Satisfy your entertainment cravings whenever, wherever!



Cambria Velasco hopelessly fell in love with her gay bestfriend Crosoft D’Cruze. One drunken night, they found themselves in each other’s arms, naked under the sheets the next day. What's next?

HINDI pa rin nagpapakita si Crosoft.

Pati manager nito ay ‘di alam kung na saan na ito. Tinawagan na ni Cambria si Tita Dristina pero hindi raw umuwi si Crosoft sa probinsiya. Pati ang ina nito ay nag-aalala na.

Kanina kinausap siya ng manager nito. Itinanong nito sa kanya kung may alam siyang lugar na pwede nitong puntahan. Wala siyang maisagot. Pati siya walang idea kung na saan na nga si Crosoft. Dahil sa pagkawala nito bigla lalo lang lumakas ang paratang na guilty ito sa nangyari sa kanya.

Marami na itong nakatinggang trabaho at ‘yong iba ay pinapa-void ang contract ni Crosoft dahil sa issue. Hindi niya maiwasang maawa sa manager ni Crosoft. Kung sana alam niya kung na saan ito.

Pati siya nag-aalala na para kay Crosoft. Na saan na kaya ‘yon? Gusto na sana niya itong makausap kaso hindi pa rin ito nagpapakita sa kanila. Saan niya naman kaya pwedeng mahanap si Crosoft?

Binasa niya ulit ang huling message ni Crosoft sa kanya.

I’m sorry Cam – Crosoft

Napabuntong-hininga siya.

Saan ka na ba kasi Crosoft?

Nagsimula siyang tignan lahat ng mga pictures nila Crosoft sa photo album. Hindi niya maiwasang alalahanin ang mga oras kung kailan kuha ang mga larawan na ‘yon. Puro wacky at kulitan nila Crosoft ang kadalasang pose nila sa mga larawan. She couldn’t help but smile at those memories.

Kinuha niya ang isang picture. ‘Yon ‘yong picture na naka ngiti siya habang umiiyak. May hawak siyang mamon na may maliit na kandila sa gitna habang katabi si Crosoft. Selfie ang klase ng pagkakakuha nun. Her first birthday with him.

“University of St. Benedict,” usal niya na lang bigla.

Natigilan siya. Tama! Kung hindi siya nagkakamali.

Baka na sa USB si Crosoft.


1+4+3


HABANG naglalakad kanina sa buong university.

Hindi maiwasan ni Cambria na alalahanin ang mga kalokohan nila ni Crosoft noon. Halos walang pinagbago ang naturang unibersidad. Maliban lang siguro sa mga bagong building at pintura.

Linggo kaya walang tao. Buti na lang at ang dating guard pa rin ang nagbabantay kaya madali siyang nakapasok. Nakilala siya agad nito. Tama rin siya, nandito si Crosoft. Nabanggit kanina ni Manong GB si Crosoft.

Tahimik na hinanap niya ang dating classroom kung saan siya sinurpresa ni Crosoft hanggang sa makarating siya sa saktong classroom na hinahanap niya. Mula sa maliit na bintana ng pinto ay nasilip niya ang pamilyar na pigura ni Crosoft.

Nakayupyop ang ulo nito sa isa mga arm chair at hindi gumagalaw. Naalala niya ‘yong oras na naabutan siya ni Crosoft sa ganoong position. Baliktad nga lang at ito naman ang naabutan niyang malungkot. Maingat na pinihit niya ang seradura ng pinto pabukas. Hindi man lang ito natinag.

Tahimik na naupo siya sa bakanteng arm chair sa tabi nito. Napansin niyang magulo ang buhok nito. Parang kanina pa ito roon. Mabagal ang paghinga nito kaya alam niyang tulog ito. Ilang minuto yatang namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa nang biglang tumunog nang malakas ang alarm ng cell phone niya.

Bigla siyang nag-panic sa malakas na tunog na nilikha ng cell phone niya. Langya! Nakalimutan niyang i-off ang alarm niya sa cell phone. Ewan ba niya, kung bakit nagpa-alarm siya. Nagkumahog siyang kalkalin ang cell phone sa bag niya. Nang mahanap ang maingay niyang cell phone biglang may humablot nun mula sa mga kamay niya. Marahas na naiangat niya ang mukha.

“Crosoft –” singhap niya.

“Anong ginagawa mo rito?” malamig na tanong nito.

Medyo nasaktan siya sa malamig na pakikitungo nito sa kanya. Walangya ka talaga kahit kailan! Ako na nga ‘tong nag-reach out sa’yo ikaw pa ‘tong litseng bitter. Ito na mismo ang nagpatay sa alarm niya bago ibinalik sa kanya.

Ilang segundong namayani ulit ang katahimikan sa kanilang dalawa.

“Hinahanap kana nila,” basag niya. Hindi ito sumagot. Okay nice talking Crosoft. “Crosoft –”

“Bumalik ka na Cambria.” Napatingin siya kay Crosoft. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito. “Iwan mo na lang ako rito.”

Nainis lang siya lalo rito. Una, ayaw na ayaw niyang tinatawag siya nitong Cambria. Pangalawa nakakainis ang ugali nito. Sa asar niya ibinato niya lahat ng mentos na binaon niya mula sa bag.

“What the heck Cambria?!” asar na sigaw nito.

“Baliw ka ba?!” bulalas niya. “Sa tingin mo ba nagpakapagod akong pumunta rito para palayasin mo lang nang ganito? Nakakaasar ka na, alam mo ba? Hindi lang ako ang asar sa’yo pati buong bansa. Umayos ka kung ayaw mong ibitin kita patiwarik!” hiningal siya sa kakasigaw. Kabanas!

Silence.

“Cam,” muli siyang napatingin dito. “I’m sorry.” Kasabay ng pagyuko nito ang pagyugyog ng mga balikat nito. Crosoft was crying. “S-Sorry… because of me we lost our child.” He sobbed.

“Crosoft,” bulong niya.

“P-Patawarin mo ako Cam. Hindi ko sinasadya. I thought I’m doing the best thing for us. Akala ko kapag naayos ko na lahat ng problema namin ni Jeymes magiging okay na ang lahat. Kaya inilihim ko muna lahat sa’yo. Kung alam ko lang… k-kung alam ko lang na dahil doon mawawala sa atin ang anak natin. S-Sana… sana ‘di ko na lang itinago sa’yo ang lahat.”

“Sa loob ng ilang taon baon ko ang maling ginawa ko kay Jeymes. Masyado akong naging immature sa mga desisyon ko noon. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang kakaibang nararamdaman ko para sa’yo. Araw-araw pinapatay ako ng utak at puso ko ng tanong kung, ano nga ba talaga ako? Ayokong mawala sa akin si Jeymes pero ayoko ring mawala ka. If I could have you both in my life, then why should I choose?”

“Alam kong bakla ako. Pero hindi ko alam kung bakit biglang nagkaroon ng malisya ang pagmamahal ko sa’yo. I thought it was just a simple attachment dahil ikaw ang bestfriend ko, but it turned out that it was not just a simple feeling of attachment. It was different. It was more than that. Dahil doon hindi na ako naiintindihan ni Jeymes. Masyado na akong naguguluhan sa nararamdaman ko para sa’yo.”

“So, I asked Jeymes. I asked him, if I broke up with him will I have the second chance to be with him kung ‘di ako maging masaya kapag pinili kita. Nagalit siya sa akin. I offended him. I was a jerk. Hindi ko naisip na nagiging-selfish na ako. And that night happened. The truth is, hindi ako ganoon ka lasing nang gabing ‘yon. I never regretted that night. Nawalan lang ako ng tapang na harapin ka dahil na guilty ako. I took advantage of you. For pete’s sakes you’re my Cam. Pero nagawa ko ‘yon sa’yo.”

“Hindi bago sa akin ang lihim mong pagtingin sa akin. Alam ko ‘yon Cam.” Hinuli ni Crosoft ang tingin niya. Patuloy pa rin ang paglandas ng mga luha nito sa mga mata. “Pero binaliwala ko ‘yon dahil naisip ko na makakalimutan mo rin ang nararamdaman mo para sa akin. Kaya dinadaan ko lahat sa biro. Hindi ko alam na pinapalala ko lang pala ang lahat. Noong una ay biro lamang ‘yon hanggang sa masanay ako at hinahanap-hanap ko na ang pagmamahal na nakikita ko sa mga mata mo. It makes me feel unworthy of that love but at the same time gusto ko nang tanggapin ‘yon. A part of me wanted that love… the love that I always see in your eyes and from the way you look at me.”

“Hindi ko alam kung bakit iba ang hatid ng tawa at ngiti mo sa akin. Nagseselos ako kapag may lumalapit sa’yo na ibang lalaki. Nasasaktan din ako sa tuwing nakikita kitang malungkot at umiiyak. Dahil alam ko, isa ako sa dahilan kung bakit malungkot ka. ‘Langya kasi! Hindi ko kasi talaga maintindihan ang sarili ko noon. Mahal ko si Jeymes pero mahal din kita. I was caught up in a situation where I couldn’t choose.”

“Naisip ko na tama ka. I couldn’t give you the love you want. Mahalin man kita pero alam kong ‘di pa rin ‘yon sapat. It would still be unfair to you. Kaya mas pinili kong layuan ka at piliin si Jeymes. Dahil bakla ako. At ayoko nang saktan ka pa Cam. Pero hindi ko maipaliwanag kung bakit ‘di ko pa rin magawang kalimutan ang kakaibang nararamdaman ko para sa’yo. I began missing you. I missed your smell, your laugh, your voice – everything. Hindi ko namalayan na unti-unti na akong lumalayo kay Jeymes.”

“Nang makita kita sa pharmacy na nakatingin sa mga pregnancy test kit. Kinutuban ako na baka nga nag bunga ang gabing ‘yon. But I was too stupid enough na paniwalaan ang sinabi mong nagkakamali lang ako. Siguro dahil sobrang miss na miss lang talaga kita. Ang gusto ko lang noon ay ibalik ‘yong dating tayo. ‘Yong dating si Cam lang at si Crosoft. Pero ‘di ko alam kung saan ako magsisimula at kung paano ko ulit maibabalik ang dating tayo. ‘Cause I realized, Crosoft couldn’t live without his Cam. Pero peste kasi ‘yong pride ko! Hindi ko man lang magawang ibaba nang mga panahon na ‘yon.”

“C-Crosoft?” gumaralgal ang boses niya.

Nagsimula nang pumatak ang mga luha sa mga mata niya. Sa mga sinabi ni Crosoft sa kanya alam niyang mahal talaga siya nito. Hindi niya alam na naghihirap din pala ito sa panahon na iniisip niyang siya na yata ang pinakamalungkot at miserableng tao sa buong mundo.

Bigla itong lumuhod sa harap niya. Napatayo siya para pilitin itong patayuin.

“Crosoft! Ano ka ba, tumayo ka nga riyan.”

“I’m sorry Cam,” he sobbed. Sumalampak siya ng upo sa sahig at niyakap ito. “Nang gabi ng birthday mo hindi ako nakapunta dahil natakot ako sa pwedeng gawin ni Jeymes sa sarili niya. Pinapili niya ako sa inyong dalawa. Natakot ako na kapag pinili kita Jeymes would hurt himself. Pero hindi ko rin kayang piliin si Jeymes dahil patuloy lang naming sasaktan ang sarili namin. Kaya umalis ako. Pero nang bumalik ako wala ka na. Pinuntahan kita sa bahay n’yo pero wala na kayo roon.”

“P-Pinuntahan ko ‘yong restaurant kung saan dapat tayo magkikita. May isang crew na lumapit sa akin at tinanong kung ako ba raw ‘yong baklang gwapo na tinutukoy ng isang customer nila noon.” Hindi niya mapigilan ang matawa. Iyak pa rin nang iyak si Crosoft kahit na medyo nakakatawa na ‘yong huling sinabi nito. “Cam, huwag mo akong tawanan.”

“Sorry, sige na. Tapos?” pinigil niya ang matawa.

“Nakita niya kasi pangalan ko sa resibo ng order ko kaya niya ako nakilala. Tapos binigay niya sa akin ang iniwan mong sulat. Nalungkot ako dahil ‘di ko alam kung saan kita hahanapin. Pak juice! Maloka-loka ako sa kaiisip. Sa laki ba naman ng buong mundo malo-locate pa kaya kita sa mapa? But I tried my luck. Nagtanong-tanong ako. Ilang buwan akong naghanap sa’yo pero walang nakakaalam kung na saan ka na. So I gave up. Umalis ako ng bansa para magsimula ng bagong buhay.”

“After almost seven years someone told me nagtatrabaho ka sa MS kaya nagdesisyon agad akong bumalik sa Pilipinas. Tinanggap ko ang horror movie na gagawin mo kahit na takot na takot ako sa multo. Hindi mo alam kung ilang misteryo ng rosaryo ang dinadasal ko bawat shoot natin.”

Oh Crosoft! Niyakap niya ito nang mas mahigpit pa. Alam na alam niya kung gaano ito ka matatakutin. Torture nga talaga siguro para rito ang ginagawang movie. Pero tinanggap pa rin nito para sa kanya.

“This time, I told myself.” Pagpapatuloy pa rin nito. “I’m going to straight things up. Kahit na malaki ang posibilidad na ipagtabayun mo lang ako. But I’m willing to risk everything just to have another chance with you. And when that little girl showed up in front of me, introducing herself as my daughter. It brought too much happiness to me dahil nabigyan ako ng rason para lalong mapalapit sa’yo at sa anak natin.”

“Dahil doon mas naging determinado akong makuha ang puso mo. Hindi ko binabanggit sa’yo ang nangyari sa amin ni Jeymes dahil hindi pa ako handang ikuwento sa’yo ang lahat. Gusto ko, okay na kami ni Jeymes bago ko masabi sa’yo ang totoo. I have so many insecurities at bumabalik ‘yon sa tuwing nakikita ko kayong dalawa ni Alt. Lagi kong kini-question ang sarili kong kakayahan na mahalin ka. It reached me to a point na gusto kong baguhin ang buong pagkatao ko para sa’yo. I hated myself for being like this.”

“And because of that, hindi ko napansin na nasasaktan na pala kita. Na hindi ko pa rin magawang linawin sa’yo ang nararamdaman ko para sa’yo. Nang dahil doon nagalit ka at nasaktan. Nawala sa atin ang anak natin. Cam… napakasama ko. Ako ang dahilan kung bakit nawala ang baby natin.”

“Crosoft tahan na,” alo niya rito. “Hindi natin hawak ang buhay ng anak natin. Walang may gusto nun. Kaya huwag mo ng sisihin ang sarili mo.”

“Pero ang sakit. Ang sakit isipin na wala man lang akong nagawa para mabuhay siya. Sa tuwing naalala ko ‘yon walang araw na ‘di ko sinisi ang sarili ko. I don’t deserve you Cam. Hindi ko pa rin pala talaga kayang ibigay sa’yo ang pagmamahal na gusto mo. Kulang pa rin talaga. Kaya… kahit masakit… isusuko na kita kay Alt –”

“Gago ka!” itinulak niya si Crosoft.

Napasinghap siya nang tumama ang likod ng ulo nito sa arm chair. He cursed. Bigla naman siyang na guilty kaya mabilis na dinaluhan niya ito at niyakap. Masuyong hinagod niya ang ulo ni Crosoft.

“Sorry, sorry,” nakagat niya ang ibabang labi. “O-Okay ka lang ba?” tanong niya. Kumalas siya sa pagkakayakap dito at sinipat ang mukha nito. “Sorry Crosoft.”

“Bakit ba napaka-brutal mo sa akin kahit sa mga seryosong bagay?”

Imbes na mainis ay natawa lang tuloy siya. Ang cute kasi ni Crosoft kahit na annoyed na. Ganitong pulang-pula pa ang mga mata nito sa kakaiyak. Para kasi talaga itong bata kung umiyak.

“Eh ikaw naman kasi! Bakit mo ba ako ibinibigay kay Alt? Sinabi ko bang iiwan kita? Sinabi ko bang sasama ako sa kanya? ‘Langya ka naman Crosoft eh. ‘Yan ka! Hindi ka pa rin nagbabago.”

“Bakla ako Cam!”

“Eh ano naman kung bakla ka?!”

“Mamahalin mo pa rin ba ako?”

“Minahal nga kita na bakla ka, ngayon pa kaya?!”

“Kahit na ‘di ko maibigay sa’yo ang pagmamahal na gusto mo?”

“Ang pagmamahal mo, plus, ang pagmamahal ko, equals, sapat na ‘yon.”

“Kahit na minsan nagka-crush ako sa mga lalaki?”

“Subukan mo at makakatikim ka sa akin!”

“Sabi mo mahal mo ako kahit na bakla ako?”

“’Di joke lang,” niyakap niya ulit si Crosoft. “Okay lang magka-crush ka basta ba hindi local guys. Sa Hollywood lang pwede para ‘di mo reach.” Diba galing siya doon? Ah ewan!

“Ikaw talaga,” sumilay na ang isang ngiti sa mukha nito.

“And please don’t change. Hindi lang ikaw ang minahal ko. Kasama na rin ang buong pagkatao mo. Please Crosoft huwag mo ng sasabihin sa akin na iiwan mo ako. Nilamon ko na lahat ng move on plans ko para sa’yo. Sawang-sawa na akong mag move on na laging epic fail.”

Natawa ito. “Ako rin.”

Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at pinihit siya paharap dito. Naramdaman niya ang init ng palad ni Crosoft nang hawakan nito ang pisngi niya. Nagtama ang mga mata nila. Nakita niya ang pagmamahal sa mga mga mata nito. Ang tunay na pagmamahal na matagal na niyang hinihintay mula kay Crosoft. She wanted to cry but this time, it would be because of too much happiness.

Bumaba ang tingin nito sa mga labi niya. Lumakas naman ang tibok ng puso niya nang ibalik nito ang tingin sa mga mata niya. Napangiti siya. Naipikit niya ang mga mata nang maglapat ang mga labi nila. Oh how she missed his kisses so much. Ramdam na ramdam niya ang pagmamahal ni Crosoft sa mga halik nito.

Ikinuwit niya ang dalawang braso sa leeg nito. She opened her mouth for him as he deepened the kiss. Pinagsawa nilang pareho ang mga sarili sa isa’t isa. Ibinuhos lahat ng pagmamahal at pangungulila sa halik na ‘yon. She could kiss him forever without getting tired of it and alam niyang ganoon din si Crosoft. Kaya bago pa sila dalhin sa kung saan inilapat niya na ang dalawang palad sa dibdib nito para pagilan ito.

Hinihingal na sinubukan niyang magsalita. “Bwesit ka talagang bakla ka wala ka talagang pinipiling lugar.” Aniya, sabay kurot sa mga pisngi nito. “Landi mo, eh.”

Natawa naman ito. “Sa’yo lang naman. Ayaw mo bang mag-reunion muna?” muli siya nitong siniil ng halik sa mga labi.

“Crosoft!” sita niya rito sabay tulak rito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. “Behave ka!” duro niya kay Crosoft. “Marami ka pang kasalanan sa akin.”

“Gusto ko ng umiyak ulit.” He buried his face on his palms.

“Baliw,” she poked his shoulder. Umalingaw-ngaw ang malakas na tawa ni Crosoft. Pati siya nahawa at natawa na rin. “Ang galing mo talagang artista, eh, ‘no?”

“Seven plus four plus three, equals?”

“Ano ba talagang meaning niyan?” nakangusong balik tanong niya kay Crosoft. Hayan na naman ito sa mga math numbers na ‘yan.

“Alamin mo kasi.”

“Walang hint?”

“Wala –” He quickly kissed her again on the lips. He stood up and extended his hand at her. “Halika na,” hinawakan niya ang kamay nito before Crosoft pulled her up on her feet.

Hinila na siya nito palabas.

“Saan tayo pupunta?”

Sinulyapan siya nito mula sa likod.

“I’m going to talk to our second baby. Hihingi ng sorry ang daddy niya at sasabihin niyang mahal na mahal siya ng daddy niya.”

Napangiti siya. She was touched by what Crosoft said. Pinigilan niya lang talaga ang maluha. Sawa na rin kasi talaga siyang umiyak.

Hindi siya sanay sa drama.

Horror ang genre niya.


1+4+3


“THANKS Alt. We’re on our way.”

End call.

Naisandal ni Cambria ang likod sa upuan ng sasakyan. Hindi siya makapaniwala sa ibinalita ni Alt sa kanya. Ilang beses siyang napakurap. Mabilis naman ‘yong napansin ni Crosoft.

“What’s wrong?” bakas ang pag-aalala sa boses nito.

Panaka-nakang sinusulyapan siya nito dahil nagda-drive ito. Nakagat niya ang ibabang labi. Paano niya ba sasabihin kay Crosoft ang masamang balita? Ilang araw ring namatay ang issue ng miscarriage niya simula nang magpakita si Crosoft. Nagsalita na rin ito tungkol sa issue, pero mukhang hindi lang ganoon ka simple ang lahat.

“Cam,” naramdaman niya ang paghawak nito sa kamay niya. Naingat niya ang mukha kay Crosoft. Sandaling sinulyapan siya nito bago itinuon ulit ang mga mata sa daan. “Please, tell me.”

“Crosoft may problema,” simula niya. “May nagkalat sa internet ng mga pictures mo noong college. Mga pictures natin – nila Jeymes.”

“What?!” bigla nitong na i-park ang sasakyan sa gilid ng daan. “Paanong nangyari ‘yon? I deleted my old facebook account and social media. Paanong may nakuha pa sila? Damn!” out of frustration, Crosoft slammed his hand on the sterring wheel.

“Hindi ko alam,” halos pabulong na sagot niya.

Tumunog ang cell phone ni Crosoft. Mabilis na sinagot nito ang tawag. Hula niya ay ang manager nito ang tumatawag. Her mind was shut down for a moment. Sinusubukan niyang alalahanin kung sino ang pwedeng magpakalat nun.

Sunod-sunod ang problema. Ito na nga ba ang kinatatakutan niyang mangyari. Naipikit niya ang mga mata. Kakatapos lang noong una. Heto at may isa na naman.

“Cam,” naimulat niya ang mga mata.

“Crosoft,” napapatitig siya sa mukha nito.

Ngumiti naman ito. Kahit papaano ay nabawasan ang bigat ng kalooban niya. Masuyong hinawakan nito ang kamay niya at pinisil ‘yon.

“Huwag kang mag-alala. Everything will be alright.”

“Anong sabi ng manager mo?”

“It’ll be okay,” ‘yon lang at pinaandar na ulit nito ang sasakyan. Kahit hindi nito sabihin alam niyang apektado rin ito sa issue. You’re such a good actor Crosoft. “Anyway, pupuntahan ba natin si Alt sa MS?”

“Hindi, nasa bahay sila ngayon. Inuwi niya si Danah galing sa school.”

“Anong nangyari kay Danah?”

“Nakipag-away sa school. Long story, sa bahay na lang natin pag-usapan.”

“Okay,”

Pagdating nila sa bahay ay naabutan nilang nag-uusap sa sala si Alt ang tatay niya. Naputol ang pag-uusap ng dalawa nang makita sila ni Crosoft na pumasok.

“Alt, si Danah?” tanong niya agad.

“She’s upstairs. Ayaw niyang makipag-usap sa akin or even to Tito Roman.”

“What happened?” tanong ni Crosoft.

“Nakipag-away siya sa kaklase niya nang sabihin nitong bakla si Crosoft.” She felt him stiffen on her side. “Alam n’yo naman si Danah, she’s a bit sensitive. Mukhang nasaktan siya sa panunukso ng kaklase niya tungkol sa ama niya kaya nainis siya at hinila ang buhok ng ibang kaklase niya. At dahil ‘di nakapunta si Tito Roman dahil sa rayuma ay ako ang tinawagan niya para sunduin si Danah.”

Nang balingan niya si Crosoft, tulala ito at mukhang may malalim na iniisip.

“Okay, thanks Alt.”

“Anyway, I have to go.”

“Salamat ulit Alt,” ani ng tatay niya.

“Wala hong problema. Tatawagan na lang ulit kita mamaya Bria. Pinapatawag ako sa MS.”

Tango lang ang ibinigay niya kay Alt bago ito tuluyang umalis. Hinawakan niya sa isang braso si Crosoft. “Dito ka muna. Ako na muna ang kakausap kay Danah.” Tahimik na tumango lang ito.

Hinawakan niya ang mukha ni Crosoft at masuyong tinapik ang pisngi nito. Kalungkutan at pag-aalala ang bumakas sa mukha nito. Ngiti naman ang isinagot niya rito.

“Huwag kang mag-alala. Hindi magagalit si Danah sa’yo.”

“Hindi naman ‘yan ang iniisip ko. Paano kung ma-disappoint ko siya? Ayokong malungkot si Danah dahil ganito ang daddy niya.”

“Huwag ka ngang nega.” Bumaba ang kamay niya para hawakan ang dalawang kamay nito. “Danah loves you so much. Matatanggap ka niya.”

Tipid ang ngiting tumango si Crosoft.

Naabutan niyang umiiyak ang anak sa silid nito. Tahimik na isinarado niya ang pinto sa likod at lumapit dito. Pulang-pula na ang mga mata at pisngi nito. Tumataas-baba ang likod nito habang hawak ang isang larawan na sira at punit-punit na. Pilit itong inaayos ng anak. Kung hindi siya nagkakamali ay ito ang unang picture ni Danah kay Crosoft. Biglang bumigat ang puso niya nang makitang iniiyakan ‘yon ng anak.

“Danah?” tawag niya nang makalapit siya sa anak. Mabilis na yumakap si Danah sa kanya.

“M-Mommy, ang bad nila. Sinira nila ang picture ni daddy!” hikbing sumbong agad nito sa kanya. “Ang papangit nila… sabi nila gay daw si daddy… ‘di naman eh. ‘Di naman ‘yon true, diba?” naingat ng anak ang mukha nito sa kanya. She cupped her face and wiped the tears on her face with her thumb. “Mommy?”

“Baby, kahit ano paman ang daddy mo. Mahal na mahal ka niya.”

“P-Pero… a-ayoko… ayoko pong inaaway nila ang daddy ko.”

“Let them. Huwag kang makipag-away sa kanila. Sa tingin mo ba magiging happy ang daddy mo kung makikipag-away ka dahil sa kanya?” nang ‘di makasagot ang anak ay niyakap niya muli ito. Hinaplos-haplos niya ang buhok nito. “Mahal na mahal tayo ng daddy mo. Kahit anong sabihin nila tungkol sa Daddy mo huwag mo silang pansinin. Always remember that Danah.”

“Ayoko po kasi ma sad si daddy.”

“Hindi sad si daddy hanggat mahal ni Danah ang daddy niya.”

“H-Hindi po iiyak si daddy?”

Inalayo niya nang bahagya ang anak. Pinisil niya ang tungki ng ilong nito. “Iiyak lang ang daddy mo kapag umiyak ang Danah niya. Kaya ngumiti ka na riyan. Baka kapag nakita ka ng daddy mo na umiiyak ay umiyak na rin ‘yon.”

Napangiti siya nang ngumiti na si Danah. Kahit na pulang-pula pa ang mga mata nito ay ‘di man lang nabawasan ang ka-cute-an ng anak niya.

“Mommy, nandito ba si daddy?”

Tumango siya. “Nasa ibaba siya.”

Mabilis na nakababa ng kama si Danah at lumabas ng silid. Nakangiting sinundan niya ang anak hanggang sa makababa ito ng hagdan.

“Daddy!” sigaw ni Danah. Gulat na napalingon si Crosoft na kasulukuyang kinakausap ng tatay niya sa ibaba ng hagdanan. Crosoft immediately bent on his knees para salubungin ang yakap ng anak. “Daddy I love you!”

Sakto pagbaba niya nakita niya ang pagngiti ni Crosoft habang yakap nito si Danah. Nakaharap ang mukha nito sa kanya kaya kitang-kita niya ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ni Crosoft. Medyo nag-init din ang sulok ng mga mata niya. Kaya dinaan niya na lang sa pagngiti ang lahat.

“Baby, I love you too.”

“Daddy hindi na po ako makikipag-fight sa kanila kasi sabi ni mommy masasa-sad ka raw. Ayoko po sad kayo dahil sa akin. Gusto ko happy lagi ang daddy ko.”

Inalayo nang bahagya ni Crosoft ang anak. Mahinang natawa naman siya nang parang batang pinunasan ni Crosoft ang mga luha sa mga mata nito. Cute!

“I love you anak.” Hinalikan nito sa noo ang anak.

“Daddy huwag po kayong iyak.”

“Tears of joy ‘to anak. Huwag kang panira ng trip.” Sabay na natawa ang mag-ama. Pinupog ng halik ni Crosoft ang mukha ni Danah. “Mahal na mahal kita anak. Tandaan mo ‘yan, ha?”

“I love you too din po daddy.”

Muling niyakap nito si Danah. Napatingin naman si Crosoft sa kanya.

“Thank you Cam,” he mouthed.

Ngiti lang ang ibinigay niya rito. Her smile was enough to answer him.


  • (0 reader review/s)

Comments

YOU MAY ALSO LIKE