Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

NAABUTAN ni Cambria na karga-karga ni Crosoft ang anak nila habang pinapatulog ito sa silid niya.

Crosoft decided to stay pagkatapos ng mga nangyari. Madalas naman itong magpalipas ng gabi sa bahay kaya may mga damit na rin ito sa kwarto nila.

“Tulog na ba?” he mouthed.

Tumalikod si Crosoft para makita niya ang mukha ni Danah. Napangiti siya nang makitang mahimbing nang natutulog ang anak nila. Lumapit siya kay Crosoft at kinuha rito ang anak. Maingat naman siya nitong inalalayan hanggang sa mahiga nila ang anak sa kama. Hinalikan ni Crosoft ang noo ni Danah. Itinaas niya naman ang kumot hanggang sa leeg ng anak.

Lumapit siya kay Crosoft na kasalukuyang dumudungaw sa bintana.

“Hey,” simula niya.

Napatingin ito sa kanya.

“Anong iniisip mo?”

He reached for her hand. “Iniisip ko kung gaano kagulo ang buhay ko. I messed up everything, still I felt blessed dahil nandiyan kayo ni Danah. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ang mga ‘to kung wala kayo. If I lose you now. I might not be able to live a normal life again.”

“Iniisip ko noon na isang joke na ma-in love ka sa akin. Pero hindi ko nagawang kalimutan ang nararamdaman ko para sa’yo. Ilang ulit akong nasaktan. Ilang ulit akong umasa. Ilang ulit kong pinagmukhang tanga ang sarili ko na darating din ang araw na magmimilagro ang langit at magising ka sa katotohanang lalaki ka.” Hindi niya maiwasang matawa. “But I thank God for this weird situation of ours. Hindi normal sa isang katulad mo na magmahal ng isang babae. I say, baka kapag nawala kami ni Danah you might not be able to have an abnormal life again.”

“Cambria Velasco,” seryosong tawag nito sa pangalan niya.

Natawa lang siya. “Ito naman masyadong seryoso. Hindi na tuloy ako sanay. Feeling ko ‘di ka na bakla. Minsan kasi lalaking-lalaki ka na.”

“Halika nga rito,” hinapit siya nito palapit. Crosoft wrapped his arms around her waist. “Alam mo minsan, iniisip ko rin kung ano nga ba ako? Malamang tao, diba? Pinagpala ng langit? Pwede rin.” They both chuckled. “Pero kahit na may pusong prinsesa ako at nagkaka-crush minsan sa mga lalaki ay proud ako na sabihin sa lahat na ako’y isang beke na nagmamahal ng isang babae. Because deep inside I know, what I feel for you is real.”

“Naks, nakaka-touch naman ‘yan, dyosa kong mahal.” Nakangiting tinapik niya ang pisngi nito. “Anong sinabi sayo ni papa kanina?” pag-iiba niya.

“Tito Roman is too good to be true. Despite everything I did, naniniwala pa rin siya sa akin. Hindi na ako magtataka kung saan mo namana ang pagiging mabuti mo. Iniisip ko na noon na wala akong kwenta dahil ‘di ako marunong manindigan at magdesisyon not knowing na maraming naniniwala na deserve ko pa rin ang isa pang pagkakataon para baguhin lahat.”

“Crosoft –”

“I want you to hang on on me Cam.”

“Hmm?” inihilig niya ang pisngi sa dibdib nito. Naramdaman naman niya ang paghigpit ng yakap nito sa kanya.

“Matatapos din lahat ng ‘to.”

“Sana nga Crosoft.”

“Hindi kita ini-echos, ha?”

Natatawang pinalo niya ang likod ni Crosoft. “Baliw ka talaga!”

“I love you Cam,” inangat niya ang mukha kay Crosoft. Nakayuko ito sa kanya. “Walang echos, promise.”

“Ang cute mo talaga kahit kailan. Kaya kit –“ hindi na niya natuloy ang sasabihin nang mabilis na lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. She can’t help but smile between their kiss.

Tama, everything will be alright.


1+4+3


“HELLO,” sagot ni Cambria sa tumatawag.

“Kumusta anak,” napapitlag siya nang marinig ang boses ng kanyang ina. “Nagustuhan mo ba ang ginawa ko?”

“Ma –“ hininaan niya agad ang boses. Iginala niya ang tingin sa buong paligid. “Ma, kayo po ba ang nagkalat nun sa internet?”

“Hindi ko alam. Sa tingin mo ako?” tumawa ito sa kabilang linya. “Oh well, mukhang nagkakagulo na riyan sa MS. Mabuti ‘yan, dapat lang din sa kanila ‘yan.”

“Ma, please, itigil n’yo na ito.”

“Anong ititigil ko Cambria? Totoo naman ang lahat. Crosoft is gay. Dapat lang malaman nila na totoo ang mga rumors about him being gay. Akala mo kung sinong lalaki sa mga drama. Tsk, bakla naman pala. Ikaw naman ‘tong tanga, nagpabuntis ka na naman. I can’t believe you’re my daughter.”

“Walang ginagawang masama si Crosoft sa inyo. Sa akin lang kayo may problema. Bakit idinadamay n’yo pa ang mga walang kasalanan?”

“Ah basta, tumawag lang ako para sabihin sa’yo na may isa pa akong pasabog para tuluyang malaos ‘yang baklang ‘yan at masira ka. Goodluck na lang sa’yo.” Muli itong tumawa sa kabilang linya.

“Ma! Ma, please… pag-usapan natin ‘to –” namatay ang linya.

Bigla siyang nanghina. Natutop niya ang noo at napahawak siya sa pader. Ito na nga ba ang kinakatakutan niya. Wala na bang katapusan ang problema nila? Mabilis na umayos siya nang mamataan ang papalapit na dalawang babae. Pasimpleng inayos niya ang buhok bago itinuon ang atensiyon sa pagbabasa ng hawak niyang screenplay.

“Oy, sabi ko naman sayo bakla ‘yang si Crosoft eh.”

Natigilan siya sa narinig.

“Eh sayang, akala ko talaga chika-chika lang ‘yon. Halos naman kasi ng mga artistang lalaki sinasabi nilang bakla.”

“Naku dae, kapag nakita mo ‘yong picture nila nung boyfriend ni Crosoft noong college sure akong nga-nga ang beauty mo. Sabi pa nga roon ay matagal na raw magkakilala sila direk Bria at Crosoft. May something lang daw na nangyari sa kanila noon kaya parang may conflict. Tapos baka nga ginamit lang din ni Crosoft si direk para pagtakpan ang totoong gender nito kaya lang na buntis niya.”

“Hala, saang website mo ba ‘yan nabasa?”

“Link ko sayo later –” nang mapansin ng dalawa na nandoon siya ay natahimik ang mga ito. Nahihiyang tinanguan siya ng isang kasama nito. “Hello po direk.” Sumunod naman ang kasama nito. Tipid na ngiti lang ang naibigay niya sa dalawa bago niya nilampasan ang mga ito.

“Gaga ka! Bakit ‘di mo sinabi nandoon si direk?”

“Eh ‘di ko napansin.”


1+4+3


NAGISING si Cambria sa ingay na nagmumula sa labas ng bahay nila. Mabilis na dumungaw siya sa bintana.

Ganoon na lang ang gulat niya nang makita ang ilang reporters kasabay ng mga nagkikislapan na mga camera na sinusubukang paalisin ng tatay niya. Nang mapansin siya ng isang camera man ay mabilis na tumalikod siya at itinakip ulit ang kurtina.

Lumabas siya ng silid.

Mabilis ang kilos na tinignan niya ang silid ni Danah. Nakahinga siya nang maluwag nang makitang tulog pa ito. Pagkababa niya sa sala ay naabutan niyang nanonood ng balita ang lola niya.

Natigilan siya nang makita ang mga larawan nila ni Crosoft noon ‘till the screen focuses to one picture. Tinakasan yata siya ng kaluluwa niya nang mapansin na stolen shot pala ‘yon ni Danah. Malakas ang kabog ng puso niya. The picture was kind of blurry pero hindi siya pwedeng magkamali. Si Danah nga ‘yon.

“The international model turned actor abandoned his own child for another man.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng showbiz reporter. It was not true. “It turned out that Miss Cambria Velasco’s miscarriage and Crosoft’s rumored gender issue is quite connected. Ano nga ba talaga ang totoong namamagitan sa on the rise MS director Cambria Velasco and Crosoft D’cruze? Totoo nga bang former boyfriend ng sikat na model-actor ang kilalang couture designer na si Jeymes Andersson?”

“Apo,” tawag sa kanya ng lola niya.

Natutop niya ang bibig.

“Mamaya makakapanayam natin ang ina ni Miss Velasco.”

Si Mama! Napapitlag siya nang maramdaman ang pag-vibrate ng cell phone niya sa kamay. Nanginginig ang mga kamay na sinagot niya ang tumatawag.

“Cam, okay lang ba kayo ng anak natin?” nag-aalalang tanong ni Crosoft.

“C-Crosoft,” naghihinang sagot niya.

“Stay there, kukunin ko kayo riyan. Don’t worry, it’ll be okay.”

“Crosoft,” hindi niya napigilan ang mga luhang umalpas sa mga mata. “I’m sorry… sorry… kasalanan ko ang lahat ng ‘to.” She sobbed.

“No, hindi mo kasalanan ang mga ‘to. Don’t cry, malapit na ako riyan.”


1+4+3


LUMABAS si Cambria ng silid nang makatulog na si Danah.

Naabutan niyang nag-uusap pa rin si Crosoft at ang manager nito. Crosoft’s face shows no expression. Ngayon niya lang talaga ito nakita na ganoon ka seryoso. Bumigat lang lalo ang kalooban niya. Hindi naman talaga mangyayari ang lahat ng ito kung ‘di dahil sa kanya.

Malungkot na naupo siya sa sofa. Kung sana pwede niyang makausap nang matino ang mama niya. Kaso mukhang malabong mangyari ‘yong iniisip niya.

“I’ll talk to you tomorrow Crosoft.” Narinig niyang sabi ng manager nito.

“Okay, thanks.”

“I’ll see what I can do.”

Later narinig niya ang pag-bukas-sarado ng pinto tanda na umalis na ang manager nito. Naramdaman niya ang pag-upo ni Crosoft sa tabi niya. He reached for her hand dahilan para mag-angat siya ng tingin dito.

“Are you okay?” nag-aalalang tanong nito.

“Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan.”

“I’m okay. It’s just an issue. It can be solved. Hindi lang naman ako ang may issue na ganoon sa Pilipinas.” Ngumiti ito pero ‘di pa rin nabawasan ang bigat ng kalooban niya. “Cam, I’m okay. Ayokong mai-stress at baka dumagsa ang mga pimples ko.”

“Puro ka naman biro eh.” Iniwas niya ang tingin. “At saka hindi naman mangyayari ang lahat ng ‘to kung hindi dahil kay mama. Hindi ko siya maintindihan. Parang ‘di niya ako anak. Ganoon ba kasama ang ginawa ko sa kanya para parusahan niya ako nang ganito?” nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata niya.

“We can’t do anything for Tita Lucida. Nandiyan na ‘yan. Kailangan na lang nating lusutan.”

“Pero hindi naman totoo ang sinasabi nila. You didn’t abandoned us dahil hindi mo naman alam na pinagbubuntis ko na noon si Danah. At saka hindi naman totoong pinagpalit mo kami kay Jeymes.”

“Cam,” pinakalma siya nito. “Ikaw na nga ang may sabi na magulo ang media sa Pilipinas. Kahit ano pang sabihin natin people would always have their opinions. At saka noon ko pa sinasabi sa’yo na wala naman akong pakialam kung masira ang imahe ko o mawalan ako ng trabaho. I could still work outside the country. Hindi magiging aksaya ng panahon ang pagbalik ko ng Pilipinas dahil nakuha ko naman ang mag-ina ko.”

Nangilid ang mga luha sa mga mata niya. Crosoft moved closer to wiped the tears on her face. “I’ll trade everything just to have you both. Ganoon kayo ka importante sa buhay ko. Let them, alam naman natin kung ano ang totoo.”

“Crosoft…”

“Ang totoo na maganda ako.”

Naiiyak na natawa siya. “Crosoft naman eh!”

“Pinapatawa lang kita.” Ngumiti ito saka siya nito niyakap. “Ilang araw na ba tayong on drama mode? Nakaka-stress na sa utak. Ayoko na masyadong isipin ang mga issue na ‘yan.”

“Ano bang sinabi ng manager mo?” pag-iiba niya.

“Well, they’re still discussing it with the network. The network assured us na gagawin nila ang lahat matigil lang ang issue. You know what, MS is really something. I did my research naman since ma-issue talaga akong tao.” He grinned. “Kahit noon pa gustong-gusto ko na kung paano nila i-handle ang issue ng mga artists nila. Which is an A plus for me.”

“Na pansin ko nga rin.”

“What about you? Tinawagan ka nila, diba?”

“I already said everything. Nabanggit ko na rin ang relasyon namin nila mama at Misty. Naniwala naman sila. I just hope for the best.”

“Alam mo, kapag ‘di pa rin na solve ang issue na ‘to. Itatanan na lang kita.”

“Baliw!” natawa siya. “Mag-press conference ka na lang.”

“That’s the plan.”


1+4+3


HINDI alam ni Cambria kung dapat na ba siyang kabahan sa pinapakitang ugali ni Crosoft sa kanya. Lagi itong kalmado kahit na sinasabihan na siya ng manager nito ng mga masasamang balita. Halos wala na itong trabaho dahil halos lahat ng mga offers nito ay nag-back out. Pinagpahinga rin ito ng MS.

While her? Pinag-leave rin dahil sa mga reporters na panay ang habol sa kanya.

Pati si Danah hindi na rin nila pinapasok. Ilang araw na silang nasa poder ni Tita Dristina. Bukod sa malayo ang lugar na ‘yon sa Maynila ay malabong may makasunod pa na media. Sa nakikita niya sa TV ay lalo lamang lumala ang issue dahil palaging nagdadagdag ng maling impormasyon ang mama niya sa mga interview nito. Sinasabi nitong si Crosoft ang dahilan kung bakit umalis siya at nasira ang pamilya nila. Sa ginawa nito, lahat ng simpatya nasa mama at kapatid niya. Kung sana makausap niya lang nang matino ang mama niya.

“I swear,” napatingin siya kay Tita Dristina na kasalukuyang nanonood ng balita. “’Pag nakita ko talaga ang babaeng ‘yan hindi na aabutan nang umaga ang buhok at kilay niyan.” Nanggigigil na komento nito.

Napalingon sa kanya si Tita Dristina. Napansin yata siya.

“Oh – B-Bria, nandiyan ka pala.”

“It’s okay Tita.”

“Sorry, hindi ko lang talaga mapigilan ang sarili ko. Nakakainis naman talaga ang mama mo. I can’t believe na nanay mo ‘yan. Parang ‘di ina kung umasta.”

She smiled bitterly. ‘Yon ang masakit. Kailanman ay hindi ito naging ina sa kanya.


1+4+3


NAGISING si Cambria sa pag-alog-alog ni Crosoft sa mga balikat niya. Sa sobrang lakas mahuhulog na yata siya sa kama. Langya naman kung manggising ang isang ‘to! May balak pa yatang paalisin ang kaluluwa ko.

Pilit siyang bumangon at iminulat ang mga mata.

“Ano ba –” hindi na niya natapos ang sasabihin nang halikan siya nito bigla sa mga labi. Napahiga ulit tuloy siya sa kama. Nagising siya ng wala sa oras. Gulat na napatingin siya kay Crosoft nang kumalas ito sa kanya. Malaki ang ngiti nito sa kanya. “A-Anong meron?” lutang na tanong niya.

“Cam, let’s go.”

“Saan?”

“Babalik na tayo sa Maynila.”

“Bakit?”

“Basta –” bago pa nito matapos ang sasabihin ay hinampas niya ng unan ang mukha nito. “Pak juice! Ano ba Cambria Velasco?!” sigaw nito sa kanya. Pinigilan niya ang matawa. Pinaseryoso niya ang mukha. “Ano na naman bang ginawa ko sa’yong bruha ka?!”

“Baliw ka! Ginising-gising mo ako tapos gusto mong bumalik na tayo sa Maynila pero ‘di ko alam kung bakit. Gago ka ba?!”

“Minsan!” ngumisi ito. “Umamin na ako kaya bumangon ka na riyan.” Bumaba ito sa kama at hinila ang isang paa niya. Napatili siya at mabilis na napahawak sa kung saan para ‘di tuluyang dumaosdos. “Bangon ka na riyan tomboy!” hila-hila pa rin nito ang isang paa niya.

“Bwesit kang bakla ka! Huwag mo akong ganitohin, ha?!”

Tawang-tawa naman sa kanya si Crosoft. Lalo lang siyang nainis. Ilang sakong tawas ba ang kinain ng baklang ‘to ngayon?

“Bangon ka na kasi riyan. Kailangan na nating bumalik sa Maynila.”

“Oo na! Bitiwan mo na ako.”

Napasinghap siya nang biglang pumaibabaw sa kanya si Crosoft. Nanlaki talaga ang mga mata niya sa ginawa nito. I swear wala na talaga akong maiintindihan sa mga nangyayari. Nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Hindi na niya alam kung paano pa ilalayo ang mukha rito. There is something odd in his behavior and smile.

“Ang gwapo mo ngayon Cam.”

“Babae ako ‘oy.”

He put a strand of hair just below her nose. Mukha na ‘yong mustache. At ginawa pa talaga siyang lalaki ng baliw.

Lumapad lang lalo ang ngiti nito. Darn! Masama ‘to. ‘Di kaya naka-druga ‘tong si Crosoft dahil sa sobrang stress? Uh-oh! Mabilis na sinalat niya ang noo nito. Wala rin namang lagnat. Bakit mukhang nagha-hallucinate ito? Early signs ng kapraningan?

“Okay ka lang Crosoft?” diskumpyadong tanong niya.

Crosoft laughed. “I love you.

“Crosoft kinakabahan ako sa’yo.”

Bumangon ito at hinila na siya patayo. “Maligo ka na.” Pumwesto ito sa likod niya at itinulak siya papasok sa banyo. Ito pa ang nagsarado ng pinto. Naguguluhan na talaga siya.

Akmang itataas na niya ang damit nang bumukas ulit ang pinto. Napasigaw siya ng wala sa oras at napasandal sa pader. Pinag-krus niya ang mga kamay sa kanyang dibdib. Ang walangya, may balak pa yata siyang patayin sa gulat. Isinarado ni Crosoft ang pinto sa likod nito. Parang walang kasama na hinubad nito ang pang-itaas na damit.

“Crosoft!” sita niya. “A-Anong ginagawa mo?”

Hindi niya alam kung nang-aasar ba ito o sadyang masama lang talaga ang gising nito ngayon. Ni wala siyang makitang pang-aasar sa mukha nito. Mukha pa itong inosente.

“Maliligo, duh.”

“Mamaya ka na. Lumabas ka.”

“Bakit pa mamaya? Pwede naman tayong magsabay?” A mischievous smile curved on his face. Tila iniinis pa siya ng loko. “Girl, nakita ko na ‘yan a thousand times. Keree lang ‘yan. Gusto mo ako pa sumabon sa likod mo?”

Napamaang siya. Wow!

Pwedeng manapak?


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE