Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

PARANG may kung anong pumipiga sa puso ni Cambria habang tinitignan ang mag-ama niya. Hinatid ni Crosoft ang anak sa bahay pagkatapos nitong kidnapin ang anak nila. Hindi niya nahabol ito kanina kaya natangay nito si Danah. Kung ‘di pa siya nito tinawagan para ipaalam na ipapasyal muna nito ang anak ay baka pinalapa na niya ito sa mga daga. Nagpaalam naman ito sa kanya na iuuwi ang anak nila ng ligtas. Kaya hinintay na lang niya ang anak sa bahay.

Nasa silid sila ngayon ni Danah. Karga-karga pa rin ni Crosoft ang anak nila habang pinaghihile ng sayaw. Napansin niya ang mahigpit na pagyakap nito sa anak nila. Para bang natatakot itong mawala ito. Sa nakikita niyang paglalambing nito kay Danah nawala ang lahat ng inis at hinanakit niya kay Crosoft at napalitan ‘yon ng awa.

Nakaunan sa mga balikat nito ang ulo ng anak. Ano mang oras ay mukhang maipipikit na nito ang mga mata.

“Daddy huwag ka na pong bumalik sa TV, ha?” inaantok na wika ni Danah.

“Hindi na baby, ‘di ka na iiwan ni daddy.” Hinaplos ni Crosoft ang buhok ng anak.

May kung anong bumikig sa lalamunan niya. Nagsimulang mag-init ang sulok ng mga mata niya. Kaya tumalikod siya at humugot nang malalim na hininga.

“Daddy, I love you.”

“I love you too baby.”

Tahimik na lumabas siya ng silid ng anak. Hindi niya maipalawanag ang nararamdaman niya. Noon ay napapanood lamang niya ang mga ganoong eksena sa drama. Naiiyak at naantig ang puso niya. Pero iba pala talaga kapag ikaw na mismo ang nasa ganoong eksena. It was heart breaking to see her daughter afraid of losing her father again.

Hindi niya mapigilan ang ma-guilty dahil siya mismong ina nito ang naglayo sa ama nito. Pero hindi niya rin masisisi ang sarili dahil takot din siyang paasahin ang anak at masaktan ito. Her father is different, at least in a good way. Hindi niya gustong maramdaman ng anak ang rejection na nakuha niya sa ama nito. At hindi niya alam kung paano nito mauunawaan na hindi sila pwede ng ama nito dahil bakla si Crosoft. Ayaw niyang isipin ng anak na nabuo siya dahil sa kalasingan at pagkakamali. Danah is never a mistake. Kahit ano pa ang isipin ng ibang tao o ni Crosoft… her Verdanah will always be her most precious gift.

Isang buong pamilya ang gusto niya para sa anak. Hindi ang ganito. Hindi ‘yong magkahiwalay ang ama at ina. Hindi niya gustong maulit ang kung anong naranasan niya noon sa kanyang ina. Her daughter deserves a complete happy family. Kaya sinikap niya na maging mabuti at magpagmahal na ina at ama rito. Hindi man niya maibigay rito ang kompletong pamilya nais niyang maramdaman pa rin ng anak na walang kulang dito… na mahal na mahal niya ito at ng Lolo Roman at Lola Antiqua nito.

Hindi niya namalayan ang paglandas ng mga luha niya sa kanyang mukha. Mabilis na pinunasan niya ‘yon nang maramdaman niya si Crosoft sa likod. Iniwan nitong nakaawang nang kaunti ang pinto ng silid ng anak.

Hinarap niya ito. Seryoso ang mukha ni Crosoft.

“Let’s talk Cambria,” kapag tinawag na siya nito sa buong pangalan ay nangangahulugan lamang na seryoso nga talaga ito.

Tinalikuran siya ni Crosoft. Sumunod naman siya rito. Ang kanyang lola at ama ay nasa kani-kanilang kwarto na nila. Mukhang nakuha naman nila na kailangan nilang mag-usap ni Crosoft na silang dalawa lang. Dumiretso sila sa hardin sa likod bahay.

Nakatalikod ito sa kanya. Siya naman, hindi maiwasang kabahan. Aminado siyang mali ang ginawa niyang paglilihim dito. Sino ba namang matinong tao ang ‘di magagalit kapag nalaman nitong may anak pala ito? Iba si Crosoft, mukha lang itong walang pakialam pero may prinsipyo pa rin naman ito. Hindi nga lang nito kayang panagutan ang isang babaeng katulad niya.

Inihanda na niya ang sarili.

“Doon sa pharmacy,” basag nito. “Bakit nagsinungaling ka?”

“Hindi ako nagsinungaling.” Sagot niya. “Hindi pa naman ako sigurado nang mga oras na ‘yon.” Naalala niya na naman ang sakit ng nakaraan. Nagsimulang manikip ang dibdib niya. “And what do you expect? Na maghabol ako sa’yo? Ni hindi pa nga ako tapos sa sinasabi ko iniwan mo na ako.”

Nilingon siya nito.

“But why didn’t you talk to me Cam?!” bumakas ang hinanakit sa mga mata nito. Matapang na sinalubong niya ang mga mata nito. “Sana hinanap mo ako. Sana sinabi mo sak –“

“Bakit Crosoft?” puno ng pait at hinanakit na balik tanong niya rito. Napatitig ito sa kanya.

Alam niyang may mali siya pero may karapatan din naman siyang magalit. Umasa siya. Nasaktan nang sobra. Kinalimutan nito lahat ng pinagsamahan nila nang ganoon lamang kadali. What do he expect? Na yayakapin ko siya at hahalikan sa sobrang saya dahil nagbalik siya? 

“Kapag sinabi ko ba ‘yon may mangyayari ba?” pagpapatuloy niya. “Huwag kang selfish! Hindi sa lahat ng panahon ako ang maghahabol sa’yo. Iniwan mo ako. Pinagmukha mo akong tanga. At ngayon babalik ka na parang wala lang? At ikaw pa ang may ganang magalit sa ating dalawa?” hindi ito nakaimik. Bumigat ang kalooban niya. “Crosoft, hindi naman natin kailangang lokohin ang mga sarili natin. You have your life. We have our own. Hindi ko naman ipagkakait sa’yo ang anak natin.”

“Alam kong malaki ang kasalanan ko Cam. Pero hindi mo rin ako masisisi.” Kalmadong sagot nito. “Nawala sa akin ang ilang taon na dapat kapiling ko sana kayo.”

“Sino ba ang nang iwan sa ating dalawa, ha?” natutop niya ang noo at marahas na napabuntong-hininga. “Ano ba Crosoft, ‘yan ka na naman eh. Pinapaasa mo na naman ako. Lagi mong pinaparamdam sa akin na importante ako sa buhay mo. Lagi mong pinaparamdam sa akin na mahal mo ako higit pa sa inaakala ko. Pero hindi eh. Nagpapakatanga ako lagi sa’yo. Hindi ko magawang isampal sa sarili ko na kailanman ‘di mo matutunang mahalin ang isang babaeng tulad ko!”

“Dahil ‘yon ang totoo! Anong tingin mo sa ginagawa at sinasabi ko sa’yo noon, lokohan lang? Cam ‘di kita pinaglalaruan. Mahal kita… sa paraan na kaya ko.”

“You can’t love me Crosoft. You will never learn how to love a woman like me.”

“Ang sakit mong magsalita Cam. Oo, bakla ako. Pero hindi mo alam kung anong kaya at hindi ko kaya. Kaya kong maging ama sa anak natin. Kaya kong maging asawa mo. Pero pinapangunahan mo ako!”

“Tama na Crosoft, kalimutan na natin ang nakaraan. May kanya-kanyang buhay na tayo. Mas mabuting kalimutan na nating may namagitan sa atin.”

“Sa tingin mo ba papayag ako sa gusto mo nang ganoon lang kadali?”

“A-Anong ibig mong sabihin?!”

“Isasama ko kayo ng anak ko sa pagbabakasyon ko.” Seryoso at mariing pahayag nito.

“Huh?” kumunot ang noo niya. “Nababaliw ka na ba?!”

“Ngayon lang dahil sa ugali mong ‘yan. Sa ayaw at sa gusto mo sasama kayo ng anak natin. Ipapakita at ipaparamdam ko sa’yo na kaya ko kayong alagaan at mahalin ng higit pa sa inaakala mo.”

Napamaang siya. Hindi siya makapaniwala sa mga narinig niya mula kay Crosoft. Seryoso ba talaga ito? Hindi Cambria, huwag kang maniwala sa loko-lokong ‘yan. Paasa na naman ‘yan.

“Ayoko!” pagmamatigas niya.

Napaatras siya nang magsimula itong lumapit sa kanya. Iba kasi ang nakikita niya sa mga titig nito. Kinakabahan siya na ewan. Ngayon niya lang nakita na ganoon tumingin si Crosoft sa isang tao. Hindi niya mabasa ang nasa isip nito. Napalunok siya nang isang pulgada na lamang ang layo nito sa kanya.

Huwag mo akong tignan na parang inaakit mo ako Crosoft.

“I’ll tell you something Cam,” may naglalarong kakaibang kislap sa mga mata nito kahit na sobrang seryoso ng mukha nito. Something is telling her that there is something beyond that serious look Crosoft is giving her. Isang nagbabalang tingin na kailangan niyang paghandaan. “Alam mo paano lumandi ang bakla?”

Hindi siya nagpadaig dito. Sinalubong niya ang tingin nito. Napasinghap siya nang hapitin siya ni Crosoft palapit sa katawan nito. Nailapat niya ang dalawang kamay sa matipunong dibdib nito. Lumakas naman ang tibok ng litse niyang puso.

“You can hate me all you want Cambria.” Inilapit pa nito ang mukha sa kanya. Lumiyad naman siya nang kaunti para lang mailayo ang mukha rito but he held her closer. Halos magkadikit na ang mga ilong nila. “Hahayaan kita, for now. Pero isa lang ang sasabihin ko. Hindi ako magsasawang iparamdam sa’yo na hindi na ako ang dating Crosoft na nakilala mo noon.”

Crosoft?

“Because I intend to keep you in my life Cam. Even if it means, ako naman ang maghahabol sayo. At hindi ‘yan echos. I mean it Cambria Velasco.”


1+4+3


MASAYA na sinalubong sila Cambria ng ina ni Crosoft.

Nagulat siya dahil akala niya magbabakasyon ito sa mga typical tourist destination beach resorts. Kaya naman ganoon na lamang ang gulat niya nang dalhin sila nito sa probinsiya ng mama nito.

Maganda si Tita Dristina. Mabait at napaka-homey ng dating nito. Hindi halata ang edad nito dahil mapapansin talaga na alagang-alaga ang kutis at katawan nito. Lagi itong naka long summer dress. Ilang beses lang ba niyang nakita itong naka jeans? Siguro kapag sinunog ko lahat ng dress niya? Lihim siyang napangiti. Naalala niyang ‘yon ang pabirong sagot ni Crosoft sa kanya noon. Tita Dristina is a sucker of long summer dresses.

Speaking of Crosoft. Pasimpleng sinulyapan niya ito sa tabi niya. Nakangiti lang ang mokong. In-i-enjoy talaga ang pagpapahirap sa kanya. Sinadya siguro niya na rito magbakasyon dahil alam niyang hindi ako makaka hindi kay Tita. Napabuntong-hininga siya. Kumpara sa sarili niyang ina mas maging ina niya si Tita Dristina kaya mahihirapan talaga siyang mag-maldita sa harap ng ginang. Punyeta ka Crosoft! You know how to play your game.

Wala na siyang nagawa para pigilan si Crosoft. Wala na talaga dahil ang loko in-ambush siya. Sinadya nitong wala ang tatay niya para ma-kidnap siya sa bahay habang natutulog pa silang mag-ina. Ewan at anong ginawa nito sa kanya para hindi magising dahil nagising na lang siya na nasa loob na ng sasakyan nito. Pero kahit hindi na ako mag-imbestiga alam ko na kung sinong assistant ng walangya. Sino pa ba? ‘Di ang anak kong inalagaan ko ng pitong taon pero pinagpalit pa rin ako sa naglayas niyang ama.

Tatlong beses lang siyang nakadalaw sa bahay nila Crosoft. ‘Yon ay kapag nauuwi ang daddy nito na si Tito Bill. Mas madalas din kasi na ang ina nito ang lumuluwas para dalawin ang anak. Galit na galit si Crosoft sa ama nito dahil sa ugali nito. Mabibilang sa kamay ang mga pagkakataong umuuwi ang papa nito. Lagi itong tutok sa negosyo ng pamilya D’Cruze na naka base sa London. Mas mahalaga pa ang trabaho nito kaysa sa pamilya nito.

Malayo ang loob ni Crosoft sa ama dahil ‘di nito tanggap ang pagkatao nito. Kaya kapag nasa bahay ito at si Crosoft ay ‘di nag-iimikan ang mag-ama. Mahal na mahal kasi ni Crosoft si Tita Dristina kaya pinapakisamahan pa rin nito ang ama. Isang bagay na hinangaan niya rito. Handa nitong gawin ang lahat huwag lang masaktan ang ina nito.

“Anak!” niyakap ng ginang si Crosoft at hinalikan sa magkabilang pisngi. “Oh, my Cambria.” Saka naman siya nito niyakap nang mahigpit. “I missed you Bria. I’ve been dying to see you. Hindi na ako nakatulog simula nang sabihin sa akin ni Crosoft na iuuwi ka raw niya.”

She hugged her back. “I missed you too Tita.” Iuuwi talaga Crosoft? “Kung alam n’yo lang Tita.” Pinandilatan niya ng mga mata si Crosoft na ngising-ngisi lang sa tabi.

Sobrang na missed niya rin ang ginang. She was the kindest and selfless mother she have ever met. Kumalas ito ng yakap sa kanya  at napatingin kay Danah na nagtatago sa likod ni Crosoft na parang nahihiya. Sa kapal ba naman ng mukha ni Danah nagulat talaga siya at nahiya pa ito. Syempre, namana ng batang ‘yon ang kakapalan ng mukha sa ama.

“Oh, sino ang cute na batang ‘yan?” napatingin ito sa kanya. “Anak mo Bria?”

“Ah, opo Tita.” Tango niya. “Danah, mano ka sa Mommy Dris mo.”

Pinalapit niya ang anak sa ina ni Crosoft. Nahihiyang lumapit ito sa ginang. Nakangiting inilahad ng ina ni Crosoft ang kamay nito sa anak para makapag-mano si Danah. Humalik pa ito sa pisngi ng Mommy Dris nito pagkatapos.

“Sweet! Ang ganda-ganda naman nitong anak mo, Hija. Mukhang mabait at ang cute-cute pa.” Mukha lang Tita. “Pero bago ‘yan ay maupo na muna tayo at alam kong pagod na pagod kayo sa biyahe.” Iginiya sila nito papasok ng bahay.

Kinarga naman ni Crosoft si Danah. Lumapit ang dalawang katulong at kinuha ang mga maleta nila. Nagpasalamat siya bago sila sumunod sa sala ni Crosoft.

“Tere, dalhan mo kami ng snacks sa sala.” Utos ni Tita Dristina sa matagal nang katiwala sa pamilyang D’Cruze na si Manang Tere.

Naupo sila sa iisang sofa nila Crosoft. Nakapagitan ang isang mahabang long wooden coffee table sa dalawang magkaibang pang-isahang sofa. A transparent vase with fresh sunflowers where neatly placed on top of it. Nasa isang pang-isahan na sofa naka upo si Tita Dris. Nasa kandungan naman ni Crosoft nakaupo ang anak.

Naigala niya ang tingin sa buong paligid. Wala pa ring pinagbago ang bahay. Napaka-homey pa rin at relaxing ng dating nun. Isa ‘yon sa gustong-gusto niya. Para ‘yong mansion cabin dahil karamihan sa mga makikita mong naka desinyo at naka-display na muebles sa bahay ay yari sa iba’t ibang klase ng wood material. Kahit ang haligi at kisame.

“Wow!” Tita Dristina sighed dreamily. “Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito ang dalawang babies ko.” Hindi mawala ang ngiti nito. Itinuring na rin kasi siya nito bilang anak. “Akala ko ‘di ko na ulit makikitang magkasama ang pinakapaborito kong mga anak.”

“Mommy,” ungot ni Crosoft. “Ako lang naman talaga ang anak mo. Gahaman ka lang kaya isinali mo na rin si Cam.” Crosoft chuckled.

“Baliw ka talagang bata ka. Kumpara naman sa’yo Crosoft mas mabibigyan ako ng apo ni Bria. Eh ikaw, puro ka na lang lalaki.” May pagdaramdam na wika ng ina nito. Binalingan naman siya ng ginang. “So Bria, buti naman at pinayagan ka ng asawa mo na sumama kay Crosoft. Ngayon lang din kasi nauwi ‘yang batang ‘yan simula nang pumunta ng London. Nawala ka kasi bigla at nalaman ko na lamang na umalis ka na raw.” Malungkot na kwento nito.

“Ahm, actually po Tita,” binuntis ho ako ng anak n’yo saka iniwan. “Wala po akong asawa.”

“Huh?” nanlaki ang mga mata nito. Napatingin ito kay Crosoft bago naibalik ang tingin sa kanya. “Bakit? Sorry to ask this, pero iniwan ka ba niya?”

“Ano po kasi…” napatingin siya kay Crosoft.

Hindi ito nakatingin sa kanya. Hoy! Magsalita ka.

“Yes,” sagot ni Crosoft.

“Ay, ang sama naman ng lalaking ‘yon!”

“Naku, sobrang sama talaga nun,” segunda pa nito. Anong trip ng ‘sang ‘to? “Pero bumalik na siya.”

“Bumalik na?! Eh na saan siya?”

Itinaas naman ni Crosoft ang isang kamay. Kumunot naman ang noo ng ina nito. Wala talaga siyang idea sa mga pinag-iisip ni Crosoft. Kung baliw na ito noon, mas baliw ito ngayon. As in sagad na sagad na.

“Oh, bakit anak? Bakit itinataas mo ‘yang kamay mo?”

“Ako po ang papa ni Danah, Mom.”

Sa gulat ni Tita Dristina ay napasandal ito sa kinauupuan nito habang nanlalaki ang mga mata. Napanga-nga pa ito bago nasapo ang noo.

“Anak huwag ka ngang magbiro nang ganyan!” bulalas ng ina nito. “Hindi ba ‘di mo type ang mga babae? A-Ano… P-Paano n’yo nagawa ni Bria ang…” Namula ang mga pisngi niya nang tignan siya ng ginang. Huwag po ako Tita. Mahirap i-explain. “Ang ganern anak?” ibinalik nito ang tingin kay Crosoft.

“Mom, gusto mong i-demonstrate pa namin sa’yo?” pinalo niya si Crosoft sa balikat. Napa-igik ito sa sakit. Langya talaga ang ‘sang ‘to sa kamunduhan. Hindi ka na nahiya sa anak mo. Nandiyan siya! “Ouch, ha?”

“Umayos ka loko ka,” pinandilatan niya ito ng mga mata.

“Pero ‘di nga?! Anak mo talaga ang baby girl na ‘yan? Umayos ka anak dahil malapit na akong maloka.” Natutop bigla nito ang bibig. “Oh my god! Ngayon ko lang na pansin na kamukha mo si Danah.”

“Mom chill, ang OA mo namang maka-react. Anak ho namin ni Cam si Danah. Ang storya ay mapapanood n’yo sa MMK sa Sabado.” Ano daw? Napatingin sila kay Crosoft. The next thing he did. He formed a heart shape with his hands. “Joke lang.”

“Anak naman eh!” akmang babatuhin na ito ng vase ni Tita Dris pero mas pinili nitong kalmahin ang sarili.

“Mom, ‘yong joke ay ang MMK. Ang anak, totoo ‘yon.” Napako ang tingin ng ina nito kay Crosoft. “Nanay – este tatay na po ako.”

“Pero paano? I mean, ‘diba kakauwi mo lang sa Pilipinas. Nagkita ba kayo ni Bria sa London o may story ka riyang baon?”

“Mom, mahaba pong kwent –“

“Paki-summary anak.” Natawa na lang siya sa tabi. Natatawa talaga siya kapag nag-uusap ang mag-ina. Ibang klase! “Simulan mo na dahil excited na ako and I can’t hide it.”

Humagikhik pa ito.

“Halika nga dito apo.” Sininyasan ni Tita Dris na lumapit si Danah dito. “Sa akin ka kumandong at kung anu-ano ‘yang kabaliwan ‘yang sinasabi ng ama mo.” Mabilis naman na lumapit at kumandong ang anak niya sa lola nito. Mahigpit na niyakap nito ang apo at pinanggigilan ng halik sa pisngi at leeg. “Ganda! Ganda talaga ng apo ko. Oh sige na, mag-kwento ka na Crosoft.”

“Oo na,” tumikhim muna si Crosoft bago pinaseryoso ang mukha. “Ni rape ko po si Cambria.” Ano daw?! “Pero siya po ang namilit – ‘ray!” kinurot niya ito sa tagilirin. Baliw! “’No ba naman Cam. Joke lang ‘yon. Alam ko naman na kahit may gusto ka sa akin ‘di mo pa rin ako pipilitin na gahasain ka.” Rason pa nito na may kasamang malanding ngiti. “Kasi alam kong willing na willing ka naman.”

Napamaang siya. Ang kapal!

“Basta Mom, may nangyari sa amin at pareho naming ginusto ‘yon.” Bakit ba kapag si Crosoft ang nagsasalita ang bastos pakinggan? Nakaka-iskandalo. Wala siyang magawa kundi ang mapailing sa isip dahil sa matinding konsumisyon. Talaga naman!

“So mga anak, kailan ang kasal?” biglang tanong ni tita Dristina sa kanila.

Nasamid siya bigla sa sariling laway dahilan para ihitin siya ng ubo. Kasal?

Sakto namang pagbaling niya ng tingin kay Crosoft ay nakatingin pala ito sa kanya. Sumilay ang isang ngiti sa mukha nito. Nailang siya bigla. Hindi siya sanay sa ngiti na ‘yon ni Crosoft. His smile seemed like he wanted to ask her now if he could marry her. Jus ko! Ayokong mag-isip. Hindi ‘to totoo! Cambria, you’re just doing it for Danah.

Ibinalik niya ang tingin sa ginang.

“I don’t mind giving Cam my name.” Bigla ay sagot ni Crosoft. Hindi siya nag-react. Umakto siyang hindi apektado. Crosoft ano na naman ito? “Mr. Cambria D’Cruze.”

Ano daw? Kumunot ang noo niya.

“Bakit Mr. Cambria D’Cruze?” baling na tanong niya rito.

“Syempre,” may landing ngumiti ito. “Ako ang misis, ikaw ang mister. Asa ka naman diyan.”

She rolled her eyes in response. ‘Di wow!


1+4+3


GALING si Cambria sa silid ng ina ni Crosoft.

Tinulungan niyang maiayos ang mga gamit ni Danah sa silid nito. Sa kamalas-malasan ay ‘di nila pwedeng gamitin ang guest room dahil kasulukuyan ‘yong nire-renovate. Tatlo lang ang kwarto sa bahay nito. Ang kay tita, Crosoft, at isang guest room. ‘Yon nga lang ‘di pwede. Kaya heto siya, ka share si Crosoft sa iisang kwarto habang sa lola naman nito si Danah. Great!

Gusto niyang isipin na pinagti-trip-an siya ni Crosoft pero mukha namang inosente ito sa renovation thing.

Ewan ko sayo Cambria! Ang sabihin mo natatakot ka sa sinabi sayo ni Crosoft. Natatakot  kang ma-fall ulit sa baklang ‘yan. She shook her head in defense as if it would somehow scratch out the idea from her mind. Hindi ‘no! Naiinis ako dahil akala ko sa drama lang nangyayari ang mga ganito. Nakakakilig panoorin pero in reality nakaka-bwesit pala. Tsk.

Hapon na at tahimik ang buong kabahayan. Ito ang gusto niya sa lugar na ito. Tahimik at presko ang hangin. Malayo sa ingay ng lungsod. Malaki ang lupain ng mga D’Cruze. Masasabi na ‘yong hacienda. Ganoon kayaman si Crosoft. Pero ‘di naman ‘yon kapansin-pansin sa ugali nito noon. Kaya ganoon na lamang ang gulat niya nang una siyang makatapak sa bahay nito. Literal nga-nga ako.

Pumasok siya sa silid nila ni Crosoft. Naabutan niyang natutulog ito sa malaking kama. Simple lang ang silid nito. Gaya ng buong bahay ay purely made by wooden materials ang kabuuan ng loob mula floor, wall to ceiling. Pati mga kagamitan at muebles ay yari rin sa iba’t ibang klase ng kahoy. May malaking floor to ceiling na bintana sa gitna na magdadala sa’yo sa maliit na balcony. Maliban sa flat screen TV at kaunting mga kagamitang idinagdag sa silid ni Crosoft ay wala na siyang nakitang nabago sa silid nito. Ganoon pa rin ‘yon gaya noon.

Maingat na isinarado niya ang pinto sa likod. Nakabukas ang malaking floor to ceiling na bintana at nililipad ng hangin ang nakasabit na puting kurtina. Naalala niya tuloy ang nangyaring sagutan nila Crosoft kanina.


“HINDI tayo pwedeng magsama sa iisang kwarto!” sigaw niya rito.

“Bakit hindi? Pareho naman tayong babae.”

“Baliw! Hindi. Mabubuo ba si Danah kung pareho tayong babae?” natutop ni Cambria ang bibig. Napangiwi siya sa isip. Nang kumislap ang mga mata ni Crosoft she knew she’s in big trouble. Ibinaba niya ang kamay. “Ah basta! Hindi ako makikitulog sa kwarto mo.”

“Ang OA mo naman, para namang ‘di ka nasarapan.” Nakangising sagot nito.

Napamaang siya. “Bastos mo talaga eh.”

“Anong bastos? Bakit ‘di ka ba nasarapang humiga sa malambot kong kama? Ikaw ang green ng utak mo. Nagkaanak lang tayo ang halay na ng isip mo.” At nakalusot ka pang loko ka. “Chill ka lang, girl.”

“Basta hindi ako papayag na ganito ang set-up natin.”

“Oo na, ‘di naman kita pinapahiga sa sofa o sa sahig.” Napatingin siya kay Crosoft. “Maglalatag ako sa sahig. Sa kama ka na.” Ngumiti ito. ‘Yong klase na ngiti na gustong-gusto niya. “Malakas ka sa akin eh.” He did his signature heart hand sign.

Natawa siya dahil kitang-kita ang effort ng pagpapa-cute nito. Kahit noon ay madalas talaga itong magpa-cute. ‘Yong pa cute na halata at walang pakialam mairaos lang ang pagpapa-cute. Damn, she was not supposed to give him that smile… bwesit ka talaga Crosoft! Alam na alam talaga nito ang kahinaan niya.

“’Yan ngumiti ka rin,”

“Basta walang bawian.” Ibinalik niya ang seryosong mukha. “Sa kama ako. Sa sahig ka. Case closed.”

“Gorabels! Push natin ‘yan.” Napakamot naman ito sa ulo. “Ang awkward kong pakinggan.” Komento nito bago natawa. Tumikhim ito. “Sinetch itey –“ hindi na nito natapos ang sasabihin dahil binato na niya ito ng damit niya. Hayun, sapol sa mukha nito.

“Baliw ‘di ka naman nagsasalita nang ganyan!”

Itinaas ni Crosoft ang isang kamay at nag-thumbs up. “Cam, pahiram ng damit mo mukhang bagay sa akin ‘to.” Saka ito tumawa nang malakas.



LUMAPIT siya at naupo sa gilid ng kama.

Mahimbing na mahimbing na natutulog si Crosoft. Natigilan pa siya nang mapansin ang yakap nitong puting unan. Pahaba ‘yon na parang hotdog. Kumunot lang tuloy ang noo niya. Anong trip ng ‘sang ‘to? Nakasuot sa unan ang damit na binato niya rito kanina. Yellow ang kulay nun na may print na I Love Banana. Mukhang ‘di nagkasya rito ang blouse kaya sa unan na lang pinasuot.

Naiangat naman niya ang tingin sa mukha ni Crosoft. Tumabing ang bangs nito sa mukha which gave him a sexy-messy-bedroom look.

Napasimangot siya.

Hindi ko alam kung nagbago ka na ba o hindi? Pero kung may isang bagay man ang hindi nawala sa’yo. ‘Yon ay isa ka pa ring dakilang paasa Crosoft. At aminin ko man o hindi sa sarili ko, takot ako sa magiging reaksyon ng puso ko sa pagbabalik mo.

Lalo na ngayon at may bahagi pa rin sa puso niya ang nagsasabing hindi pa rin niya tuluyang nakakalimutan ang pagmamahal niya rito. Na nagawa lamang niyang maitago ‘yon ng ilang taon sa pag-aakalang ‘di na muli itong magpapakita. Natatakot siya sa magiging reaksyon ng puso niya. She’s afraid of falling in love with him the second time… afraid that maybe, she might not be able to redeem herself if Crosoft will break her heart again.Bwesit talaga!

Tatayo na sana siya nang biglang hawakan nito ang isang kamay niya. Nahila siya nito payakap dahilan para mapahiga siya sa itaas nito. Napasinghap siya nang mapansin kung saan naglanding ang mga kamay niya – in his freaking chest! She was on top of him habang nakayakap ito sa kanya. Nak ng ukoy!

Pero nakapikit pa rin ang mga mata nito. Hindi kaya nanaginip ang ‘sang ‘to?

“Hmm…” ungol nito. Naramdaman niya ang pagpisil ng kamay nito sa kanyang mga braso. “Ang laki naman ng muscles mo.” Anas nito sa malanding boses na may ngiti pa. Nakadama siya ng kakaibang kilabot nang marahan nitong haplosin pababa at pataas ang mga braso niya.  ‘Langya! “Pero I like it.”

Nanaginip pa yata ang baliw! At ang kapal nito para sabihing malaki ang braso niya. Marahas na inalapat niya ulit ang dalawang palad sa dibdib nito. Napaigik ito pero natawa lang.

“Hey chill, dadating din tayo riyan.”

Napunta naman ang isang kamay nito sa likod niya. She felt him traced her spine down her butt. Kaya bago paman ‘yon mahawakan ni Crosoft ay hinawakan na niya ang kamay nito. Umiinit na ang bunbunan niya sa pagkaasar. Manyakis na bakla!

Nanlaki na naman ang mga mata niya nang maramdaman niya ang isang kamay nito na kanina nakahawak sa braso niya pero ngayon ay nasa leeg na niya. Randam na randam niya ang mainit na palad nito. ‘Yon naman ang inalis niya. Nang maramdaman niya ulit ang kamay nito sa isang hita niya ay napapikit na siya sa sobrang asar bago ‘yon marahas na tinampal at pinalis. Kung kailan ako naka shorts!

“Malaman,” anas ulit nito. “I like it more.”

“Crosoft!” malakas na tili niya.

Naimulat nito ang mga mata. Gulat ang unang rumihistro sa mga mata nito pero nang mapansin ang position nila ay bigla na lamang siya nitong pinakawalan at itinulak palayo. Napabalikwas ito ng bangon. Siya naman, muntik pang mahulog sa dulo ng kama.

Tinignan pa nito ang sarili sa ilalim ng kumot at mabilis na niyakap ang isang unan.

“Oh my god!” naiiyak na sigaw nito. “May chastity is gone.”

Napamaang siya. Wow, ha?! “Ang kapal! Hoy ‘di kita ni rape. Tumahimik ka.” Inambahan niya ito ng suntok. Bwesit, ha?!

“Panagutan mo ako!”

“Huh?”

“Bingi ka ba? Sabi ko panagutan mo ako.”

“Oo narinig ko ‘di ako bingi! Saka ayoko nga.”

“Okay, ako na lang.”

“Anong ikaw na lang?”

“Ialay ko na sa’yo ang buong katauhan at ang maganda kong katawan.”

Nanlaki ang mga mata niya nang alisin nito ang kumot at unan. Ngayon niya lang napansin na masyadong hapit sa katawan nito ang suot na white sleeveless shirt. Kitang-kita tuloy ang ganda ng katawan nito lalo na ang malapad na balikat at dibdib. Damn! Napalunok siya. And to be honest, I find him sexy and hot.

Hindi siya nito nilubayan ng tingin. Napansin na lang niya na nagsimula na itong itaas ang damit nito. Hindi niya napigilan ang sarili at napasigaw na talaga siya.

“Crosoft!”


1+4+3


BAGONG ligo at masarap ang gising ni Cambria.

Iba talaga ang hatid ng preskong hangin ng probinsiya sa kanya. Inalis niya ang tuwalya sa ulo at iniwan ‘yon sa silid. Nang magising siya ay wala na si Crosoft sa kwarto. Mukhang maagang nagising ang loko. Ano na naman kayang ginagawa nun? Ah, pakialam ba niya.

Alas sais pa lamang nang umaga at mukhang tulog pa ang anak at si Tita Dristina. Nag-desisyon siyang bumaba muna sa kusina. Baka may maitulong siya sa pagluluto ng agahan. Nasa huling baitang na siya ng hagdan nang marinig niyang may kumakanta. Natigilan siya at napakunot-noo. Sino namang halimaw ang mambubulahaw nang ganoon kaaga?

Alam ko na, si Crosoft. Kung frustrated singer lang naman ang hahanapin. Pwedeng-pwede na ang loko. Sa boses pa lang nun pati si Grinch mangingiming sumira ng pasko. Ganoon ka scary ang boses ni Crosoft. ‘Yong mapapa-walk out ka na lang bilang respeto.

Naabutan niya si Crosoft na nagluluto sa kusina. Nakatalikod ito sa kanya pero kapansin-pansin pa rin ang pag-i-enjoy nito sa ginagawa. Mukhang bagong ligo pa. Tumagilid ito nang kaunti kaya napansin niyang suot nito ang pink na apron.

Naka clip pa ang bangs nito. Medyo pamilyar sa kanya ang pink clip na ‘yon. Hindi ako pwedeng magkamali. Kay Danah ‘yong clip na gamit niya. In all fairness, cute siya – este ‘yong clip.

“Don’t cha wish your boyfriend was hot like me!” ginawa nitong mic ang statula na hawak. Sinabayan pa nito ng kending na sobrang harot naman talaga. Natutop niya ang isang kamay sa bibig para pigilan ang malakas na matawa. Sa boses pa lang ni Crosoft hindi mo alam kung halimaw o dwendeng malapit nang tumuntong ng puberty stage. Sakit sa tainga! “Dont cha wish your boyfriend was fun like me. Don’t cha! Don’t cha baby. Aw!”

Itinaas nito ang statula habang naka hawak sa isang baywang ang kamay. ‘Yon, ang signature pose. Kahit kailan talaga ang ‘sang ‘to pasaway.

Nilapitan niya si Crosoft dahil mukhang pagod nang mag-concert ang loko. Kinalabit niya ito mula sa likod. Nang lingonin siya nito ay nagulat pa ito. Pero ‘yong gulat na eksaherado na may halong late reaction. Humalukikip siya pagkatapos.

“Oh Cam, gising ka na pala.” He chuckled. “Nagising ba kita?”

“Oo, sa pangit ba naman niyang boses mo. Kahit maligno magwawala.”

“Grabeh siya oh, tsk.Kahit kailan panira ka ng pangarap.”

Ngiting aso lang ang binigay niya rito. Sinilip niya ang niluluto nito. Amoy masarap kasi. Matagal naman niyang alam na masarap magluto si Crosoft. Kahit anong putahe naluluto nito. Kaya busog na busog siya kapag nasa condo siya nito noon. Hindi kasi siya gaanong magaling sa kusina.

Ang niluluto nito mukhang matabang omelette. Wala siyang idea sa pangalan nun basta mataba na omelette ang tingin niya. Baka chubby egg? Okay, Cambria awat na.

“Ano ‘yang niluluto mo?” tanong niya. Naigala niya naman ang tingin sa buong paligid. “At saka na saan ang mga katulong n’yo?”

“This is Omurice,” sinulyapan siya nito. “Omelette na may fried rice sa loob.”

“Pwede ba ‘yon?” nakakunot-noong tanong niya. Inisip pa niya sa utak kung paano ‘yon gawin pero wala talaga siyang idea. Palibhasa Cambria wala kang kaalam-alam sa mga ka echosan sa kusina. “Paan –“ natigilan siya nang pagbaling niya ulit ng tingin kay Crosoft ay sobrang lapit na ng mukha nito sa kanya.

“Pwede ‘yon,” kumindat pa ito sa kanya bago inilayo ang mukha.

Nag-init ang mga pisngi niya. Naman! Bakit ‘di ka pa rin nasasanay sa mga ganoon Cambria Velasco? Pasimpleng tinapik-tapik niya ang dalawang pisngi bago tumayo nang maayos. Napalingon siya sa likod. Marami na ang nakahandang pagkain sa itaas ng mesa. Although it was properly placed on top ay parang nilagay lang ang mga pagkain for the sake na may paglalagyan ‘yon. It was not organized yet.

“Ang dami mo na pa lang na luto. Tulungan na lang kitang iayos ang mga pagkain.” Akmang aalis siya sa tabi nito nang mabilis na mahawakan nito ang isang kamay niya. Napatingin siya rito pero ‘di naman nakatingin si Crosoft sa kanya.

“Diyan ka lang, mamaya na natin ‘yan ilabas at baka lumamig lang.” Binitiwan nito ang kamay niya. “Paabot nga ng isang plato riyan Cam.” Utos nito. Inabot niya naman ang plato rito. “Thanks,” tinignan niya kung paano nito ilipat ang niluluto mula sa likod nito.

Crosoft turned off the stove and held the plate on his other free hand. In one swift ay binaliktad nito ang pan at nalipat ang pagkain sa plate. Ibinalik nito ang pan saka inabot ang lalagyanan ng ketchup. Pinaraanan ni Crosoft ng parang zigzag ang katawan ng omelette ng ketchup saka siya nito hinarap.

“Tadan! Crosoft’s own version of omurice.”

Napatingin siya sa magandang pagkakaayos ng pagkain sa plato. Mukha talaga ‘yong masarap. Nagutom tuloy siya bigla. Okay Cam, lunok ka muna. Naingat niya ang tingin sa nakangiting mukha ni Crosoft.

“Tikman mo,” inabutan siya nito ng kutsara.

Tumalima siya at tinikman ang luto nito. Napangiti siya nang malasahan ang pagkain. Masarap nga ‘yon. Iba talaga kapag si Crosoft na ang nagluto. Nalalasahan niya ang pinaghalong lasa ng itlog at kakaibang friedrice nito.

“Masarap ba?”

Nag-thumbs up siya.

“Mas masarap pa sa akin?”

Nabulunan siya sa sinabi nito. Napahawak siya sa balikat ni Crosoft saka ito na palo sa braso. Nang malunon na niya ang pagkain saka niya ito sininghalan.

“B-Baliw ka ba?!” pinukol niya ito ng masamang tingin.

Natawa lang ito. “Hindi, matino pa ako. Saksakan lang ng gwapo.”

“Wow! Tayog mo ah.” Pabalang na sagot niya.

Tinalikuran niya ito at diretsong tinungo ang ref para kumuha ng isang pitsel ng tubig. Kumuha siya ng baso at sinalinan ‘yon ng tubig. Nakadama siya ng ginhawa nang dumaan ang malamig na tubig sa lalamunan.

“Sa labas na lang tayo kumain.” Pahayag nito.

Sakto namang pumasok si Manang Tere. Binati siya nito. Ngiti lang ang naibigay niya dahil umiinum pa siya.

“Senyorito, kami na ang gagawa niyan. Pinayagan na nga kitang magluto ngayon dahil gusto mong magpasikat sa mag-ina mo. Tama na ‘yan.” Saway ng matanda kay Crosoft. “Kahit naman ‘di ka pa magpasikat ay makaka-points ka pa rin. Kaya awat na –“ napangiti lang ang matanda nang yakapin ito ni Crosoft mula sa likod. “Ay disyakteng bata ire. Tama na nga ‘yan.” Natatawang pinalo nito ang mga kamay ni Crosoft.

“Manang, salamat.” Hinalikan pa nito sa pisngi ang matanda bago kumalas sa pagkakayakap rito. “Sige kayo na ang maghanda niyan sa labas.” Lihim siyang napangiti. At least hindi pa rin nagbago ang pagiging malambing nito.

Hinubad nito ang suot na apron at isinabit ‘yon pabalik sa hook kasama ng ibang apron at hand gloves. Nang harapin siya nito ay bigla na lang nitong ibinaba ang mukha at hinalikan siya sa noo.

Napakurap-kurap siya sa pagkabigla.

“Good morning Cam,” saka siya nito iniwan.

Napahawak siya sa dibdib niya nang lumakas ang tibok ng puso niya.  Ano ‘yon?

Naibaling niya ang tingin sa papalayong si Crosoft. Imbes na isipin ang ginawa nito kaninang paghalik sa kanya ay napalitan ‘yon ng tawa nang madulas ito sa sahig.

“Pak juice!” he cursed loudly. Ang bilis ng karma, ano, Crosoft? Huwag kasing magnakaw ng halik.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE