Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

PUMASOK sila Cambria at Crosoft sa isa sa mga cinema sa mall na ‘yon.

Hindi niya nabasa kung anong papanoorin nila dahil nagmamadali na si Crosoft. Madali naman silang pinapasok ng tagabantay. May kung ano lang na pinakita si Crosoft dito. Hindi rin yata sila namukhaan dahil sa get up nila. Both of them wore a casual attire. Puting T-shirt, black jeans, at sneakers. May tig-iisang white bull cap pa sila sa ulo.

Kumo-couple get up lang, gano’n?

May monthsary ba sila? ‘Langya naman kung magyaya ng sine ‘tong si Crosoft sa kasagsagan pa talaga ng issue nilang dalawa. Iba na talaga yata ang ikot ng utak nito. Gusto na yata niyang mag-alala rito.

Hindi niya naman talaga alam kung bakit atat na atat itong si Crosoft na umalis. Pati ang hindi pagsama kay Danah ay ‘di rin nababanggit nito. So date talaga ‘to? Muntik pang masubsob si Crosoft buti na lang at hawak nito ang kamay niya kaya nahawakan at naalalayan pa niya ito.

Dapat sa mga eksena na ganito siya dapat ang clumsy at madadapa kaso naunahan pa siya ni Crosoft. ‘Yon kaya ang typical na nangyayari sa mga movies. Pero mukhang siya pa ang naging lalaki sa kanilang dalawa. Pa-girl din ang ‘sang ‘to eh.

“Are you okay?” inilapit niya ang mukha rito.

Medyo wala talaga rin siyang makita dahil madilim sa loob. Except sa malaking screen na kasulukuyang nagpi-play ng kung anong commercial. Mas naging malinaw pa ang mukha ni Crosoft sa ginawa niya.

Kumunot naman ang noo niya nang ngumisi si Crosoft.

“Oh bakit?” taas kilay na tanong niya rito.

“Wala, ikaw talaga ang knight in shinning armor ko Cam.”

“Malamang, ikaw ang prinsesa eh.”

“Pwede na rin,” he lightly chuckled. “Halika na, magsisimula na yata.”

Hindi na sila lumapit pa. Naupo na lang sila sa pinakalikurang bahagi ng sinehan. Wala naman silang katabi at malayo na ‘yong iba. Hindi na sila mapapansin doon. Inalis ni Crosoft ang suot nilang bull cap at inabot sa kanya ang isang paper bag ng popcorn. Despite the darkness ay nagawa pa rin niyang tignan nang masama si Crosoft. At ang hudyo ngumisi lang.

“Saan mo naman nakuha ‘tong popcorn?”

Inilapit nito ang mukha sa may tainga niya. “Nakita ko lang, sayang eh. Baka nagugutom na ang mga anaconda mo sa tiyan. Ang sweet ko ‘no?” she heard him chuckle.

“Ang sabihin mo tinitipid mo lang ako.”

“Hindi ah,” hinawakan nito ang braso niya at humilig pa talaga sa balikat niya. “Hayan, mukhang magsisimula na yata.” Ang kulit ng GIRLFRIEND ko mas nauuna pang mantsansing kaysa sa akin. Natawa lang siya nang mahina.

“Ano bang ginagawa natin dito Crosoft?” pag-iiba niya.

“You’ll know later.”

Itinuon niya na lang ang tingin sa panonood. Napangiti naman siya sa intro ng palabas. Kahit simple lang pero alam niyang pinaghirapan. Documentary ang pagkakaayos nun. Lalo lang siyang napangiti nang mabasa ang title ng documentary – Love At Its Weirdest. Cute!

Lalo pa siyang natuwa sa documentary. True, tungkol talaga ‘yon sa mga naiibang kwentong pag-ibig ng mga tao na minsan hindi talaga kapani-paniwala. Unang kwento pa lang naaliw na siya. Kwento ‘yon ng isang tomboy at bakla na ngayon may dalawang anak na. Ni rape daw siya ni Miss Tibo sabi pa nung bakla. Natawa lang siya.

Sunod naman ang kwento ng isang matalinong teacher at ang ang bobong estudyante na walang pakialam kahit na maging engot pa lahat ng anak nila basta lang huwag mawala ang mahal na mahal nitong babae.

Next, a seminarian and a delinquent girl love story. Meron ding Mister Pogi at Miss Pangit love story pero ‘di naman talaga pangit ang babae. Matatawag na average looking lang dahil sobrang gwapo talaga ng lalaki. Kwento ng dalawang lalaki na nagmahalan. Dalawang babae na sinubok ng panahon pero nagawang lampasan lahat ng mga pagsubok and now happily married na sa ibang bansa. A father who fell in love with his deceased son’s fiancée. Meron ding Kuya Maputi vs Ateng Maitim na sobrang cute naman talaga. Ang cute rin ng love story ng isang tomboy at ng isang cassanova na lalaki. All of their stories are truly inspirational… weird but beautiful.

She was happy for these people.

“Hi, what’s your name?”

She was taken aback when she saw herself on the screen. A-Anong ginagawa niya roon? Naibaling niya ang tingin kay Crosoft. Ngiting-ngiti ito kahit hindi naman nakatingin sa kanya. Kahit hindi nito sabihin alam niyang may alam talaga ito sa kung ano ang nangyayari.

Naalala niya ang eksenang ‘yon.

It was taken seven years ago by a student para sa isang project nito.

Pero paanong?


SEVEN YEARS AGO


“Hi, what’s your name?”

 “I’m Crosoft and she’s my Cam.”

“How long have you been together?”

“Together?” tinignan siya ni Crosoft. Ngumisi lang siya. Bahala siya sa buhay niya. ‘Di niya ito tutulungan. “Well, three years na kaming virgin – ouch!” siniko niya ito at binigyan ng nagbabalang tingin. Bastos talaga eh.

He winced in pain pero madali naman itong nakangiti. Artista! “I mean, it still feels like the first time I said I love her and she replied the same.” Nilakihan niya naman ang ngiti nang ihilig ng isang kamay nito ang ulo niya sa balikat nito. “Bagay kami, diba?”

Napangiti ang babae sa kanila. Kung alam lang nito na pinagti-trip-an ito ni Crosoft. They are always like that – acting as lovers kapag umaandar na naman ang saltik nito sa utak.

“About the picture… pwede n’yo po bang sabihin sa akin kung bakit patakbong niyakap n’yo si Ate Cam?”

“Ah wala ‘yon –“ she silently cursed under her breath nang kurutin ni Crosoft ang tagiliran niya. Ouch, ha?!

“Cam,” hinagod-hagod nito ang isang braso niya sabay simpleng irap na ‘di halata. Ah bahala ka Crosoft. ‘Di mo talaga pinatawad ang kawawang estudyante na ‘to ma expose ka lang. “We had a fight. Tapos, I woke up one day and I realized,” he glanced at her with so much admiration. “I couldn’t last a day without her.”

 It was almost true, she could have fallen for that look. If only it was real, but it’s not. She smiled and looked at him without even a glint of pretenses despite the sad reality of his acting. Oh well, ano pa bang magagawa mo Cambria? Crosoft will always be Crosoft.

Naputol ang pag-iisip niya sa nakaraan.

“Well, actually, I’m gay.” Pause.

Narinig niya ang mahinang bulungan ng mga tao sa loob.

“But you know what’s so amazing about me being gay?” biglang natahimik ang lahat. “‘Yon ay kaya ko pa lang mahalin ang babaeng ‘to.”

Gulat ang expression ng mukha niya noon habang nakatingin kay Crosoft. She was not used by his make up stories kaya nagulat siya. Noon kasi lagi lang nitong dinadaan sa biro na may halong joke sadulo. That time, he was different.

“Bongga, diba? Akala ko noon, hanggang bestfriend ko lang ang pangit na ‘to –“

“Oy di ako pangit!”

“Oo, sa mata ko.” Lumapad ang ngiti nito. “Ikaw lang ang pinakamaganda.”

Pinigilan niya ang matawa.

Narinig niya namang napa aww at ooh ang mga tao. Halata na kasi ang pamumula ng pisngi niya roon. Crosoft was really good in acting. Siya naman ‘di na kailangan ng acting at effortless pa. Totoo naman kasing kinilig siya nang mga oras na ‘yon. Iba lang talaga ang atmosphere noon. Aakalain mong totoo lahat. Even the girl bought his story.

“But it turned out na kaya ko pa lang maging shokoy para sa kanya. Dati kasi serena ako. Ngayon modified na lang.” Umugong ang tawanan sa loob. “Pero Cam, sa tingin mo kadiri ‘yong pagmamahal ko sayo? Medyo malansa, ‘no?”

“Ewan ko sa’yo! Ako lang ba ang na in love?”

“Hindi, tayong dalawa.”

Nagtilian ang mga audience. Iba naman kasi talaga ang tuno ng pagkakasabi ni Crosoft nun.

“What is love?”

Ilang segundong tinitigan siya ni Crosoft doon sa screen. Bigla ay sumilay ang isang ngiti sa mukha nito bago ulit nagsalita.

“Love is funny and weird. Funny how love can turn a person into something they’re not. Weird how love can make beautiful stories. Ours was kind of weird and different yet it always feels right. I believe love defies. Kaya kang baguhin ng pagmamahal mo. Kaya kang saktan at pasayahin ng pagmamahal. Love is a perfect example of possible. You can tag ours. It’s a rare kind of love, and you don’t always see like that everyday.”

He was only looking at her while saying those words.

Natahimik ang lahat.

“Ang gwapo ko, ‘no?” biglang segue ni Crosoft.

Natawa naman ang lahat.

“Kapal!”

Nagpalakpakan ang lahat at nagsitayuan. Ibinaling niya naman ang tingin kay Crosoft. Nang bumukas ang ilaw kitang-kita niya ang masayang ngiti nito. Natawa siya. May halo kasing pa cute ang ngiti. Ang trademark smile ni Crosoft – ngiting may halong landi at pa-cute.

Umakyat sa stage ang isang pamilyar na babae.

“It was a great honor to show this documentary,” simula nito. “It took me years para matapos ang iba’t ibang kwentong pag-ibig ng mga taong ‘to. Everytime I recall those events ay nararamdaman ko ang pagmamahal nila sa isa’t isa. But first, let me thank those two people who inspired me to make this.” Nakatingin ito sa kanila. Kinabahan naman siya nang slight. “Kuya Crosoft and Ate Cam. I wouldn’t have reached this far kung hindi ko kayo nakilala. You inspired me in so many ways. Thank you for sharing your beautiful story.”

Lahat ng tao ay natuon ang atensiyon sa kanila.

Hinila siya bigla ni Crosoft patayo. Nakangiting kumaway si Crosoft. Nahihiyang kinawayan niya si Graphie. Nagkislapan bigla ang mga camera. Akmang uupo ulit siya nang mariing hinawakan ni Crosoft ang siko niya. Naingat niya ang tingin rito. Nakangiti ito sa kanya.

“Chill ka lang,” sabay kindat.

Somehow it eases the tension. Natawa ulit siya. Ang landi pa rin kung maka kindat ng bruha.

“Sila ang unang-una kong nakilala seven years ago. After hearing their story I realized something. What if I share another side of love? Hindi ‘yong typical lang. What if I show something that would give another definition of love? And true, there is more to discover in love… and that love maybe the strangest feeling in the world. Na minsan walang scientific explanation kung bakit nagmamahal ang isang tao. We don’t know the reason why we fall in love. We just do and we learn to love the feeling as well. And I do hope, we all find that right genre of our own love story. Thank you.”

Umugong ang palakpakan sa buong sinehan.

Hinarap niya si Crosoft. Pasimpleng pinunasan pa nito ang mga luhang wala naman talaga. This guy really amuses her. Sanay na siya sa mga kalokohan at ka dramahan nito kaya lang ‘di pa rin niya mapigilan ang matawa sa ka-OA-han nito. Drama Queen Crosoft!

“Ang arte mo talaga,” komento niya.

“Hindi ako maarte,” hinarap siya nito. “Artistahin lang.”

“Baliw,” ito pala ang dahilan kaya masaya si Crosoft. Sa bagay solve na nga ang problema nila. Thanks to Graphie and her life saver documentary. “I wonder if she has any idea how good your acting was?”

“Bakit sa tiningin mo,” he trailed off. He wrapped one arm around her waist and pulled her closer. “Acting lang ang lahat ng sinabi ko that time?”

“Hmm, hindi ba?”

“Alam mo panira ka talaga ng moment minsan. Baka nakakalimutan mong confuse na ako nang mga oras na ‘yon.”

“So mahal mo na ako noong time na ‘yon?”

“In denial pa lang,” he chuckled. “Pero malapit na rin.”

“Ang cute mo talaga Crosoft D’cruze.” Pinisil niya ang pisngi nito. “Ikaw na talaga.”

“Seven plus four plus three, equals?”

Sinimangotan niya ito. “Ano ba talaga ang meaning niyan?”

“It means,” inilapit nito ang mukha sa kanya. Their nose touched. “Iniibig kita Cam.” Natawa naman siya. Korni ng gaga!

“Ang lalim niyan, ah. Iniibig talaga?”

“Oo, kasing lalim ng love ko sa’yo. Saka para maiba lang.” He grinned.

“Well, iniibig din kita Mister Crosoft D’cruze.”

“That’s good to know Misis Cambria Velasco D’Cruze.”

Nanlaki ang mga mata niya nang biglang lumuhod ito sa harap niya. Natutop niya ang bibig nang mula sa bulsa ng pants nito ay kinuha nito ang isang sing-sing. Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Alam niyang OA masyado ang reaksyon niya pero ganito pala talaga ang nararamdaman ng isang babae kapag nag-propose ang isang lalaki. Pak juice!

Hindi niya na alintana ang pagkislapan ng mga camera. Buong atensiyon niya ay na kay Crosoft. Sa kabila ng mga luhang umalpas mula sa kanyang mga mata ay hindi niya pa rin mapigilan ang matawa. Naalala niya bigla lahat ng mga pinagdaanan niya noon at mga kalokohan niya sa lihim na pagmamahal niya sa baklang bestfriend.

“Cambria Velasco,” he trailed off. “Will you be my wife?”

Nagtilian ang mga tao sa loob.

Siya naman natulala.

Parang pelikulang nag-play lahat sa utak niya. ‘Yan tuloy hindi niya mapigilan ang mga luha. Literally iyak na talaga siya. Ang hirap kayang magmahal ng bakla. Buhis buhay. Sakit pa sa puso. Suki sa move on.

Tumayo tuloy si Crosoft. Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. Iyak lang siya nang iyak na parang inagawan ng candy. Hindi naman mapakali ito. Hindi alam kung paano siya aaluin o kung ano bang nagawa nitong mali.

“Cam, bakit? Ayaw mo ba?” nag-aalalang tanong nito.

“Baliw! Gusto ko. Noon pa. Buong buhay ko pinangarap kong sana magka-amnesia ka at maging lalaki ka na lang para naman may pag-asa tayo.” Hikbi niya na may kasama pang sinok. “Hindi ko inakalang dadating ang oras na ‘to Crosoft. Ang hirap mo kayang mahalin. Ano namang panama ko sa mga gwapong crushes mo?”

“Thank God! Akala ko naman kung ano na. Kinabahan naman ako roon.” Nakahinga ito nang maluwag. Natawa pa ito. “Ikaw talaga. So ano na? Payag ka na bang maging Mister Cambria Velasco D’Cruze?” tanong nito na may kasamang nakakalokong ngiti.

“At talagang gusto mong ikaw ang Misis, ‘no?”

“Yes or no?”

“Yes, I do Misis Crosoft D’Cruze.”

Akmang hahalikan siya nito nang magsalita ulit si Crosoft. “Galingan mo sa paghalik. Pang-newspaper din ‘to at pang-showbiz balita.”

“Mukha mo,”

“’Di bale na nga,” he claimed her lips in a mind blowing kiss.

Wala na nga yatang mas showbiz sa kwentong pag-ibig at proposal ng isang Crosoft D’Cruze.

Ang MyCrosoft ng buhay ko.

Makagawa nga ng bagong movie -  Taming My Gay Bestfriend. Naks! Ansabe ng title? Kaso horror lang. Keree na rin ‘yon, haha!


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE