Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

KINAPA ni Cambria sa bed side table ang maingay na alarm clock na kanina pa tunog nang tunog. Nang mahawakan ang litseng orasan ay kinuha niya ‘yon. Eyes half opened she checked the time. Alas syete pa lang nang umaga. Akmang papatayin na niya ‘yon nang may isang kamay na umagaw nun sa kanya. Sa gulat niya ay ibinato nito ‘yon sa kung saan. Hayun at nasira ang orasan.

“Ano ba naman ‘yan Cam.” Paos na ungol ni Crosoft sa tabi niya. “Bakit ka ba kasi nagpapa-alarm? Panira ka naman ng tulog.”

“Tsk, kung ayaw mong gumising mag-solo ka rito. Bababa na ako.” Akmang babangon na siya nang yakapin siya ni Crosoft. Isiniksik nito lalo ang sarili sa leeg niya. She felt his warm lips on her sensitive skin there. “H-Hoy, a-ano na naman ‘yan, ha?”

Hindi pa rin talaga siya nasasanay sa mga ganitong actions ni Crosoft. Lumalakas pa rin talaga ang tibok ng puso niya. But despite the rapid beat of her heart she can’t help but smile. Kinikilig pa rin talaga siya.

“Let’s just stay like this Cam. Sayang ang moments. Umuulan. Malamig ang panahon. Kailangan natin ng body heat ng isa’t isa.” He chuckled.

“Ang landi mo talagang bakla. Ganito ka rin ba sa mga lalaki mo?”

“Gusto mo ba talagang sagutin ko ‘yan?” he asked teasingly, eyes half opened.

Napasimangot siya. “Ayoko, magsi-selos lang ako.”

“Good, then don’t ask.” She felt him smile on her neck as he hugged her tight. “I really love your smell Cam. Nakaka-adik. Kaya siguro na gayuma mo ‘tong puso ko. ‘Langya ka talaga!” natawa siya. “Huwag ka ng mambiktima ng ibang bakla, ha? Tama na ang isang bakla sa buhay mo. At ako lang ‘yon.”

“Tsk! Ikaw lang naman ang mahal kong bakla.” Nilaro-laro ng isang kamay niya ang mahaba na nitong buhok. “At saka ikaw lang yata ang naglolokong bakla sa Pilipinas.”

Simula nang magkaintindihan sila ni Crosoft at nasabi nila ang mga ‘di nila masabi sa isa’t isa marami na ang nagbago sa kanila. Bumalik sila sa dati. Mas naging close at mas komportable na sila sa isa’t isa. Itong si Crosoft lang talaga ang walang mintis sa pang-aakit sa kanya. Ang landi kasi. Pero gusto niya rin naman. Kinikilig siya. At wala siyang balak aminin ‘yon kay Crosoft.

Kinalibutan siya nang maramdaman niya ang isang kamay ni Crosoft na ipinasok nito sa ilalim ng blouse niya. She felt his warm skin on her abdomen making his way to her sides. Hinaplos-haplos nito ‘yon. She couldn’t help but felt aroused at the feeling he is giving her.

“Crosoft,” mahinang sita niya.

“I missed you. I missed this Cam.”

Lumipat ito ng puwesto sa itaas niya. Naipikit niya ang mga mata nang simulan nitong padaanan ng mga halik ang kanyang leeg. Tumaas ang halik nito sa mukha niya saka mabilis na sinakop ang kanyang mga labi. Gumanti siya ng halik. She moaned when Crosoft bit her lower lip. She then opened her mouth for him to taste. Naging mas mapusok ang halik nito. Naging mapaghanap ang mga kamay nito.

Bumaba ang mga halik nito sa kanyang panga pababa sa kanyang leeg ‘till he reached her collarbone. Naramdaman niyang ang pagtaas ng kanyang damit. Ramdam na ramdam niya ang init na hatid ng bawat haplos ni Crosoft. Nag-iinit ang buong katawan niya.

“Crosoft…” anas niya.

“Mommy!” natigilan silang pareho. Kasabay nun ang pagbukas ng pinto. “Dad –“

Parang na kuryenteng naghiwalay agad sila ni Crosoft. Hindi niya naman maiwasang mamula sa pagkapahiya. Ibinaba niya ang damit at inayos niya ang sarili bago hinarap ang anak. Sa gilid ng mga mata niya nakita niya namang naisuklay ni Crosoft ang isang kamay sa buhok at mukhang natatawa pa. Shuks!

Napansin niyang nakakunot pala ang noo ng anak.

“A-Anak,” masiglang tawag niya sa kabila ng pagkapahiya.

“Mommy anong ginagawa n’yo ni daddy?” inosenteng tanong nito.

“Ah… eh… ano…” paano ko ba i-explain?

“Wala baby,” sagot ni Crosoft. “Binibihisan ko lang ang mommy mo.” Eh?

Hindi niya naman maiwasang taasan ng kilay si Crosoft nang tignan siya nito. Binigyan naman siya nito ng klase ng tingin na nagsasabing sumakay ka na lang. 

Binalingan ulit ni Crosoft ang anak.

“Baby may kailangan ka ba?”

“Ah,” ngumisi si Danah. “Kakain na raw po sabi ni momsie.”

“Okay, sabihin mo sa momsie mo na panira siya ng moment kaya maghintay siya.”

“Po?”

“Crosoft!” saway niya.

Tumawa naman si Crosoft. “Never mind baby,” bawi nito. “Bababa na kami. Mauna ka na sa ibaba.”

“Sige po,” tumango si Danah at isinara ang pinto nang umalis.

Binatukan niya naman si Crosoft kaya ito nahulog sa kama. Napaungol ito sa ginawa niya. Natawa naman siya nang makita ang position nito sa sahig. Humalik ang mukha nito sa sahig kaya nang harapin siya nito ay namumula ang noo nito.

“Ano ba naman ‘yan Cambria! Ano na naman bang nagawa ko sayo?!” bulalas nito.

“Hindi ka kasi nag-iingat!”

“Hindi naman talaga ako nag-iingat. Kaya nga nabuo natin si Danah –“ napaungol ulit ito nang hampasin niya ng unan. “’Langya! Ano ba Cambria Velasco. Nakaka- suklam na ‘yang pagiging brutal mo sa akin. Ipagpapalit na talaga kita - ”

“Oh ano? Ipagpapalit mo ako sa mga lalaki mo?”

“Hindi!” tumayo ito. “Ipagpapalit na kita ng damit dahil sabay tayong maliligo.” Bigla nitong hinawakan ang isang kamay niya at pilit siyang hinila patayo. “Tara na!”

“Ayoko!” nagpabigat siya kaya hirap itong hilahin siya. “Hoy Crosoft D’cruze walang ganyanan! Mauna ka na.”

“El Niño ngayon kaya kailangan nating magtipid.”

“Baliw, eh umuulan!”

“May El Niño pa rin. Shy lang.


1+4+3


“ANAK kumain ka ng marami.” Iniumang ni Crosoft ang kutsara na may pagkain sa bibig ni Danah. “Kailangan mo ito para lumaki kang maganda kagaya ng daddy mo.”

“Eh daddy, ‘di ka naman maganda eh kasi ‘di ka naman girl. Handsome po kayo kasi boy kayo.”

“Sabi ko nga,” natawa lang ito. Ibinuka ni Danah ang bibig. Isinubo naman ni Crosoft ang pagkain sa bibig ng anak. “Mana ka talaga sa akin. Ang galing ng pagkakagawa sa’yo.”

“Anak, parang iba ang na-i-imagine ko.” Nakangising segunda ni Tita Dristina.

Kahit kailan talaga ang bibig ng isang ‘to. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cell phone niya sa bulsa. She slid one hand inside her pocket. Pagtingin niya ay unknown number ang naka register sa screen.

“Ako lang ba o nagmana talaga ko sa’yo sa kalahayan ng isip?” Nakangising sagot naman ni Crosoft sa ina nito.

“Diskyate kang bata ka. Ayusin mo ‘yang pagsagot mo’t nandiyan ang anak mo.”

“Huwag ka ng ma stress masyado mom. Masyado lang perpekto ang chromosomes ko at walang abnormalities and genetic make up ng pamilya natin. From genotype tophenotype wagi tayo riyan. Ewan ko na lang kay Cam.”

“Excuse me,” tumayo siya at lumabas ng dining area at dumiretso sa patio ng bahay. She answered the call. Naisip niya na baka importante. “Hello?”

“Cambria?” natigilan siya. “Hello, anak. Anak, ang mama mo ‘to. Buti naman at sinagot mo agad ako.”

“Mama?” kumunot ang noo niya. Paano nito nalaman ang number niya? Hindi niya maiwasang kabahan.

“Anak, kumusta.”

“O-Okay naman ho. Napatawag po kayo?”

“Ah wala naman, nangungumusta lang. It’s been what? Almost seven years nang ‘di tayo nagkikita. Balita ko director ka na pala sa MS Network ngayon. At may gagawin ka pang horror movie. Congrats anak.”

“S-Salamat po,”

“Ahm, nagbabakasali lang naman ako anak na kung pwedeng maisingit mo ang kapatid mong si Misty sa movie na gagawin mo.” Napabuntong-hininga siya. Sabi na nga ba.

“Mama, hindi pwede. Misty is under SB Network.”

“Matatapos na ngayong buwan ang kontrata ni Misty. At saka wala na kaming balak pumirma ulit sa SBN dahil sa pangit na pamamalakad nila. Kaya pwede mo siyang i-suggest sa network n’yo. Magaling naman ang kapatid mo, diba?” magaling nga. Bagsak naman ang attitude.

Hindi na bago sa kanya ang masamang pag-uugali ng kapatid. Kalat na kalat na sa buong network ng SBN and pagiging-DIVA ni Misty. Kahit sa kanilang mga director. Marami na siyang narinig sa mga kaibigan niyang director kung paano pinapasakit ng kapatid ang mga ulo nila. Wala namang nakakaalam na kapatid niya ito.

Kahit sa Wikipedia ‘di makikita ang pangalan niya.

Napangiti siya nang mapait. “I’ll see what I can do.”

“Subukan mo anak. Tatanawin namin ng kapatid mo ‘tong utang na loob sa’yo.”

“Susubukan ko po. Pero ‘di ko po maipapangako.”

“Okay, nga pala. Nasa MS na pala si Crosoft, ano?” muli siyang natigilan. Sa tuno ng pananalita ng kanyang ina mukhang may ipinahihiwatig ito sa kanya. Lumakas ang kaba sa puso niya. “Nagkita na ba kayo? Ibang klase rin ang kaibigan mong ‘yon. International star ang naabot. Hindi na ba siya bakla? ‘Diba bakla ‘yon? But anyway, ‘di na ‘yon importante pa.”

“Ma, huwag n’yo na hong pakialaman si Crosoft. Wala siyang ginagawang masama sa inyo.”

“Pakialaman? Wala pa naman akong sinasabi. Dapat nga kausapin mo ‘yon. Mayaman na mayaman na ‘yon. Mabubuhay na ng baklang ‘yon ang anak n’yo. Anyway, kailan naman namin makikita ang apo ko? Excited na rin kami ng kapatid mong makita ang anak mo, anak. Ipa-sched na lang natin kasi busy talaga si Misty ngayon.”

“Wala pa ho ako sa Maynila ngayon. Saka na ho natin ‘yan pag-usapan.”

“Ah gano’n ba? Oh sige, ibababa ko na ito.”

“Sige po,”

End Call.

Napabuntong-hininga siya.

Naramdaman naman niya ang pagpulupot ng dalawang braso sa kanyang baywang. Isinandal naman nito ang ulo sa balikat niya. Itinaas niya ang isang kamay para tapikin ang pisngi ni Crosoft.

“Galit ka ba?”simula nito.

“Hmm? Bakit naman?”

“Kasi bigla kang umalis. Akala ko nainis ka nang sabihin kong may abnormalities ang chromosomes at genetic make up mo.”

Natawa siya. “Hindi ko nga narinig na sabihin mo ‘yon.”

“Sino ang tumawag?” tanong nito. Pinihit siya nito paharap rito. Napabuntong-hininga siya. “May problema ba?” bakas ang pag-aalala sa mukha ni Crosoft.

“Tinawagan ako ni mama.”

“Anong sabi niya?”

“Wala naman, hindi naman gaanong importante. Nagulat lang ako dahil pitong taon din kaming ‘di nagkausap simula nang umalis ako sa bahay.” Pilit siyang ngumiti. Sa ngayon, wala siyang balak na ipaalam kay Crosoft ang pangamba ng puso niya. “Wala ‘yon.”

“I hope that’s all. Ayokong may inililihim ka sa akin Cam.”

“Wala, ‘yon lang talaga.”


1+4+3


KANINA pa lutang ang isip ni Cambria.

Akala niya ay nagbago na ang ina pero hindi pa rin pala. Wala na talaga itong pag-asa. Ang ikinatatakot niya lang naman ay baka kapag ‘di niya ito pinagbigyan ay baka gumawa ito ng paraan para sirain ang pangalan ni Crosoft.

Hindi niya maiwasang kabahan at matakot. Sa ugali ng ina ay hindi malabong gawin nga ‘yon nito. Kahit noon paman. Kapag ‘di natatanggap si Misty sa audition ay gumagawa ito ng paraan para matanggal at masira ang pangalanng nakuha. Her mother would always make sure Misty gets the place. At wala itong pakialam kung sino man ang masira at masaktan nito.

Naputol naman ang pag-iisip niya nang marinig ang boses ni Crosoft. Nasa kwarto sila kasama ang anak nila. Napangiti naman siya nang makita na nagkukulitan na naman ang mag-ama.

“Danah, anak, tingin ka sa camera dali. Video kita, sabihin mo sino ang mommy at daddy mo.” Utos ni Crosoft sa anak nila. May hawak itong camera. Tumalima naman si Danah at may ngiting tumingin sa camera. “Lakihan mo pa ang ngiti baby.”

Nilakihan naman ng bata ang ngiti. “Hi, I’m Verdanah Sophia Velasco D’Cruze. Magsi-seven na ako ngayong August twenty-three. At saka maganda po ako. Mabait din po ako. Saka po naliligo ako everyday at nagto-toothbrush din po. Beautiful po ang mommy Cambria ko at super handsome naman po ang daddy Crosoft ko. I, thank you.” Danah did a little curtsy.

Nagulat naman siya nang iharap sa kanya ni Crosoft ang camera. Naitakip niya agad ang dalawang kamay sa mukha.

“Crosoft huwag!” saway niya.

“KJ mo naman. Sige na,” inalis ni Crosoft ang mga kamay niya. “Ipakita mo ‘yang mukha mo.” Ibinaba niya ang mga kamay at pinukol ito ng masamang tingin. He chuckled. “You’re cute Cam.”

“Ewan ko sa’yo!”

“Sige na, sabihin mo sino ang pinagnanasaan mo noong college?”

“Baliw ka! Bakit ‘yan ang tanong mo?” napasimangot siya. “Ang daya mo Crosoft.”

He chuckled. “Sabihin mo na, shy ka pa eh. Huwag kang KJ.”

“Mommy sige na. Sabihin mo na!”

“Oo na! Oo na! Pinagkakaisahan n’yo talaga ako eh.” She paused. “Hoy Crosoft! Ikaw na ang dakilang paasa. Oo, ikaw ang pinagnanasaan ko noong college. Happy ka na?” inagaw niya naman mula kay Crosoft ang camera bago pa nito mapansin ang pamumula ng mga pisngi niya.

“Bakit feeling ko ang haba ng hair ko nang sabihinmo ‘yon?”

“Kapal! Your turn.”

Ang daya! Ang gwapo talaga ng loko sa camera at sa personal. Hindi niya mapigilan ang matawa. Nagpapa-cute kasi si Crosoft sa camera. At in all fairness naman talaga at cute rin talaga.

“Sino ang first love mo?” tanong niya.

“Nice try! Pero ‘di ko aaminin. Alam mo na kung sino. Baliw! Umiyak ka pa nga noong college tayo nang maging kami.”

“Hoy! ‘Di kaya.”

“Lokohin mo ako Cam. Sinabi sa akin ni Essera. Huwag mong i-deny, huli ka na.”

“Masakit ngipin ko noon. Na misinterpret lang.”

“Ewan ko sa’yo! Ako na lang magtatanong sa sarili ko. Ahem.” Umayos ito. “Crosoft, sa tingin mo ilan ang hibla ng bangs ni Dora?” hindi niya napigilan na matawa nang sobra. Iniba naman nito ang boses. Boses batang babae. “Malay ko, ako ba may-ari ng wig ni Dora, duh?”

“Baliw ka!” nabitiwan niya ang camera sa sobrang tawa.

Umakyat naman sa itaas ng kama si Danah at niyakap siya. Nakatawang iniharap ni Crosoft sa kanilang mag-ina ang camera.

“Cam, may tanong si Crosoft.”

“Ano ‘yon?”

“Four. Plus. Four. Plus. Eight. Plus. Seven. Equals?”

“Ang dami naman niyan.”

“Twenty-three daddy!”

“Eink! Mali baby.”

“Eh ano?” tanong niya.

“Let’s stay together forever.” Their eyes met. Biglang namasa ang mga mata niya sa sobrang saya. She was touched. Tumagos ‘yon sa puso niya na sobrang kinatuwa niya. “Family selfie!” sigaw nito bigla sabay kindat.

Lumapit si Crosoft sa kanila at niyakap silang mag-ina gamit ang isang braso nito. Itinaas nito ang camera at lahat sila napatingin doon. Nasa gitna nila ang anak.

“Okay, pagbilang ko ng tatlo. Wacky tayo, ha? Oh isa, dalawa, tatlo! Say love!”

“Love!” sabay-sabay nila.

Narinig naman niya ang pagbulong sa kanya ni Crosoft.

“Seven plus four plus three, equals?”

Ano meaning nun?


1+4+3


MALAPIT nang matapos ang isang buwan.

Pagkatapos nun ay babalik na naman ang dating buhay nila. Napabuntong-hininga si Cambria. Alam niyang pagkatapos nito malabong makasama niya pa nang ganito si Crosoft. Iba ang mundo nito sa kanya. Kailangan nilang ibagay ‘yon sa kung ano ang mundo nila.

Naiyakap niya ang mga braso sarili nang maramdaman ang lamig ng gabi. Nasa balkonahe siya. Hinihintay na bumalik si Crosoft. Kausap nito sa cell phone ang manager nito na nasa Maynila. Isang palatandaan na nabibilang na lamang ang araw na magkakasama sila.

Naalala niya bigla ang araw na iniyakan niya si Crosoft nang maging nobyo nito si Jeymes. Birthday ‘yon ni Crosoft. She was planning to surprise him, instead, siya pa ang na surprise. Hindi siya nagseselos sa mga babae. Mas nagseselos siya sa mga lalaki.


NANLULUMONG naglalakad sa daan si Cambria. Kagagaling niya lang sa mall kung saan magkikita sila ni Crosoft para sana surprisahin at ilibre ito. Pero siya ang na surprisa. May kasama ito. Lalaki, pangalan daw Jeymes. Naiyak naman siya nang pinakilala itong boyfriend ni Crosoft. Langya! Ang sakit sa heart.

Ilang buwan na nag-ipon pa naman siya para lang mailibre ito sa mamahaling restaurant tapos sasabihin lang nitong tapos na raw itong kumain kasama si BF. Gusto na niyang magwala sa selos at inggit. Siya dapat ‘yon eh! Siya dapat ang kasama ni Crosoft! Hindi ang gwapong nilalang na ‘yon.

“Hoy!”sigaw ng kung sino.

Naiangat niya ang ulo. Si Essera. Napatingin siya sa paligid. Malapit lang pala siya sa Coffee Shop na pinagtatrabahuan niya. Naalala niya. Pinilit pa niya ang boss na mag-day off siya ngayon pero wala lang din pala. Gusto na niyang manapak!

“Essera ang sakit!” napa-squat siya sa daan. “Ang walangyang ‘yon! Ang sarap sapakin! Nakakabanas siya! Bakit ba kasi ako na in love sa isang bakla? Bakit?!”

“Eh malay ko ba, puso mo ‘yan bruha ka. Magdusa ka dahil nagpa-fall ka doon.”

“Essera ang hirap! Ang dami ko ng effort sa kanya pero ‘di pa rin siya nagiging lalaki.” Bulalas niya habang patuloy lang ang paglandas ng mga luha niya sa mukha. Wala siyang pakialam kung pinagtitinginan na siya ng mga tao. “Bakit ang hirap niyang plantsahin?!”

“Hindi ka naman kasi lalaki dae. Lalaki ang bet ni Crosoft. Pa-sex change ka muna baka mapansin ka pa ng BFF mo kapag naging macho Cambrio ka na.”

“Ang hard mo sa’kin, ha?” ngumawa siya. “Ayoko na talaga sa mga bakla! Ang sakit, sakit na sa heart! Mga walanghiya kayong mga bakla!”

“Hoy ‘te!” naingat niya ang tingin. May isang baklang tumigil sa harap niya. “Kung may problema ka sa isang bakla huwag mong lahatin. Kaloka ka! Hindi namin kasalanan na nagmahal ka ng ka-planeta namin. Magdusa ka dahil pareho lang tayo ng goal. Ang manlalaki!”

Lalo lang siyang napaiyak. This time, ngawang wagas na wagas na talaga. Para na siyang tanga sa gilid ng kalye.

“Bakit ang hard n’yo sa’kin?!” maktol niya. “Nasaan na ang hustisya?!”

“Ayan, kasasabi mo lang.”


NATAWA siya.

Para talaga siyang bata. Sa tuwing naalala niya ’yon natatawa na lang talaga siya. Ganoon siya kabaliw kay Crosoft noon. Wala eh, mahal niya talaga ang mokong. Speaking of Jeymes, na saan na kaya ‘yon? I wonder why Crosoft never mentioned him?

Mayamaya ay naramdaman niya ang mainit na yakap ni Crosoft mula sa likod. Crosoft really loves doing this kind of hug. Kahit noon pa man. Napangiti siya. Which is cute. Isinandal ni Crosoft ang ulo sa balikat niya.

“Malapit na,” malungkot na bumuntong-hininga ito. “Parang ayoko nang bumalik sa Maynila.”

“Kailangan nating bumalik. May trabaho tayong iniwan doon.”

“Hindi ba natin pwedeng sabihin sa kanila na tayo na? Na may anak tayo? I couldn’t understand kung bakit kailangan nating itago ang kung anong meron tayo. Kahit ang manager ko tutol din sa gusto ko.”

Pumihit siya paharap kay Crosoft. Isinandal niya ang likod sa pasamano ng balkonahe. Hinuli niya ang tingin nito.

“Hindi natin pwedeng gawin ‘yon. Iba ang media sa Pilipinas. Iba ang mga fans at tao rito. Kahit sabihin natin na sikat ka sa ibang bansa ay bago ka pa rin dito sa Pilipinas. Ayokong magka-issue ka dahil sa amin ng anak mo. Kapag ginawa natin ‘yon mahahalungkat lahat ng pagkatao mo. Hindi lang tayo ang maapektuhan pati na rin si Danah. And you have a contract Crosoft, at isa ‘yon sa mga terms na pinirmahan mo.”

“Pero hanggang kailan natin itatago ang lahat?”

“Hindi ko alam… depende.” She shrugged. “We will have to see about that.”

“Cam, magpakasal na tayo.” Nanlaki ang mga mata niya. Hindi agad siya nakapagsalita. “Cam? Ayaw mo ba akong maging-asawa?”

“N-No, I mean. Crosoft, alam mo ba ang pinagsasabi mo? You’re talking about marriage. Ibang usapan na ‘yon.”

“Yes, and I’m serious about it Cam.”

“Mas magiging komplikado ang lahat.”

“Pero gusto kong may isang bagay tayong panghawakan.”

“It means forever Crosoft. It’s a commitment and not just a mere connection.”

“Ayaw mo bang makasama ako habang buhay?”

“Gusto mo ba?”

“Gustong-gusto.”

“But we can’t,” she sighed. “For now.”

Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Crosoft. Masakit man para sa kanya pero hindi niya pwedeng pakasalan muna si Crosoft. Not now, dahil marami pang bagay ang bumabagabag sa kanya. God knows how much she wanted to say yes. Pero kailangan niya ring mag-isip. Mahal niya si Crosoft pero marami siyang dapat i-konsidera bago niya pairalin ang puso.

She trusts Crosoft pero hindi niya alam kung ganoon ba ‘yon katibay kagaya ng iniisip niya. There is still a part in her heart that doubts. Ayaw niyang isugal ang parteng ‘yon.

“Alam mo bang nasasaktan ako ngayon, Cam.” Bakas ang sakit sa mukha at boses nito.

“I’m sorry,” napayuko siya. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata niya. “I just can’t right now.”

“I understand, hindi naman talaga madaling pagkatiwalaan ang pagmamahal ng isang tao lalo na’t galing sa’kin.” Puno ng hinanakit na sabi nito.

Naingat niya ang mukha kay Crosoft.

“It’s not what I meant. I’m sorry. Mahal kita. Alam mo naman ‘yon, diba? Pero hindi mo maialis sa akin ang mangamba at mag-isip. Ayokong magpakasal tayo sa situation na alam nating pareho tayong nahihirapan. Madami tayong itinatago sa ngayon. Ayokong dumating ang panahon na pagsisihan nating dalawa ang desisyon na ‘to.” Tuluyan nang tumulo ang mga luha niya.

“Hindi lang ikaw ang nahihirapan Crosoft.” She sobbed. “I’m saying no for us. Pero hindi ibig sabihin nun ‘di na kita mahal o ayaw kong makasama ka habang buhay.” Niyakap siya nito bigla. Iyak lang siya nang iyak sa dibdib nito. “Gustong-gusto ko pero hindi pa ngayon.”

“I’m sorry Cam. I’m sorry.” Humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. “I shouldn’t have said that. I’m sorry. Please don’t cry.”

“Ayokong isipin mong –“

“Shsh, no.” Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. He cupped her face. Gamit ang dalawang hinlalaki ay pinunasan nito ang basang-basa niyang mukha ng mga luha. “I wont. I trust you. Alam ko. Hindi dapat kita minamadali. Natatakot din ako. Naisip ko na kapag kinasal tayo liliit ang tiyansa na masasaktan natin ang isa’t isa o ‘di kaya iwan natin ang isa’t isa. Hindi natin hawak ang panahon. Maraming pwedeng mangyari. Pwede kayong mawala sa akin. Pwedeng masira ang kung anong meron tayo. And I don’t want to risk that. Ayokong bigyan ng magkahiwalay na magulang ang anak natin. Weird mang masasabi na isang bakla ay ma-in love sa isang babae pero hindi ‘yon dahilan para mawala ang posibilidad na kaya ko ring magmahal ng isang babae.”

“Still, it doesn’t give us an assurance?”

“Seven plus four plus three, equals?”

“Hindi ko pa rin ma gets.”

“Tandaan mo, kapag tinanong ko ‘yan. Never ever doubt my love for you Cam.”

“Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung anong sagot diyan?”

“Nope,” hinalikan siya nito sa noo. “Kaya natin ‘to. Please, don’t give up on me Cam.” Tinignan siya nito sa mga mata. “Please.”

“Crosoft…”

“Promise me kakayanin natin ‘to.”

Sa halip na sagutin ito ay inilapat ni Cambria ang labi sa labi nito. She kissed him with so much love and passion. Ibinuhos niya sa halik na ‘yon ang lahat ng pagmamahal niya rito. Sinapo nito ang kanyang mukha para pailaliman ang halik. Para sayo, kakayanin ko Crosoft.

Ang dating masuyong halik ay naging mapusok. He held her tighter and kissed her harder. Crosoft pressed his body closer to hers. Naramdaman niya ang matigas na katawan ng balustre na unti-unting bumabaon sa likod niya. Nagsimula namang mag-init ang katawan niya. Hinawakan nito ang mukha niya at mas lalong pinailalamin ang halik ‘till both of them were out of breaths.

“Crosoft…” Anas niya nang kumalas ito.

Bago paman makabawi ay muli siya nitong siniil ng halik sa mga labi.

“G-Gusto mo bang sa balkonahe natin gawin ‘to o sa loob na lang?” he asked between kisses. He was teasing her. Napahawak siya sa mga balikat nito para sana ilayo ang sarili rito pero madali nitong nailalapit ang sarili para ‘di maputol ang halik. “S-Stop doing that Cam.”

“Crosoft huwag dito,” nagawa niyang sabihin sa kabila ng paghalik nito sa kanya.

“Good choice.” Naramdaman niya ang pagngiti nito.

Napasinghap naman siya nang bigla siya nitong pangkuin. Pero mabilis na siniil ulit siya nito ng halik sa mga labi. Sandaling natigil sila sa paghahalikan nang makapasok sila sa loob ng silid. Maingat na ibinaba siya nito sa kama. Nakatitig lang sila sa isa’t isa habang parehong habol ang hininga.

“Crosoft mag-ingat ka na ngayon, ha?”

Natawa ito. “Yes ma’am.”

Muli siya nitong siniil ng halik at buong gabing ipinadama ang pagmamahal nila sa isa’t isa.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE