

Kinuha niya ang box at dinala sa kwarto niya.

Kay Crosoft ba ‘to galing?

Binuksan niya ang box. Natawa siya nang makita ang laman nun. Unan ‘yon na may mukha ni Crosoft na nakanguso. Kagat labing kinuha niya ang sticky note na nakadikit sa pillow at binasa.

Pina-deliver ko na lang ang kiss ko.

Kiss me back when you see me. Aw! XD Crosoft 

Lalo lang siyang natawa. Kahit kailan talaga. Hinalikan niya ang unan at niyakap. Baliw ka talaga Crosoft. Pero in all fairness ang cute mo rito Crosoft.



  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE