Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

NAABUTAN ni Cambria na nagkukulitan ang mag-ama habang nanonood ng SpongeBob sa sala. Hindi niya mapigilang mapangiti. Itong mag-ama niya ang pinakamakulit sa lahat. Walang palya talaga ito kung magkulitan at mag-asaran. Nakikita niyang enjoy na enjoy si Danah sa daddy nito. What a sight. Hindi ko alam pero… masaya ako.

Akmang aalis na siya nang magsalita ulit si Crosoft.

“Oh baby,” simula ni Crosoft. “Alam mo bang may silbi pala ‘yang si Spongebob?”

“Oo naman po daddy. He’s so mabait and funny kaya. He makes kids happy like me.”

“Baby, ang sagot mo papasa na ‘yan sa binibining bata.” Ano daw? “Pero huwag anak, may sagot diyan na pang-universe ang dating.”

“Pang solar system, daddy?” inosenteng tanong ng anak.

“Basta, pang out of this world.”

“Really daddy? Ano po?”

“Alam mo ba baby na ang gamot na zovirax ay kuha kay Spongebob?” kumunot ang noo ni Danah. Pati siya napa-huh? “I know, ‘di mo alam ‘yon.” Tumawa si Crosoft na parang inaasar pa si Danah. Wow Crosoft, anak mo pa talaga ang binu-bully mo, ha?!

Natawa lang din si Danah kahit mukhang ‘di rin na gets ang sinabi ng Daddy nito. Kahit kailan talaga Crosoft! Napa-face palm na lang talaga siya sa pagiging isip bata nitong si Crosoft. Jus ko!

“Ganito ‘yan baby. Ang zovirax, gamot ‘yan sa manok na gumiho. Alam mo ‘yon?” umiling si Danah. Ano na namang manok at gumiho ‘yan Crosoft? “Hindi mo alam ang manok na gumiho?” malamang, bata po ‘yang kausap mo.

“Ano pong manok na gumiho daddy?” nakangusong tanong nito.

“Chicken pox,” bumanat na naman ng tawa si Crosoft. Muntik na siyang masamid sa sarili niyang laway. Ang layo ng gumiho sa pox, i-fox ‘yang gumiho. “What does the pox say?! Tsi-tsi-tsi-tsiken!” at iwinagayway pa nito ang mga kamay.

Tawang-tawa naman siya si ‘di kalayuan. Baliw!

“Daddy fox ‘yon eh!”

“Fox? ‘Yon ba ‘yong… Fox Menthol Candy?”

“Daddy naman eh!”

Tinawanan lang ni Crosoft ang anak saka ito niyakap at pinupog ng halik sa mukha. Danah ended up giggling. Sige magsama kayong mag-ama muna riyan. Umakyat na siya sa itaas. Kanina pa sana kung napigilan niyang makinig sa korning joke ni Crosoft.

Mabilis na isinara niya ang pinto at patalon na sumalampak ng upo sa kama. Inilagay niya sa mga hita ang laptop at nagsimulang basahin ang isang post doon sa isang website. Napa-praning na kasi ang utak niya sa kaiisip kung pwede nga bang ma-in love ang isang bakla sa isang babae.

Oo na! Aasa na naman ulit ako. Pero malay mo naman, diba? Baka pwede nga naman. Kanina may nabasa siyang related link about gay falling in love with a girl. Napunta siya sa isang website kung na saan naka post ang question. 

Binasa niya ang naka post.


POST OF THE DAY: I’m in a deep trouble! OMG! I don’t know what happened to me. But I found myself falling in love with my girl bestfriend. Nakakasuka ‘yon diba? Pero bakit? Bakit kinikilig aketch? Kaloka! Pure naman akong girlalo. Bakit ako natutomboy ngayon? Dapat na ba akong mag-alay ng pagkain sa punso? ‘Di kaya nausog lang ako?!

Posted by PureGay

COMMENTS

ECHOS: BI ka siguro, accept the fact girlalo. Ganyan talaga kapag love na ang umaasinta. Walang bakla-bakla. Just love ayiie!

BitterAmpalaya: Walang forever!

ECHOS: Bitter! Chupee ka nga. Palibhasa pinanganak kang pinagkaitan ng true love!

LUbsyU: Ayiie! Ang galing ni girl. She just made a princess into her own prince charming!

TomboyAko: Langya! Screw labeling guys. We’re not products okay. Tao tayo! Tao! Tao! Kaya PureGay… go for her! You obviously love her. Pakialam mo ba kung giralalo ka rin. Pwede naman ang girl x girlalo na love haha

ECHOS: Agree! True labs na yaan! <3

LUbsyU: One of the mysteries in the world is falling in love. Yours was… well, isa ‘yon sa mga example kung paano naiinlove ang isang tao. Kumbaga sa movie, ‘yan ang genre mo. GayXGirl! Go puregay!

PureGay: But I’m gay huhu (T^T)

TomboyAko: So ano yan? Echos mo lang ganern?

Echos: Read my name!

BitterAmpalaya: Hindi ka natatakot kapag naiinlove ka sa kapwa mo lalaki pero nababaliw ka sa kakaisip kung bakit naiinlove ka sa babae? Langya! In-denial mo masyado. Walang forever!

LUbsyU: Ang bitter okay! Pero agree ako.

ECHOS: Me too! May forever Bitter! Saka, huwag mong pigilan puregay. Minsan lang mag milagro ang puso kaya push mo na ‘yan.

BitterAmpalaya: The girl is so powerful. She made you a tomboy. Walang forever!

ECHOS: Hahaha eksdee

LUbsyU: Just accept it! Love! Love! Love!

TomboyAko: People fall in love in mysterious way! Ibagsak ang labeling!

BitterAmpalaya: Walang forever!


Hindi niya mapigilan ang matawa.

Nakakaloka naman talaga ang mga comments na nabasa niya. Pero in all fairness at naaliw siya sa mga opinion na binibigay kay PureGay. Sino kaya ‘tong si PureGay? Ang swerte naman ng girl na ‘yon.

She saw another post from the website. May caption ‘yon na: “Pure Gay vs Halfbreed Gay”. Sandaling napatunga-nga siya. Hindi kaya nababaliw lang ako? Gawin ko na lang kaya ‘tong study? Ay ewan. She clicked the linked on the side.


POST OF THE DAY: Ang tunay na bakla, hotdog lang ang kinakain. Minsan ‘yong may mayonnaise pa para may flavor. Ang half breed na bakla hindi lang hotdog ang kinakain. Pati bibingka at dunkin donut haha.

Posted by ECHOS

COMMENTS

BitterAmpalaya: Walang fore – hey! This is so eww! *puke*

LUbsyU: Haha, ansabe ng hotdog with mayo? (¬‿¬) Ma imagine nga! ek! Nosebleed!

TomboyAko: Hoy Echos saan na namang sementiryo mo yan nahukay?!

PureGay: Bakit ang laswa nito basahin?

ECHOS: Ewan ko sa inyo! Sino ba may sabing basahin n’yo ‘yan. Tangeks!

BitterAmpalaya: I’m dying because of this post. Nauubos ang mga naipon kong enerhiya. Na saan na ang mga dragon balls? Sabi ko na nga ba eh, wala talaga forever! *talon sa balon*

ECHOS: Mga baliw! Pinost ko lang ang narinig ko sa baklang kapitbahay namin nang mag-sona siya kanina sa labas. Masamang i-post? Ikamamatay n’yo?

LUbsyU: Paki-credit kung ayaw mong makasuhan ng plagiarism haha XD


Tawang-tawa siya.

Hindi sa pagiging-malisyosa pero na-i-imagine niya talaga. Ang kukulit ng mga taong ‘yon sa website. Mukha lang biro ang pagkakasulat pero may point naman talaga ang mga ito. Hindi niya talaga mapigilan ang matawa.

Naisip niya bigla si Crosoft. Parang gusto niya ring itanong kung anong mas gusto nito. Hotdog ba o Dunkin Donut? Na-i-imagine na niya ang magiging mukha nito. Baliw! Syempre hotdog ang pipiliin nun. May mayo kaya? Nakagat niya ang ibabang labi para pigilan ang matawa nang malakas. Nababaliw na yata siya.

Bumukas bigla ang pinto kaya madaling isinarado ni Cambria ang laptop at niyakap ‘yon. Tumaas naman ang isang kilay ni Crosoft nang makita siya. Bumaba ang tingin nito sa laptop na yakap niya. Isinarado nito ang pinto sa likod at nakahalukipkip na lumapit sa kanya.

“Ano ‘yan, ha?” naka taas ang isang kilay na tanong nito.

“Huh? Anong, ano ‘yan? Laptop, bakit?”

“Nanonood ka ng porn, ‘noh?”

Nanlaki naman ang mga mata niya. “Baliw! Ako manonood ng porn? Mukha mo. Ikaw pa siguro ang unang kandidato.”

“Patingin nga,” naupo ito sa gilid ng kama at sinubukang agawin sa kanya ang laptop. She did not let him. Magkamatayan na pero ‘di niya ibibigay rito ang laptop. “Oh ayaw mo. ‘Di na nanonood ka nga ng porn.”

“Hindi nga! Hindi ako mahilig doon. Hindi naman ako kagaya mo, ‘noh?”

“Hoy!”

“Ano, huh? ‘Di ka makaimik kasi totoo naman.”

“Hey!” sumeryoso ang mukha nito. “Nakakasakit ka naman ng damdamin Cam. Isa lang naman na porn ang pinapanood ko lagi. ‘Yong ginawa natin seven years ago.” Napamaang siya. “May CCTV kaya ako sa loob ng condo ko.” Pak juice!

Totally nga-nga at natigilan siya.

“Got yah!”

Nagulat siya nang maagaw ni Crosoft ang laptop niya. Napatili siya nang bongga kaya napatid niya si Crosoft sa tagiliran nito kaya ito nahulog sa kama. Kumalabog ang sahig nang mahulog ito. Natutop niya ang bibig. Shuks! She crawled at the edge of the bed to see if he was okay.

“’Langya! Why did you do that?!” naghihirap na reklamo ni Crosoft. “Sarap mong sabunutan!”

Bumaba siya ng kama at inagaw mula rito ang laptop. Mukhang okay naman ito. Kaya no worries. Crosoft pulled himself up. Itinukod nito ang mga braso sa itaas ng kama bago iniangat ang sarili para maihiga nito ang kalahati ng katawan nito sa kama. Isinandal nito ang likod sa headboard.

“Alam mo ba sa ginawa mong ‘yon nagkabuhol-buhol na ang mga intestines ko sa loob.”

“Eh, ikaw naman kasi. Sinabi nang ‘di ako nanonood ng porn.”

“Eh bakit ayaw mong ipahiram sa’kin ‘yang laptop mo? Hindi mo ‘yan ipagkakait kung wala kang itinatago.”

“Hindi. Nga. Pwede. Bakit ba ang kulit mo?”

“Ikaw, bakit ang dihnam mo?!”

“Huh? Anong dihnam?”

“Kitams, ‘di mo nga rin alam. Aish, ang sakit ng intestines ko.” Napangiwi ito. “Mukhang mag-mi-mix na yata ang large at small intestines ko.” He groaned and grimaced in pain. “Aw!”

“Ang OA naman nito.”

“Ewan ko sayo Cam! W-Wala kang puso. Aray! Ang sakit talaga ng tiyan ko.” Naipikit nito ang mga mata na para bang nahihirapan talaga ito. “Ouch, damn, my abs.”

Bigla naman siyang tinubuan ng konsensiya. Kaso may pahabol pang abs ang ‘sang ‘to. ‘Di bale na nga. Kagat labing lumapit siya kay Crosoft.

“Masakit ba talaga?”

“Bulag ka ba? Malamang, masakit, sinabi ko ba masarap?”

She rolled her eyes. “Ang sungit mo, ha?!”

“Hubaran mo na ako.”

“Huh?”

“Ibaba mo na ‘yang laptop mo at hubaran mo na ako.”

“Hoy unggoy! Bakit naman kita huhubaran?”

Nagsimula namang mag-init ang dalawang pisngi niya. Hoy Cambria itigil mo ‘yang iniisip. Bawal ‘yan sa bata. SPG masyado. Ipinilig niya ang ulo at pinalis ang iniisip. “A-Anong connection ng hubaran sa mga naghihingalo mong intestine, ha?!”

Iminulat nito ang mga mata. Nagtama ang mga mata nila. It stunned her. There was something different in the way he looked at her. Bigla ay naging maamo ang mukha nito na para bang sinusubukan siya nitong akitin. She felt Crosoft’s hand reaching hers. Nang hawakan nito ang kamay niya na hindi nakayakap sa laptop ay nagdala ‘yon ng kakaibang elektrisidad sa buong sistema niya.

“Rape me Cam.”

Napamaang siya. Pak juice! 

Walang sabi-sabing tinalikuran niya si Crosoft at tinungo ang pinto. Kahit kailan talaga Crosoft baliw ka. Hindi siya galit. Ang totoo nga ay kanina pa niya gustong tumawa. Natatawa siya sa sarili dahil kinilig siya sa sinabi nito.

Eh ano? Ikaw ba, sabihan nun ng crush mong bakla? Magdadalawang isip ka pa kaya? At saka, it’s kind of sweet, but ina weird way. Ewan ko sayo Cambria na babaliw ka na! Matagal na ‘di ko lang dinidibdib.

Nakahawak na siya sa seradura ng pinto nang yakapin siya ni Crosoft mula sa likod. He buried his face on her neck. She felt a tingling sensation that made her inside knot. I really hate you for always making me feel weak and hopeless Crosoft D’Cruze!

“Can’t you see me as a husband Cam?”

“I can see you as a great father to Danah.”

“That’s not the answer to my question.”

“Crosoft,” she sighed. “Let’s just be happy, okay? Huwag na muna nating isipin ang mga ganoong bagay. Sooner or later, ikaw lang din ang makakasagot ng tanong na ‘yan. Ayokong umasa. Please, huwag mo na akong paasahin. Huwag ka ng dumagdag sa mga taong paasa. Madami na sila.”

Humigpit naman ang pagkakayakap nito sa kanya.

“Okay lang umasa Cam. Ako naman ang klaseng nagpapaasa na kaya kang saluhin kapag nahulog ka sa puno ng hopia.” Talaga lang, ha?

She chuckled. “Baliw, bakit ang weird ng mga wordings mo?”

“Because I was designed to be unique. Nag-iisa lang ako sa mundo Cam. Mapapatunayan ‘yon ng fingerprint ko.” He chuckled.

“Malamang wala naman talagang same fingerprint.”

She silently smiled. Sana nga ay masalo mo ang puso ko Crosoft. Baka kapag dumaan si Channing Tatum bigla mo na lang akong layasan. Lalaslalasan ko talaga ‘yang anit mo.

“How can I make you happy Cam?”

“Just be yourself Crosoft.”

“But how can I do that when I’m with you I’m not the same?”


1+4+3


MALAYO ang tingin at nakatunga-nga lang si Cambria sa kawalan.

Nakaupo siya sa wooden hammock sa garden. Kanina pa  yata siya nakatunga-nga. Loading masyado ang utak niya. Kaya hanggang ngayon ‘di niya pa rin mai-revise nang maayos ang eksena kung saan naghahalikan ang dalawang bida. Napangiwi siya.

Nakakahiya siya. Naturingan pa naman siyang director at writer pero ‘di pa rin niya ma-i-describe nang maayos ang kissing scene. Sanay talaga siya sa action at horror na tema. ‘Yong walang romantic love, slight lang minsan kapag kailangan talaga. Nasa serious ang genre niya. Nakakapanlumo na sa hinaba ng panahon niya sa film production nga-nga pa rin siya sa romance. Mas madali pang isulat ang horror kaysa romance. Eh sa madaling pumatay ng tao kaysa ang bumuo ng love scene.

Tapos na sana ang kwentong ‘yon kaso ibinalik sa kanya ng editor ng publication ng MS kasi raw parang may kulang. Maganda naman daw talaga ang story pero nakulangan ito ng mga intimate scenes. Kulang din daw ng emotions at parang may stiff neck ang ibang scene ng dalawang bida. In short, bitter ang writer. ‘Di wow! Sa mga pinagdaanan niya sa buhay… mas gugustuhin niya ang pumatay ng tao kaysa ang kiligin.

But she wanted to do more than just writing and making horror and suspense-thriller films. She wanted to push her limit – she wanted to try romance.

Kung kailan ba naman siya tumanda saka naman napurol nang bongga ang utak niya sa pag-o-obserba kung paano nga humalik ang isang lalaki sa isang babae. Isama pang wala siyang experience, maliban sa nangyari sa kanila ni Crosoft seven years ago. Na hindi niya pa maalala. O sadyang bitter lang siya noon kaya dineadma niya pagkatapos.

Paano ko maipa-publish ang kwentong ‘to kung kulang ako sa romance at foreplay? She made a face. Parang ang laswa pakinggan ng foreplay. Affection na lang. Tama, mas sweet ‘yon. Kung bakit ba kasi pinilipilit niyang maging romance writer? Horror at thriller stories lang naman ang kaya niya. Kasi kaya mo nga Cambria. Kaya mo! Bitter ka lang. Now, focus!

Ibinalik ni Cambria ang atensiyon sa maliit na spring notebook niya. Pero wala pang segundo ay napatunga-nga na naman siya. She sighed. Wala na talaga akong pag-asa.

“’Oy ano ‘yan?” nagulat siya nang may kung sinong humablot ng notebook niya. Si Crosoft. “’Oy ano na naman ‘to, ha?” tumayo siya at sinubukang agawin kay Crosoft ang notebook pero itinaas lang ng mokong ang notebook kaya ‘di niya naabot kahit na patalon pa niyang abutin ‘yon. Bwesit ang tangkad!

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Akin na ‘yan!”

“Ewan ko sa’yo Cam. Pati laptop at notebook mo pinagkakait mo sa akin. Kaya ‘di na ako magtataka kung pati sarili mo ipagkakait mo rin sa akin.”

“Bahala ka!” napasimangot siya. “Lamunin mo ‘yan kung gusto mo.”

Umupo na lang ulit siya. Ibinaling niya sa ibang direksyon ang tingin. Naramdaman niya ang pag-upo nito sa tabi niya.

“Ano ‘to?” palatak ni Crosoft. “She kissed her and it felt nice. She couldn’t help but to kiss him back. Giving in to the urgency of their needs. She felt him bit her lower lip. She moaned as her mouth parted – is this how you kiss, Cam? Medyo may stiff neck… wala akong ma feel na emotion.”

“Shut up!” isa ka pa.

“Okay naman ang choice of words mo. I like how you play with your words in describing this scene. Pero ‘di ko lang talaga maramdaman ‘yong pagnanasa. What story is this?”

“Bago ‘yan,” matabang na sagot niya. “Approved na ‘yan sa MS Publication kaso for revision kasi nga walang emosyon. Oo na! Malamig na ‘yan. Pangit na! Sorry, ha?” kabanas!

“Ang bitter mo kasi kaya ganyan ‘yan.”

“Ginatungan mo pa eh.”

“Harapin mo nga ako,” hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at pinihit paharap dito. Napako ang tingin niya sa mga mata nito. He was not smiling at wala rin siyang makitang biro sa mga mata nito. “You want help?”

“Nagsusulat ka ba ng romance novel?” sarkastikong tanong niya.

He shook his head. “Wala akong pag-asa riyan. Experience meron ako.”

She made a face. “Kadiri ka talaga.”

“Ang OA nito, para namang ‘di mo na tikman ang halik ko.” Sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mukha nito.

“Wala akong maalala, okay? Lasing ako noon.”

“Problema ba ‘yon? Let’s do it.”

Napahawak siya sa dalawang braso nito at inilayo ang sarili nang kaunti rito. Pinanlakihan ni Cambria ng mata si Crosoft.

“Hoy! Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo. Bakla ka!”

“Eh ano kung bakla? Bawal bang humalik ng babae?”

“Oo dahil nakakadiri ‘yon sa part mo at baka masuka ka lang.”

“Hindi ‘yon mangyayari. OA mo talaga. Bakit noong may mangyari ba sa atin naligo ka ba ng suka ko?” hindi, pero ayoko pa rin. Naks, pa hard to get si Lola.

“Huwag! Ayoko.”

“Ano ka ba, ang tanda na natin. Tanggapin mo na lang ito bilang tulong ko sa naghihingalo mong talento sa pagsusulat ng romance.” Ngumisi ito. “Ano game ka? Kaka-toothbrush ko lang.”

“Hoy Crosoft seryosohin mo nga ako.”

“Hoy ka rin. Siniseryoso kita. Ikaw lang ‘tong ayaw akong seryosohin.” Sumimangot ito. “Masakit na sa heart ang ginagawa mo sa akin pero pasalamat ka mataas ang tolerance ng puso ko sa’yo.”

Napamaang siya. Kaunti na lang talaga at mahuhulog na talaga ako ulit sayong mokong ka.

“Ay ang drama mo. Tama lang talaga na nag-artista ka kasi ang galing mong umarte.”

“Gusto mo ng bangs? Babangasan ko na ‘yang buhok mo kapag ako na puno sa’yo.”

Ngiting aso lang ang ibinigay niya rito. Ibinaba nito ang dalawang braso. Pareho silang na tahimik. Ang awkward nga eh. Hoy Cambria! Payag ka na kasi. Wala ka ng pag-asa. Kahit manood ka pa ng isang libong kissing scene videos ‘di mo pa rin ‘yon maisusulat dahil ‘di mo naman talaga ‘yon na experience ng personal.

Gusto niyang mapasimangot sa naisip. Tama naman, siguro isa lang talaga siya sa mga taong slow ang pick up sa mga ganyang eksena kaya naiiwang naka nga-nga sa gilid.

Kung makakagawa man siya. Nasa five lang siguro ang rating dahil tinalo pa niya ang iceberg sa palabas na Titanic sa sobrang lamig ng eksena na dapat punong-puno ng pagnanasa. Bitter kasi siya masyado! Magiging mabilis ang pangyayari dahil wala rin siyang love bones for romance writing.

Langya! Gusto ko na lang tumalon sa balon ni Sadaku. Patayin ko na lang kaya ang dalawang bida at nang ‘di na rin ma stress ang dalawang ‘yon sa kissing scene nila? Napangiwi siya. Medyo brutal Cam.

“Paano ba humalik?” mayamaya ay tanong niya.

Fine! She needs help.

“Gusto mong turuan kita?”

Naibaling niya ang tingin kay Crosoft. “’Yong basic lang, pwede?”

Natawa naman ito. “This is weird. Anong basic-basic ‘yang pinagsasabi mo, girl?”

Umisod ito palapit sa kanya at nang gawin niya ‘yon tumambol naman nang malakas ang puso niya. Gusto niya na yatang mag-back out. Napalunok siya bigla.

“Ah, eh, ‘yong wholesome kissing. Hindi ‘yong major, major, kissing talaga.” Meron ba nun?

“Baliw, anong tingin mo sa paghalik, subject? Kissing is not a subject woman. It’s a gift of affection that man or woman gives to his or her partner. It’s a sign of love and understanding.”

“Alam ko, abnoy ‘to. Okay, ikaw na ang master.”

He chuckled. “Fine, let’s start.”

Nang hulihin ni Crosoft ang tingin niya ay nagsimula na namang magwala ang puso niya. Nanlalamig ang mga kamay niya. Buti na lang at napipigilan niya ang panginginig ng mga kamay niya sa kaba. Cambria, relax lang. It’s just a kiss. Isipin mo na lang na bida ka sa isang drama.

“First, you have to look at each others eyes. Read what it says and make a connection. Now,” he moved closer to her.

Hindi niya alam kung tama ba ang nababasa niya sa mga mata nito. It was as if he wanted to take her now and devour her. Tila isa siyang prey na ano mang oras aatakihin nito. There’s even a glint of affection in his stares. Nakita na niya ang mga ganoong klase ng tingin sa mga drama at palabas sa TV. At isa ‘yon sa mga nakakakilig panoorin.

She felt his warm hands slowly caressing her neck. The other was on her back. Nahigit niya ang hininga nang ilapit nito ang mukha sa kanya. Kahit siguro hangin ‘di makakadaan sa sobrang lapit ng mga mukha nila.

“Touch,” bulong nito. Not tearing his eyes on her. “Put your arms on my neck Cam. C’mon, huwag kang kill joy.”

“Diba dapat mag-kiss muna bago ilalagay ng babae ang dalawang braso sa leeg ng lalaki?”

“Stop imitating a typical drama Cam.”

“’Yon naman talaga ‘yon, diba?”

“Yes, in a way. Okay, nevermind. When you’re about to kiss someone medyo awkward pa ang level n’yong dalawa, so you need to think kung paano kayo magiging comfortable sa isa’t isa. I’ll let you do it. Ikaw, saan ka mas komportable?”

“Ah. Eh.” Alanganing hinawakan niya ang mga balikat ni Crosoft. “Okay na ba ‘to?”

“Mangangalay ka. Isampay mo na lang ‘yang kamay mo sa balikat ko.” Ito na mismo ang nagsampay sa mga braso niya sa mga balikat nito. “The next thing is, I’m going to lower my face.” At bumaba ang tingin nito sa mga labi niya.

“And then?” takte ang puso ko!

“Kung aggressive ang bidang babae syempre siya ang mauuna, but if she’s so preserved and super wholesome, ang lalaki ang mauunang maglalapat ng labi nito sa babae.”

“So ikaw ang mauuna?” inosenteng tanong niya.

Crosoft chuckled and ended up burying his face on her neck. “So wholesome ka talaga?”

Pinalo niya ang balikat nito. “Baliw! Hindi naman ako kasing landi mong bakla ka.”

“Fine,” inangat nitong muli ang mukha sa kanya. Their eyes met. “I’m going to kiss you now.” Napalunok siya. Napansin yata ‘yon ni Crosoft kaya natawa ito nang bahagya.

Sa sobrang pagtatambol ng puso niya ay ‘di niya alam ang gagawin. Lalo nang isira ni Crosoft ang pagitan ng mga labi nila. She felt his warm soft lips on her lips.

Their lips were only touching.

“Close your eyes Cam,” He whispered. She closed her eyes. Naramdaman niya ang paggalaw ng labi nito sa kanya. “Part your lips a bit.” Na ginawa niya rin. Then she felt him nibbled her lower lip. “Kissed me back Cam.” Anas nito.

Paano? Sa isip niya. Panic mode nang slight. Hindi niya alam kung saan na naman siya hahawak. Sa leeg ba? Sa balikat ba? Sa huli sa mukha niya ito nahawakan.

Nabasa yata ni Crosoft ang iniisip niya. Natatawang iginiya ni Crosoft ang kamay niya pabalik sa leeg nito. She felt Crosoft’s lips formed a smile.

“Ang likot mo,” he said between kisses.

Crosoft pulled her closer. Payakap na hinalikan siya ni Crosoft. Hindi niya maintindihan ang sarili. Gumanti siya ng halik. Ginaya niya lang ang paghalik ni Crosoft sa kanya. Hindi niya alam kung natututo na siyang humalik pero feeling niya nakakasabay na siya sa bawat paggalaw at hagod ng labi nito sa mga labi niya. She opened her mouth more for him to taste and explore. She moaned as Crosoft deepened the kiss.

Para na silang nauubusan ng hangin pero ‘di pa rin nila magawang lumayo sa isa’t isa. She knew a kiss could be something like this. But she didn’t expect it was this addicted. Ganito ba talaga ang feeling ng taong hinahalikan? Wala naman siyang naalala seven years ago. Kasing tamis din ba ng halik ni Crosoft ang halik nito sa kanya noon?

Crosoft reached for her other hand. Inilapat nito ang palad niya sa may puso nito. She could almost feel his fast heartbeat. Lalo lang nitong pinalaliman ang halik. Her mind had shut down all her sanity without even protesting. Para siyang nababaliw sa halik nito.

Oh God!

“Let’s stop,”

His lips left hers. Pinagdikit naman nito ang mga noo nila. They were both out of breaths. Crosoft chuckled between catching his breath. Nagsimula namang mag-init ang mga pisngi niya. Syempre, natauhan na ako.

Crosoft held her still in his arms.

“H-Huwag nating kalimutang huminga.” Nang makabawi ay lumayo ito nang bahagya sa kanya. “Importanteng maipadama ng isang lalaki na mahal niya ang babae sa mga halik nito. A kiss is not only a kiss. May kahulugan ang bawat halik.” Crosoft kissed her forehead. “It means I care.” He kissed her cheeks. “It means you’re beautiful.” He kissed the side of her lips. “It means I’m dying to kiss you right now.”

Nang maglapit ulit ang mukha nila. Ibinalik ni Crosoft ang tingin sa mga mata niya. Napalunok siya ng wala sa oras. Malaki pa rin talaga ang epekto nito sa kanya. Pati puso niya sabik na sabik ulit na matikman ang halik nito.

“Kapag hinalikan kita sa labi. It varies, pwedeng lust o pwedeng mahal kita.”

Napakurap-kurap siya. Talagang wala siyang masabi. Lutang pa rin ang isip niya sa ginawa nila kanina. Ramdam na ramdam pa rin niya ang init ng mga halik nito. Ang problema, masusulat niya kaya ‘yon kung ganitong wala siyang ibang naaalala kundi ang ideyang masarap humalik si Crosoft.

“I hope that helps,” basag nito mayamaya.

“Huh?”

“Sabi ko sana may natutunan ka sa pa-demo natin kanina. Kung wala, ulitin natin.”

“A-Ano, ‘di okay na ako.”

“Hmm,” he nodded in response. “Kaso ako hindi pa okay.” Sa gulat niya ay siniil muli siya nito ng halik sa mga labi. Mabilis lang pero naloka talaga siya. Napakurap-kurap siya ng ilang beses nang tapusin nito ang halik. “Ang cute mo talaga my Cam.” Pinanggigilan nitong pisilinang mga pisngi niya bago siya iniwan. “Oy kinilig siya.”

Doon lang yata siya natauhan. Ang bwesit!

“Hoy! Bumalik ka rito.” Sigaw niya.

Huminto ito at nakangiting nilingon siya mula sa balikat nito. “I would love to baby but class dismissed.” Kinindatan siya nito bago naglakad palayo.

She was left dumbfounded. “Kadiri ‘to! As if mag-i-extend ako sa klase mo sir!” hmmp kainis, kainiskasi ‘di ako maka-get over sa halik mong gago ka. Naipadyak niya ang mga paa at marahas na naitapon sa ere ang notebook.

Ayoko na!









  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE