Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

UMUULAN kaya hindi na tuloy ang pamamasyal nila Crosoft at Cambria sa buong hacienda.

Naabutan niyang nakaupo sa pagitan ng mga hita ni Crosoft ang anak sa itaas ng kama nila habang tinitirintas ni Crosoft ang mahabang buhok ni Danah. Hawak-hawak naman ni Danah ang malaking pink na salamin nito at panay ang tingin nito sa mukha.

Maingat na isinarado niya ang pinto sa likod.

“Hi mommy!” masiglang bati ng anak.

Ngumiti lang siya at dumiretso sa closet para ilagay ang mga bagong labang damit ni Crosoft. Naabutan niya sa ibaba ang isang katulong na dala-dala ang damit nito kaya kinuha na lang niya total ay doon din naman siya papunta.

Isinalansan niya isa-isa nang maayos ang mga damit.

“Daddy, bakit ang galing mong mag-braid ng hair?” tanong ng anak.

“Because I like doing this to your mom before.” Sagot naman ni Crosoft. Natigilan siya. “Kaya lang ‘yang magaling mong mommy ‘di nakinig sa akin. Pinagupitan pa rin niya ang buhok. Ang pangit na ng mommy mo.”

“Tama ka po daddy, ‘di nga po bagay kay mommy ang short hair.”

Napasimangot siya. Sige magkampihan kayo! Ipinagpatuloy na lang ulit niya ang ginagawa habang tahimik niyang pinapakinggan ang pag-uusap ng mag-ama.

“Ikaw baby, naging mabait ka ba sa mommy mo habang nakakulong ako sa TV?”

“Hmm, minsan lang po.” Naks! Honest. “Pero love ko po si mommy kahit na kinulong ka niya po daddy sa loob ng TV. Alam ko naman po kasing naging naughty rin po ako. Pero buti na lang nakalabas ka na po sa TV, daddy. Complete na rin family ko.”

Kahit na ‘di siya nakatingin ay nararamdaman niya ang saya ng anak at ang pagngiti sa boses nito.

“Tama baby, para tayong kanta na Forevemore.”

“Bakit naman po daddy?”

“Dahil forever tayong magsasama. Ikaw, ako, at ang mommy mo. Forevermore.”

“Gusto ko ‘yan! Parang pick-up line ‘yan eh. Meron din po ako.”

“Huh? May baon ka riyan?” natatawang tanong nito. “Wow naman! Girls scout ah.”

“Syempre naman daddy! Mana kaya ako sa’yo. Heto na daddy, ha. Chill ka lang diyan.” Humagikhik muna ito. “Daddy, one plus four plus three equals?” dire-diretso na tanong ng anak. Patay!

“Wait, akala ko ba pick-up line bakit na punta tayo sa math?” may paghihinala sa boses ni Crosoft nang tanongin ang anak nila.

Naramdaman niya ang pagtingin ni Crosoft sa kanya mula sa likod. Alam niyang naalala pa nito ang linyang ‘yon dahil pauso ‘yon ni Crosoft noon. Naituro niya kasi ‘yon sa anak. Hindi niya naman aakalaing maalala pa ‘yon ni Danah.

“Eh, daddy sagutin mo na lang po.”

“Hmm, teka lang, mahina kasi sa math si daddy.” Pagdadahilan pa ni Crosoft. She silently scoffed. Ang talino mo kaya sa math! “Alam ko na, si mommy mo na lang ang pasagutin natin.” Napangiwi siya. Sabi na eh. “Cam, sali ka sa’min. Sagutin mo ang pick-up line ni Danah.”

Lokohin mo lelong mo Crosoft! Naitirik niya ang mga mata. Bwesit talaga! May ngiting hinarap niya sila Danah at Crosoft. Gustong-gusto na niyang sakalin si Crosoft sa asar. Binigyan siya nito ng nakakalokong ngiti. Kung wala lang ang anak nila ay matagal na niya itong inihagis sa bintana.

“Daddy, alam ni mommy ang sagot eh.” Nakangusong wika ni Danah. “Siya kasi nag-teach sa’kin nun eh.”

“Talaga?” sinulyapan siya ni Crosoft. “Ang galing naman ni mommy kasi naimbento niya ang pick-up line na ‘yan.” Sige pa Crosoft push mo ‘yan.

Tumango ang anak. “Sige na nga daddy! Si mommy na lang po ang sasagot pero dapat i-repeat mo ang question kay mommy.”

“Sure,” this time, itinuon ni Crosoft ang tingin sa kanya. Nakakailang. Ang weird na talaga ng baklang ‘to ngayon. “Ano nga ulit ‘yong tanong baby?” tanong nito sa anak nila nang hindi tinitignan si Danah.

“One. Plus. Four. Plus. Three. Equals?”

“Okay got it,” pilit nitong hinuli ang tingin niya. “So Cam, one plus four… plus three… equals?”

“I…” she trailed off. Nakagat niya ang ibabang labi. Humugot siya nang malalim na hininga. Fine! Matapang na sinalubong niyang muli ang tingin nito. “I love you.”

Ilang segundong nagkatinginan silang dalawa ni Crosoft.  Sumilay naman ang isang ngiti sa mga labi nito.

“I love you too.”

Tang na juice!

Naisuklay niya ang kamay sa buhok bago niya tinalikuran ang dalawa. Lihim siyang napangiti. Sige na Cambria, simulan mo na ang paghuhukay ng libingan. Aasa ka na naman ulit. Bakit ba hindi na siya nasanay? Bakit ba hindi ko magawang maka hindi sayo Crosoft? Argh!

“Oh my god!” Danah shrieked and giggled. “I’m so kilig.”


1+4+3


TUMINGALA si Cambria sa madilim na kalangitan habang nasa balcony siya ng kwarto nila Crosoft. Isinandal niya ang dalawang siko sa pasamano bago nangalumbaba at itinaas ang tingin sa madilim na kalangitan.

Maraming mga bituin sa langit. Mukhang maganda na ang panahon bukas. Napabuntong-hininga naman siya. Eh paano naman ang panahon ng puso ko?

Kung magpapatuloy ang ganito baka ‘di pa natatapos ang isang buwan ay bumigay na ulit ang puso niya kay Crosoft. Papatayin na naman niya ang sarili sa pagluluksa kapag nasaktan siya. Bakit ba ‘di siya natuto? Ganoon ba talaga katigas ang puso niya at ayaw nitong pigilan ang sarili na huwag mahulog ulit sa mga simpleng kilos ni Crosoft? Oh baka naman ‘yon talaga ang gusto ng utak niya kaya sinusunod lang ng puso niya ang isinisigaw nito?

‘Yon naman talaga ang scientific explanation ng lahat. The brain controls everything inside our body and that includes our heart. Eh ‘di ang utak nga niya ang may gusto. Pero bakit ang tigas ng utak niya? May common sense naman siya bakit ‘di pa rin nakaka-distinguish ang utak niya sa kung ano’ng tama sa mali? At sa kung ano ang masakit sa ‘di masakit?

Yong totoo may pagkamanhid ba ang utak ko o sadyang gusto niya lang maging tanga? Napabuntong-hininga ulit siya. Ewan, wala rin siyang masagot.

“Ang lalim naman nun,” napaigtad siya sa gulat. Pagbaling niya ay bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Crosoft. Hayun na naman ang pamilyar na tibok ng puso niya. “Sa sobrang lalim pwede ng gawing balon ni Sadaku.”

“Baliw,” tanging na sabi niya. Ibinalik niya ang tingin sa harap.

“Bakit ‘di ka pa natutulog Cam?” tanong nito.

“Ikaw, bakit ‘di ka pa natutulog?”

“Kasi, ‘di ka pa tulog.” Magsisimula ka na naman ba Crosoft? “Saka na ako matutulog kapag tulog ka na. Baka kasi kapag nauna akong matulog mawala ka na lang bigla.” Napatingin siya rito pero nasa malayo ang tingin nito. “Maloka na naman ako.” Bahagya itong natawa sa sinabi.

“Hindi kita maintindihan,” seryosong baling niya rito. “Hindi ko masabi kung ginagawa mo lang ba ‘to dahil sa may anak tayo at may responsibilidad ka sa akin? O dahil lang naging kaibigan mo ako at naawa ka sa akin?”

Kumunot ang noo nito. “Don’t say that.”

“Ano ba dapat isipin ko? Akala ko ba bakla ka? Baka naman gumagaya ka na rin sa ibang kwento sa pocketbook. Malalaman ko na lang na ‘di ka pala totoong bakla at nagpapanggap ka lang.”

“I’m not Cam. I’m gay, alam ko ‘yon simula pagkabata. Siguro masasabi mo na kakaiba ako sa ibang bakla. I get attracted with men. I fall in love with them. Pero hindi ako ang klase na bakla na ibibigay ang lahat-lahat para sa isang lalaki. I am gay, but I’m still a man. Just because I fall in love with the same sex it doesn’t mean I’m not capable of loving a woman.”

Natahimik siya.

Naramdaman niya ang dalawang kamay nito sa mga balikat niya. Pinihit siya ni Crosoft paharap dito. Hindi niya alam kung paano niya sasalabungin ang tingin ni Crosoft. Pero pinilit niyang patatagin ang sarili. Seryoso ang mukha nito. Wala siyang ibang mabasa sa expression ng mukha nito kundi ang pakiusap na pakinggan niya ito.

“Tatlong bagay lang ang agenda ko. Una, ang pakiligin ka. Pangalawa, ang pangitiin ka. Pangatlo, ang pasayahin ka. Gusto kong ibalik ang dating Cam at Crosoft. ‘Yong dating walang ano mang pumapagatin sa ating dalawa. I wanted you to treat me just like before Cam. Kahit na ganito ako hindi ‘yon nangangahulugan na ‘di ko na kayo kayang mahalin ng anak natin. I can love you in many ways that I can… but I assure you, it’s real.”

Nangilid ang mga luha niya sa mga mata. Randam na randam niya ng sinseridad ni Crosoft sa mga sinabi nito. He was always like that. Kahit noon pa man. Kaya niya ito minahal. She fell in love with him not because he was handsome but because of his kindness. Kung paano nito iparamdam sa kanya ang sobrang pagmamahal and that she deserves to be loved in return.

Sinapo nito ang ulo niya at niyakap siya. Naramdaman niya ang mahigpit na pagyakap nito sa kanya. Napahikbi lang siya habang yakap-yakap siya ni Crosoft. Bumalik sa kanya ang mga alaalala noong magkasama sila noong college pa sila. Mga bagay na sabay nilang nalaman, minahal, at in-enjoy. Mga bagay na nagbigay sakit at aral sa kanila. At ang mga dahilan kung bakit minahal ko si Crosoft.

“Alam kong nasaktan kita noon Cam. Maraming beses kitang binigo at pinaasa. I know, I became the biggest jerk for leaving you behind. For not trying to search for you. Hindi sana nasa tabi mo ako sa panahong kailangan mo ako at ng anak natin. Sorry dahil mas inuna ko ang pagrampa sa harap ng mga lalaki kaysa ang hanapin ka.” She felt him chuckled. “Malandi lang talaga ako masyado.”

Baliw ka talaga Crosoft!

“But I promise, babawi ako. I’ll make it up to you. Just let me.”

Hindi siya sumagot.

“Please…”

No response.

“Fine, gagawin ko na nga lang.”

Lihim siyang napangiti.

“Ihanda mo na ‘yang sarili mo dahil masasarapan ka sa gagawin natin ngayong gabi.” Akmang kakalas siya sa pagkakayakap nito sa kanyang nang higpitan pa lalo nito ang pagkakayakap nito sa kanya. Anong gagawin niya sa’kin? “Oh, chill ka lang. Wala pa nga akong ginagawa.” He chuckled.

“C-Crosoft!” sita niya.

“OA mo talaga Cam.” Naramdaman niya ang pagngiti nito. “Ang pinakamasarap gawin kapag gabi? Ito.” Gumalaw ito at parang dinuyan-duyan siya ng mga yakap nito. “Ang kayakap ka. Huwag masyadong mahalay mag-isip. Wholesome tayong dalawa. Kaya nga nakabuo agad tayo.” He chuckled.

Hindi niya napagilin ang mapangiti. Kung may tao mang magaling makalusot. Si Crosoft na ‘yon. Walang iba.

“Nakalusot ka na naman.” Akusa niya rito.

Natawa lang ito. Pinakawalan na siya nito saka sinumulan siyang isayaw kahit walang music. Tawa lang kami nang tawa sa mga sarili namin. Ang landi talagang sumayaw ng isang ‘to. 


1+4+3


“HI, Cam!”

Natampal ni Cambria ang noo ni Crosoft ng maliit niyang spring notebook. Crosoft groaned in pain. Serves him right! Bigla ba namang humiga sa hita niya. Nakaupo siya sa nag-iisang nipa hut cottage design sa flower farm ng mga D’Cruze. Ang alam niya ay sinadya ‘yong ilagay sa gitna para gawing pagpahingahan ng mga trabahador at minsan imbakan din ng mga bulaklak at kagamitan. Elevated ang kubo kaya kahit napapalibutan ng mga bulaklak ay kitang-kita pa rin mula sa pwesto nila ang buong flower farm.

Isa ang kubo na ‘yon sa pinakagusto niyang puntahan kapag nandito siya. In the vast acre of land na puro bulaklak ang tanim may isang kubong nakatayo sa gitna. This place is heaven.

Nililipad ng hangin ang maikling buhok niya kaya paulit-ulit niyang inaalis ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya.

“Kahit kailan napaka brutal mo pagdating sa akin.” Nakangusong reklamo nito. “Nakakasakit ka na talaga ng feelings, ha?”

Ngiting aso lang ang ibinigay niya rito. Akmang magsusulat ulit siya nang hawakan nito ang kamay niya. Hindi niya makita ang expression ng mukha nito dahil nakaharang ang hawak niyang notebook.

Kinuha ni Crosoft mula sa kanya ang notebook at ibinaba ang kamay niya nang ‘di ‘yon binibitiwan. Napako ang tingin niya sa mukha nito.

“Cam, mahal mo ba ako?” malambing na tanong ni Crosoft.

Natawa naman siya. Inagaw niya ulit dito ang notebook at tinampal ulit ‘yon sa noo nito. Crosoft cursed under his breath.

“Bruha ka talaga kahit kailan!” he hissed.

“Alam ko,” ‘di mo ako malolokong bakla ka. “Na saan si Danah?” pag-iiba niya.

Alam na niya ang mga linyang ganyan ni Crosoft. Kahit noon ay madalas talaga nitong itanong sa kanya ‘yon. Kaya immune na siya sa mga ganyan. Nice try!

“Sinama ni Mom sa butterfly sanctuary.”

“Meron na kayo nun?” namilog ang mga mata niya.

“Parang,” he shrugged as if he’s not sure.

“Ilan ang meron kayo? Saka anong type?”

“Hmm… dalawa. Type? I think type nila ang isa’t isa.” Crosoft laughed. She rolled her eyes. Napahawak ito sa tiyan sa kakatawa. Pasapak nga minsan!

“Niloloko mo na naman ako,”

“Hindi kita niloloko.” Inayos muna nito ang pagkakaunan sa kanyang mga hita bago ulit nagsalita. “Totoo, dalawa lang ang butterflies ni Mom. Ewan ko na lang kung saan niya ‘yon nakuha. Dalawa lang, biglang sanctuary agad? Ano ‘yon dumadami kapag nahahanginan? Kaloka!”

“Eh hayaan mo na lang si Tita,” natatawang pahayag niya. “Alam mo namang ‘yan lang ang kinagigiliwan niya dito.”

Itinaas nito ang dalawang kamay para mahawakan ang maikli niyang buhok. Sinipat-sipat nito ‘yon na parang naghahanap ng split ends.

“I really don’t like your hair.” Naasar na himutok nito. “Tsk.”

“Alam ko naman, lagi mo naman ‘yang sinasabi sa akin.” Pinalis niya kamay ng loko. “Buhok ko naman ‘to. Masyado kang OA.”

“Cam…”

“Hmm?”

“Masakit ba?”

“Masakit ang ano?”

“Masakit ba nang ipanganak mo si Danah?” ibinaba nito ang mga kamay at pinagsalikop ‘yon sa itaas ng tiyan nito. “Kasi kung masakit…” he trailed off. “Ako na lang ang magbubuntis sa ikalawa nating anak.” Ano daw?!

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o sasapakin niya ‘tong si Crosoft. Seryoso kasi ang mukha nito parang ‘di yata joke

“Sige, sabihin mo ‘yan sa mapapangasawa mo.”

“Na sabi ko na, gusto mo ulitin ko pa?”

Napakurap-kurap siya. Seryoso ba talaga si Crosoft na pakakasalan siya nito? Wala ba itong boyfriend ngayon? Baka naman naabala na niya ang panlalaki nitong si Crosoft? Konsensiya pa niya ang magluluksa.

“Crosoft,” she sighed.

Tumawa naman ito bigla kaya nawala ang mga iniisip niya.

“Naalala ko,” ngumiti ito. “In love ka nga pala sa akin.”

She rolled her eyes. “Hoy, matagal na ‘yon. Mag-move on ka na nga.”

“Ayoko nga,” nakangusong iling nito. “Kinikilig ako kapag naalala ko ‘yong sinabi mo sa sulat kahit puro mura. Ang weird, pero may isang baklang kinikilig dahil nalaman niyang may isang babaeng lihim na nagmamahal sa kanya. Pa kiss nga –“ sinapo nito bigla ang ulo niya para sana halikan siya.

Nagkumahog naman siyang hawakan ang mukha nito para huwag ito makalapit sa mukha niya saka niya malakas na tinampal ang noo ni Crosoft. Tinawanan lang siya ng loko. Walangya talaga ‘tong baklang ‘to eh. In-i-enjoy naman nito ang pang-aasar sa kanya.

“Ang kulit mo talaga Crosoft!” saway niya rito.

“Ito naman ‘di na mabiro.” Tawang-tawa pa rin ito sa kanya.

“Hindi ka ba nakakaramdam ng pagkangilo sa mga paglalandi mo sa akin? Seriously, ngayon lang talaga ako nakakilala ng baklang kayang lumandi ng babae.”

“Nandidiri rin ako, pero depende sa babae. Kung ikaw lang naman ay karey ko pang ‘di masuka. May taste rin naman ang pagkabakla ko. You’re lucky, ‘cause you’re my favorite. Hindi ko naman pwedeng patulan nanay ko. Ipako pa ako sa langit.”

“Kadiri talaga ‘yang mga pinag-iisip mo.”

“Anong kadiri? Moral kaya ‘yon. Anong kadiri sa paglandi ng babae at ‘di pagpatol sa sariling ina? Aral ‘din kapag may time at mukhang nakalimutan mo na ang kagandahang asal at pagka-wholesome.” Napamaang siya.

Akmang hahampasin niya ulit ito ng notebook nang mahawakan nito ang kamay niya.

“Sige, hampasin mo ako at makakatikim ka sa akin ng mag-asawang halik.”

“Anong mag-asawang halik?”

“Beso-beso,” imbes na mainis ay natawa lang siya. “Oh diba, natawa ka?”

“Baliw, saan mo ba ‘yan natutunan? May ganyan din ba sa London?”

“Believe me Cam, you don’t want to know.”

“Nga pala maiba ako, alam ba ng MS na bakla ka?”

“They know, but they want me to keep it a secret. Alam mo naman dito sa Pilipinas. Iba ang media at tao rito. It’s not like in States na wala silang pakialam sa gender preference mo. You can be whatever you want, you just have to work your ass out. At saka I didn’t publicize my gender preference. Ang alam nila lalaki ako. At ang tunay na lalaki sa mga lalaki rin bumabarkada.” Ngumisi naman ito saka malanding humagikhik. “Pero chos lang ‘yon dahil may hidden desires akong itinatago.”

Natawa lang din siya sa malanding hagikhik nito. Crosoft na Crosoft lang eh. Malayo sa artistang si Crosoft na pa-cute at pa-macho. Landi!

“Hindi lahat alam na bakla ka,” dagdag niya. “I don’t know sa mga kaibigan at naging kaklase natin noon. I’m sure MS took care of it already. Sikat ka kasi masyado kaya ayaw ka nilang pakawalan.”

He just shrugged. “Kung dumating man ang oras na malaman nila ang lahat. Bahala na ang MS doon. I already got what I want anyway.”

May kakaiba sa ngiti nito. Hindi nga lang niya alam kung ano. Nahawa siya kaya napangiti na rin siya. Crosoft will always be Crosoft! Simula nang lumadlad ito noon mas naging matapang na ito. Minsan talaga wala itong pakialam sa iba basta tama ito. Some of those times sucks lalo na kapag isa ako sa mga kinakalimutan niya. Kasi nga tama siya.

Tumagilid ito ng higa. Nakahalukipkip ito at nakaharap ang mukha sa tiyan niya. Ipinikit nito ang mga mata. Isiniksik pa nito lalo ang sarili sa kanya.

“I really like your smell Cam, amoy Downy.” He chuckled. “Nakakainis lang dahil ‘di kasya ang damit mo sa’kin. Slim ka na, girl.” Natawa siya.

Hindi niya napigilan ang mga daliri na laruin ang buhok ni Crosoft. She remembered, how his hair felt on her finger tips. The natural smell of his hair whenever he rested his head on her shoulder. Memories I thought faded along with the time. I guess, those memories never left my heart then. They just took a rest ‘till I could reminisce them back again with a smile.

“Crosoft ‘di ka ba na wi-weirduhan sa sarili mo?” mayamaya ay basag niya.

“Hmm?”

“Kasi, ‘diba… imposible namang ma-in love ang isang bakla sa isang babae. Puwera na lang kung bisexual siya.”

“Hindi ko alam, ang alam ko sa sarili ko bakla ako. Hindi naman ako na-a-attract sa ibang babae. As a matter of fact, sa’yo lang ako nagkaroon ng kakaibang affection. ‘Yong klase na affection na may malisya.” He chuckled. “Kaloka, diba?”

Ano namang klaseng malisya ‘yan Crosoft?

“Alam mo ang tingin ko riyan Cam. Nasa pagdadala lang talaga ng tao kung paano niya dadalhin ang pagkabakla niya. Hindi naman siguro inborn ang kabaklaan at katomboyan. It may be learned and developed in the process.”

“Hindi naman shocking na may nag-aasawang bakla sa isang babae. Though it’s kind of weird, pero marami namang ganoon talaga. This world works best when we labeled something. Hindi ko alam kung bakit nilalagyan ng label ang sexuality ng isang tao. At the end of the day, tao lang din naman tayo. I don’t care if I’m pure gay orbisexual. I know what I want, and this is how I handle my gayness. Nobody can teach me how to run my life, except me.”

Natigilan siya. Crosoft has a point. Weird ngang masasabi ang pagkahumaling nitong landiin siya, the fact that she’s a woman. Pero may magagawa ba siya kung ganoon ang pananaw nito sa pagkatao nito? At siya ang gustong landiin nito?

Pero kaya ko bang isugal ulit ang puso ko kay Crosoft?

“What happened to Jeymes?” na tanong na lang niya bigla.

Narinig niya na lang ang marahang paghinga ni Crosoft. Hay naku! She sighed and smiled. Tama bang tulugan ako Crosoft? Kahit kailan, ang bilis talaga makatulog ng isang ‘to.

Bigla namang sumulpot sa harap nila si Danah.

“Mom –“ she covered her mouth with her hands nang sinyasan niya itong natutulog ang ama nito. Nang mapansin nito kung bakit niya ‘yon ginawa ay tahimik itong humagikhik. “Tulog pala si Daddy?” Danah mouthed.

Nakangiting tumango siya.

Napansin niya naman ang hawak ng anak. May hawak itong isang pumpon ng mga white daisies. Crosoft’s favorite flowers and Danah’s. Mag-ama talaga.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE